"Have a seat ," imbita ng kaniyang departamental boss ng pumasok na siya sa opisina .
"Thank you ," umupo si Lyka sa kaniyang harapan . Nag -isip ng mga bagay na posibling nagawa niyang mali para ipatawag siya . But she's confident that she did nothing wrong , siguro ito ay may kaugnayan sa kaniyang records . Siguro ay sinisi si Madame Tagayong na tinanggap Niya si Lyka kahit undergraduate .
Well , not anymore ...bagama't hindi Niya na update ang kaniyang record ay pwede niyang ipagtapat ngayon sa kaniyang
Lady boss ang tungkol sa home based education Niya . Inilihim Niya ito sa opisina maging kay Teddy .
" The CEO/OWNER , Raphael Lacson will be arriving tonight . And he would like to meet all the department heads , specifically the Marketing Department. Alam mo naman tayong taga marketing , crucial ang role natin. May be you're aware about the newly designed website na i-ni-expand ng kumpanya . Kailangan ng bagong strategy, plus pa ang bagong gawang design ng ating kumpanya na kailangan natin itong bigyan ng pansin at e-endorso . " Tuloy - tuloy na paliwanag ni Maria Fe .
Lyka wondered though , bakit siya pinatawag ? Hindi naman siya nagkakamali ng dinig . The CEO will be meeting the departamental head , and she's not the head of the marketing department , kundi ang kaharap Niya Maria Fe herself.
"Siguro nagtataka ka kung bakit kita pinatawag ," Sabi ni Mrs Tagayong na tila nababasa ang iniisip Niya . " Ngumiti si Lyka na Naghihintay sa sasabihin niya .
" I cannot attend the meeting because I have an urgent matter to attend to ...and so I'm sending you over to represent the marketing department . I already ---"
" Me ?!" bulalas ni Lyka . Halos mapatayo siya sa sinabi ng kaniyang department head . " Bakit ako ma'am ?"
"Lyka , I'm the Marketing Head and I saw your dedication and hardwork ...other than me , wala na akong ibang nakita na pwedeng mag represent sa meeting with the CEO .
No , what should I say ? What should I do ? Sigurado may report iyon na kasama , siyempre aalamin ng CEO ang nangyayari sa bawat departamento .
"But ma'am, marami namang mas nauna pa sa akin .."
"Right , but I am confident about your knowledge about the Marketing strategy , actually ..." Kinuha Nito ang Isang folder sa kaniyang shelf. " Here , naka ready na iyan , pag-aralan mo please . Kung may idagdag ka na sa tingin mo ay ikagaganda ng presentation mo bukas ay pwede mong isama riyan . " suhestiyon ni Tagayong . " Like I said , I have confidence in you ...you can do it . " Naghihintay siya na tanggapin ni Lyka ang folder .
Atubili na tinanggap ni Lyka ang folder na naglalaman ng presentation . " Ikaw na ang bahala na mag transfer ng files sa computer . Nasa folder ang original idea and strategy ng presentation . "
"You have until tonight to study and familiarize the presentation , Lyka . Hindi naman mahirap sa iyo iyan dahil alam mo naman ang tungkol sa launching ng designed website , hindi ba ? So , more or less , you have the idea about the project , tapos ang tungkol sa strategy , alam mo na iyon - paki review na lang niyan ," tinuro Niya ang folder na hawak ni Lyka .
Noong nag-aaral pa si Lyka , hindi na bago sa kaniya ang mga reporting , presentation at mga gawain na humarap sa mga tao . Pero , noon iyon . Noong ang level ng kaniyang confidence ay 101 pa . After the humiliation in NMC , naapektuhan ang kaniyang level of confidence .
Alam Niya ibang usapan na itong presentation na iniatas sa kaniya . Ibang audience din , but somehow , her confidence faltered just thinking about those darkest hour in her life .
"Any questions ?" naalimpungatan si Lyka . Hindi rin naman siya pwedeng hindi pumayag sa gusto ni Mrs. Tagayong dahil una , department Manager niya ito . Pangalawa , kaibigan ito ni Teddy , siya ang tumulong sa kaniya na makapasok sa kumpanya . Pangatlo ay, may pangatlo pa ba ? She's beginning to panic , at hindi Niya alam kung bakit .
"Anong oras po ba ang meeting bukas ma'am?" tanong ni Lyka .
" Oh, 10 in the morning . Please be on time , Mr . Raphael Lacson is a very busy man and he takes time seriously , ayaw Niya ang nahuhuli sa meeting . So please , be there thirty minutes before ten ."
Tumango si Lyka . Ang alam Niya ay last month lang nag take over as CEO ng kumpanya . Matanda na ang kaniyang ama , he wanted to retire and pass the business to his son Raphael , who was living abroad .
"I'm sorry , Miss Soriano . na binigyan kita ng obligasyon . Urgent family matter ang reason kaya hindi ako available bukas . I already sent an email prior to my absence tomorrow ...and I stated there na magpadala ako ng representative . Pasensya ka na sa akin ha ..."
Ngumiti si Lyka , a genuine smile . Kahit pa nag-alinlangan siya sa kaniyang sarili , but she understands her manager's reason . Also , mabait si Mrs Tagayong sa kanilang lahat , sa kanilang department , lalo na sa kaniya . Kaya , kahit wala siyang tiwala sa kaniyang sarili . She doesn't have the heart to say no to her .
" Alright ma'am , I'll try my best to do my part . " Since hindi naman nag open si Mrs Tagayong about sa urgent family matter na sabi nito ay nagpaalam na si Lyka .
Kinagabihan sinabi ni Lyka Kay Teddy ang tungkol sa task na binigay sa kaniya ni Mrs Tagayong .
"Oh , that ? Kaya pala parang tense ka , " Sabi nito habang i-ni-enjoy ang niluto ni Lyka sa hapunan para sa kaniya .
"Grabe ang sarap talaga ng Nigiri sushi mo , Lyka .." Sabi ni Teddy . Nigiri sushi is a slice of fish placed over a small bit of rice .
" Anyway, what's your question again ? Sa sobrang sarap makalimutan mo talaga ang pangalan mo . Kung may sasarap pa sa luto mo , papatayin ko .." Sabi ni Teddy sabay subo .
Lyka Smiled . " Yeah , but , thanks for the compliment , anyway , I'm asking you about the CEO , anong alam mo sa kaniya ?"
"Nothing , " Sabi ni Teddy na sinubo ang huling slice ng Nigiri . "Hindi naman ako interesado sa kumpanya ng LM clothing , so I don't know much ...about the CEO , he's old news ."
Old news? Hindi siguro nito alam na ang anak na ang pumalit .
"No , I'm asking about the son-- " She stopped . Representative lang naman siya ng kanilang department . No big deal . " Uh , okay .. if you'll excuse me , pag-aralan ko pa ang report para bukas ." Tumayo si Lyka , siguro nga ay walang masyadong alam si Teddy sa business . Mga modelo ang imatupag nito araw-araw , wala itong pakialam sa pagpaptakbo ng kumpanya . Mas nag -e-enjoy ito sa spotlight .
"Good luck ," Sabi ni Teddy sa kaniya .
'LM Style Fashion house was established in 1970 .' Nagsimulang basahin ni Lyka ang introduction ng strategy plan na ginawa mi Mrs . Tagayong para sa kanilang newly designed website launching . Ang marketing department at Sales department ay siyang inaatasan na gumawa ng collaboration para maipagtagumpay ang nalalapit na lunching ng project .
Mr. Bartholomew F. Lacson recognizes the need for young talent to drive their business....nagpatuloy sa pagbasa si Lyka .
'LM style is positioned as the go -to brand as a variety of personalities looking to express themselves through fashion , at an attractive value that compliments their lifestyle . LM strengthens its universal appeal as a top Asian brand endorsed by international stars.' ...
Habang pinag-aralan ni Lyka ang purpose kung paano nabuo ang LM style ay nalaman niya na ang matandang Lacson , the former CEO is an architect who was married to an English woman Michelle McCool.
Meaning Fil-Am pala ang bagong CEO ng kumpanya . "Hmmn . interesting .." matapos niyang ma transfer sa computer ang files ay naghahanda siya ng mga posibling katanungan , if ever meron ngang tanong ang CEO.
At around 11 in the evening ay naghahanda na si Lyka sa pagtulog ng tumunog ang kaniyang cellphone . A chat from Wilma .
" May highschool alumni tayo , hindi ka ba a-attend? It's been three years na hindi ka umuwi rito ."
Kumunot ang noo ni Lyka , she replied ." Are you seriously asking me to attend the alumni homecoming , knowing the humiliation that I had suffered in Northern Mountain College???"
Sinadya Niya na damihan ang kaniyang question mark .
"Why not ? I'm talking about our high school alumni ...bakit ano bang ginagawa mo noong high school ka tahimik lang naman ang buhay mo noong high school ...other than you're dying to be in the gymnasium after class para lang makitang nag pa practice ng basketball si Nick , ay wala naman record ng humiliation na nangyari sa iyo ."
Lyka roll her eyes . She replied ," Kahit na , bakit may mga kaklasi pa rin naman tayo na kadalasan ay sa NMC pa rin nagpatuloy sa pag-aaral ng college . "
"So , ?" tanong ni Wilma sa text . Gusto na itong tawagan ni Lyka para pagalitan ...but she's not in the mood for arguing someone na malayo sa kaniyang kinaroroonan .
" Anong so ? Siyempre , kung hindi man nila nasaksihan ang insidente na nangyari sa akin , malamang na narinig nila ang mga balita , and that means , alam nila ang nangyayari noon sa amin ng hayop na si Nick ."
Five minutes after Lyka sent the message ay hindi pa rin nag reply si Wilma . Siguro na realized nito na mali siya sa pag -aya sa kaniya . Miss na miss na rin naman Niya ang kaniyang Lolo Edgar at Lola Carmen , gusto na rin niyang umuwi .
Pwede naman siyang umuwi na hindi siya magpakita sa mga alipures ni Janice at ni Nick . She was about to text goodnight Kay Wilma ng tumunog muli ang kaniyang cellphone . Naimbyerna siya dahil Isang laugh reaction pala sa last message Niya .
"What is that laughed for ?" tanong Niya .
" Iyong hayop na Nick , ang pinagtatawanan ko . Ha!ha!ha ! Hayop na pala si bebe labs mo noon ?" Another emoji was attached after the message .
"Nananadya ka ba talaga ?!" sinundan din ng angry react ang message ni Lyka . Napikon siya sa pagtawa ni Wilma . Isa pang laugh reaction nito , tatawagan na Niya ito .
" Hey , calm down . Hindi ka na mabiro ah ..Alam mo naman na na-mi miss na kita . Kung hindi ka - a- attend ng reunion , eh , di tayong dalawa ang mag reunion . Pwede naman tayong dalawa lamang . I miss you , Lyka . Nagtatampo na ako sa iyo , kung hindi pa ako maunang mag text sa iyo ...hindi ka rin mag te text . "
"Miss ka diyan , sinabi mo lang iyan kasi alam mong nagagalit na ako . But I miss you so much , Wilma . Walang halong biro . At hindi totoo ang sinabi mo na ikaw ang unang nag te text sa akin . Kadalasan nga ay ako , may call pa ., ikaw ang hindi makasagot sa tawag . "
"Busy sa lesson plan . " Si Wilma ay Isa ng dakilang guro . Nagtagumpay siya sa kaniyang propesyon .
"Yeah , congratulations again sa iyo best friend . I'm happy na matupad ang pangarap mong maging guro . "
"Thanks ..uwi ka ha ? Maraming nagbago rito . "
"Kung uuwi man ako , iyon ay dahil kina lolo at lola at sa iyo . " Dala -dala pa rin niya ang galit sa nangyari ng kaniyang lumipas . Wala siyang ganang umuwi , minsan naisipan na niyang kunin ang kaniyang lolo at lola sa probinsiya . Kaya lang , nag-iipon pa siya para magkaroon ng sariling bahay , para sa kanilang tatlo ng lola at lolo Niya .
"Okay ...just let me know. May invitation ka rin naman sa reunion . I love you bff. Goodnight na muna sa iyo , tambak ang lesson plan ko . "
"Goodnight , Wilma . love you more , miss you more ."
Pagkatapos nilang mag chat ay bahagyang pumasok sa isip Niya na sana ay nakaganti man lang siya sa pagsampal Kay Janice . Higit sa lahat sana man lang ay nasampal din Niya ang walang hiya na Nick na iyon .