"Aray !" natapilok na naman si Lyka sa suot nitong heels habang nag -eensayo sa pagrampa .
"Hey careful !," Teddy said , while helping her to stand . " Tatlong buwan na tayong nag-ensayo sa paglakad , hindi ka pa rin ba nasanay ? " dagdag pa nitong tanong , inalalayan Niya na umupo si Lyka sa couch .
"I told you , modelling is not my thing . Ouch ..aray naman .. dahan-dahan lang .." saway Niya sa kaibigang bakla na minamasahe ang kaniyang paa.
"Dios Mio , Lyka .. iniisip mo pa rin kasi na hindi mo kaya, kaya ganon ..hindi mo talaga matutuhan ang paglakad ng tama . It's so simple ..pitong buwan ka ng nasa modelling agency , sasabihin mo pa rin iyan .?" pinandilatan siya ng talent scout .
"Excuse me lang no , baka nakalimutan mo na sa loob ng pitong buwan na lumipas ...ang ginagawa natin ay ang pagkuha lang ng larawan habang suot ko ang mga damit na mi-no-model ko , hindi tayo nag rArampa ha , Iike were on the runway . " napangiwi na naman si Lyka , dahil diniin ni Teddy ang paghilot sa kaniyang paa .
" Tange ka talaga no ," mula sa pagkaluhod nito sa harapan ni Lyka ay tumayo si Teddy , naka pa meywang na humarap sa kaniya . " Hindi mo ba alam that I'm doing you a favor ? A great favor , my darling .. Ang daming gustong makuha ang pwesto mo na makasali sa runway model while flaunting those branded clothing .!" Hindi lang boses ang tumaas Kay Teddy , maging ang kaniyang kilay .
"But , I'm contented already na suot ko lang ang clothing brand , sapat na iyon ..I don't have to join the runway ...look at what happened ?, I can't walk ." Nanlumo na sabi ni Lyka .
"Hmmm," muling lumuhod si Teddy at sinuri ang kaniyang paa. " Oobserbahan muna natin ito , Sana hindi siya mamaga , Gaya ng dati ..Magsikap ka kasi na matuto , I'm opening a new road to you. You have the potential to showcase your talent and ability . Anong gusto mo ang babalik ka bilang dakilang server ng MacDonald?" pabagsak na umupo si Teddy sa kaniyang tabi .
"Hoy , walang masama maging server ha ?" depensa ni Lyka .
"Why? Did I say something bad about it ? Wala naman di ba ? Ayaw ko lang na masayang ang potential mo at ganda . Hindi ka dapat makontento sa kung anong kaya mong ibigay . May pinag -aralan ka rin naman ..." he trailed off . Pinag-aralan Niya ang reaksyon ni Lyka . Soft topic kasi ang tungkol sa education ni Lyka , hindi pa rin ito nagsalita kung bakit hindi ito nakatapos sa pag-aaral ng ito ay i-ni-interview Niya ng maispatan Niya ang dalaga na nagtatrabaho bilang server sa MacDonald .
"Alam mo , hulog ka talaga ng langit sa akin .." Sabi ni Lyka na nakangiti Kay Teddy . " Who would've thought na ang ugly duckling na ito ay magiging model ng mga ibat-ibang brand ng damit ."
" At sino naman ang nagsabi na ugly duckling ka ?"
"Janice and friends .."
Kumunot ang noo ni Teddy ," And who's Janice and friends ? Naaalala ko tuloy ang palabas noon sa TV na Lotlot and friends . " ngumiti din ang talent scout , na siya ring talent manager ni Lyka .
" Ang mga bully ko sa school at girlfriend ni Nick Def---" Lyka stopped. Telling a name lead to another story .
"Ano ? Sino naman si Nick Def na iyan ? Anong bully , anong girlfriend ang sinasabi mo ...you know , you can tell me about it . I'm here to listen . " Sinulyapan ni Lyka si Teddy . Totoong hulog ito ng langit sa kaniya . Noong dumating siya sa Maynila , wala naman siyang kamag-anak na tinutuluyan . Nag babakasakali lang naman siya na makakuha kaagad ng trabaho .
Napadpad siya sa Maynila dahil sa eskandalo na nangyari sa kaniya sa North Mountain College . Hindi pa rin Niya nakalimutan na na kick out siya sa FAPE association scholarship , na expelled pa siya sa NMC , nasaktan pa siya ng labis dahil sa paggamit ni Nick sa kaniya . Napakalaking tanga Niya . Her naivety is killing her dreams and future . Kasalanan Niya ang lahat , napakadali niyang mauto . Nakita na Niya na red flag si Nick . Pero nagpatuloy pa rin siya , mabilis kasi siyang maniwala sa mga fairytales . Sadly , ang fairytales ay sa pelikula lamang nangyayari , hindi sa totoong buhay. Bakit kasi noong maghagis ng common sense sa mundo ay hindi siya nakakuha .
Who the hell , wanted to be a hidden girlfriend ? Bakit masyado siyang inosente na naniniwala na mahal siya nito ? May mahal ba na itatago ka sa karamihan? May mahal ba na kausapin ka lang kapag may ipagawa na project sa iyo ? " Lyka , kaya nga inilagay ang utak sa ibabaw ng ulo , at wala sa gitna ng dibdib mo , kasi nga para utak ang pairalin mo .
"Matalino ka naman , Pero nuknukan ka ng pagkatanga at hindi ko alam kung bakit ka naniniwala sa sinasabi ng lalaking iyon ." muli na namang umaalingawngaw sa pandinig ni Lyka ang mga sinasabi ng kaniyang best friend sa kaniya . Umiling siya ng maaalala Niya ang kaniyang kaibigan . Tama talaga lahat ng sinabi sa kaniya ni Wilma .
Na mis-interpret naman ni Teddy ang pag-iling ni Lyka . " Okay lang sa akin kung hindi ka pa handa na sabihin sa akin ang totoo ...no worries ." Kinuha ni Teddy ang kaniyang cellphone at tumawag ng food and coffee delivery .
Hinawakan ni Lyka ang mga kamay ni Teddy ," No , you got it wrong ...may naaalala lang ako , kaya ako umiling .. I really appreciate you Ted... really , hindi mo lang alam na nabigyan mo ako ng panibagong pag-asa ... anyway , nakahanda na akong sabihin sa iyo ang tinatago Kong lihim ...alam Kong marami Kang katanungan sa akin , tungkol sa pagkatao ko .."
" Sir Teddy , " sabay silang napalingon sa pintuan ng dumating ang nag deliver ng coffee and pancake sa kanila for breakfast . Umaga pa sila ng magsimula sa mag-ensayo sa mini gym ng Clothing Modeling firm kung saan sila nagta trabaho . " Ito na po ang order ninyong pagkain , kuya---"
Dios Mio , sa kapal ng make up ko at sa pula ng lipstick ko , Sir Teddy at kuya talaga , huh ?" pinandilatan ni Teddy ang lalaking nag deliver ng kanilang almusal . "Pasensya na po ..miss ." Mabilis na tumalikod ang delivery boy .
Tumawa si Lyka , simula ng magkasama sila ng trabaho ay natuto na siyang tumawa dahil palabiro si Teddy Ignacio . Kaya nakalimutan Niya minsan na sumagi sa isipan Niya ang pait ng kaniyang kahapon . Dati kasi , walang araw na hindi Niya maiisip ang kaniyang kagagahan at katangahan kung kaya napadpad siya sa Maynila.
"Bwesit na lalaking iyon , hindi marunong kumilatis .. sa lambot ng mukha ko na ito , kuya talaga ? Sir talaga ?"
" Hayaan mo na , umalis na iyong lalaki ..." tinanggap niya ang kape na binigay ni Teddy . " Thanks for this ..."
"Hmmm...you owe me ," pabirong sabi nito Kay Lyka . Nilagay ang pancake nila sa center table .
"Palagi naman ah , hindi lang ngayon ...you literally adopted me, Mang...kaya nakagagaan ng loob ang magpatuloy sa buhay ..." She took a sip . " After what happened to me in Negros ...I lost the will to go on with my life , it was my fault ...Pero ..kasi , I thought ..I -"
" Lyka , kung hindi mo pa kayang sabihin ang nangyayari sa iyo noon , huwag mong ipilit .,ang mahalaga , ayos ka na ngayon ... you've moved on ."
Naka move on nga ba siya ? Kaya na ba niyang humarap sa mga taong nakiusyuso ng araw na iyon ? Kaya na ba niyang harapin ang salbaheng Nick na iyon ? Maging ang mga kaibigan Ni Nick ? Well, wala naman siyang balak na makipag reunion sa mga taong iyon , mga tao na naging dahilan ng kaniyang pagdurusa . But then again , she thought that she was partly responsible for what happened to her . Nagpakatanga siya .
Bumuntong-hininga si Lyka ," No , kaya Ko ng sabihin sa iyo ang tungkol sa aking nakaraan . " She wiped the spilled sauce in her mouth . Nagsimula ng sinalaysay ni Lyka ang mga pangyayari sa kaniyang buhay pag-ibig . Tahimik na nakikinig si Teddy sa kaniyang mga sinabi . At ng matapos niyang masabi ang lahat .
"Ayun , pwede mo na akong pagtawanan . " umiwas siya ng tingin Kay Teddy , Inubos ang kape na hawak Niya .
"Why should I laughed ? Hindi naman ako judgemental na tao . Ako pa ba ang magiging judgemental , ang mga katulad nga namin ang madalas na na ju-judge dahil sa... you know , bakla kami hindi ba ? "
"You are such an amazing human being Ted , regardless of your gender ...I like you , so I don't give a damned na bakla ka . Anyways , thank you for understanding ." Sinabi rin ni Lyka ang tungkol sa pagiging s*x buddy nila ni Nick . Pero , walang comments si Teddy .
" Thank you , Lyka ..you are also an amazing human being . That stupid Nick was an idiot . Hindi pa Niya nakita ang pag transform mo , kung halimbawa lamang na ang habol Niya sa babae ay physical lamang ." Hinawakan Niya ang kamay ni Lyka . " I'm sorry , that happened to you , though. "
"May kasalanan din kasi ako eh , hindi ko nakikita at napapansin na pinaglaruan Niya ako ."
"Well , base sa sinasabi mo . " binitiwan Niya ang kamay ng dalaga . " ... you're both aware and unaware of his intentions , but because you were crazy in love with him , hindi mo na binigyan ng halaga ang sigaw ng utak mo na mali ang ginawa mo . Ganiyan talaga eh , kapag nagmahal ka kasama na riyan na maipagkaloob mo ang sarili mo ." he ended with a wink and hastily added , " I like this best friend of yours , hindi siya konsintidor , but then again ...hindi rin siya ang in love , kaya hindi Niya maintindihan ang laman ng puso mo ."