"KUMUSTA ka naman?" tanong ni Gracia kay Marya. Matapos laru-laruin ng dalaga ang kaniyang kambal kanina ay inaya niya itong mag tungo sa hardin at ng doon ay makapag-usap sila ng maayos. Si Octavio na ang nag bantay sa dalawa tutal at hindi naman iyakin ang kanilang mga anak.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Marya sa ere pagkuwa'y uminom sa juice na ginawa ni Gracia para sa kaniya. "Okay naman ako! Medyo stress lang sa problema ko sa negosyo." anito.
"Bakit ano ba'ng nangyari sa kapehan mo?"
"E, naaalala mo si Mr. Chua? 'Yong pinagkautangan ko noon ng pera?" tanong nito na sinagot naman ng tango ni Gracia. "Naniningil na siya. At ang sabi niya kung hindi ako makakabayad sa susunod na buwan ay gagawin niyang kulateral ang coffee shop ko. And I can't allow that to happen, Gracia. Masiyadong mahalaga para sa akin ang coffee shop ko para basta nalang ibigay sa ibang tao." pagkukuwento nito.
"Mahirap nga 'yon bess." anang Gracia. "E paano 'yon? Magkano ba ang utang mo sa Mr. Chua na 'yon?" tanong nito.
"5M." tipid na sagot nito.
"Hayaan mo, susubukan ko kay Chico kung—"
"Huwag na!" mabilis na saad nito upang pigilan sa pagsasalita ang kaibigan.
"Pero malaking problema 'yon Marya."
"Lo sé. Alam kong malaking problema 'yon pero hayaan mo na ako. 'Tsaka hindi naman ako nagpunta rito para humingi sa 'yo ng tulong." anito. "Makakahanap din ako ng ibang paraan para makabayad sa utang ko. Huwag mo ng isipin 'yon." dagdag pang saad nito.
"Paano naman hindi ako mag-iisip, Marya? Kaibigan kita kaya kung ano ang problema mo, problema ko na rin. 'Tsaka isa pa, para naman makabawi manlang ako sa mga tulong mo sa akin noon nang nasa Madrid pa tayo." giit pa ni Gracia. What friends are for kung hindi sila magtutulungan hindi ba? Noong nasa Madrid pa sila, madalas itong si Marya ang tumutulong sa kaniya sa lahat ng bagay. Financial man o hindi. At ngayon, ito lamang ang pagkakataon niyang makabawi sa kaibigan sa lahat ng kabutihan nito sa kaniya pero tinatanggihan pa nito.
"Basta, huwag mo ng alalahanin ang problema ko."
"Marya..." muling semeryoso ang hitsura ni Gracia habang mataman itong nakatitig sa dalaga.
"Okay fine! Ganito nalang. Hihingi ako sa 'yo ng tulong kapag wala na talaga akong maisip na ibang paraan. But for now, hayaan mo na muna ako. Kaya ko 'to."
Wala sa sariling nagpakawala na lamang ng malalim na buntong-hininga si Gracia. Oo nga pala! Sa kanilang dalawa, itong si Marya ang mas matigas ang ulo kaysa sa kaniya. Hindi nito ugaling humingi ng tulong sa kahit kanino man. Kahit noong mga bata pa lamang sila. Hanggat alam nitong kaya nitong gawan ng paraan ang isang problema ay kikilos ito ng mag-isa. At isa iyon sa mga katangian ng dalaga na hinahangaan ni Gracia dati pa. Marya can survive without asking a help from others. Malakas ang loob nito at palaban. Hindi kagaya niyang iyakin na nga, mahina pa ang loob.
"Sige na nga! Basta, kung kailangan mo talaga ng tulong tawagan mo lang ako. Puedo ayudarte en cualquier momento." tutulungan kita kahit ano'ng oras. Turan nito.
"¡gracias!"
"Ma'am Gracia..." nahinto sa pag-uusap ang dalawa nang sumulpot sa likuran nila ang kasambahay ni Gracia. Sabay pang napatingin ang mga ito sa babae. "Tinatawag po kayo ni sir Octavio. Saglit lang daw po." anito.
"Wait lang, Marya huh!" anang Gracia sa kaibigan 'tsaka tumayo sa kaniyang puwesto.
"Sure! Take your time."
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Marya sa ere nang makaalis na sa tabi niya ang kaibigan. Mayamaya ay tumunog ang kaniyang cellphone na nasa ibabaw nang bilog na lamesa. Kinuha niya iyon. Nag message pala sa kaniya si Handa na kaaalis lamang nito sa kaniyang apartment upang mag tungo sa Antipolo. Mabilis namang nag tipa ang dalaga sa screen niyon upang magpadala rin ng tugon. Sige ingat ka! Just tell Noah, next week ako pupunta.
"Oh! What a lucky day today! We see each other again."
Napaangat ang mukha ni Marya nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon na nasa 'di kalayuan mula sa kaniyang puwesto. Kunot ang noo na napatitig siya sa lalakeng ngayon ay nag sisimula ng mag lakad palapit sa kaniroroonan niya.
"Should I call this coincidence or destiny?" saad pa nito.
"What are you doing here?" sa halip ay kunot ang noo na tanong ni Marya.
"You? What are you doing here Miss Not Interested?" bagkos ay balik na tanong din ni Judas sa dalaga.
"Sinusundan mo ba ako?" mataray na tanong nito.
Natawa naman bigla ng pagak si Judas. "Me? Why would I do that? I mean, I know this place at ito talaga ang sadya kong puntahan dito sa Bulacan." saad nito.
"Oh! Come on! Don't play around mister. Kung wala kang gagawin dito just leave before I call the security. You are trespassing and—"
"Judas!"
Naputol ang pagsasalita ni Marya nang marinig niya si Gracia na papalabas na ng main door. Nakangiti ito na nag lakad palapit sa kanila ng binata.
"Nandito ka na pala!" anang Gracia.
"Hi!" bati ng binata sa kaniyang hipag pagkuwa'y hinalikan ito sa pisngi.
Kunot ang noo na ipinagpalipat-lipat ni Marya ang kaniyang paningin sa dalawa. "Magkakilala kayo?" takang tanong nito.
"Oo. Bakit?" anang Gracia. "Magkakilala rin kayo?" tanong nito.
Sa halip na sagutin ng dalaga ang katanungan ni Gracia, muling lumipad sa ere ang isang kilay nito at inirapan ang binata na nakangiting nakatingin sa kaniya.
"Siya si Judas, kapatid ni Octavio." muling saad ni Gracia.
"Kapatid ng asawa mo?" mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito. Tumango naman si Gracia.
"Wait! You two are friends or something?" agaw na tanong ni Judas.
"Oo, Judas! Kaibigan ko si Marya." nakangiting pagpapakilala ni Gracia sa kaniyang kaibigan sa binata.
"Oh! So, your name is Marya! Not not interested. Now I know. What a beautiful name. Nice to meet you."
"I'm not glad to meet you." aniya at muling tinarayan ang binata.
Mabilis na nangunot ang noo ni Gracia dahil sa mga sinabi ng kaniyang kaibigan. Ipinagpalipat-lipat nito ang kaniyang paningin sa dalawa. "Teka lang! Magkaaway ba kayo?" tanong nito.
"Yeah!" Marya.
"No!" Judas.
Sabay na sagot nilang dalawa.
"Magkakilala kayo?"
"No." Marya.
"Yeah!" Judas.
Muling sabay na sagot ng mga ito.
"I mean, we meet last night. But I don't know her name. Tapos sabay kami kanina habang papunta na rito sa Bulacan. I didn't know na magkaibigan pala kayo at dito rin siya pupunta." anang Judas sa kaniyang hipag.
Makahulugang tinitigan ni Gracia ang dalawa. Mayamaya ay napangiti ito ng malapad.
"¿Por qué sonríes?" Ba't ka nakangiti? Magkasalubong ang mga kilay na tanong ng dalaga. Kilala ni Marya ang klase ng ngiti nito ngayon. Alam niyang sa mga sandaling iyon ay may naglalaro sa isipan nito na hindi niya gusto.
"Wala! Halina nga kayo sa loob at doon tayo mag-usap." nakangiti pa ring saad nito at mabilis na nag iwas ng tingin sa kaibigan. Agad itong tumalikod upang muling mag lakad papasok sa kabahayan.
"What?" mataray na tanong ni Marya sa binata nang mahuli niya itong nakatingin sa kaniya.
Nag kibit ito ng mga balikat 'tsaka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Bueno, solo quería decir que... no soy un maníaco cariño." Well, gusto ko lang sabihin na... I'm not maniac honey. Anito 'tsaka tumalikod na rin upang sumunod sa kaniyang hipag.
Tigagal na naiwan mag-isa sa hardin si Marya habang sinusundan ng tingin ang binata. He can speak spanish? Sa isipan nito. Ang akala niya'y hindi ito marunong magsalita ng espanyol dahil hindi naman ito nag react kanina nang sabihan niya ito ng maniac habang nasa biyahe pa sila.
"SO, I'm gonna go." saad ni Marya habang hawak-hawak nito ang kamay ng kaibigan. "I'm happy to see you again, Gracia. And of course, masaya rin akong makilala ang asawa mo at makita ang mga anak mo."
"Ako rin. Masaya ako na makita ka ulit."
"Alagaan mo ng mabuti ang mga pamangkin ko huh! At ikaw, Octavio..." anito nang tapunan ng tingin ang asawa ni Gracia. "Please do me a favor, huwag mong sasaktan itong kaibigan ko huh? Nako! Sinasabi ko sa 'yo... kahit saang lupalop ng mundo ka mag tago oras na pinaiyak mo ulit itong kaibigan ko, hahanapin kita."
Napangiti na lamang ng malapad si Octavio dahil sa mga tinuran ng dalaga sa kaniya. "I would rather hurt myself that hurting my wife, Marya. I loved her very much."
"Mabuti na 'yong maliwanag." anito. "Paano, aalis na ako. May kailangan pa kasi akong gawin."
"Mag iingat ka rin. Bumalik ka ulit dito huh!" anang Gracia at ginawaran ng halik ang magkabilang pisngi ni Marya.
"How about you, Judas? Are you not leaving?" tanong ni Octavio sa kaniyang kapatid nang lumapit ito sa kanilang puwesto.
"Pinapaalis mo na ba ako kapatid ko?" sa halip ay balik na tanong nito.
"What I mean is, isabay mo nalang si Marya para hindi na siya mahirapang mag commute."
"Me? No I'm okay." mabilis pa sa alas kuwatrong saad ni Marya nang mapatingin siya sa gawi ni Judas. "I'm fine." aniya nang akma na sana itong magsasalita.
"Sumabay ka na, Marya. Tutal at nagkasabay naman na pala kayo kanina papunta rito." anang Gracia.
"No I'm fine."
"Minsan lang ang taxi diyan sa labas kaya mahihirapan kang maghintay."
"It's okay."
"Marya huwag ng matigas ang ulo. Sige na Judas, isabay mo na ang kaibigan ko. Mag iingat kayo." giit pa ni Gracia pagkuwa'y hinila sa kamay ang kaibigan at ang kaniyang hipag palabas ng kanilang bahay.
"Gracia—"
"Mag iingat kayo."
"Bye!" anang Judas sa hipag 'tsaka hinalikan ito sa pisngi at nag lakad na palapit sa kotseng nakaparada sa garahe.
Malalim na buntong-hininga na lamang ang pinakawalan ni Marya sa ere pagkuwa'y matalim na titig ang ipinukol sa kaniyang kaibigan. "I hate you!" aniya.
"I love you, bye!" malapad ang ngiti na saad ni Gracia.
"Let's go." anang Judas 'tsaka ito lumulan sa drivers seat.
Inis na binuksan na lamang ni Marya ang pinto sa back seat at doon ay lumulan.
Kunot ang noo na napalingon naman sa kaniya ang binata. "En serio señora? No soy tu conductor." Seriously madame? I'm not your driver. Anito.
"May pakialam ba ako?" nakataas ang isang kilay na saad nito at ipinag ikes ang mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib. "This is Octavio's car, so ibig sabihin ikaw ang driver. Now, go on sweetheart. I'm in a hurry." anito.
"Damn it!" inis na bulong ni Judas sa kaniyang sarili.
"Parang ngayon pa lamang ay nakikita ko na ang future ni Marya at ng kapatid mo, Chico." nakangiting saad ni Gracia sa kaniyang asawa habang magkayakap silang nakatanaw sa sasakyang papalabas na sa kanilang garahe.
"You do, babywife?"
Sunod-sunod na tumango si Gracia 'tsaka ipinilig ang ulo sa dibdib ni Octavio. "Malakas ang pakiramdam ko."
"Sana nga! Para naman magtino na ang kapatid kong 'yon." anang Octavio at ginawaran ng halik ang noo ng kaniyang asawa.