C - 17

1333 Words

Mabilis na ipinatong ni Atlas ang kanyang palad sa aking ulo nang bumaba ako ng tricycle. "Thank you." Nakangiting ani ko rito. Saka iginala ang tingin sa paligid. Nagbayad muna ito, habang ako naman ay kumapit dito pagkabalik n'ya sa tabi ko. Pumasok kami sa gate kung saan agad kong natanaw ang isang motor. Na-gets ko agad ang balak nito kaya malawak akong napangiti. Bumitiw ako at agad na lumapit doon. Kung sa labas ka hindi mo agad makikita iyon, mataas kasi ang pader na bakod. May puno rin ng mangga kaya mas lalong hindi kita ang loob. "Ang ganda nito." Hindi ito pumasok ng bahay, kinuha lang nito sa gilid ang dalawang helmet saka humakbang sa akin at isinuot sa ulo ko ang helmet. Magkatitigan kami ni Atlas. Ewan ko ba, sa ganitong gesture nito ay ang bilis ng kabog ng puso ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD