CHAPTER 1
MABILIS na ipinulupot nang babae ang kaniyang mga braso sa leeg ni Judas at walang paalam na hinalikan ito sa mga labi. Judas didn't hesitate to response the torrid kiss she did. Mabilis pa sa alas kuwatrong lumanding ang mga palad ng binata sa puwet nang babae. Pinalo niya iyon 'tsaka nanggigigil na hinimas-himas. Hanggang sa ang malikot nitong mga palad ay nag landas na rin patungo sa baywang, tiyan at dibdib nang babae. Napaungol pa ito nang marahas at paulit-ulit na pisilin iyon ng binata. Mayamaya'y parehong kapos sa hangin ang dalawa nang putulin ni Judas ang lumalalim na naman nilang halikan.
"Bye babe! See you tomorrow?" tanong ng babae.
"I'll call you baby." anang Judas.
Mabilis na nanulis ang nguso nang babae dahil sa sinabi ng binata. "Baka mamuti na naman ang mga mata ko kakahintay sa tawag mo!" saad nito. "Kung hindi pa kita pinupuntahan dito sa office mo hindi pa kita makikita." tila nag tatampo pang dagdag nito.
"I'm just busy, Affie." anang Judas.
"Tss! Afra." inis na pagtatama nito sa kaniyang pangalan na sinabi ni Judas. Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga kasabay ng pag-irap sa binata. "It's Afra, babe. Not Affie. Don't tell me hanggang ngayon hindi mo pa rin kabisado ang pangalan ko? O, baka naman may iba ka pang kinakalaro kapag hindi tayo nagkikita?" saad nito at namaywang pa. Seryosong pinakatitigan ang binata.
Bigla namang natawa ng pagak si Judas. Sa halip na sagutin ang babae ay nag lakad ito palapit sa sofa na naroon sa sulok ng kaniyang opisina. Kinuha ang kaniyang tshirt at isinuot iyon. Isinara nito ang zipper ng kaniyang pantalon. Mayamaya ay muli niyang hinarap ang babae. "I know it's Afra, I'm just kidding." turan nito. "Blame yourself baby kung bakit palagi kong nakakalimutan ang pangalan mo after we had s*x, it's because you're so good. I feel like I'm missing out on the right thought pagkatapos ng nakakapagod na tagpo sa ating dalawa." saad nito at ngumiti ng nakakapang-akit pagkuwa'y kumindat sa babae.
Muling napangiti ng malapad si Afra dahil sa mga tinuran ni Judas sa kaniya. Mayamaya ay nag lakad ito ulit palapit sa binata. Ikinawit ang isang braso sa leeg nito habang ang isang kamay naman ay dumiretso sa tapat ng dibdib nito. "I enjoyed it babe." aniya. "A lot. But at the same time, nakakabitin din." dagdag pa nito.
"Next time, we'll do that for longer. Nabitin din naman ako." turan ni Judas at hinapit sa baywang ang babae para iparamdam dito ang kaniyang sarili.
"Oh! I can feel it babe." kagat labing unggol nito.
"You can always feel it baby." turan ni Judas at muling inangkin ang mga labi nang babae.
Matapos ang muling pagtatalas ng kanilang mga labi'y humiwalay na ang babae sa kaniya. Dinampot nito ang handbag na nasa ibabaw ng couch. "I'm gonna go. Bye! See you." saad nito 'tsaka nag lakad na palabas.
"Woaw!" anang Uran nang pagbukas nito sa pintuan ng opisina ni Judas ay isang babae ang kaagad na bumungad sa kaniya. "Hi..." bati pa nito nang ngumiti ang babae sa kaniya. "Really, bro?" anito at saglit na tinapunan ng tingin ang pinsan pagkuwa'y muling sinundan ng tingin ang babaeng papalayo na. "In your office? During working hours?" magkasunod pang tanong nito 'tsaka nag simulang humakbang papasok at isinarado ng tuluyan ang pintuan.
"What are you doing here?" sa halip ay kunot ang noo na tanong ni Judas habang inaayos nito ang nag kalat na mga gamit sa ibabaw ng kaniyang lamesa. Dinampot din nito ang iilang papeles na nag kalat sa sahig.
"You, what are you doing bro?" natatawa pang ulit na tanong ni Uran. "May motel naman pero bakit dito mo pa ginagawa ang ritwal mo?" pagbibiro pang tanong nito.
"Why do I have to go out if I can do it right here?" tumawa ito ng pagak. "And they're always insisted to me kapag nag pupunta sila rito. Pinagbibigyan ko lang sila. Ganiyan tayo kabait." umangat pa ang mga balikat ito.
"Iba ka talaga Judas Ildefonso." napapailing na lamang na saad nito.
"We're the same Ildefonso." anito habang nasa labi pa rin ang nakakalokong ngiti. Humakbang ito palapit sa counter na nasa sulok ng kaniyang opisina at binuksan ang alak na naroon. Nag salin ito sa kaniyang rock glass. "You want?" alok nito sa pinsan.
"No thanks." aniya. "So, this is not the first time I saw her. Don't tell me—"
"Come on! She's nothing. She's just one of my flings, Uran." mabilis na turan nito dahilan upang hindi na matapos ni Uran ang iba pa nitong nais sabihin. Umupo sa kaniyang swivel chair ang binata. Sumimsim ito sa kaniyang alak.
"I thought one night stand is enough for you and—"
"Tss! Let's not talk about it right now, bro. Hindi naman importante 'yon." muli nitong pinigilan sa pagsasalita ang pinsan. "So, what brought you here by the way?" sa halip ay pag iiba nito sa kanilang usapan.
"I have meeting with you Mr. CEO." saad nito.
Mabilis namang itinaas ni Judas ang kaniyang kamay upang silipin doon ang orasang pambisig. "It's eleven in the morning. Mamayang hapon pa ang meeting natin." kunot ang noo na saad nito.
"Exactly. E, may lakad kasi ako mamayang hapon. I don't think if I can make it kaya pinuntahan na kita rito." aniya. "Is it okay with you kung sa susunod nalang natin pag-usapan ang tungkol sa proposal ko?" tanong nito.
"Sure! No problem. May pupuntahan din naman akong importante mamaya. Maybe we can talk about it next time." anang Judas. "But how about tonight, Hang Out, are you free?" dagdag pang tanong nito sa pinsan.
"Pass muna ako bro. Nag lalambing si mama na mag dinner kami sa labas. Alam mo namang bawal humindi sa kaniya."
"A mama's boy huh!" saad nito at biglang napangiti.
"Loko! May pogi at macho bang mama's boy?" pag sakay nito sa biro ng kaniyang pinsan.
"Yeah! You."
Mabilis namang napailing si Uran dahil sa kalokohan nitong pinsan niya. "I'm gonna go by the way. Dumaan lang talaga ako rito para ipaalam sa 'yo ang tungkol doon." aniya.
"Okay! Send my regards to tita and tito." saad nito at tumango pa bago muling lumabas ng kaniyang opisina si Uran.
MALAKAS na tunog ng alarm clock ang nagpagising sa masarap na tulog ni Marya. Inaantok man ay pilit itong kumilos sa kaniyang higaan upang abutin ang alarm clock na nasa ibabaw ng kaniyang bedside table. Pinatay niya ang isturbong aparato 'tsaka muling nag talukbong ng kaniyang kumot.
"Argh!" inis na inalis nito ang pagkakatakip ng kumot sa kaniyang mukha nang tumunog naman ang kaniyang cellphone. Kinapa niya iyon sa tabi niya. Hindi na nag abala ang dalaga na tingnan ang screen ng kaniyang cellphone at basta niya na lamang sinagot ang tawag sa kaniya.
Marya, where are you?
Boses ng isang babae ang bumungad sa kaniya sa kabilang linya.
"Apartment. Still sleepy." inaantok namang sagot niya.
What? Gulat na saad nang babae. Jesus! It's almost twelve in the afternoon, Marya. Kanina pa ako naghihintay sa 'yo.
Mabilis na nailayo ng dalaga sa tapat ng kaniyang tainga ang aparato dahil sa galit na boses ng kaniyang kaibigan.
"You're loud, Handa." inis na saad niya rito. Kung nasa harapan niya lamang ito ngayon paniguradong pinanlakihan niya na naman ito ng mga mata.
Marya naman! I've been waiting for you for almost an hour. Ang usapan natin kahapon before twelve magkikita tayo sa coffee shop. But look at you, tanghaling tapat na pero ang sarap pa rin ng hilata mo diyan samantalang ako ito at namumuti na ang mga mata at buhok ko kakahintay sa 'yo. Alburuto pa nitong muli.
"I'm sorry. I forgot to tell you last night na may lakad ako kagabi at late na ako nakauwi sa apartment. And I'm—"
And you're drunk again! Mabilis na saad nito upang siya na ang tumapos sa nais sabihin ni Marya sa kaniya. Wala sa sariling napabuntong-hininga ng malalim ang babae. You should've told me last night na uunahin mo pa pala ang paglalasing mo kaysa ang importanteng lakad natin. Hindi 'yong hinayaan mo lang akong maghintay dito sa wala. Magkahalong tampo at inis na saad pa nitong muli. At puwede ba, Marya... tigilan mo na 'yang kakainom mo! Ano ba'ng gusto mong mangyari sa buhay mo? Diyan sa atay mo? Ano ba ang balak mong mangyaring? Sunod-sunod na tanong pa nito.
Kasabay nang mariing pagpikit ng kaniyang mga mata'y napahawak din sa kaniyang sintido ang dalaga nang maramdaman ang labis na pagkirot doon. Kumikirot ang kaniyang sintido hindi lamang dahil sa kaniyang hang over kundi maging sa nakakarindi at matinis na boses ng kaniyang kaibigan na ngayo'y nagagalit na naman sa kaniya. Panigurado si Marya na mahaba-habang panenermon na naman ang magaganap ngayon kung hindi niya pa puputulin ang tawag nito.
"Please! Not now, Handa. I'm still sleepy. Kung sesermunan mo na naman ako tungkol sa pag-iinom ko kagabi, okay fine! Pero huwag ngayon." mahinang saad nito. Halata sa boses nito ang pinaghalong katamaran at antok.
My God, Marya. Sumasakit din ang ulo ko nang dahil sa 'yo. Turan pa nito. Bumangon ka na riyan at maligo. Hihintayin kita ngayon dito sa coffee shop.
"Handa—"
I said right now, Marya. Pagalit na saad nito 'tsaka pinatayan ng tawag ang dalaga.
Inis na napabuntong-hininga ng malalim si Marya pagkuwa'y ibinato ang kaniyang cellphone sa sofa na nasa paanan ng kaniyang kama.
"Argh! I'm still sleepy. Nakakainis ka talaga." alburutong saad nito sa sarili 'tsaka pilit na bumangon sa kaniyang higaan. Kahit masakit ang ulo at nahihilo pa'y pinilit niyang mag lakad papasok sa banyo para maligo. Panigurado kasi siya, kung hindi siya kaagad kikilos ngayon ay tuluyan na siyang tatamarin mamaya. At panigurado rin siyang susugurin siya ng kaniyang kaibigan sa kaniyang apartment kung paghihintayin niya itong muli ng ilang oras doon sa coffee shop.
Muling napadaing ang dalaga nang maramdaman niya ang labis na pagkirot ng kaniyang sintido habang nasa ilalim na siya ng shower. Parang pakiramdam ni Marya ay unti-unting binibiyak ang kaniyang ulo sa mga sandaling iyon. Nasobrahan nga talaga siya sa pag-inom ng alak sa nag daang gabi. Ewan niya kung ano'ng oras na siya nakauwi sa kaniyang apartment. Hindi na nga rin niya maalala kung sino ang huli niyang kasama at nag hatid sa kaniya pauwi.
"Argh! I really hate you, Handa." inis na saad nitong muli 'tsaka dahan-dahang binuksan ang shower. Pigil ang pagtili nang dumaloy ang malamig na tubig sa buo niyang katawan.
MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Marya habang nakatayo siya sa harap ng full size mirror. Saglit niyang ipinilig ang kaniyang ulo pagkuwa'y sinipat ang sarili. Suot ang White tube cropped top and ripped jeans. Nakalugay ang kulay tsokolate at wavy na buhok niya na hanggang balikat ang haba. Isinuot nito ang malaking sunglasses para maitago ang lumalaki na niyang eyebags dahil sa sunod-sunod na gabing pag-iinom at pagpupuyat niya.
Nang makatanggap siya ng text message galing sa kaibigan ay dinampot na niya ang handbag pati ang susi ng kaniyang sasakyan na nasa ibabaw ng kaniyang kama. Medyo nahihilo pa siya habang naglalakad palabas ng kaniyang apartment.
Banayad lamang ang pagpapatakbo ni Marya sa kaniyang sasakyan kahit maluwag ang kalsada sa kahabaan ng high way. Bukod kasi sa nahihilo ay medyo inaantok pa rin siya. Kanina pa nag babantang bumagsak ang kaniyang mga talukap na pinipilit naman niyang labanan. And it's Handa's fault. Dapat natutulog pa rin siya sa mga sandaling iyon kung hindi siya inisturbo nito.
"Argh! Jezz! Wake up, Marya!" anito at bahagya pang sinampal ang sarili para magising.
Mayamaya ay napapikit ito ng mariin at sunod-sunod na muling napahikab. Saktong pagkamulat niya ng kaniyang mga mata'y nakita niya ang sasakyan na nasa unahan niya. Huli na nang maapakan niya ang preno ng kaniyang sasakyan at nabangga na niya ang likuran niyon.
"Ahhh." sigaw nito 'tsaka napasubsob sa kaniyang manibela. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili. Hindi naman malakas ang pagkakabangga niya sa kotse kaya hindi siya nasaktan. "Oh God! Jesus, what did I do?" kinakabahang tanong nito sa sarili habang nakayuko pa rin.
Biglang napaangat ang mukha ni Marya nang may sunod-sunod na kumatok sa bintana ng kaniyang kotse. Mabilis itong napalunok ng kaniyang laway. Tila nag dadalawang isip pa ito no'ng una kung haharapin ang galit na lalake.
"I-I'm sorry. I'm sorry I didn't saw you." mabilis niyang paghingi ng paumanhin sa lalake nang maibaba niya ang salamin ng bintana.
"You didn't saw me? Damn it! Miss, you hit my car and now you're just saying sorry?" galit na saad nang lalake pagkuwa'y yumuko upang pantayan ang dalaga na nasa drivers seat. "I will call a cop." tiim bagang na saad pa nito.
"Cop?" biglang nanlaki ang mga mata ni Marya at wala sa sariling napatitig sa lalake. s**t! Sa isip-isip ng dalaga. Ito ang pangalawang pagkakataon na madadala siya sa presinto dahil sa katangahan niya.