Sumapit ang araw nang kasal. Lahat masaya, lahat sila ay excited. Ako lang yata ang hindi. Nagkaroon naman ako nang pagkakataon na kausapin ang aking ina. Sinabi ko ritong nais kong hindi na ituloy ang kasal. Ngunit isang malakas na sampal ang nakuha ko mula rito. Ipinaalala nito sa akin kung ano ang pwedeng mawala, kapag tumalikod ako sa kasal na iyon. Kaya nga pagbaba ko pa lang ng bridal car ay kung ano-ano na ang binubulong nito. Nagpapaalala ng mga bagay na pwedeng masira kapag nagkamali ako ng desisyon sa araw na ito. Sa totoo lang, nagdarasal ako na sana dumating si Atlas. Kahit man lang sa oras na ito, pero nakapasok na kami sa simbahan at nagsimula na ang seremonya ay walang Atlas na dumating. Naiiyak na lang ako, akala ng lahat ay dahil iyon sa kagalakan. Ang hindi nila a