CHAPTER 3

2117 Words
"SO, you are the owner of this coffee shop?" tanong ni Uran kay Marya habang magkaharap silang nakaupo sa isang pandalawahang lamesa na nasa sulok ng kapehang iyon. Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi ng dalaga kasabay ng pagtango nito. "Yeah!" "Nice place." anang Uran pagkuwa'y muling inilibot ang paningin sa buong paligid. "Thank you! Actually, pinagtulungan namin ni Handa ang paggawa ng design and pagpili ng motif nito. And I'm so happy na naging maayos naman ang result niya." pagkukuwento pa ni Marya sa binata. "You have a good taste to be honest." "Yeah?" "Yeah!" anito na may ngiti pa rin sa mga labi. "Maiba pala ako. When did you come home?" tanong nito. "Um, last month pa actually. A-attend kasi sana ako sa kasal ng kaibigan ko kaya ako umuwi rito." aniya. "I see." napapatangong saad nito pagkuwa'y matamang pinakatitigan ang dalaga. "Um..." anang Marya at nag iwas ng tingin dito nang bahagya siyang makaramdam ng pagkailang dahil sa klase ng titig nito sa kaniya. "¿Qué hay de tí?" How about you? "I'm good and I'm—happy to see you again." ngumiti ito ng malapad 'tsaka muling sumimsim sa kaniyang kape. "I went back to the park the next day, akala ko kasi makikita ulit kita roon. Pero ang sabi no'ng batang kasama mo the day na nagkakilala tayo, wala ka raw." dagdag pa nito. "Why?" wala sa sariling tanong ni Marya. "I mean, I just want to see you again." Nag kibit ng balikat niya ang dalaga. "Biglaan kasi ang pag-uwi ko rito. Nagkaroon din ng problema itong negosyo ko." aniya. "Well, hindi naman talaga nawawalan ng problema ang isang negosyo." anang Uran. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Yeah! You're right. And I think I'm going crazy because of this problem." pag sang-ayon nito sa sinabi ng binata sa kaniya. "Just don't lose hope. Kaya mo 'yan." Muling napangiti si Marya kay Uran. "By the way, ano pala ang ginagawa mo rito? Kailan ka pa umuwi rito?" tanong niya kagaya sa naging tanong nito sa kaniya kanina. "Vacation. Business matters and, my two cousins got married, so I had to stay here for awhile. Mag tatampo ang mga 'yon kung hindi ako a-attend sa kasal nila." anang Uran. "Busy ka rin pala." "Not that really actually. Nag i-enjoy naman ako rito." saad nito. Saglit na katahimikan ang pumagitna sa kanilang dalawa. "Sorry pala ulit sa nangyari kanina huh!" mayamaya'y muling paghingi ni Marya ng pasensya sa binata dahil sa pagkakabangga niya ng sasakyan nito. "I said don't mention about it. It's okay!" nakangiting saad ni Uran. "And one more thing, huwag ka ng mag d-drive sa susunod kung may hang over ka pa. Hindi natin alam kung ano ang puwedeng mangyari sa atin. Who knows na hindi lang kagaya kanina ang nangyari sa 'yo." Sunod-sunod na napatango si Marya sa sinabi ng binata. "Yeah! Thank you! Ang akala ko nga kanina ay mapupunta na naman ako sa presinto. But thanks to God at ikaw ang nabangga ko. I mean, I'm sorry again." Natawa naman ng pagak ang binata. "Just be careful next time. Hindi lahat ng nababangga sa kalsada ay mababait na kagaya ko." "Soy tan afortunado." I'm so lucky. Nakangiti ring turan ni Marya. Mayamaya ay tumunog ang cellphone ni Uran na nakapatong sa lamesa na siyang pumutol sa masaya at humahaba ng kuwentohan nilang dalawa. Saglit na tiningan ng binata ang screen ng kaniyang cellphone. "I don't want to end this conversation right now but um, I think I need to go." anito sa dalaga. "May importante ka bang pupuntahan?" tanong ni Marya. "Kinda." "Okay! Maybe some other times na lang ulit." "Next time. Alam ko naman na itong lugar mo." anito at tumayo na sa kaniyang puwesto. "Thank you again for the coffee." "No problem. Mag iingat ka." Nakangiting lumapit ang binata kay Marya pagkuwa'y walang paalam na hinalikan ito sa pisngi na siyang ikinagulat naman ng huli. "Thank you! Bye." anang Uran 'tsaka tumalikod na at lumabas sa coffee shop na iyon. "KUNG hindi mo lang sinabi sa 'kin kanina na magkaibigan lang kayo, iisipin kong boyfriend mo siya." untag na saad ni Handa sa kaniyang kaibigan nang makalapit siya sa counter area. Naroon si Marya at abala sa pagtingin ng kanilang sales report sa nagdaang araw. Kunot ang noo na nag angat ng kaniyang mukha ang dalaga at tinapunan ng tingin si Handa. "Ano ang sinasabi mo diyan?" tanong nito. "Ang sinasabi ko rito, iba ang mga tingin nang Uran na 'yon sa 'yo kanina habang magkausap kayo." anito. "Tapos may pahalik pa sa pisngi." dagdag pang turan nito. Wala sa sariling napangiti naman ng mapakla si Marya at muling ibinalik ang paningin sa kaniyang binabasa. "We're just friends, okay!" "We're just friends, okay!" anang Handa na ginaya pa ang pananalita ni Marya. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito pagkuwa'y inirapan ang kaibigan. "Duh! Doon din nagsisimula ang lahat, Marya. Nagsisimula sa pagiging magkaibigan hanggang sa maging magka-ibigan." anito. "Pangalawang beses pa lamang kaming nagkita simula nang magkakilala kami sa Madrid. Kaya please lang, huwag mong pangunahan. Okay?" Nag kibit lamang ito ng kaniyang mga balikat. "I know na hindi lamang sa pangalawang beses na pagkikita ninyo matatapos ang lahat. I can sense." anito. "Ano'ng malay natin hindi ba? Baka siya na ang lalakeng nakatadhana para sa 'yo." Muling natawa si Marya dahil sa mga sinabi ni Handa sa kaniya. Oo na't napapansin niya kanina ang kakaibang titig ni Uran sa kaniya habang magkausap sila. Pero hindi 'yon basehan para bigyan niya ng ibang kahulugan ang mga titig na iyon sa kaniya. "He's not my type, Handa." saad na lamang nito sa kaibigan. "Alam mo kung ano ang tipo ko sa isang lalake." "Yeah! I know." mabilis ding pag sang-ayon nito. "Matangkad. Matipuno. Medyo moreno. May six pack abs. Maginoong medyo bastos. At higit sa lahat, malaki..." aniya at saglit na tumigil sa pagsasalita. "...malaki ang chance na mamahalin ka ng tapat." tumatawang saad nito nang biglang manlaki ang mga mata ni Marya dahil sa huling tinuran niya. "Hey! Shut up! That's not my type." anang Marya at biglang binato sa kaibigan ang hawak niyang ballpen. Tumama iyon sa dibdib ng dalaga. "He's not my type. Malayo kay Uran ang lalakeng gusto ko." "Malay natin mag bago ang isipan mo. Ikaw din, mukhang type ka pa naman nang Uran." "He's just a friend, period." giit pa nito pagkuwa'y napailing ng sunod-sunod. "Well, tingnan natin. I sense na one of this days mag tatapat 'yan sa 'yo na gusto ka niya." "Advance ka lang mag-isip, Handa." aniya at inirapan ang kaibigan. "Ikaw na lang kaya ang ireto ko sa kaniya tutal at siya naman ang type mo. Para din magkaroon ka na ulit ng love life. Tutal it's been two years naman na since no'ng mag break kayo ng boyfriend mong feeling guwapo at talagang ipinagpalit ka pa sa hipon." saad nito. "God! I'm totally moved on from him, Marya. Huwag mo ng isama sa usapan natin ang mga 'yon. Mawawalan na naman ako ng ganang kumain mamaya." turan nito at naglakad na papalayo sa kaibigan. Napapalatak lamang ng tawa si Marya habang sinusundan ng tingin si Handa. Napikon na naman iyon sa kaniya panigurado siya. SUOT ang A-Line spaghetti strap white satin dress na may habang hanggang sa kalahati ng mga hita ni Marya. Nakalugay lamang ang buhok niyang hanggang sa balikat ang haba. Bahagyang nag wisik ng pabango sa kaniyang leeg matapos nitong lagyan ng lipstick ang kaniyang mga labi. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito matapos bigyan ng huling sulyap ang kaniyang sariling repleksyon sa malaking salamin na nasa harapan niya. "Aalis ka na naman ba?" untag na tanong ni Handa sa kaibigan nang pumasok ito sa silid ni Marya at mapansin nitong bihis na bihis na naman ang dalaga. "Uuwi naman ako ng maaga." sa halip ay turan nito 'tsaka dinampot ang hand bag na nasa ibabaw ng kaniyang kama. "You mean, uuwi ka bukas ng umaga." pagtatama ni Handa sa sinabi nito. She knows Marya. Kailan pa ba ito pumalya sa night out nito simula nang umuwi ito ng Pilipinas galing Madrid? "Can I use your car?" saad nito nang mag baling ng tingin sa kaibigan. Mabilis na lumipad sa ere ang isang kilay ni Handa at nilagpasan ito. "Whatever." saad nito. "I'm gonna go. Bye!" anang Marya at nag mamadali ng lumabas sa kaniyang apartment. KAKABABA pa lamang ng dalaga mula sa sasakyan ay naririnig na niya ang malakas na tugtugan sa loob ng Bar na kaniyang pinuntahan. Saglit nitong sinipat ang orasan sa kaniyang braso. Alas nuwebe na. Usapan nila ng kaniyang dalawang kaibigan ay alas nuwebe y medya sila magkikita-kita roon. Dahil wala namang traffic ay mas napaaga ang dating niya roon. Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga bago nag simulang humakbang palapit sa entrance nang Bar. Pagkapasok pa lamang ng dalaga ay ang mga mata ng kalalakehan ang kaagad na sumalubong sa kaniya. Sanay na siyang makakuha ng atensyon ng mga kalalakehan lalo na kapag ganoon ang ayos niya kung kaya't hindi na rin siya nag abalang pansinin ang mga iyon, sa halip ay nag tuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa panhikin niya ang hagdan at doon sa second floor ng Bar na iyon siya mag hihintay sa pagdating ng kaniyang mga kaibigan. Nabitin sa tapat ng bibig ni Judas ang kaniyang baso nang makita niya ang babaeng naglalakad palapit sa kaniyang direksyon. Wala sa sariling tinitigan niya ito ng mataman. Dim man ang ilaw sa buong paligid, pero sigurado ang binata na nakikita niya ng maayos ang hitsura nang babae habang papalapit ito sa gawi niya. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan nito. "Damn!" bulong nito sa sarili nang dumako ang kaniyang mga mata sa halos perpekto nitong katawan. "Tiquila Sunrise please. Thank you!" anang Marya sa waiter na lumapit sa kaniya. Masiyado pa namang maaga ang gabi at wala pa ang kaniyang mga kaibigan kaya dapat lang na mag dahan-dahan muna siya sa pag inom ng alak. "Okay ma'am. Just please wait for awhile." anang lalake. Mabilis na umangat ang isang kamay ni Judas at sumenyas sa waiter bago pa man ito makalagpas sa kaniyang puwesto. "Yes sir?" "Give me her order at ako na ang mag bibigay sa kaniya." anang Judas na kaagad din namang sinagot nang lalake ng isang tango. Tahimik at nakatitig lamang ang lalake sa babae habang hinihintay ang inumin nito. Hindi niya pa rin maialis ang paningin sa mukha at lalo na sa katawan nito. Just like to his other flings, sigurado si Judas na madali lamang niyang makukuha ang babae mamaya kapag nilapitan niya na ito. Ngayon pa lamang ay nag lalakbay na ang kaniyang imahinasyon kasama ang magandang babae na iyon. "Sir Judas, ito na po ang order ni ma'am." untag nang waiter sa binata. Kaagad naman iyong kinuha ng binata at tumayo mula sa masarap at prente niyang pagkakaupo sa favorite spot niya sa bar niyang iyon. Naglakad ito palapit sa puwesto nang babae. "Hi!" Kunot ang noo na napaangat ang mukha ni Marya upang tingnan ang lalakeng dumating sa harapan niya. "Hi!" aniya. "Mind if I join you?" "I'm sorry, but I'm waiting for my friends." saad ni Marya sa lalake. Sa halip na umalis si Judas sa tapat ni Marya, ngumiti ito ng malapad at walang paalam na umupo sa upuang nasa tapat nito. Inilapag nito sa lamesa ang inumin na in-order ng dalaga kanina. "I believe this is your order." turan nito. "Thank you!" tipid na saad ni Marya 'tsaka biglang tinarayan ang binata. Kilala niya ang mga lalakeng ganito ang galawan. Kaya ngayon pa lamang ay hindi na siya palagay dito. "You caught my attention earlier, baby." nakakaloko ang ngiti sa mga labi na saad ni Judas. Bigla namang nagsalubong ang mga kilay ni Marya dahil sa nahimigan niya sa tinig nito. Mas lalong lumipad sa ere ang isa niyang kilay pagkuwa'y tumayo sa kaniyang puwesto. "Where are you going?" tanong ni Judas at mabilis na pinigilan sa braso ang dalaga. "None of your business sire." mataray na aniya at binawi ang braso mula rito. Natawa naman ng pagak si Judas dahil sa pagpapakipot ng babae sa kaniya. "Come on! You come here with this seductive outfit. You caught my attention and interest. Tapos tatalikuran mo lang ako ngayon?" anito. "How much baby?" Biglang nag pantig ang tainga ni Marya dahil sa huling tinuran ng lalake sa kaniya. Mabilis na umangat ang kaniyang kamay at sinampal ito ng malakas. "Bastos. I'm not prostitute." singhal niya sa lalake at muling tinalikuran ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD