THE FIGHT
"He loves me .?..he loves me not ?... He loves me ?... He loves me not ?...He loves me ?... He loves ...me ...not ?!" Nakasimangot na inihagis ni Lyka ang Isang talutot ng bulaklak habang siya ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay kasama ang kaibigan at kapitbahay na si Wilma Valliente .
"Si Nick Defensor na naman ba ang iniisip mo ? " Tanong ni Wilma .
"Yeah , is there anyone else?" Lyka said dreamily . Abot hanggang langit ang ngiti .
Wilma roll her eyes ," Juskoo...! Kailangan ka ba talaga magising sa panaginip mong iyan ha ? Hindi ka Niya magugustuhan no ? " Umingos pa ito .
"Grabe ka naman, " tinulak ni Lyka si Wilma , muntik pang natapilok ang Isa . " Kaibigan ba talaga kita ?" Napangiwi na tanong nito na magkasalubong pa ang kilay . If you only knew.
" Aray! "
"Oooopps...sorry ," nag peace sign si Lyka na ngumisi sa Kaibigan . " Ikaw naman kasi , naninira ng trip ."
Tumayo ng tuwid si Wilma at tumigil sa paglakad . Eksakto naman na nakarating na sila sa malaking bato kung saan , senyales na malapit na sila sa kanilang bahay . Sa malaking bato sila kadalasan nagpapahinga tuwing hapon mula sa paglalakad galing paaralan .
Ang magkaibigan ay fourth year college na at parehong kasapi ng Isang scholarship for private education .
"Tumigil ka nga sandali babae ka ...!" Nakataas ang kilay na sabi ni Wilma . Tumigil sa paglakad si Lyka, she folded her arms . " Oh , shades ...alam ko na kung saan ito patungo ..." She murmured to herself .
"Did you say something ?" Seryosong tanong ni Wilma .
"Nagkibit balikat si Lyka ,"What ? I said nothing ..."
Tinitigan siya ng kaniyang kaibigan . Bumuntong-hininga ng malalim ," Lyka ... hindi na trip iyang feelings mo Kay Nick . Simula pa noong first year high school pa tayo ay crush mo na siya ---"
"Sino ba naman ang hindi mag-ka crush sa kaniya !" Putol ni Lyka na kumikislap ang mata kapag si Nick ang pinag-uusapan . " Ang guwapo -guwapo kaya ni Nick ...ahhhh! Nababaliw talaga ako sa kaniya . " Dagdag pa nito na kinikilig .
Umiling na lamang si Wilma . " Hindi ka ba nagsasawa ? Hindi ka napapagod ? Higit sa lahat hindi ka ba nahihiya ?"
"What ?, why should I ? Bakit naman ako magsasawa? Eh , hindi naman nakakasawa ang pagmumukha ni Nick ko , ano ? Ano bang masama ? Masama ba ang magkaroon ng crush ? I guess not , it's part of life ." Sabi ni Lyka na kinumpas pa ang kaniyang mga kamay .
Hinawakan ni Wilma ang dalawang balikat ni Lyka ," Makinig ka sa akin ng mabuti lyka . Hindi masama ang magkaroon ng crush kahit pa umabot ng walong taon ...ang .." naghahanap ng saktong salita si Wilma . Sasabihin sana niyang 'katangahan ' but she held her tongue . "...ang pagtitiis mo na , mukha Kang katawa-tawa sa ginawa mo ---"
"I beg your pardon ?" Tinaasan Niya ng kilay ang kaibigan . " What do you mean , katawa-tawa ?" Winaksi Niya ang kamay ni Wilma na nakahawak sa Kaniyang balikat .
"Hindi mo pa alam na matagal ka ng katawa -tawa sa ginagawa mo ? Alam na ng buong campus ang kahibangan mo Kay Nick . " Pinandilatan Niya ng mata si Lyka ." My , God ! Lyka , hindi na normal iyang katangahan mo , o ...ayan ha, nasabi ko na rin ...ang matagal ko ng gustong sabihin sa iyo , Katangahan yang ginagawa mo---"
"Stop! You stop ..right there ..what the hell Wilma ! What are you talking about ? Palalampasin ko itong sinasabi mo , dahil matagal na kitang kaibigan . Pero ano bang ipinagputok ng butse mo?" Tumaas ng bahagya ang boses ni Lyka .
"Hindi mo ba talaga alam ? O nag-bingi-bingihan ka lang ? Ginawa Kang katawa-tawa ng grupo nila dahil alam nilang baliw na baliw ka sa pagkagusto mo Kay Nick . Normal pa ba iyong pinulot mo ang wrapper ng cloud nine na kinakain ni Nick at iniipit mo sa yong notebook ? Tama ba iyong ginagawa mo na nagpadala ka ng love letters sa kaniya ? You are definitely making the first move ! And to think na alam mong may girlfriend siya --"
"Excuse me , wala siyang permanenteng girlfriend . Which means , hindi siya seryoso sa Kanila ...malamang ..."
"What ? Are you saying na malamang sa iyo ang bagsak Niya , ganon ? Sa iyo siya maging seryoso ? Oh my gosh, Lyka ...gumising ka nga ... nakalimutan mo ba noong nasa high school tayo ? practical arts natin noon , last period . .di ba umiiyak ka na nagsumbong sa akin na ... kinausap ka ni Nick , ha ? Anong sinabi Niya sa iyo , Hindi ba pinagalitan ka Niya , hindi ba sinabi Niya sa iyo na Itigil mo na ang pag pantasya mo sa kaniya , he doesn't like you crushing over him . Pinamukha Niya sa iyo , na ayaw Niya na ang Isang katulad mo ay magkagusto sa Isang katulad Niya na mayaman , anak ng Mayor at super guwapong kagaya Niya .!"
"Eh , di ...inamin mo rin ...na super gwapo si Ni--"
"Aray naman ..." Tinampal ni Wilma ang likod ni Lyka .
""Sira ka talagang babae ka ! Sa dinami- dami ng sinabi ko , iyon pa talagang 'super' ang napansin mo . I'm trying to be serious here , you idiot !" Lyka gasped at the intensity of Wilma's voice .
"What the hell , Wilma .." umupo si Lyka sa malaking bato , na ayon sa kanilang nga magulang ay buhay na bato . Kaya nila tinatawag na buhay na bato , dahil lumalaki ang bato at nagkaroon ng hugis . Ang hugis nito ay pwedeng upuan at pwede ring higaan . Kaya nakagiliwan ito ng mga kanayon nila na gawing pahingahan anytime of the day .
Maganda rin ang pwesto ng bato , nasa giilid ng kanilang daanan pauwi sa kanilang bahay . Tinatawag itong Puting Bato -which baffled Lyka's mind , dahil kulay itim naman ang bato . Naririnig niyang sabi noon ng kaniyang lolo na ang tinutukoy talaga nitong puti , ay ang lupa kung saan tumutubo ang bato . Kulay puti ang lupa na tinatawag nilang anapog o limestone .
Dahan -dahan ding umupo si Wilma sa kaniyang tabi . " That was seven years ago ...hindi mo pa rin ba nakalimutan iyon ? It doesn't mean a thing , first year high school is far more different compared to what we are now , fourth year college na tayo , Wilma . Hindi iyon sinasadya ni Nick ." Mahinang sabi ni Lyka . " Besides , hindi mo ba napapansin na ... pinapansin na Niya ako ngayon ? And he said ---" Lyka stopped .
"Anong sinabi Niya sa iyo ? He said what , Lyka? " Matigas na tanong ni Wilma.
Galit na tinitigan ni Lyka si Wilma .
"You know , I had enough with your nonsense .." akmang tatayo si Lyka ngunit hinila siya pabalik ni Wilma sa kaniyang tabi . " Listen well, Lyka ...it's the other way around , " Taimtim na tinitigan si Lyka ," Maganda ka , matalino -pero bobo ka pagdating Kay Nick . Kung hindi kita kaibigan , best friend ...hindi ako magmalasakit sa iyo . You've been fantasizing about the man who doesn't give a s**t about you . Hindi ka makasagot kung anong sinabi Niya sa iyo... because the truth is wala naman siyang sinabi sa iyo , maliban sa hi at hello . At bakit siya nag hi , hello sa iyo ...dahil may pinagagawa sila sa iyo hindi ba ? Ikaw ang tagagawa ng term paper Niya , ikaw ang tagagawa ng assignment Niya , ng research Niya and projects Niya . Ang masaklap nagpagawa na nga siya sa iyo, hindi pa siya personal na nag -aproach sa iyo , kailangan pa niyang utusan si Emman upang iparating sa iyo ang utos Niya ! Like what the f**k is wrong with you , Lyka ? Ganiyan ka ba talaga ka tanga ? Okay lang ba sa iyong ginagamit ka niya ? Maganda ka okay ..but you're not the type of beauty na magugustuhan niya . Masyadong simple at hindi makapasa sa panlasa niyang sosyal . And ...kahit masakit aminin , mahirap ka ...hindi pwede sa isang kagaya niyang mayaman na kilala pa sa buong bayan dahil sa anak siya ng Mayor..." Tiim bagang na nakatitig si Lyka Kay Wilma nagsalubong ang mga kilay at akmang magsasalita ngunit hindi siya hinayaan ng kaibigan .
" Kung ayaw mo talagang papigil sa akin sa kagagahan mong iyan , at kung ayaw mo talagang makinig sa sasabihin ko . Then , wala na akong magawa . But know that this will be the last time that you heard me warned you . Alam mo na huling taon natin ito sa college , at huling warning mo na rin sa scholarship - ma ki kick out ka na , bumaba ng husto ang mga grades mo, alam mo naman na yearly ang kick out kapag hindi na maintain ang standard grades na hinahanap ng FAPE , but hence you were consistent for the past three years ...ay pinagbigyan ka ng counsel . "
Ang tinutukoy ni Wilma ay ang FAPE or Fund for assistance to private education. Pareho silang miyembro ng programang ito kung kaya naitaguyod nila ang kanilang pag-aaral kahit lumaki silang kapwa mahirap .
"And you know exactly why you failed to maintain your grades , Lyka . Hindi mo binigyan ng halaga ang pinaghirapan mo ...huling taon mo na ito sa kolehiyo ...that Nick is the reason why your scholarship is sinking ..sana hindi na lang siya bumalik rito eh . "
Taong 1990' ng gumradwet sila ng high school. Si Nick ay lumipat ng paaralan sa Maynila dahil ang kaniyang ina ay tubong Maynila at gusto nito na doon din magtapos sa kaniyang bayang sinilangan ang kaniyang bunsong anak na si Nick Defensor .
Ang kaniyang ina ay half Filipino -half American at galing sa mayamang pamilya ng kalakhan ng Maynila , umibig sa ama ni Nick na bagama't taga probinsya ay galing sa angkan ng Haciendero . At ngayon, ay Isa ng City Mayor sa Isang siyudad ng Negros .
Hindi kumibo si Lyka na nakatingin sa malayo ," hindi ba tama ako ? Noong nawala siya sa ating campus ...hindi ba , nakapag concentrate ka ng iyong pag-aaral? At ang buong akala ko pa ay nakalimutan mo siya ...hindi ko sukat akalain ng bumalik siya last semester ay...muli ka namang nabaliw sa kaniya . Pathetic ...mabuti sana kung , kahit konting pagtingin meron siya sa iyo..." Hinawi Niya ang buhok sa mukha ni Lyka . " Hindi mo ba talaga alam na pinagtatawanan ka lang Niya at ng kaniyang kaibi--"
"I don't have to listen to this ." Tumayo si Lyka , kinuha ang Isang folder na inilapag Niya sa malaking bato ng umupo siya kanina .
Agad na tumayo rin si Wilma ," O , bakit , ha ? Masakit bang marinig ang katotohanan ? Masakit ba na malaman mong pinagtawanan ka nila ha ? Alam mo bang narinig ko kanina sa canteen na ikaw ang kanilang topic , they're making fun of you , Lyka .. makinig ka naman sa akin . " Hinablot nito ang knapsack ni Lyka ng tumalikod na ito upang lumayo .
"Bitiwan mo nga ako ," Lyka turned around and push Wilma . "Ano ba talagang problema mo sa akin ha ? Bakit ka ba nakikialam sa akin. ! This is my life , if you don't like what you sees in me , then stay away from me . ! I don't need you , I don't need you lecturing me around ... kung ano man ang nangyayari sa amin ni Nick , You don't know a thing between us .! " Sigaw ni Lyka .
Nagulat si Wilma sa ginawang pagtulak ni Lyka sa kaniya . Nanlaki ang kaniyang mga mata na tumayo ng tuwid at pinulot ang kaniyang mga libro na nahulog sa lupa . " Very well ...hindi mo ako kailangan ...oo nga naman , kaibigan mo lang ako ...mas matimbang pa rin ang lalaking kinabaliwan mo , na bagama't hindi mo boyfriend - hindi mo rin kaibigan , kundi lalaking minahal mo at boyfriend ni Janice Monteverde .." humakbang palayo si Wilma .
"Wilma ...wait !"