Sobrang sama nang pakiramdam ko. Pagkatapos ko kaninang maligo ay nakatulog ako. Pero nagising dahil sa malakas na kalabog. Dali-dali akong bumangon kahit pa umiikot ang paningin ko dahil sa labis na sakit ng ulo. Iika-ikang tinungo ko ang pinto ng silid at hinanap kung saan nagmula ang malakas na lagabog. Hindi lang iyon isang beses, nagsunod-sunod pa at parang balak nang wasakin ang bahay. Narating ko ang hagdan na dahan-dahan na ang ginawang paglalakad at sinipat ang kaguluhan sa ibaba. Nakita ko sa sala si Atlas. Nakatalikod sa direksyon ko. Parang dinaanan ng bagyo ang sala. May hawak itong bote ng alak, ang isang kamay nito'y dumurugo. Napatingin din ako sa tv na kasalukuyan makikita ang isang palabas. "Hello, Daddy! Ready na ang ating prinsesa." Magiliw na ani ng babae sa video.