"Happy birthday!" masayang bati ko kay Aquihiro. Ito ang araw ng out of town trip naming dalawa. Ang daming bilin ni Mama. Na kesyo tiyakin ko na walang ibang mangyayari sa amin ng lalaki dahil nobyo ito ng kapatid ko, kailangan kong siguruhin na hindi mahahalata ni Aqui na ako si Matilda. Kailangan manatiling mahal ni Aqui si Tabitha. Okay lang naman ang mga bilin ni Mama. Nag-e-enjoy naman ako sa patuloy na pagpapanggap ko kaya naman nagpapatuloy ako. "Thank you, babe!" humalik pa ito sa pisngi ko at agad akong inalalayan para makasakay sa kotse. Nang makasakay rin ito ay agad na kaming umalis. May inutusan na akong tauhan para hanapin si Tabitha. Pero hindi ako pwedeng umalis lalo't planado na ang out of town trip na ito. Next week na lang, palalabasin ko na lang na may conference