Hilong-hilo ako. Pakiramdam ko rin ay ngalay na ngalay ang katawan ko. Maingat akong nagmulat ng mata.
Agad na dumako ang tingin ko sa kamay at paang nakakadena. Nagsimulang bumalik ang alaala ko sa huling pangyayari bago ako nawalan ng malay. Bakit nga ba naging reckless ako kagabi? Damn!
That guy... iyong lalaking nagbigay ng wine sa akin ang tiyak kong dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon.
Bakit ang bilis kong nagtiwala sa taong iyon?
Kahit hilo pa'y pilit kong hinila ang kadena, sinubukang tanggalin iyon kahit pa masakit sa balat ko. Pero bigo ako. Matatanggal lang iyon kung gagamit ng susi. Malamang din, wala ang susi sa kwartong ito.
Wala akong kasama sa silid na ito. Ang kaninang suot na company polo na suot ko at slacks ay napalitan na ng kulay pulang silk nightgown. Kaunting galaw lang ay kita na ang hindi dapat makita.
Baliw ba ang taong iyon? Pero mukha naman s'yang matino. Anong kasalanan ko sa kanya para gawin n'ya sa akin ito?
Napalingon ako sa pinto. Bumukas iyon at pumasok ang salarin kung bakit nasa ganito akong sitwasyon.
"You're awake." Ang magaang awra nito noong kausap ko s'ya sa dalampasigan ay ibang-iba sa aura nito ngayon. Hindi galit ang una kong nakita rito, lungkot? Pagluluksa?
Naging mapanganib ang dating nito ngayon. Parang magkamali lang ako ng kaunti ay kayang-kaya ako nitong saktan. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko.
"A-nong kailangan mo sa akin?" nanginig pa ang tinig na tanong ko rito. Kung pera ang kailangan nito'y tiyak na hindi mangingiming ibigay ng pamilya ko ang kailangan nito. Marami kami no'n. Madali lang bitawan iyon para sa kaligtasan ko.
"Maniningil lang ako, sa laki ng kasalanan mo'y dapat noon pa kita binalikan. Pero ngayon lang ako nagkaroon nang pagkakataon na bumalik." Kalmado man n'yang sinabi iyon ay nangilabot pa rin ako. Nakakatakot ito. Hindi na rin nakakapagtaka na nanginginig ako dahil lang sa presensya nito.
"A-nong kasalanan ko sa 'yo? Hindi naman kita kilala. Wala akong kasalanan sa 'yo." Sigaw ko saka pilit nagpumiglas pero sa ginawa ko'y mas nasaktan ko lang ang sarili ko. Pakiramdam ko'y nagdugo pa nga ang pulso ko dahil sa kadena.
"Nakalimot ka?" tumawa ito, iyong tawang parang hindi naman ito masaya, mas obvious na malungkot ito.
Humakbang ito, ang tuhod ang s'yang ginawang support saka hinaklit ang braso ko. Napahikbi pa ako sa labis na takot.
"H-uwag mo akong s-asaktan." Takot na ani ko rito. Buong buhay ko'y protektado ako... kami ni Matilda ng pamilya namin. Ang ganitong sitwasyon ay isa sa bago at kinatatakutan namin na mangyari. Akala ko sa palabas ko lang makikita ang ganitong sitwasyon. Hindi pala. Dahil nararanasan ko na ngayon. Sa sarili ko mismo. Masakit ang pagkakahawak nito sa braso ko. Pakiramdam ko'y kapag tinanggal nito ang kamay nito roon ay makikita agad ang pasa mula sa ginawa nitong paghaklit sa akin.
"Huwag kang umiyak. Hindi ko nakita iyan matapos nang ginawa mo. Huwag kang ngumawa na akala mo ay inosente ka." Gigil na ani nito. Ngayon ay nakikita ko sa mga mata nito ang galit. Galit na hindi ko alam kung saan nagmula.
Naging mabuting tao naman ako. Wala akong tinapakang tao para may magtanim ng ganitong galit sa akin.
"W-ala akong kasalanan sa 'yo." Iyon naman kasi talaga ang alam ko. Wala akong kasalanan dito.
"Wala?" tumawa ito. Kasunod nang akma sanang paglapat ng palad nito sa pisngi ko. Napahiyaw ako sa labis na pagkabigla, akala ko ay itutuloy n'ya. Para akong na bingi sa sarili kong sigaw. Hindi lumapat ang palad nito sa pisngi ko pero nabigla ako dahil sa pag-amba nito, bumagsak din ako sa kama dahil sa pagkabigla.
"P-a..." umiiyak na anas ko. Gusto kong tawagin ang papa ko. Magmakaawang ialis ako nito sa posisyong kinalalagyan ko ngayon. Takot ako, halatang hindi lang tripping ang ginagawa nito sa akin. May pinaghuhugutan talaga ito ng galit.
Ngayon lang din ako nakaranas ng ganitong klase ng takot. Iyong hindi mo alam kung ano ba iyong kasalanan mo pero nakuha ka nang ipadukot.
Hinaklit ng lalaki ang buhok ko.
"Papatayin kita. Pagsisisihan mo na buhay ka pa. Ipararanas ko sa 'yo ang sakit na mawalan." Gigil na ani nito. Saka lang ako binitiwan at iniwan. Malakas pa nitong isinara ang pinto. Napahagulgol ako nang iyak sa labis na pagkalito.
"P-a, help me." Luhaang ani ko. Pero wala naman ang aking ama. Hindi ko nga alam kung alam na ba ng pamilya ko na nadukot ako at nasa ganito nang sitwasyon.
Nang muling bumukas ang pinto'y hindi na si Atlas ang pumasok. Isang ginang na sa tingin ko'y nasa singkwenta na ang edad. May dala itong kahon na sa tingin ko'y first aid kit ang laman.
"Tahan na, ineng!" nasa mukha nito ang awa sa akin. Pero paano ako tatahan? Hindi ko nga alam ang naging kasalanan ko para malagay ako sa sitwasyon na ito. Hindi ko deserve ito.
"Tulungan n'yo po ako. Tawagan n'yo po ang family ko. Nagmamakaawa po ako sa inyo."
"H-ija, hindi ko iyan magagawa. Si Atlas na lang ang pamilyang mayroon ako. Mabait naman iyon, nagbago nga lang dahil sa nangyari sa mag-ina n'ya."
"Ano pong kasalanan ko sa kanya, Manang? Sa pagkakatanda ko po'y wala. Hindi ko po deserve ito. Tiyak na nag-aalala na po ang pamilya ko sa akin. Manang, parang-awa n'yo na po. Kahit patakasin n'yo na lang po ako rito. Tatanawin ko pong malaking utang na loob iyon." Nagmamakaawang ani ko sa matanda. Bumuntonghininga ito saka umupo sa tabi ko.
"Hindi ko gusto ang ginawa ni Atlas. Pero hindi ko s'ya pwedeng traydorin. Akin na at gamutin natin ang sugat mo." Nilinis nito ang sugat ko. Halatang habag na habag ito sa akin, pero wala ring magawa upang tulungan ako.
"M-anang, parang-awa mo na po." Pero hindi na nagsalita ang matanda. Maingat nitong nilinis ang sugat ko saka s'ya umalis. Nang bumalik ito'y may dala nang pagkain.
"Kumain ka muna. Saka magpahinga na rin. Anong oras na rin, oh!" muli ako nitong inasikaso, nang matapos ay tinulungan n'ya akong makahiga nang maayos. Muli akong napahikbi dahil sa sitwasyon, pero kasalanan ko rin siguro. Nagtiwala agad ako sa taong hindi ko naman kilala. Kampante ako dahil sa naramdaman kong atraksyon sa lalaki, hindi dapat.
Sa dami nang nagbabalatkayo ay nagpabitag pa ako sa mukhang matino pero isa naman pa lang demonyo. Porke gwapo, ito tuloy ako ngayon.
Hindi ko nga rin alam kung paanong nakuha ko pang makatulog kahit nasa ganito na akong sitwasyon.
Kalabit ng ginang kinaumagahan ang nagpagising sa akin. Agad akong napasiksik sa headboard ng kama nang biglang rumagasa ang takot sa dibdib ko.
Sasaktan nila ako. Iyon agad ang tumakbo sa utak ko kaya naman nagsimula na namang manginig ang katawan ko.
"Sumabay ka raw kumain kay Atlas. Akin na, tanggalin natin ang kadena. Maligo ka rin para presko ka." Nakangiting ani ng ginang."Huwag ka nga lang magtatangkang tumakas, hija. Nasa isang isla tayo. Ang tanging paraan lang para makaalis dito ay bangka at helicopter." Tulalang napatitig ako sa matanda. Sanay panaginip lang ang lahat ng ito. Hindi ito totoo.