Mahigit dalawang buwan na kasama ito. May mga pagkakataon na nakikita ko itong umiiyak ngunit hindi na tulad ng dati na nagwawala. Naglalasing ito, saka tatabi sa akin at ilalabas ang bigat ng dibdib na dinadala nito. Nasasaktan pa rin ito sa mag-ina n'yang nawala na sa kanya. Nasasaktan din ako... mahal ko na kasi. Pero iyon siguro ang isa sa parusa sa akin sa ginawa kong pag-ako sa kasalanan hindi naman ako ang gumawa. Maingat kong hinahaplos ang buhok n'ya. Lasing na lasing s'ya at ngayon ay tulog na. Nang huminto ako'y nagpasya akong bumangon at ayusin ang kalat nito sa ibaba. Doon kasi ito nag-inom. Inabutan ko si Manay Welda na naglilinis. "Ako na po d'yan, Manay." Awat ko rito. Ngumiti naman agad ang ginang sa akin. "Ineng, mukhang ayos na kayo ni Atlas. Nagkausap na ba ka