Malutong ang naging tawa ko dahil sa kwento ni Dodoy, nakaupo kami sa sandbag habang hinihintay na makabalik si Atlas. Bakit hindi pa ako tumakbo? Hindi ko rin alam. Ako lang ata iyong hostage na binigyan na ng pagkakataon makatakas pero mas piniling manatili sa taong dumukot sa akin. "Kapag natatae kami, ate, syempre kailangan magtiis ng isa. Kasi maaamoy namin. Minsan kailangan din namin hugasan ang isa't isa. Kasi magkadikit ang mga kamay namin." Tawang-tawa na ani ni Totoy. Inabot ko ang wipes para malinisan nila ang mukha nila. Noong una'y tumangi dahil hindi raw nila alam kung ano iyon. Pero nang ituro ko kung paano gamitin ay mabilis naman nilang naunawaan. "Asawa ka ni Boss Atlas?" "Ah, o-oo." Para na rin walang explanation. Natanaw ko na si Atlas. Iyong seryosong mukha nito ay