"I SAID let me go." singhal ni Marya sa lalake nang muli siya nitong pigilan sa kaniyang braso. Ramdam ng dalaga ang higpit ng pagkakahawak nito sa kaniya. Nanggigigil, marahil dahil sa ginawa niyang pag sampal dito kanina. "Bastos! Ano ba! Sabing bitawan mo ako e!" akma na sanang aangat ang isang kamay ni Marya na may hawak ng kaniyang hand bag upang ihampas iyon sa pagmumukha nang lalake, ngunit mabilis din namang kumilos ang kamay nito at hinuli ang kaniyang isang kamay.
"Did you know that you are the only woman who slap me?" tanong nito sa seryosong boses. Bigla ring nag igting ang panga nito pagkuwa'y matalim na titig ang ipinukol sa dalaga. Sa tanang buhay niya, no one slapped him. Tanging itong babae lamang. Damn! Sa isip-isip ni Judas.
Bigla namang nakaramdam ng kaba at takot sa dibdib niya si Marya nang maaninag niya ang madilim nitong mga mata.
Kahit nag uumpisa ng makaramdam ng panghihina ang kaniyang mga tuhod, pinilit ng dalaga na patatagin ang kaniyang sarili. Nag taas ito ng noo at ubod lakas na binawi mula sa lalake ang kaniyang braso. Nagtagumpay naman siyang gawin iyon. Muntikan pa nga siyang matumba nang mawalan siya ng balanse dahil sa mataas na takong ng kaniyang heels. Mabuti na lamang at may taong nasa likuran niya na siyang sumalo sa kaniya. Iyon ang waiter na kumuha sa kaniyang order kanina.
"I'm not a prostitute if that's what you think mister." galit at malakas na saad ni Marya sa lalake dahilan upang mapatingin sa kanilang direksyon ang iba pang customer na naroon at malapit lamang sa kanila.
Natawa naman ng pagak si Judas dahil sa tinuran ng dalaga. "Really?" anito at muling pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Marya. Napangiti rin ito ng nakakaloko pagkuwa'y.
"Alam mo bang puwede kitang kasuhan dahil sa pambabastos mo sa 'kin ngayon huh?" singhal ni Marya nang makaramdam siya ng kilabot sa buo niyang katawan dahil sa klase ng titig na ginawa ni Judas sa kaniya. Para bagang sa klase ng titig nito ay hinuhubaran na siya nito sa mga sandaling iyon. Ramdam niyang tumatagos sa kaibuturan niya ang mga mata nito.
"M-ma'am... pasensya na po kayo." anang isang babae na nag mamadaling lumapit sa kanilang puwesto. Ito siguro ang manager ng bar na iyon.
"Is he your customer?" mataray na tanong ni Marya at binalingan ng tingin ang babae.
"A—" mag sasalita pa lamang sana ito, ngunit kaagad naman siyang sininyasan ni Judas dahilan upang hindi nito ituloy ang sasabihin.
"Hindi dapat kayo nagpapapasok dito ng bastos na customer." saad pa ni Marya.
"I'm sorry again ma'am. I'll take the responsibility kung anuman po ang nagawang mali ni sir sa inyo. Kung may reklamo po kayo, you can talk to me... I'm the manager in this Bar." saad pa nang babae gamit ang malumanay nitong boses. Bahagya pa itong ngumiti sa dalaga.
Sa halip na sagutin ang babaeng nagpakilalang manager sa bar na iyon, muling tinapunan ni Marya ng tingin ang bastos na lalake. Mas lalo siyang nakaramdam ng inis dito nang ngumiti itong muli sa kaniya ng nakakaloko. Nanggagalaiti talaga siya sa mga sandaling iyon. Kung nakakamatay nga lamang ang matalim na titig, sigurado si Marya na nakabulagta na ito ngayon sa kaniyang harapan.
"Kung naghahanap ka ng babaeng bayaran mister, huwag ka rito mag hanap." saad pa ni Marya bago walang paalam na tumalikod at nag mamadali ng lumabas sa bar na iyon.
"Are you okay sir?" tanong nang babae kay Judas mayamaya.
"Yeah!" tipid na sagot nito pagkuwa'y napahawak sa kaniyang pisngi. Ramdam niya pa rin ang hapdi roon dahil sa malakas na pagkakasampal nang dalaga sa kaniya kanina. "Did you know her?" tanong nito.
"Um, hindi po sir e! Bagong customer po natin." sagot nito.
"Okay! Thank you! Go back to your work." anito 'tsaka muling bumalik sa kaniyang puwesto kanina.
MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Marya sa ere pagkalabas pa lamang niya sa bar na iyon. Sa gabi-gabing pag labas niya at pagpupunta sa mga bar para mag inom at magpakasaya kasama ang mga kaibigan niya, ito ang unang beses na naranasan niyang mabastos. Hindi niya talaga lubos maisip na mangyayari iyon sa kaniya sa gabing iyon. Kung minamalas ka nga naman o! Sa isip-isip nito at nakapamaywang na tumingala sa madilim na kalangitan.
"Marya, what are you doing here?" tanong nang babae na lumapit sa kinatatayuan ng dalaga.
"I think I should go. Nawalan na ako ng gana." aniya sa kaibigan.
"What? Why? What happened?" nagtatakang tanong nito.
Muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Marya 'tsaka naglakad palapit sa sasakyan ni Handa na hiniram niya kanina. "I should go. I'm sorry, pero kayo na lang ang mag party. Bye!" aniya at tuluyan ng lumulan sa drivers seat at binuhay ang makina ng sasakyan.
Pagkarating niya sa kaniyang apartment ay nadatnan niyang gising pa si Handa. Nasa sala ito at nanunuod ng palabas. Kunot ang noo at nagtataka pa itong napatingin sa orasan na nasa itaas ng pader.
"Akala ko inumaga na ako rito sa pinapanuod ko." anito at muling sumubo sa pop corn na kaniyang kinakain mag mula pa kanina. "How's the party, bakit ang aga mo ata?" tanong nito.
Pabagsak na umupo sa tabi ni Handa si Marya pagkuwa'y kinuha ang baso ng tubig nito na nasa center table at ininom iyon. "Nawala ang gana ko." tipid na saad nito.
Mabilis namang napalingon sa kaniya ang kaibigan. "Really? How come? I thought, party is life!" tila ayaw pa nitong maniwala sa mga tinuran ni Marya sa kaniya.
"May bastos na lalakeng lumapit sa 'kin kanina habang nasa bar ako at naghihintay sa mga kasama ko. Akala niya siguro prosti ako." inis pa ring saad nito at muling napairap nang maalala ang hitsura nang lalake kanina.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Handa pagkuwa'y ibinaba ang mga paang nakapatong din sa sofa. "Sinasabi ko naman sa 'yo una palang hindi ba? Hindi lahat ng tao sa loob ng bar ay party at inuman lang ang balak na gawin. Rude people are everywhere, Marya." saad nito. Mayamaya ay tiningnan din nito ang hitsura ng dalaga. "And look at yourself? Sino ba naman kasing lalake ang hindi maiinganyo na lapitan ka kung ganiyan ang hitsura mo, Marya?" anito.
Kunot ang noo na napatingin si Marya sa kaniyang sarili. "Why? What's wrong with my dress?" tanong nito.
Mabilis na pinaikot ni Handa ang kaniyang mga mata at napaismid sa kaibigan. "You looked like a prosti..."
"Handa!" nanlalaki ang mga matang saad ni Marya sa dalaga. "Of course ganito ang susuotin ko kasi party 'yon. Alangan naman mag suot ako ng pantulog." saad pa nito.
Ito naman ang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Hay nako! Huwag na tayong mag talo tungkol diyan. Mabuti pa'y mag bihis ka na at ng matulog na tayo kung ayaw mong humaba na naman ang usapan natin ngayon." saad nito pagkuwa'y tumayo sa kaniyang puwesto. Naglakad ito papasok sa kusina bitbit ang basong kaniyang ginamit kanina, maging ang pop corn na hindi niya na naubos kainin. Ayaw na niyang mag bigay ng payo o bigyan ito ng sermun ngayon gayo'ng alam naman niyang hindi rin nito pakikinggan at susundin ang mga sasabihin niya. Mag sasayang lamang siya ng kaniyang laway. "By the way, I received a call from Gracia kanina. Tinatawagan ka raw niya hindi ka niya makontak." anito.
"Why?"
"Dunno!" kibit-balikat na sagot nito nang makalabas ng kusina.
"Okay tatawagan ko na lang siya bukas."
"And by the way again. Are you not coming with me tomorrow? Bibisitahin ko si Noah."
Saglit na ipinikit ni Marya ang kaniyang mga mata habang nakasandal ang kaniyang ulo sa ibabaw ng sandalan ng sofa. "Next week ako pupunta sa kaniya."
"Okay!" tipid na saad ni Handa 'tsaka ito nag lakad na papasok sa kuwarto ni Marya.
KINABUKASAN naalimpungatan si Marya dahil sa malakas na tugtog mula sa labas ng kaniyang kuwarto. Umagang-umaga, pero si Handa ayon at binulabog na naman ang mahimbing niyang pagkakatulog. Kahit inaantok pa man ay pilit na lamang na bumangon sa kaniyang kama ang dalaga. Ugali pa naman niyang kahit gaano siya kaantok kung naisturbo na ang kaniyang tulog ay mahihirapan na siyang makatulog ulit. Inis na naglakad palabas ng kaniyang silid si Marya. Nadatnan niya sa sala si Handa na nag sasayaw na naman ng zumba. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit minsan ayaw niyang pumayag na nakikitulog ito sa kaniyang apartment. Isturbo sa kaniya.
"Good morning." bati ni Handa sa kaibigan nang dumaan ito sa kaniyang harapan.
"Nothing is good in my morning." kunyari ay naiinis na saad nito.
Napangiti lamang ng malapad si Handa. Mayamaya ay tumigil ito sa pagsasayaw at pinatay ang tugtog. "Are you leaving?" tanong nito pagkuwa'y sumunod sa kaibigan sa kusina.
"I'm going to Bulacan."
"Mag taxi ka na lang. 'Yong kotse mo kasi mamayang hapon pa raw ihahatid dito."
"Can I use your car instead?"
"Hindi puwede! Ako naman ang mahihirapan mag commute mamaya." anang Handa. "At isa pa, baka pati ang kotse ko ibangga mo. Mabuti ng nag iingat."
"Ang sama mo sa 'kin nitong mga nakaraan ano?" nakaismid na saad ni Marya pagkuwa'y nag salin ng fresh milk sa kaniyang baso at ininom iyon.
Tanging pagak na tawa lamang ang ginawa ni Handa dahil sa mga tinuran ng kaibigan.
TIRIK NA TIRIK ang araw. Pinagpapawisan at naiinitan man ngunit wala namang magawa si Marya kundi ang tumayo sa gilid ng kalsada at mag hintay ng taxi na dadaan sa kaniyang tapat. May halos sampong minuto na siyang naghihintay doon, ngunit tila wala ata siyang mapapala sa kaniyang ginagawa.
"Ma'am kung naghihintay po kayo ng taxi, doon po tayo banda. Bawal po kasi rito." anang traffic enforcer na lumapit sa dalaga.
Kasabay ng pag-irap nito sa hangin ay ang pagpapakawala nito ng malalim na buntong-hininga bago naglakad. Kaya naman pala wala siyang maparang taxi sa kinatatayuan niya kasi bawal doon.
"Taxi!" tawag ni Marya sa taxing papalapit na sa kinatatayuan niya. Pagkahinto niyon sa kaniyang tabi ay kaagad niyang binuksan ang pintuan sa back seat at sumakay doon. Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat ng dalaga nang mula sa kabilang pintuan ng sasakyan ay may sumakay ding isang pasahero.