"YOU?" nanlalaki ang mga matang sambit ni Marya nang makilala niya ang lalakeng sumakay din sa taxi na pinara niya. Mabilis pa sa alas kuwatrong uminit ang kaniyang dugo nang maalala ang pambabastos nito sa kaniya.
"Yeah me!" baliwalang saad ni Judas 'tsaka tinapunan ng tingin ang driver. "Go manong."
"No! Wait." mabilis na pinigilan ni Marya ang driver at matalim na tingin ang ipinukol nito sa binata. "This is my taxi." aniya.
Natawa naman ng pagak si Judas. "Really?" tanong pa nito. "Okay! Manong, sino ang unang sumakay sa amin dito?" tanong nito nang balingan niya ng tingin ang driver na ngayo'y magkasalubong ang mga kilay na nakatingin na rin sa kanilang dalawa.
"Me." muling sagot ni Marya at napatingin din sa driver. "Ako ang unang pumara sa 'yo manong." giit pa nito.
"Si manong ka ba? I'm not asking you pero ikaw ang sumasagot." anang Judas pagkuwa'y umiling ito habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.
Inirapan lamang ni Marya ang lalake. "Come on! Ako ang nauna rito kaya bumaba ka na." aniya.
"No. I'm in a hurry."
"So am I."
"Teka lang po ma'am, sir." singit nang driver sa kanilang dalawang. "E, saan po ba kayo pupunta?" tanong nito.
"Bulacan." kunot ang noo at nagkatinginan ang dalawa nang sabay silang sumagot. Mabilis namang lumipad sa ere ang isang kilay ni Marya at muling inirapan ang binata.
"E, saan po ba sa Bulacan?"
"Santa Maria." sabay na muli nilang sagot.
"E, kung ganoon po ay sabay na po kayo." anang driver.
"No."
"Sure."
Nagkasabay na naman silang nagsalita. Kunot ang noo at nagpalipat-lipat ang tingin nang driver sa dalawa. Naguguluhan na napakamot na lamang ito sa kaniyang ulo.
"No problem with me." turan ni Judas 'tsaka nag kibit ng mga balikat. Prenteng isinandal ang likod nito sa upuan.
"But there's a problem with me." mataray na saad ni Marya.
"Then, go out. Find another taxi as simple as that." saad ng binata.
"What? Are you kidding me? Ako nga ang naunang pumara dito at ako ang naunang sumakay sa ating dalawa. So that means, ikaw ang lumabas dito mister." pagalit na saad ni Marya.
"Pasensya na po kayo ma'am. Pero baka naman po puwede pumayag nalang po kayo na sabay na kayo ni sir. Tutal naman po at malaki ang espasyo sa taxi ko." muling pag singit nang driver. "Kasya naman po kayong dalawa ni sir dito e!"
"Exactly." pag sang-ayon ni Judas sa sinabi nang lalake.
"Argh."
Iyon lamang ang narinig ni Judas mula sa dalaga. What a nice morning. Sa loob-loob nito. Kung sinusuwerte ka nga naman. Mabuti nalang pala at hindi pa dumadating ang kotse niya na pinadala niya sa talyer kagabi. Dahil doon ay nagkaroon siya ng pagkakataon na muling makita ang dalaga. To be honest, kagabi pa siya nag iisip ng paraan kung saan niya ito hahanapin at saan ito muling makikita. And it seems na sang-ayon sa kaniya si tadhana ngayong araw at ito na mismo ang gumawa ng paraan para muli silang magkita. Ewan ba niya kung ano ang nangyari sa kaniya kagabi nang makita niya ito doon sa bar niya. Hindi naman siya ganoon kapag nakakakita ng magandang babae. But last night was different. Bigla siyang may naramdaman na kakaiba sa sarili niya na hindi niya maipaliwanag. O baka naman hindi niya lamang matanggap sa kaniyang sarili na hindi niya ito nakuha kagaya sa kaniyang inaasahan? Hindi kagaya sa ibang babae na ura-uradang nakukuha niya kahit sa isang ngiti niya lamang.
"Cool na po ba kayo ma'am?" tanong ni manong driver kay Marya mayamaya.
Isang malalim na buntong-hininga lamang ang pinakawalan ni Marya sa ere. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Kaysa naman mag bilad ulit siya sa arawan kakahintay ng taxi.
MAHABA-HABA na rin ang natatahak na kalsada nang taxi'ng kinalululanan nina Marya at Judas. Habang nasa biyahe ay tahimik lamang na nakatingin ang dalaga sa labas ng bintana. Samantalang abala naman sa kaniyang cellphone ang binata. Mayamaya ay may nilabas itong pagkain mula sa bulsa nang kaniyang leather jacket.
"You want mani?" alok nito sa tahimik na dalaga.
Biglang nag salubong ang mga kilay ni Marya. Matalim na titig ang ipinukol niya sa lalake nang lingunin niya ito.
"Bastos!" aniya.
"What? I didn't say anything. I'm just asking if you like peanut." anito. "Bakit ano ba ang iniisip mo?" tanong nito pagkuwa'y mabilis na sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi.
Mabilis na naningkit ang mga mata ni Marya habang nakatingin pa rin ito sa binata. Inirapan niya itong muli mayamaya nang hindi niya na makayanan na salubungin ang tingin nito sa kaniya.
Natawa ng pagak si Judas. "Ang green minded mo naman." aniya.
"Shut up! I don't want to hear you talking." inis na saad nito.
"Bakit ba ang taray mo sa 'kin? Kagabi ka pa a!" sa halip ay turan ni Judas at muling pinuntirya ang maning kinakain niya.
Napapikit ng mariin ang dalaga kasabay ng pagpapakawala nito ng malalim na buntong-hininga. "¡Dios! ¿Es esto una especie de broma? ¿Por qué necesito ver a este maniaco en este momento?" God! Is this some kind of joke? Why do I need to see this maniac right now? Aniya sa sarili.
Mabilis pa sa alas kuwatrong napalingon si Judas sa gawi nang dalaga ng marinig niya ang tinuran nito. "Excuse me?"
"Tu cara."
Lihim na napangiti na lamang si Judas dahil sa mataray na babaeng ito. Sunod-sunod itong napailing at muling itinuon ang paningin sa labas ng bintana. "Ayaw mo talaga ng mani?" muling tanong nito.
"Mabulunan ka sana." bulong ni Marya.
"Saying something?"
"Huwag mo akong kausapin, hindi naman kita kilala."
"Oh! I'm sorry my bad." anito at mabilis na isinubo ang mani na nasa palad niya. Ipinagpag nito ang palad sa suot niyang pantalon 'tsaka iyon inilahad sa dalaga. "Judas by the way." pagpapakilala nito. "You are?"
"Not interested." sa halip ay saad nito at muling tinarayan ang binata.
"Nice name. Nice to meet you not interested." pagbibiro na lamang nito at binawi ang kamay na hindi naman tinanggap ng dalaga. Mukhang nacha-challange siya sa pagtataray nito sa kaniya.
"DITO nalang ako manong." anang Judas sa driver. Kaagad namang humimpil sa gilid ng kalsada ang taxi. "Libre na kita sa pamasahe miss..."
"May pera ako. Ano ba'ng akala mo sa 'kin?" mataray na saad ni Marya na hindi manlang nag abalang tapunan ng tingin ang binata.
Wala namang nagawa si Judas kundi ang mapakibit-balikat na lamang at nag abot ng pera sa taxi driver 'tsaka tahimik na umibis doon.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Marya nang tuluyan ng mawala sa kaniyang paningin ang lalake at muling umandar ang taxi. Hanggang sa pumara iyon sa tapat nang isang malaking bahay. Pagkababa niya pa lamang sa sasakyan ay kaagad niyang natanaw sa labas ng gate ang kaniyang kaibigan na si Gracia. Kagaya niya'y malapad din ang ngiti nito sa mga labi.
"¡Hola! ¿Cómo estás?" bati ni Gracia sa dalaga.
Mabilis namang yumakap si Marya sa kaibigan. "Hola! Te extrañé mucho." Hi! Namiss kita ng sobra. Anito at hinalikan sa magkabilang pisngi si Gracia nang mag hiwalay sila sa mahigpit na yakapan.
"¡Dios mío, Marya. Bakit ganiyan ang hitsura mo?" nagtatakang tanong ni Gracia habang sinisipat nito ng tingin ang dalaga. Tila ang laki ata ng ipinagbago nito kumpara no'ng isang taon, ang huli nilang pagkikita sa Madrid. Hindi niya matukoy kung sadyang sexy lang ito o talagang pumayat ito ngayon. "Kumakain ka pa ba?"
"Wala na kasing makain e!" pagbibiro nito na sinundan pa ng tawa.
"Ikaw talaga!" saad na lamang ni Gracia. "Halika at tumuloy ka. Nandito ang asawa ko at ipapakilala kita sa kaniya." aniya.
"Excited akong makita ang kambal mo hindi ang asawa mo." anang Marya at mabilis na ipinulupot ang mga kamay sa braso ng kaibigan at magkaagapay na nag lakad papasok sa mataas na gate.
"Sabi ko nga." natatawang saad nito.
Pagkapasok pa lamang nila sa malawak na sala ay kaagad na bumungad sa paningin ni Marya ang malaking crib na naroon sa gilid nang sofa habang may lalake namang nakayuko roon at tila nilalaro ang kambal.
"Chico, nandito na si Marya." tawag ni Gracia sa kaniyang asawa. Kaagad namang napalingon sa gawi nila ni Marya si Octavio.
"¡Oh! ¡Qué marido tan guapo, eh!" Oh! What a handsome husband huh! Biglang sambit ni Marya sa kaibigan habang nakatitig ito sa guwapong mukha ni Octavio. Nakita na niya ito isang beses sa picture, pero ang hindi niya lamang inaasahan ay mas guwapo pa pala ito sa personal. "Inggit ako bigla."
Napahagikhik naman si Gracia dahil sa tinuran ng kaniyang kaibigan. "Sa ganda mong 'yan sigurado akong mas guwapo pa sa Chico ko ang magiging asawa mo." aniya.
"Yo espero que sí." I hope so. Nakangiting anito.
Naglakad palapit sa dalawang babae si Octavio matapos nitong laruin ang kambal. Kaagad nitong hinapit sa baywang ang asawa nang salubungin siya nito.
"Chico, si Marya pala kaibigan ko. Marya, si Octavio ang asawa ko." pagpapakilala ni Gracia sa dalawa.
Kaagad namang inilahad ni Octavio ang kaniyang palad sa dalaga upang pormal na magpakilala rito. "Hi, Marya! Nice to meet you."
"My please, Octavio."
"Mabuti naman at nag punta ka rito sa amin. Matagal na rin kasi itong asawa ko na nangungulit na makita ka." anang Octavio.
"Sorry again, Gracia. Sadyang busy lang talaga ako." anang Marya nang tapunan nito ng tingin ang kaibigan. "And about sa kasal ninyo, sorry din kung hindi ako nakarating. Nagkaroon lang talaga ng problema sa negosyo ko." paghingi nitong muli ng pasensya sa mag-asawa.
"Ano ka ba! Sabi ko naman sa 'yo okay lang 'yon. 'Tsaka hindi naman natuloy e dahil lumabas ang kambal. Pero sa susunod na plano naming ikasal ni Chico, mag tatampo na talaga ako sa 'yo kung hindi ka dadating." anang Gracia.
"No worries! You have my word." itinaas pa nito ang isang palad hudyat upang mangako sa kaibigan na dadating na talaga ito sa araw ng kasal nito sa susunod. "By the way, can I see the twin?" mayamaya ay tanong nito sa mag-asawa.
"Halika! Sakto at kagigising lang ng mga ito." anang Gracia at kinalas ang braso ng asawa na nakapulupot sa kaniyang baywang. Iginiya niya si Marya palapit sa malaking crib. "Tingnan mo sila, bess."
"¡Oh! Qué lindos angelitos tienes, Gracia." Oh! What a cute little angels you have, Gracia. Malambing na saad ni Marya habang mataman nitong tinitingnan ang dalawang paslit na nagkakawag sa loob ng crib. "Ano ang pangalan nila?" yumuko ito at hinawakan ang maliliit na kamay nang kambal.
"Ito si Kiwi at ito naman si Kaki." malapad ang pagkakangiti sa mga labi ni Gracia nang ipakilala niya ang dalawang anak sa dalaga.
"Oh! So cute." anito na mas lalong lumapad ang pagkakangiti sa mga labi. "Buti at pumayag ka na pangalanan ng ganoon ni Gracia ang mga anak ninyo, Octavio?" tanong ni Marya sa asawa nang kaniyang kaibigan nang tapunan niya ito ng tingin.
Mabilis na nag kibit-balikat ang lalake. "She's the boss." sagot nito at kinindatan ang asawa.