"Wahhhh!" tili ko nang tumulin ang takbo ng motor ni Atlas. Agad na humigpit ang kapit ko sa bewang nito, ang baba ay ipinatong sa balikat nito. Panaka-nakang hinahalikan din ang leeg nito. Nakaapat kaming round sa motor pa lang nito bago ito nagpasyang tuparin ang wish ko na makasakay sa motor. Papadilim na at kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Alam naman nitong nagugutom na ako, kaya naman tutungo raw kami sa kainan na paborito nitong puntahan. Inipit kong muli ang laylayan ng bestida para hindi liparin o kaya'y sumabit. Nang maayos ko iyon ay muling inabot ni Atlas ang aking kamay at ibinalik sa dating pwesto, yumakap akong muli rito. "Ang saya!" ani ko sa lalaki. Malawak ang ngiti ko. Masaya talaga ako. "Malapit na tayo. Kapit lang, Tabitha." Kumapit nga ako, pero umiral ang tinat