"I'M really sorry mister. Hindi ko talaga sinasadyang mabangga ang sasakyan mo." muling hinging paumanhin ni Marya sa lalake. Mayamaya ay binuksan niya ang pinto na nasa gilid niya at bumaba roon. "J-just tell me kung magkano ang babayaran kong damage sa kotse mo. I'll pay you. Just please don't call a cop." aniya at nagmamadali itong pumunta sa unahan ng kaniyang sasakyan upang tingnan ang problemang kaniyang nagawa.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nang lalake pagkatapos ay tinanggal ang suot na ray-ban. Kunot ang noo na tinitigan nito ang babae na nakatalikod sa kaniya. "Are you kidding me? You hit my car—"
"U-uran?" kunot ang noo na sambit ni Marya nang pagharap niya sa lalake at makilala ang hitsura nito.
"Do you know me?" nag tatakang tanong nito.
Mabilis na tinanggal ni Marya ang suot niyang sunglasses. "Yeah! I'm Marya. Don't you remember me? We meet before at El Retiro Park. In Madrid." turan nito.
"Oh! Yeah." mabilis na saad nito. Hindi niya ito kaagad nakilala kanina dahil ang buong atensyon niya ay nasa kotse niyang nabangga nito. "Lo siento si te gritamos. Me sorprendió lo que había sucedido." Sorry kung nasigawan kita. Nagulat lang ako sa nangyari. Anito.
"No. I mean I should be the one to say sorry. Hindi ko talaga sinasadya." tila napapahiya pang muling paghingi nito ng pasensya sa lalake. "I'm still sleepy. I mean, hang over." pilit na ngiti ang pinakawalan nito pagkuwa'y nag iwas ng tingin sa kausap.
"What? You should not drive if you are still sleepy. That's dangerous." kunot ang noo na turan pa nito.
"Ma'am, sir. Ano po ang problema rito?"
Sabay pang napalingon ang dalawa sa traffic enforcer na lumapit sa kanila mayamaya.
"Um, nagkaroon lang ng kaunting problema boss. But, we're okay." si Uran ang kaagad na sumagot sa lalake. "We're good." dagdag pa nito pagkuwa'y binalingan ng tingin si Marya.
"Sigurado po kayo sir?" tanong pa nang traffic enforcer. "Sasakyan n'yo po ba ang nabangga?" dagdag pa nito.
"Yeah! But it's okay. I mean, she's my friend so there's no problem." anang Uran.
Lihim na lamang na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Marya dahil sa mga tinuran ni Uran doon sa traffic enforcer. Abot-abot talaga ang kaniyang kaba kanina. Ang buong akala niya kasi'y madadala na naman siya sa presinto dahil sa katangahan niya. Nakakahiya man, pero nagpapasalamat pa rin si Marya na si Uran pala ang may-ari nang sasakyan na nabangga niya. Paniguradong sandamakmak na sermon na naman ang aabutin niya kay Handa kung sa presinto na naman siya nito pupuntahan.
"Sige po sir."
"Thank you." anang Uran sa lalake bago ito umalis at iniwan sila nang dalaga roon.
"Gracias." tanging nausal ni Marya sa binata.
Nag kibit ito ng mga balikat. "Don't mention it. No problem." saad nito. "By the way, are you okay? Hindi ka ba nasaktan?" tanong pa nito.
"O-okay lang ako. Thank you." nakangiting aniya. "I'm really sorry again. Ako na ang bahala sa—"
"No it's okay. You don't have to." mabilis na saad nang lalake.
"Pero Uran—"
"I insist. There's no problem." agap nitong muli sa dalaga pagkuwa'y nginitian ito.
"Sure ka?"
"Yeah! I mean, hindi naman malaki ang damage." saad nito at tinapunan ng tingin ang sasakyan nilang dalawa ng dalaga.
"Okay! Um, let me treat you na lang para makabawi manlang ako sa kasalanan ko sa 'yo at sa kotse mo." saad na lamang nito. "What do you think? I mean, if you're free right now at wala kang importanteng pupuntahan." dagdag pa ni Marya.
"Sure! Yeah why not." nakangiting saad nito.
"Okay! Um, just follow my car na lang I know a place para i-treat kita."
"Lead the way señorita." anang Uran bago tumalikod ang dalaga sa kaniya at lumulan na ito sa kaniyang sasakyan.
Napapailing naman ang binata nang muli niyang tapunan ng tingin ang likuran ng kaniyang kotse. Hindi naman malala ang damage roon, pero nakakapanghinayang pa rin para sa kaniya. Lalo na't kakabili niya lamang sa sasakyang iyon no'ng nakaraang buwan.
"MARYA..." mabilis na napatayo sa kinauupuan niya si Handa nang matanaw nito ang kaibigan na papasok na sa entrance nang coffee shop. "God!" tila nagtitimpi na namang sambit nito nang makalapit na ng tuluyan sa kaniya ang dalaga. "What time is it, Marya?" tanong niya rito.
"I know I'm late, Handa! But please not now."
"Not now again? E kailan, Marya? Kapag namuti na lahat ng buhok ko sa ulo kakaproblema sa 'yo?" makahulugang saad nito sa kaibigan.
"Nagkaroon lang ako ng problema kanina while I'm on my way here. May nabangga akong sasakyan kaya na late na naman ako ng dating dito." pagpapaliwanag niya rito. Alam ni Marya na hindi na naman titigil ang bunganga nito kung hindi siya magpapaliwanag agad. Hay! Daig pa talaga nito ang isang nanay kung magalit sa kaniya.
"What?" gulat na sambit ni Handa kay Marya. "Naaksidente ka?"
"No! I mean, not that much. Hindi naman ako nasaktan." aniya at nag tuloy sa counter. "Martin, two frappuccino please." aniya sa lalakeng barista na naroon.
"Hindi ka naman napunta sa presinto ulit hindi ba?" nakapamaywang na tanong ni Handa sa kaibigan habang nakatayo siya sa likuran nito.
"Not this time, thanks God!" saad ni Marya na bahagya pang napangiti at napatingin sa entrance ng coffee shop nang pumasok na rin doon si Uran.
Kunot ang noo na napasunod ang paningin ni Handa sa tinitingnan ni Marya. "Who is he?" tanong nito.
"It's Uran."
"Uran? Your new boyfriend?" magkasalubong ang mga kilay na tanong nito.
Mabilis namang napalingon sa kaniya si Marya. "Boyfriend ka diyan. He's a friend." aniya. "Uran, come here." tawag nito sa binata. "This is Handa by the way. My bestfriend. Handa, this is Uran a friend of mine from Madrid." pagpapakilala ni Marya sa dalawa.
"Hi! It's nice to meet you." nakangiting saad ni Uran pagkuwa'y inilahad ang kamay sa dalaga.
"My pleasure." alanganing ngiti ang ibinigay ni Handa sa binata bago nito tinapunan ng tingin ang kaibigan. "Can I talk to you for a sec, Marya? I mean, private." anito.
"Why?"
"Just come with me." saad nito 'tsaka muling ngumiti sa binata bago tumalikod at nagpatiunang naglakad palayo.
"I'll be back."
"Sure, no problem." aniya.
"Martin, paki-serve na lang sa kaibigan ko ang coffee. Thank you!" anang Marya sa barista bago ito sumunod sa kaniyang kaibigan.
PAGKAPASOK ni Marya sa maliit niyang opisina na naroon sa dulo nang coffee shop na iyon, nadatnan niya si Handa na prenteng nakaupo sa isang silya na naroon sa gilid ng kaniyang lamesa.
"May problema ba?" untag na tanong niya sa kaibigan.
"Malaki." seryosong saad nito at tinapunan ng tingin ang dalaga.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Marya sa ere bago ito pumuwesto sa kaniyang swivel chair. "Speak up!" turan niya sa kaibigan.
"Nagkausap kami ni Mr. Chua kahapon. Ang sabi niya sa 'kin hindi na raw siya magbibigay sa atin ng extension para doon sa utang mo sa kaniya." saad nito. "Marya, malaki ang limang milyon. Saan naman tayo maghahanap ng ganoong pera para maipangbayad sa kaniya sa susunod na buwan?" anito na bakas pa sa mukha at boses ang labis na pag-aalala.
Muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Marya pagkuwa'y pabagsak na isinandal ang likod sa kaniyang upuan.
"Kung hindi tayo makakapagbayad agad sa kaniya next month, I'm sure na kukunin niya sa atin ang coffee shop na ito like what he said." dagdag pa nito.
"But he can't do that, Handa. Hindi ko ibibigay sa kaniya ang coffee shop na ito ng ganoon-ganoon lang." turan ni Marya sa kaibigan.
"But you know Mr. Chua, Marya."
"But this is my coffee shop. Pinaghirapan ko 'to Handa alam mo 'yon. Do you think na ganoon lang kadali para sa akin na i-give up 'to?" tanong pa nito.
"I know. Alam kong hindi ganoon kadali."
Napapailing na lamang na muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang dalaga. Parang bigla atang nawala ang antok na kaniyang nararamdaman kanina dahil sa problemang sinabi sa kaniya ni Handa.
Diyos na mahabagin, pinaghirapan niyang maipondar ang coffee shop na iyon. Pinag-ipunan niya ng halos limang taon ang perang ipinangpatayo niya sa coffee shop na iyon, pero dahil sa malaking problema niya ngayon, mukhang mawawala lamang iyon ngayon sa kaniya na parang bula. For God seek, saan naman siya kukuha ng limang milyong piso para maipangbayad sa utang niya sa matandang negosyanteng si Mr. Chua? Hindi naman siya puwedeng lumapit sa tatay niya dahil panigurado siyang kahit pisong duling wala siyang makukuha mula rito. Pero hindi niya rin naman makakaya na itong Coffee shop niya ang kukunin ni Mr. Chua dahil sa utang niya rito.
"Gustohin ko mang tumulong sa 'yo pero alam mo naman na wala rin akong gano'ng kalaking pera." saad ni Handa mayamaya.
"I understand. Maghahanap na lang ako ng ibang paraan." anang Marya.
"How about, lumapit ka na lang kay—"
"I wont do that, Handa." anito upang pigilan sa pagsasalita ang kaniyang kaibigan. "I made a promise to myself na hindi ako lalapit sa kaniya para humingi lang ng tulong." aniya. "Ayokong lunukin ang pride ko. Ayokong mag mukha akong kawawa at katawa-tawa sa harap niya kapag ginawa ko 'yon."
"Pero 'yon na lang kasi ang alam kong paraan para masulosyonan ang problema natin." giit pa ni Handa sa kaibigan.
"May ibang paraan, Handa." anito at muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
Katahimikan ang saglit na namayani sa apat na sulok ng opisinang iyon. Tahimik at matamang nakatitig lamang si Handa sa kaniyang kaibigan. Mayamaya ay nag salita ulit ito. "By the way, Noah called me this morning. Nagtatanong kung dadalawin mo raw ba siya roon?" pag-iiba nito ng kanilang usapan.
"Tatawagan ko na lang siya mamaya."
"Much better. Ako kasi ang kinukulit no'n parati."
"Thank you, Handa. Thank you for helping me." bahagya pang ngumiti si Marya sa kaniyang kaibigan.
"What friends are for?" sa halip ay kibit-balikat na saad nito. "And can you do me a favor by the way? Please stop drinking alcohol, Marya. Maawa ka naman sa atay mo." saad nito mayamaya.
"Gusto ko lang mag chill at mag tanggal ng stress dahil sa mga problema ko ngayon..."
"At tingin mo ang pag iinom ng alak ang makakatulong sa 'yo at sa mga problema mo?" biglang lumipad ang kilay nito sa ere. "Marya, sa ginagawa mong 'yan naghahanap ka lang ng sakit sa atay. It's been month simula nang umuwi ka rito galing Madrid, at wala kang ibang ginawa kundi ang mag inom gabi-gabi at—"
"Here we go again mommy." anang Marya na mabilis na napaismid sa kaibigan. Malamang na sa panenermon na naman mauuwi ang usapan nila ngayon. "Huwag mo na akong sermunan, Handa. I know what I'm doing okay."
"Pero..."
Mabilis na tumayo sa kaniyang puwesto si Marya at nag lakad palapit sa pintuan ng kaniyang opisina. "Baka makalimutan kong may bisita pala akong naghihintay sa 'kin sa labas." saad nito bago walang paalam na lumabas sa opisinang iyon at iniwan mag-isa ang kaniyang kaibigan.