Sa ilang araw na lumipas, hindi dumapo ang palad ni Atlas para saktan ako. Inalagaan ako nito, lumipas ang dalawang linggo na maayos ang pakikitungo nito sa akin. Madalas ko itong makitang palaging nakatitig sa akin. Madalas guilt ang nakikita ko, minsan ay lungkot. Naaawa ako rito, may pagkakataon ding sinusulyap-sulyapan ko ito at hindi maiwasang humanga rito. Iyong paghanga na hindi ko gaanong binigyan ng pansin noong unang kita ko rito. Iyong paghangang una kong naramdaman kay Aquihiro pero alam kong iyong kay Aquihiro, may kasamang pressure eh. Pero iyong sa lalaking ito, natural. Nakalilito tuloy. "Magbihis ka." Napatingin ako sa inilapag nitong paper bag. Kalalabas ko lang ng banyo at katatapos maligo nang pumasok si Atlas. Agad kong siniyasat ang laman ng paper bag. Isa iyong b