"Anong meron?" takang tanong ko paglabas ko ng silid. Aligaga kasi ang mga kasambahay sa paglilinis. "Hindi po ba't darating ang parents ni Sir Aqui? Inihahanda lang po namin ang mansion para sa kanilang pagdating." Ako iyong naguluhan, hindi nabangit ni Aqui na pupunta ang parents n'ya rito. Magkasama lang kami nito kagabi, pero wala talaga akong narinig mula rito. Tinungo ko ang unang palapag ng mansion. Inabutan ko si Mama at Papa na kausap ang mayordoma namin, binibilin ng nanay ko kung ano ang mga pagkaing ipahahanda sa chef. Humakbang ako palapit at saka tumikhim. "Ma, Pa?" pukaw ko sa atensyon ng dalawa. "Gising ka na pala. Balak mo bang magtungo sa salon?" "Ano pong meron?" naguguluhan kong tanong. "Anak, bakit mo tinatanong iyan? Hindi mo ba alam na pupunta ngayon ang