Isang silk nightgown pa rin ang suot ko. Kulay itim iyon, walang ibinigay na bra pero mayroong lacey thong na kulay itim.
Gusto kong magreklamo sa klase ng damit na ipinasuot sa akin, pero wala akong lakas ng loob. Bihag lang ako. Aarte pa ba naman ako? Mabuti nga't pinayagan pang alisin ang kadena ko eh.
Natanaw ko na sa bintana ang karagatan. Maliwanag naman na at binuksan na ang bintana. Hindi ako marunong lumangoy, kaya hindi option ang paglangoy para tumakas. Hindi ako mabubuhay sa planong unang naisip ko.
Hinawakan ng ginang ang isang palad ko at iginiya palabas ng pinto.
Mukha namang mabait talaga ang ginang kaya hindi ko rin ito magawang tabigin para tumakbo.
Dinala n'ya ako sa dining room kung saan inabutan kong nagbabasa ng newspaper ang lalaki. Ipinaghila ako ng ginang ng upuan saka inalalayan maupo. Para akong robot na sumunod. Ang kamay kong ipinatong sa mesa ay biglang nanginig kaya naman ibinaba ko na lang ulit ipinatong na lang sa aking hita.
"Eat." Matigas ang pagkakasabi ni Atlas no'n. Hindi ako kumilos. Walang lakas ang kamay ko na gawin ang utos nito."I said, eat." Itinupi nito ang newspaper at minuwestra iyon sa ginang. Dali-daling kinuha naman iyon ng ginang. Saka kami nito iniwang dalawa ni Atlas. Gusto kong tawagin ang matanda, para kasing sinasadya ng lalaki na takutin ako sa paraan pa lang ng tingin nito.
"Kikilos ka o kailangan pa kitang ingudngod sa plato?" nakakatakot naman ang banta nito sa akin. Kahit nanginginig ang kamay at nagbabadya ang luha ay dinampot ko ang kutsara at tinidor.
Hindi ko ito magawang tapunan ng tingin dahil dama ko ang matalim na tingin nito sa akin.
Sinubukan kong kumain. Kahit pakonti-konti ay ginawa ko. Kailangan kong lagyan ng laman ang sikmura ko para may lakas ako sa kung ano man pwedeng mangyari sa akin sa kamay ng demonyong lalaking ito.
Nang magsimula na rin itong kumain ay tunog na lang ng kubyertos ang naririnig sa dining room.
Nang damputin ko ang baso'y dumulas iyon sa aking palad natumba at natapon sa mesa. Para rin kasing nanghihina iyon dahil na rin sa nerbyos na nadarama ko ngayon.
Napaiktad ako nang hampasin ni Atlas ang mesa. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko sa kaunting pagkakamali na nagawa.
"Hijo?" patakbong dumating ang ginang. Nakita nito ang kalat na nagawa ko."Atlas, natatakot sa 'yo ang dalaga. Huwag ganyan, anak." Mahinahong saway ng matanda.
"I don't f*****g care kung matakot s'ya, Manay Welda. I don't f*****g care." Napakapit ako sa laylayan ng damit ni Manay Welda ng muling hampasin ni Atlas ang mesa.
Saka ito tumayo at iniwan kami ng ginang.
"Tapos ka na bang kumain, hija? Ano nga bang pangalan mo?"
"T-abitha po." Pinunasan ko ang luha ko at saka sinulyapan ang palayong bulto ng lalaki.
"Pasensya ka na sa kanya, hija. Simula noong namatay ang mag-ina n'ya ay naging bugnutin na iyang batang iyan."
"N-amatay po?" gulat na ani ko.
"Oo, namatay sa car accident. Sabi ng mga pulis ay aksidente raw. Nagsolo, pero hindi naman naniwala si Atlas. Nag-imbestiga s'ya, ewan ko na lang kung ano ng balita sa imbestigasyon n'ya."
Pero kahit naman may pinagdaraanan ito'y hindi naman tamang idamay n'ya ako. Wala rin akong matandaang na-involve ako sa car accident. Maingat akong magmaneho. Sa aming dalawa ni Matilda ay ako lang ang pinayagang magmaneho dahil reckless sa pagmamaneho si Matilda. Saka madalang akong gumamit ng sasakyan. Mas gusto ko pa ngang mag-taxi para hindi rin ako problemado sa parking.
"Ako na ang bahala rito. Pero ihahatid muna kita sa silid mo. Mas mabuting doon ka muna para hindi mo masalubong ang init ng ulo ng batang iyon." Inalalayan n'ya akong tumayo saka kami bumalik sa silid na pinagkulungan ng mga ito sa akin.
Pero inabutan namin si Atlas doon. Nakaupo sa rocking chair.
"Ikadena mo, Manay Welda." Utos nito sa matanda.
"Atlas! Wala namang balak tumakas si Tabitha. Hindi mo na s'ya kailangan ikadena." Nakikiusap ang tinig ng matanda. Siguro'y naaawa rin sa akin.
"Do it, Manay Welda." Pagsukong ani ko. Tumalim kasi ang tingin ni Atlas sa matanda. Baka madamay pa ito at saktan ng lalaki. Alanganin pa rin ang ginang.
"Ikaw ang gagawa o ihahataw ko sa babaeng iyan ang kadena?" banta pa ng lalaki. Banta lang naman, kaya nga hindi na gaanong natakot.
"Manay Welda, g-awin n'yo na lang po, please!" nakikiusap ang tinig na ani ko sa ginang. Wala na ring nagawa ang babae kung 'di sundin ang utos ng lalaki. Napangiwi ako nang dumikit sa sugat ko ang mabigat na kadena. Pero tiniis ko iyon. Kailangan kong tiisin para hindi na magalit pa ang lalaki.
"Leave." Sunod nitong utos. Gusto ko sanang pigilan si Manay Welda pero lumayo na ang babae at iniwan kami ni Atlas.
Napayuko ako't mas piniling iwasan ang tingin nito.
Narinig ko ang tunog ng upuan. Tumayo ito, ang yabag nitong papalapit ang dahilan kung bakit nag-angat ako nang tingin dito.
"A-tlas, right? Pwede ko bang malaman kung anong kasalanan ko sa 'yo? Kung bakit ginagawa mo sa akin ito?" kailangan kong malaman.
Unti-unting gumuhit ang ngisi sa labi nito.
"Gusto mong malaman? Kapag ba nalaman mo ay maibabalik mo ba ang nawala sa akin?" sumampa ito sa kama. Lumapit sa akin saka hinaklit ang baba ko.
"Tell me! Para naman maunawaan ko ang sitwasyon ko ngayon. Hindi kita kilala, sa resort lang nagtagpo ang landas natin. Wala akong nagawang kasalan sa 'yo." Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko na sabihin iyon dito. Kahit pa hirap akong ibuka ang bibig ko ay nagawa kong ibulalas dito ang sintemyento ko rito.
"Wala kang kasalanan? Sinira mo ang mundo ko. Sinira mo ang buhay ko. Isang malaking kasalanan iyon na hindi ko makukuhang palampasin at hindi ko makukuhang patawarin ang nagkasala sa akin."
"Wala nga akong ginawang masama sa 'yo." Nabitiwan nito ang panga ko nang iatras ko ang ulo ko. Saka masama itong tinitigan.
"Wala? Nakalimutan mo na ba ang kasalanan mo sa dalawang taong tinakbuhan mo pagkatapos mo silang mabangga?" unti-unting nagsalubong ang kilay ko. Bahagya akong natawa kasunod ay umagos ang masaganang luha.
"Are you crazy? Sinisisi mo ako sa kasalanan na hindi ko naman ginawa? Nababaliw ka na, Atlas. Baliw ka na to the point na dinamay mo pa ako sa kamiserablehan mo." Mapang-uyam na ani ko rito.
Ngunit nagalit lang ito dahil sa sinabi ko. Hinila nito ang binti ko kaya napahiga ako sa kama. Gusto kong sipain ito, ngunit mariing nakahawak sa hita ko ang mga kamay nito.
"Nababaliw na nga siguro ako. Pero hindi pwedeng ako lang, killer!" gigil na ani ni Atlas. Napahiyaw ako nang muli na naman ako nitong ambaan, pero hindi naman n'ya itinuloy.
"Hindi ako iyon, huwag mo akong saktan. Parang-awa mo na." Umiiyak na itinago ko sa kamay na nakakadena ang mukha ko. Hindi ko deserve ito, wala akong inagrabyadong tao in the past. Hindi ko dapat nararanasan ito. Hindi ako mamamatay tao! Wala akong pinatay!