Bumaba ako pagkatapos magbihis. Inabutan ko si Aquihiro at Tilda na magkatabi sa couch. Mukhang nakapag-usap na ang mga ito. Palapit pa lang ako'y tumayo na si Aquihiro at malakas akong sinampal. Bumagsak ako sa lakas ng pwersa, pati na rin sa pagkabigla. Tulalang napasapo ako sa pisngi ko. Habang titig na titig dito. Natulala ako, dahil hindi ko inasahang mapagbubuhatan ako nito ng kamay. "A-qui..." takot na ani ko. Nang sulyapan ko si Tilda ay may ngiti sa labi nito. Paano nitong nakukuhang ngumiti sa sitwasyon na ito? Anong masaya sa point na unang gabi pa lang naming mag-asawa ay ganito na kagulo? "Sumama ka sa ibang lalaki no'ng nasa resort ka? Paano mong nagawa iyon sa akin, Tabitha? Babe, hindi ka ganyang klase ng babae. Paano mong nagawa sa akin iyon?" disgusted ito. Para akong