"Anak, mabuti naman at naisip mong umuwi na." Magiliw na ani ni Mama kay Tilda. Ilang oras makalipas na makauwi ako sa amin. Napanindigan nga nitong magpanggap na ako habang wala ako rito. Pinalabas nitong si 'Matilda' ay nag-out of town kaya hindi naging mahirap dito dahil sa loob ng dalawang buwan ay nabuhay ito bilang ako. "Miss ko na kasi kayo, sayang naman at hindi ako nakapag-celebrate ng birthday rito. Ang importante naman ay nag-enjoy ako sa bakasyon ko for 2 months." Masayang ani ni Tilda. Oo, masaya ako sa loob ng dalawang buwan na malayo sa bahay na ito. "Tsk. Ang gala-gala mo. Sana makatulong ka naman sa family business natin." Seryosong ani ni Papa kay Tilda. Kung alam lang ni Papa, si Tilda na nga ang sumalo ng responsibility ko noong wala ako eh. Hindi deserve ni Tilda an