Pinakamasayang kaarawan ko na iyon. Pagkatapos naming kumain, nauwi sa mainit na pagtatalik ang eksena. Pero pagkatapos ng araw na iyon. Kailangan na ako nitong ihatid. Pangiti-ngiti lang ako, pero sa totoo lang ay naiiyak ako dahil sa sitwasyon namin. Nararamdaman ko namang nagkaroon na rin ako ng lugar sa buhay ng lalaki. Pero pareho naming alam na may mga kailangan pa kaming unahin bago ang sarili at kagustuhan namin. Kailangan ko munang ayusin ang sabit ko sa aking kasintahan na si Aquihiro, habang s'ya, mayroon pa raw s'yang dapat ding ayusin. Ginaganap nito ang aking palad at bahagya iyong pinisil. "Pumasok ka na." Udyok nito sa akin. Kinakabahan ako, pero nakuha ko pa rin namang tumango. Dalawang buwan na walang paramdam. Bigla na lang naglaho na parang bula, hindi ko alam kung