"Ma!" excited na tawag ko sa aking ina. Pero kusa ring natigilan nang makita ko ang aking ama na kasama nito sa office/library rito sa bahay. "Tabitha?" tawag ni Papa. Agad akong ngumiti rito at agad na yumakap sa aking ama. Sa tuwing si Tabitha ang kaharap ni Papa ay magiliw na magiliw ito. Pero sa tuwing ako ang kaharap ay palagi itong galit. Palaging mga kamalian ko ang napapansin nito. Kaya kung nakikita man ako nito ngayon na si Tabitha, susulitin ko ang pagkakataon na makasama ito. Matalim ang tingin ng aking ina sa akin. Tiyak naman kasing magtataka ang aking ama kung tititigan ako ni Mama sa paraang ginagawa n'ya sa tuwing kaharap n'ya ako. Masama palagi ang tingin nito kay Tabitha at sa akin ay hindi. "Hon, kakausapin ko muna si Tabitha. Pwede mo ba munang ikuha ako ng tea?"