After a week , hindi pa rin gumaling ang pamamaga ng paa ni Lyka ang right foot nito . Dinala siya ni Teddy sa hospital para mag- pa- xray . Wala namang broken bones na makita kaya lang masyadong nag swell sa loob .
"I guess , ito na ang sign para ihanap mo ako ng trabaho ." Sabi ni Lyka Umingos si Teddy . Anoo bang trabaho ang sinasabi mo diyan ha ? "
"Hey , hindi ba sabi mo may kaibigan ka na nagtatrabaho sa LM style company , I'd like to work there . Baka pwede mo akong ipasok doon , kahit kulang ako ng Isang semester ? " May panghihinayang na sabi ni Lyka . Kung hindi lang sana dahil sa Katangahan at kagagahan Niya ay may kurso na sana siya ngayon .
"Are you seriously leaving the modeling world ?" Nanlaki ang mata ni Teddy na nagtanong sa kaniya . Kung makapagsalita naman ito na modelling world , akala mo ay kagaya ako nina Gigi Hadid , Bella Hadid , that Jenner woman at iba pa - she thought to herself .
"Of course not, as long as ---"
"Kailangan may kondisyon ?" tanong ni Teddy .
"Mamang naman ... just like the first time that you recruited me , hindi naman tayo--"
"Ganito na lang , magpahinga ka muna habang hindi pa nawala ang swelling ng iyong paa . Saka na lang tayo magpatuloy sa ating ensayu . " Putol ng kaibigang bakla sa kaniya .
"Wait , " Nasa loob na sila ng sasakyan ni Teddy . " Pagbibigyan pa rin kita , bahala ka kung patuloy mo akong i-ti-train ...basta for the meantime . Tulungan mo akong makapasok ng trabaho sa LM style ... please ."
Pinaandar na ni Teddy ang sasakyan ," Kita mo na , you literally have a thing for modeling , dahil sa dinami dami ng kumpanya na pwede mong pagpipilian ay sa LM style mo pa gusto , alam mo kasi na sa fashion pa rin ang bagsak mo . "
Para Kay Lyka gusto Niya ang LM style dahil Philippines based ito . Hindi ito itinayo ng sinumang banyaga mula sa ibang bansa .
Inayos ni Lyka ang kaniyang seatbelt habang pinasibad na ni Teddy ang sasakyan pauwi sa kaniyang bahay . Dahil nagtagumpay si Teddy sa kaniyang karera . Nag-iisa ito sa kaniyang bahay na may two bedroom with its own bathroom . spacious living room and a spare bathroom malapit sa kusina .
Nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa ng minsang pumasok si Teddy sa MacDonald upang kumain , naturally . There , he saw Lyka and instantly infatuated with the girl's innocent but mournful look . He thought she was perfect for the branded clothing style na kasalukuyang pi-no -promote ng isang sikat na designer na ka-partner naman ng kanilang modeling agency .
The design of the dress is for somber look woman , bagay Kay Lyka , kaya hindi na nag -alinlangan pa si Teddy na kilalanin si Lyka . Isang buwan matapos niyang kunin si Lyka para maging Isa sa mga modelo ng damit, ay inaanyayahan na Niya ang dalaga na sa kaniya na tumira .
Dahil sa madali naman silang nagkagaanan ng loob ay pumayag din si Lyka na doon na titira sa bahay ni Teddy . Simula ng nasa bahay na siya ng talent scout and talent manager Niya at the same time , ay naging malapit sila sa isa't -isa.
" Kaya nga mas lalong dapat mo akong tulungan hindi ba ?" Ngumiti ng buong lambing si Lyka .
Sinulyapan siya ng bahagya ni Teddy , pagkatapos ay nag focus sa daan ." Hay naku , pasalamat ka at malakas ka sa akin .." bumuntong-hininga ito .
"Is that a yes ?" Excited na tanong ni Lyka . Pinigilan nito ang sumigaw sa tuwa .
" Yeah , I guess so ... " Nagkibit balikat si Mamang . " Provided---" naalarma si Lyka .
"What ?'
"Na hindi ka titigil sa pag -ensayu sa paglakad , at hindi ka pa rin aalis sa modeling firm namin.."
Huminga ng malalim si Lyka ," Akala ko pa naman ay kung anong kondisyon ang sasabihin mo . Fine with me , though . "
"Okay , deal .."
Nang makarating na sila sa Ayala Alabang - kung saan ang lokasyon ng bahay ni Teddy ay tinawagan nito ang kaniyang kaibigan na nagtrabaho sa LM style. " Nine am bukas ang appointment mo ha , sasamahan na kita--" Tinampal ni Teddy ang kaniyang noo," Gosh! " tinitigan nito ang kanang paa ni Lyka . " Hindi pa pala magaling ang paa mo , ayan ...masyado ka kasing excited magtrabaho sa LM , ayan nakalimutan Kong paiga-iga ka pa pala kung lumakad ." inirapan ni Teddy si Lyka .
" Shoot , okay lang , nakakalakad naman ako . Kagagaling nga lang natin ng hospital di ba ? Hindi mo naman ako binuhat . " Sabi ni Lyka na ngumiti .
" So , mag ka pilosopohan pa tayo nito , ganon ? You will be applying there , iha ..Do you think you will make a good impression walking like a penguin ?" Teddy asked her .
Natawa si Lyka sa exaggerating word na gamit ni Teddy .
"Well," Lyka open and close her mouth . Tama nga naman si Teddy , dapat presentable siyang tingnan sa harapan ng mag-iinteview sa kaniya . Nanangamba pa siya sa alalahanin na hindi naman siya nakatapos ng college . Kulang siya ng Isang semester .
"Okay , I'm gonna call María Fe again to cancel your appointment . After the call , she told Lyka . " We can visit there , anytime of the day , kapag hindi na maga ang iyong paa. "
Umupo ito sa coach , sa harapan ni Lyka . "May binigay na gamit ang doktor sa iyo di ba ? Siguraduhin mong masunod ang pag-inom ng gamot mo if you are really dying to work there ."
Niyakap siya ni Lyka ng mahigpit . "What would I do without you ?Siguro , kung iiwan mo ako hindi ko makakaya - ang bait bait mo , what did I do to recieved a special treatment from you ? " Sa isip ni Lyka ay paborito siya ni Teddy sa lahat ng mga recruits nito , obviously.
Teddy hug her back , " O siya , ayaw ko ng MMK moments ha . Kumalas siya sa pagkayapak Kay Lyka at nagpatuloy .
"Siguro , ticket iyang hitsura mo para sa launching ng bagong design na damit na iindorso namin at that time na nakita kita sa Macdo . And you have the perfect figure , the distant eyes and the somber look , yes , that was the reason . You seem to be a magnet the day that I first saw you . And that's why I was drawn to approach you ."
Pagkatapos ng insidente na nangyari sa kaniyang buhay ay mabilis ang aksyon na ginawa ng FAPE at NMC sa kaniya . Hindi man lang kinuha ang kaniyang paliwanag . " Gusto mo bang ipatanggal ko ang scholarship mo ? " Naaalala ni Lyka ang banta sa kaniya ni Janice . May kaugnayan kaya ito sa mabilis na aksyon ng paaralan sa kaniya at scholarship ?
Tinitigan ni Lyka si Teddy . Umabot na din sa Isang taon ang kanilang pagkakaibigan kung bibilangin Niya ang simula ng kanilang pagtatagpo . Ang mga kaibigan ay may malaking papel sa kaniyang buhay . Kagaya ni Wilma . Si Wilma ang tumulong sa kaniya upang kunin ang mga papers Niya sa paaralan .
Wala na siyang mukha na ipakita sa paaralan . Hiyang -hiya siya sa mga pangyayari . Siguro ang paaralan na rin mismo ang gustong ayaw na siyang makita doon sa campus , dahil sa bilis ng expulsion letter na pinadala nila Kay Wilma right after the incident , na agad namang binigay ni Wilma sa kaniya. Nakapagtataka iyon . However , at that time na presko pa ang pangyayari , hindi iyan pumasok sa isip ni Lyka . Ang iniisip Niya ay kung maibabalik lang Niya ang panahon , hindi siya magpakatanga Kay Nick .
Ang nararamdaman niya that time ang siyang namutawi sa kaniya . Ang sakit ng pagtataksil ni Nick sa kaniya , ang sakit na pinaniwala siya nito ng kasinungalingan at naniniwala naman siya .
"Why are you looking at me like that ?" anang teddy .
" Oh , sorry ...naaalala ko rin si Wilma . Kayong dalawa ang mga kaibigan ko na may mahalagang papel sa buhay ko . Pareho ninyo akong tinulungan lalo na sa mga panahon na kailangan ko kayo ."
"Hmmn.. Kamusta na ngayon ang kaibigan mo ? Nagkausap pa ba kayo ? "
"Yes , may chat and call naman ..Anyway , ano ang gusto mong kainin ngayon ," tumayo si Lyka . " Ipagluto kita . "
"Yay, iyan ang gusto Kong marinig eh ...tinolang manok , I'm craving for tinolang manok kahapon pa yata , kaya lang nakapagluto ka na ng afritada kaya hindi na ako ng request ." maluwang ang ngiti ni Teddy . " Paborito ko rin naman ang afritada mo , basta bisaya ka day ...magaling ba talaga magluto ?"
Tumawa si Lyka , kaya siya tumayo ay dahil parang maiiyak siya habang nag-uusap sila ni Teddy at naiisip Niya si Wilma at ang kaniyang lolo at lola . Pero , dahil sa tanong ni Teddy at sa pagkasabi ng tono niya ng 'bisaya ka day ' ay hindi Niya maiwasan ang tumawa .
" I don't know ," Sabi ni Lyka in between her laugh . Kaya lang naman ako marunong magluto ay dahil sa Tita ko na kapitbahay din namin . Kapag may birthday sa kanila ay ako ang kinuha nitong katulong upang magluto ng pagkain , kaya ayun , kahit papaano may natutuhan din ako . "
"Kaya hindi kita pwedeng pakawalan eh , may modelo na ako may kusinera pa ako ." Teddy grinned .
"The feeling is mutual 'mang ...may bahay na ako , may driver pa .." nagtawanan ang dalawa.
Lumipas ang maraming linggo , mga buwan hanggang sa um@bot ng Isang taon na nagpatuloy ang magandang s@mahan nina Lyka at Teddy . Bagama't hindi natuloy sa runway modelling si Lyka ay -endorser pa rin siya ng ilang clothing brands . Nagtatrabaho din siya sa LM style company .
LM style company is a fashion house established in 1970 , LM style is a fashion house based in the Philippines . Bata pa si Lyka ay naririnig na Niya ang tungkol sa LM style fashion . Paborito Niya ang mga tee na gawa ng LM style , hindi naman Niya sukat akalain ng mapadpad siya sa Maynila , nakilala si Teddy , na mayroon ding kakilala na nagtatrabaho sa kumpanya .
She was assigned in the Marketing Department , The marketing department roles are : creating a marketing strategy , conducting market research , aiding product development , promoting the company's products , managing events , and supporting the sales department . Ipinaunawa sa kaniyang marketing manager ang kahalagahan ng kanilang roles . "Base on your own experience as clothing endorser ay malaki ang magagawa mo para tulungan ang marketing . " Sabi ni Mrs . Tagayong , Maria Fe Tagayong . Siya ang kaibigan ni Teddy na tumulong sa kaniya upang makapasok sa company . Inisip nito na malaki ang part Niya because she was a model herself . Kaya niyang magdlaa ng damit .
Hindi na inisip ni Lyka ang tungkol sa kaniyang papers and resume na pinasa , sure she's lacking the requirements . Hindi siya graduate ng four year course Gaya ng ibang kasamahan Niya ," Ano ang ginawa ng backer ? This is the harsh reality in life Lyka , kailangan ng backer kahit saang larangan . Kaya huwag mo ng isipin na hindi ka nakatapos sa pag-aaral ."
Pero , hindi mapakali si Lyka . Nag enrol siya ng home based class for one semester para matapos Niya ang kaniyang degree , na kahit hindi naman in line sa marketing - at least four year course pa rin . Kaya , if ever na masuri ang kaniyang records hindi siya mangangamba at hindi pa mapahiya si Teddy at Mrs tagayong na tumulong sa kaniya . Kailangan niyang makabangon muli sa buhay , after all , kasalanan Niya ang nangyayari sa kaniyang buhay . She needs to start all over again . Trabaho at pag-aaral .
Looking back , nakangiti na nakaupo si Lyka sa harapan ng kaniyang computer ma nag-iisip kung ano ang strategy na kailangan para sa kanilang bagong labas na design .
"Lyka , darling ..." Tinaas ni Lyka ang kaniyang tingin .
"Yes , Wendy ..?" Si Wendy ay kabilang din sa Marketing Department .
"Pinatawag ka ni Madame Tagayong sa opisina ."
"What about ?" tumayo kaagad si Lyka at sumunod Kay Wendy na kaagad namang tumalikod pagkatapos maibigay ang mensahe . Ganoon sa kanilang department . Busy as a bee ang mga empleyado .
"No , idea ..." Wendy shrugged her shoulders .