CHAPTER 7

1845 Words

TUMIKHIM si Judas upang basagin ang nakabibinging katahimikan na bumabalot sa buong sasakyan pagkuwa'y pasimple niyang sinilip si Marya sa gilid ng kaniyang mata habang nasa tabi niya na ito. Hindi siya pumayag kanina na mag bibiyahe sila pabalik ng Maynila na mag mumukha siyang driver nito. Sa hinabahaba ng kanilang diskusyon kanina, sa huli ay wala ring nagawa ang dalaga kundi ang lumipat sa front seat at doon pumuwesto. Kagaya kanina'y tahimik lamang na nakatingin sa labas ng bintana si Marya. Muling narinig ni Judas ang pagpapakawala nito ng malalim na buntong-hininga bagay na siyang lalong nag pakunot ng kaniyang noo at tuluyan na itong nilingon. "Are you okay?" tanong nito. "Solo sigue conduciendo. Don't mind me." Just keep driving. Anito pagkuwa'y muling isinandal ang ulo sa gilid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD