"Babe, I miss you." Malambing na ani ni Aquihiro sa akin. Kasalukuyan kong ka-video call ang lalaki na nasa Metro ngayon. Ako ang inatasan ni Mama na sumama sa team dito sa Cartan. May conference at nais nitong dumalo ako. Kaya kahit nalalapit na ang birthday ni Aqui ay malayo ako rito. Gusto ko nga rin sanang magbakasyon na ako lang mag-isa, ngunit unang buka pa lang ng bibig sa plano kong iyon ay nasabihan na ako nito ng shut up. "Kailan ang uwi mo, babe?" tanong nang nakasimangot kong kasintahan. Ang gwapo talaga nito, ang kulot nitong buhok ay mas dumagdag pa sa appeal nito. Hindi love at first sight ang kwento nang pag-iibigan naming dalawa. Ipinakilala ito ng aking ina, sinubukan kaming i-set up ng date. Nang sagutin ko ito ay dahil lang sa pressure ng Mama ko. Pero kalaunan ay napamahal na rin ako rito. Gano'n din ito sa akin na nagpursige talagang ligawan ako. Mabait ito, ang laki ng respeto nito sa akin. Never nag-take advantage kaya umabot kami ng tatlong taon na wala pa ring ganap. Thankful ako roon. Alam kasi naming pareho na hindi pa ako ready sa gano'n bagay.
"For sure nandyan na ako bago pa ang birthday mo. Hindi ko lang natanggihan si Mama kasi ang sabi n'ya ay malaking tulong daw sa akin ang conference na ito."
"Bakit kasi hindi na lang si Tilda?" ani nito. Ang ballpen na hawak nito'y nilaro-laro sa kabilang kamay nito. Ang isa naman ay hawak ang cellphone nito.
"Busy rin si Matilda. Saka gusto ko rin namang madagdagan ang kaalaman ko. Don't worry, ako ang unang-unang babati sa 'yo ng happy birthday, babe!" isa pa, gusto ko ring saglit na lumayo sa bahay. Nakakasakal na kasi talaga ang aking ina. Ang dami nitong gusto at pangarap pero sa akin n'ya ipinapagawa.
"I really miss you, Tabitha. Ilang ulit ng ikaw ang unang bumabati sa akin ng happy birthday. Ikaw ang unang taong nagpapaalala sa akin ng araw na iyon. I want you here... beside me."
"Me too, babe!" ani ko kay Aqui. Natatabangan na rin ako sa relasyon namin nito hindi ko lang maamin dahil tiyak na mag-asawang sampal ang aabutin ko sa mama ko kapag nasira ang ideal relationship na ito mismo ang bumuo para sa akin at kay Aquihiro. Mabait din ang lalaki, parang ang hirap ding aminin iyon dito. Alam kong sa ganitong status nang nararamdaman ko rito ay masasaktan talaga ito kapag nalaman n'ya iyon.
"Uwi ka na." Naglalambing na pakiusap nito.
"Promise, tatapusin ko lang talaga itong conference na ito. Tapos uuwi agad ako sa Metro." Pero sa totoo lang, gusto ko muna talagang magliwaliw. Malayo sa kanilang lahat. Malayo sa pressure na ibinibigay ni Nemfra Reiz.
"Pangako mo iyan, ha!" nangingiting ani nito. Ngumiti naman ako rito.
Pagkatapos naming mag-I love you sa isa't isa ay saka lang natapos ang tawag.
Mabilis kong inilagay sa bulsa ng bag ang phone ko, saka iyon ipinatong sa table. Minsan pansin ko na sa sarili ko na kapag kausap ko lang ito, nakakaramdam ako ng pagod. Ewan ko ba, ma-effort naman ang lalaki. Pero parang lumabnaw na iyong nararamdaman ko.
Narito pa ako sa labas ng hotel at nagpapahangin nang tumawag si Aqui. Isang linggo ako rito, ilang araw pa lang ang lumipas. Hindi ako pwedeng umalis ng hindi tapos ang conference dahil malalagot ako sa aking ina kapag ginawa ko iyon.
"Ma'am Tabitha, tubig po." Alok ni John, tauhan ni Mama na kasama sa team. Agad kong tinanggap iyon dahil nakaramdam ako nang pagkauhaw.
"Nakapag-lunch na ba ang lahat?" tanong ko kay John. Nagkaroon lang ng lunch break, 1 pm ay muling magpapatuloy ang conference.
May pitong member ang team na ipinadala ni Mama rito sa Cartan, pangwalo ako. Sabit lang pero kabilin-bilinan ng aking ina na gawin ko ang best ko rito.
"Opo, kayo po? Malapit na po ulit magsimula, kumain na po ba kayo?"
"Hindi pa." Inuna ko kasing kinausap si Aqui. Imbes na kumain.
"Ako na po ang bahala rito sa mga gamit. Mag-lunch po muna kayo." Prisinta ng lalaki.
"Okay, sige!" sabay dampot sa bag ko.
Pumasok ako sa hotel kung saan ay nasa first floor lang ang restaurant. Agad kong tinungo ang isang bakanteng pwesto kung saan agad kong inilapag ang bag ko at relax na naupo.
Sumenyas lang sa waiter at hinintay na lumapit ito.
Nang makuha na ang order ko ay inabala ko muna ang sarili sa cellphone ko habang hinihintay na mai-serve ang pagkain.
Binuksan ko ang album ko kung saan ay unang tumambad sa akin ang larawan namin ni Matilda. Pinakapaborito talaga nito ang gayahin ako.
Simple lang ako mag-ayos, kaya naman walang kahirap-hirap nitong napagtri-trip-an ang mga tauhan namin kapag ginagaya n'ya ako.
Pati sa pagsasalita ko't mannerism ay kuhang-kuha rin nito. Madalas ngang kahit ang magulang namin ay nakukuha nitong lokohin dahil hindi talaga nila malaman-laman kung sino si Matilda at Tabitha.
Saka lang ako tumigil sa pagtingin ng mga larawan nang i-serve na ang pagkain ko.
"Excuse me, pwede bang maupo?" natigilan ako sa pagsubo dahil sa tinig ng isang lalaki na lumapit sa table ko. Nag-angat ako nang tingin at nagtataka itong tinitigan.
Gumala rin ang tingin ko sa paligid. Walang bakanteng pwesto. Kanina lang ay marami pang bakante.
"S-ure!" alanganin pang ani ko rito. Naupo agad ang lalaki saka lumapit ang waiter dito.
"Magpatuloy ka lang!" senyas nito. Nahinto na pala ako sa pagkain ko. Tumango naman ako.
"Kasali ka sa conference?" pinagmasdan ko ang ayos ng lalaki. Mukhang kasali rin ito.
"Yes."
"Kasali rin ako, pero mamayang gabi ay aalis na ako."
Hindi ko alam ang dapat sabihin. Hindi ko naman kasi kilala ang lalaki. Honestly, ang gwapo nito. Sa tingin ko'y nasa trenta na ang edad nito. Bagay na bagay ang kulay blue na business suit na suot nito sa kanya, bukas ang tatlong butones sa mula sa collar nito. Ang buhok nito'y maayos ang pagkakasuklay. Malinis tignan ang lalaki. Ideal guy ko noong hindi pa kami ni Aqui. Sadyang ang daming binago ni Aqui sa ideal na lalaking gusto ko. Kapag nga naman talaga tumibok ang puso natin, kahit sa pinakamakulit pang lalaki ay hindi natin iyon mapipigil. Iyon nga lang iyon dating t***k ng puso ko para sa kasintahan ay nagbabago na.
Panaka-nakang sinusulyapan ko ang estranghero sa harap ko. Nababaliw na yata ako, may mga maiinit na tagpo sa utak ko na ito ang bida. Iyong paghanga sa angkin nitong kakisigan ay agad kong naramdaman. Ewan, hindi ako malibog. Pero habang pinagmamasdan ito ay may kakaibang pakiramdam sa katawan ko na agad kong naramdaman.
Hindi ko naranasan magpaligaw sa iba. Kasi ayaw ni Mama. Hindi ako na attract sa sino mang lalaki, noong ipakilala ni Mama si Aqui, natutunan ko na lang itong mahalin at ito na lang ang nakita kong lalaki na makakasama ko sa habang buhay. Pero ano itong sumisibol sa dibdib ko ngayon para sa lalaking ngayon ko pa lang nakita? Nah, for sure dahil lang sa gwapo ito. Maginoo ang nobyo ko na bidang-bida ni Mama. Matalino at matino. Iyon siguro ang lamang nito na hindi ko rin mabitiwan, kahit pa lumabnaw na iyong dating purong-puro pagmamahal na nararamdaman ko sa nobyo ko.
Nang mai-serve ang pagkain nito'y nagsimula na rin itong kumain. Patingin-tingin lang ako rito, pero walang balak magsalita.
Nang matapos ay sinenyasan ko agad ang waiter sa bill. Wala rin naman akong extra time na hintayin din ang lalaki na matapos sa pagkain n'ya. Kahit nga gusto ko pa sanang titigan ang gwapong mukha nito. Gosh! Para akong first time nakakita ng gwapo. Girl, gwapo rin ang nobyo mo! Kastigo ko sa sarili.
Nang lumapit ang waiter ay agad nitong iniabot sa akin ang bill ko.
"Ako na ang magbabayad. Kapalit man lang nang pagpayag mo na maki-table ako rito." Nakangiting ani ng lalaki. Tapos na rin pala itong kumain. Base na rin sa ayos ng kutsara't tinidor n'ya. Pati pagngiti nito ay iba ang dating sa akin, may s****l tension agad akong naramdaman, tingin pa lang iyon ha. Tingin pa lang.
"No need. Ako na ang magbabayad ng bill ko." Pormal ang tinig na tugon ko.
"Please, Miss?" nakikiusap na ani ng lalaki. Bumuntonghininga muna ako sabay tango. Pasalamat s'ya at gwapo s'ya.
"Ako na ang magbabayad!" sabi ng lalaki sa waiter.
"Ma'am Tabitha!" tawag ng tauhan ni Mama sa akin kaya napalingon kami rito. Nasa mukha nito ang pagtataka na may kasama akong iba sa table pero hindi ito nagkumento."Kailangan na po nating bumalik sa hall. Nagsisimula na po."
"Thank you." Pasasalamat ko sa lalaki na agad nang tumayo. Gusto ko pa sanang alamin ang pangalan nito, pero huwag na lang. Nakakahiya naman sa 3-years kong relasyon.
"Welcome."
Bahagya pa akong yumukod saka dali-daling kinuha na ang bag.
Akala ko sa restaurant na ang huling kita namin ng lalaking iyon.
Pero nang sumapit ang gabi ay nakita ko naman ito sa dalampasigan.
Nakatanaw ako sa karagatan, katatapos lang naming mag-usap ni Aqui nang umupo ito sa tabi ko.
"Tabitha ang name mo, right?" wala naman sigurong masama kung kausapin ko ito, 'di ba?
"Yes." Tipid na sagot ko rito.
"I'm Atlas." Pakilala nito. Sabay abot ng wine glass na hawak nito.
"Thanks." Tinanggap ko iyon at hinawakan lang muna.
"Bakit nandito ka? Mahamog na."
"Nagpapahangin lang. Medyo napagod ako sa conference kanina." Sagot ko naman. Okay naman sa akin na kausapin ito. Mukha naman itong matino at walang gagawing masama. Naramdaman ko na naman iyong pakiramdam na kanina ko pa nararamdaman dahil lang sa presensya ng lalaki na ngayon ay katabi ko na.
"Akala ko uuwi ka na ngayon?"
"May hinihintay lang ako, aalis na rin agad ako."
"Gano'n ba?" wala naman akong alam na pwedeng sabihin. Ininom ko na lang ang wine na bigay nito. Noong una'y pakonti-konti, kalaunan ay sinaid ko na ang laman. Saka ko pinagmasdan ang wine glass na hawak ko, wala ng laman iyon.
"Iyan ang hinihintay ko... ang ubusin mo ang wine na bigay ko." Nagsalubong ang kilay na nilingon ko ito. Ngumisi ang lalaki, bago pa makapagtanong dito sa kung ano ang ibig nitong sabihin ay nanlabo na ang paningin ko at tuluyan akong nawalan ng malay.