THUNDER LAVISTRE
DALAWANG MALAKAS NA SUNTOK ANG BINITAWAN ko sa mukha ni Luther ng aminin nito sa aming lahat ang pinagawa nito kay Flame at Damon.
“Ikaw isa ka pa at pumayag ka pa! Alam mo na may anak si Flame at asawa na nag hihintay! Ngayon ano ang sasabihin natin sa mga bata at kay Blake?!” Panduduro ko kay Damon.
“Huwag na huwag ka mag papakita sakin hanggat hindi pa nakikita si Flame!” Duro kay Luther.
“Ako ang paghahanap kay Flame, kasalanan ko ito kaya responsibilidad ko ito..” malamig na sagot ni Luther sa amin.
Nilapitan ko ito na agad naman humarang si Vlad sa gitna. “Tama na! Hindi ito ang oras mag p*****n kayo! Ang kailangan natin balikan ang bundok at hanapin si Flame..” awat ni Vlad.
“Kapag nawala ang kapatid ko at namatay siya, tatapusin kita tang*na ka!” Pag babanta ko kay Luther.
Umalis agad ako upang bumalik sa Tierra Teresa upang hanapin si Flame alam ko na maraming nag babantay doon. Pero kailangan ko mahanap ang kapatid ko, nilingon ko si Damon agad itong tumalikod.
Gusto sapakin ang isang ito pero wala na akong sapat na lakas para gawin ‘yun. Kailangan ako ng kapatid ko.
Sumakay ako sasakyan ko at mabilis bumalik sa bundok. Hindi ko matatanggap na ginawa nila ito para mapasok ang Los Trados! Gusto ni Flame patayin si Clinton habang nasa loob ito.
Pumalpak ang plano ni Luther, dapat kapag mahuhulog si Flame sasaluhin ito ng mga tao niya ngunit nahuli sila ng dating. Posible na bumagsak ang kapatid ko sa tubig.
Tinigil ko ang sasakyan ko at pinag susuntok ko ang manibela ng sasakyan ko. “Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag sa asawa ito ni Flame..” napahawak ako sa mukha ko.
Galit ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang nagawang balikan ang kapatid ko. “Mahina ka.. Thunder.” Bulong ko.
“Huwag mo sayangin ang oras mo Thunder sa pag iyak, hanapin mo ang kapatid mo..” narinig kong wika ni Madrid sa kabilang linya.
BLAKE SHIN DELA VEGA
“Patawad hindi ko gusto na mangyari ito maniwala ka Blake. Nahuli lang sila Luther ng dating hindi ito ang plano..” paghingi ng tawad sa akin ni Damon lumuhod ito sa harapan ko.
“Pangako hindi kami titigil, hahanapin namin si Flame. Patawad..” pag hingi nito ng tawad.
“Paano kung may nangyari sa asawa ko?! Damon mga bata ang anak namin?! Paano ko ipapaliwanag sa mga bata?!” Tanong ko dito hindi ko maiwasan hindi magalit sa kanila.
“Bakit ang asawa ko?!” Tanong ko dito hindi ko maiwasan hindi tumulo ang luha ko sa nangyayari sa pag aalala at sa nalaman ko.
Hindi ko maitatanggi na galit ako na pumalpak ang plano nila, hindi ko alam kung alam ba ng asawa ko na papalpak sila o hindi. “Patawad! Sorry! I’m so sorry hinahanap na siya ng mga pinsan namin! Patawad hindi ko ginusto ‘to! Maniwala ka!” Nakaluhod pa rin ito habang umiiyak.
Napahawak ako sa ulo ko at umatras ako. “I-iwan niyo muna ako.. tutulong ako hanapin ang asawa ko..” wika ko at tumalikod na ako nag tungo ako sa silid ng mga bata.
Wala ang mga anak namin dahil pumasok sa school. Doon ako umiyak ng umiyak natatakot ako para sa asawa ko paano kung may nangyari sa kanya?
Napahawak ako sa dibdib ko hanggang umilaw ang laptop ko at agad kong binasa ang email na may naka attach na video dito.
Pag bukas ko. “Sa oras na mapanood niyo ito oras na para malaman niyo ang totoo..” putol ng asawa ko sa pagsasalita.
“Kung ano man mangyari sakin, huwag niyo ako hahanapin. Babalik ako pabayaan niyo ako gawin ito, pumayag ako sa plano ni Luther lahat ng pagbabago matapos ang anim na buwan sa huling laban ni Ava nakatanggap ako ng mga Death threat noon pa lang alam ko na kung sino ang kaaway natin..” putol ng asawa ko. Pinunasan ko ang luha ko.
Ngumisi ito at nag cross arms. “Hindi ko ito pinansin dahil wala akong panahon. Kinausap ko din si Luther na hanapin kung sino ba talaga ang namumuno sa Los Trados nakuha ko na ang sagot. Buo ang desisyon ko, babalik ako pangako pipilitin ko bumalik ayoko na malaman na nag aaway kayo..” nakinig lang ako dito.
“Love, please bantayan at alagaan mo ang mga bata hindi ito magtatagal babalik ako pangako. Kuya Thunder, Vlad, Storm, Demitri, Earl. Kuya Ezekiel, Azi sa inyo Drake at ikaw Ace. Gawin niyo ang lahat para manalo sa laban na parating, pangako tutulong ako..” ngumiti ito.
“Wala akong idineklarang leader. Kumilos kayo ng nag kakaisa dahil alam ng kalaban na wala na ako sa tabi niyo gamitin nila ito para subukan na matalo kayo. Hindi lang Los Trados ang kaaway natin marami, ang ginawa kong ito ay upang tapusin ang gulong nilikha ko.. parating na si Ava at ang grupo nila may makakasama kayo maasahan sila.” Naka ngiti ito na tila na alam niya anong mangyayari.
“Hon..” bulong ko ba tawag sa asawa ko.
“Papanoorin ko kayo sa malayo, ayoko na makita ko na mag papatayan kayo dahil sa pag kawala ko. Kumbaga kayo na muna saka na ako lalaban, at hanggang dito na lang aasahan ko kayo..” ngumisi ito at nakita ko ang hawak nitong red queen ng chess.
Bigla na namatay ang video.
“Kahit kailangan ka talaga!” Natatawa kong wika, napagtanto ko na ang ginawa ng asawa ko ay upang ilabas ng mga kuya at pinsan niya ang galing nila sa laban kahit wala siya.
Hindi ko maiwasan hindi mapaluha. “Iba ang pagmamahal ng isang Flame, parte ito ng kagustuhan niya maging magaling na pinuno ang bawat isa.” Naluluha ako sa saya.
Ito ang binanggit niya sa akin.
*Flashback 6 months ago*
“Kung bibigyan ako ng pagkakataon na mawala sa frame? Gagawin ko, gusto ko kasi makita paano kumilos sila kuya bilang pinuno. Gusto ko sila maging sila kahit wala ako ayoko na lagi ko silang nasa likod .” Naka ngiting kwento ng asawa ko.
“Napag tanto ko na lagi silang nasa likod ko, gusto ko sila naman..” tinitigan ko ang asawa ko.
“Susuportahan kita sa kahit anong gusto mo. Kung ‘yan ay tingin mo na ikakaganda ng samahan niyo? Do it..” sagot ko dito at niyakap ko ito ng mahigpit.
*End Flashbacks*
Ngumiti ako. “Pina-pahanga mo pa rin talaga ako ng husto, napaka talino mo kahit kailan..” bulong ko habang hawak ko ang litrato ng asawa ko.
THUNDER LAVISTRE
BUMALIK AKO NG NAKATANGGAP AKO NG EMAIL o video.
“Ibig sabihin tayo ang pino-front ni Flame ngayon?” Tanong ni Azi.
Napa lingon ako ng makita kong pumasok si Lance at Ken. “Alam namin ang plano ni Boss,” gusto ko talaga sapakin ang dalawang ito.
“Kaya ba wala kayo?!” Tanong ko sa dalawang ito, agad naman nagsi atrasan ang dalawang ito. “Lagi kayo nawawala kapag alam niyo ang plano ni Flame. ‘Yung panahon na naging wanted siya kayo din ang nakaka alam nun kasama si Onze!” Singhal ko na naman.
“Kuya Relax! Kasasabi lang ni Flame huwag tayo mag away, tama siya kapag nalaman ng kalaban natin na nag kaka-gulo tayo gagamitin ito laban sa ating lahat..” awat ni Storm sa akin.
Nilingon ko ito at umiling na lang, masakit man amin pero tama si Storm.
VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE
Pinapanood ko ang video lahat huminahon na matapos mapaliwanag sa kanila ang pinupunto ni Flame sa video. Tumawag din ang asawa ni Flame naka ngiti at sinabi nito sa amin na minsan nag pahiwatig ang asawa niya.
Pero kailangan pa rin namin hanapin si Flame, baka kasi anong nangyari sa kanya. “Ganito gawin natin, kukunin natin ang ibang grupo ni Flame ito ang mag hahanap. Pero kailangan maging maingat tayo, baka naka bantay lang ang mga Los Trados at tapusin si Flame ng walang laban. May parating pa tayong kaaway..” paliwanag ko sa kanila.
“May hahanap na kay Flame ang grupo nila Blue sila na ang bahala..” sagot ni Storm sa akin.
Agad kong naalala si Damon at ang ginawa ni Thunder dito kani-kanina lang. “Si Damon kailangan niyo maka usap ‘yun, mabilis magtampo ang isang yun didib-dibin niya ito mas lalo siya rin ay sinisi natin!” Utos ko.
Napa buntong naman si Azi. “Sobra niyang sinisisi ang sarili niya. Ayaw niya mawalan ng mama ang mga bata..” wika nito.
“Kaya nga kausapin niyo na rin! Mamaya magpatiwakal ‘yun kasalanan pa natin!” Singhal ko dito.
Nag taas ito ng kamay na parang susuko na. “Easy! Gagawin na nga eh alam ko naman saan ‘yun mahahanap..”
“Mga pre! Bumili ako ng halaman ang cute!” Napalingon kami sabay sabay sa pinto ng may sumigaw.
Pag pasok nito si Damon ito halatang mugto ang mata nito at may blackeye pa. May bibit itong plastic. “Hindi naman kita sinuntok sa mata ah? San mo nakuha yang black eye mo?” Tanong ni Thunder dito.
Nilabas nito ang maliit na halaman. “Si Blake may gawa nito. May alaga na ako ilalagay ko sa balcony sa kwarto doon kina Flame. Cute tawag nila dito Jade daw ito..” naka ngiti pa ito habang pinagmamasdan ang kanyang halamang binili.
Nakakunot naman ang noo ko sa mga pinag gagawa ng isang ito. “May alam ka ba sa mga ganyan? Pambabae nga wala kang alam tapos bibili ka ng ganyan?” Tanong ni Ken dito.
“Sabi kasi doon ng ale bulaklak daw ito ay violet. Wala akong alam sa mga halaman.. papa alaga ko ito sa mga bata o kay Nanay Fe..” buong kumpiyansa nitong sagot.
Napa nganga naman si Azi at Lance narinig kong tumawa ang mga babae. “Hindi po ‘yan binibilad sa araw at hindi rin panay dinidiligan..” mahinahon na paliwanag at pagtuturo ni Alice sa isang ito.
“Oh? Di nga? Hindi siya alagain? Ang galing. Uy Jade mag bulaklak kana ha?..” umupo pa ito at hindi man lang inaalis ng tingin sa binili nito.
Lumapit si Azi sa akin at may binulong. “Mukhang hindi naman big deal na sinapak siya..” bulong ni Azi sa akin. Hindi ko maiwasan hindi matawa sa sinabi nito.
“Mas okay na ‘yan kesa ‘yan ang ginawa niya mamaya.” Pabulong kong sagot.
“Alam niyo ba na may nakita akong aso kanina, kawawa babalikan ko ‘yun..” wika ni Damon.
“Tumigil kana Damon ang dami mo ng pinag dadala sa bahay ng mag asawa. Una kuneho, hamster tapos aso. Ngayon naman aso ulit at halaman?!” Hindi maka paniwalang tanong ng kapatid kong si Demitri dito.
“Kawawa eh! Iniwan na sila ng amo nila tapos ‘yung mga alaga kita na buto sa payat. Hindi ka ba naawa? Mas naawa ako sa mga alagang aso na iniwan tapos halos mamatay sa gutom. Kesa sa tao noh!” Sagot nito binuhat na naman nito ang halaman at nilagay niya sa isang gilid.
Nilingon ko si Thunder na umiiling lang niyo. “Hindi na talaga siya nag bago..” bulong nito. Natawa na lang ako.
“Oy!” Sigaw ni Damon napa tili si Divine sa gulat.
“Ay puk* mo!! —— ay sorry po!” Agad itong tumalikod at tumakbo.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nitong salita. What the fvck? Tagalog ito ng p*ssy right. Nilingon ko sila na tumatawa habang si Damon nanlalaki ang mata nito.
DAMON VALENCIA LAVISTRE
“Bastos ‘yung sinabi nun ah?!” Tanong ko at hinarap ko sila hanggang.
May pumalo sa ulo ng matigas na rinolyong magazine. “Aray! Sino ‘yun?!” Tanong ko at nilingon ko si Vlad.
“Paano hindi magugulat! Bigla ka na lang nag Oy!” Singhal nito.
Marahas kong kinamot ang ulo ko. “Bakit kailangan mo mamalo ng magazine sa ulo? Hindi mo ba alam na masakit ‘yan?! Tatanong ko lang naman kung hahanapin na ba natin si Apoy eh!” Mangiyak-ngiyak kong tanong.
“Nag padala na si Luther at Drake ng tao para hanapin pag una si Flame..” sagot ni Thunder.
“Thunder, sorry..” pag hingi ko ng tawad dito. Bigla naman tumahimik ang paligid.
“Huwag mo na isipin ‘yun, ang importante buo tayo ngayong wala si Flame. Huwag natin ipahiya si Flame nag tiwala siya sa atin na kaya natin ito kahit wala ang comand niya..” mahinahon nitong paliwanag.
“Tama agree ako, pabalik na rin sila Earl at Brent.” Singit ni Vlad. Tumango na lang ako.
“Pero ang lakas ng suntok sayo ni Blake ah? Black eye agad..” pang aasar ni Azi sa akin.
Umalis ako sa harapan ni Thunder at sinugod ko ito. “Solid ‘yung suntok niya. Alam mo ‘yung suntok na matagal ng hindi niya nagawa sa buong buhay niya? Akala ko nga hindi na ako makaka dilat eh..” kwento ko dito, narinig ko naman sila nagtatawanan na.
Nilingon ko sila. “May nakakatawa ba sa sinabi ko? Totoo naman ah? Gulatin niyo din si Blake ng maranasan niyo din.. Ako pa lang ata naka ranas pa ng sapakin sa’tin nun..” kwento ko na naman.
Nakakairita pala talaga kapag pinagtatawanan ka iba mas lalo kakilala mo tapos ang mas masaklap? Pinsan mo pa, habang nagpapaliwanag ka? “Malapit na ako maniwala na happiness niyo ako..” wika ko.
Bigla naman sila tumigil sa pag tawa. “Gago!” Mura ni Demitri sa akin.
Ako naman ‘yung natawa dahil ang lutong ng mura niya. “Tigas nun at ang lutong!” Pang aasar ko dito.
Sinamaan naman ako ng tingin ni Demitri kaya nag paalam na ako na aalis muna ako. Iniwan ko muna ang halaman ko sigurado ako matutuwa ang mga plantita sa mansion.
Dami ko talaga natutunan na salita sa mga Gen Z ngayon. Sumakay ako sa sasakyan ko at binalikan ko ‘yung nakita kong nag titinda ng rabbit.
HINDI NAG TAGAL NAKARATING NA AKO pumasok muna ako sa loob at nag hanap. “May pwede pa akong mabili? Kasi lahat sold na..” tanong ko sa babae.
“Ay wala na po sir..” sagot nito.
Tumango na lang ako at lumabas na lang muli, gusto kasing dagdagan ni Flame ‘yung mga alaga ng mga bata kaso. May python don, napa tigil ako ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa kamay ko. Agad kong sinagot ang tawag ni Blake
“Hello, Blake? Napa tawag ka??” Tanong ko dito at nakita ko ang mga golden retriever na binebenta.
“Ah.. gusto ko kasi ipa dispatya na itong mga Python at delikado na ito masyado ng malaki. Sino ba pwede ko tawagan para makuha ito?” Tanong nito sa akin.
“Alam na ba ng mga bata? Mas lalo kay Alastor ‘yan..” tanong ko dito.
“Alam na niya, pumayag ang bata.” Sagot nito.
“Okay tawag ka sa barangay sa kanila mo ipakuha ‘yan tapos sabihin mo dalhin sa zoo..” sagot ko dito.
“Okay salamat..” pasasalamat nito at binaba na ang tawag nito. Pumasok na ako sa loob nakita ko agad ang mga puppy na Golden Retriever.
“Good day sir,” naka ngiting bati sa akin ng lalaki.
Ngumiti din ako at agad nag tanong. “Magkano ang puppy na golden?” Tanong ko dito at nakita ko ang isa na naka tingin sa akin nilapitan ko ito na agad tumayo.
“Nasa nasa 15 thousand po pesos po kapag puppy pero kapag kasama yung mga kapatid po nasa 60 thousand po..” paliwanag nito.
“Paano kung lahat sila?” Tanong ko na kina laki ng mata nito.
“Nagbibiro lang kayo diba? Sir ang mahal po niyan baka mabutas po bulsa niyo?” Tanong nito. Umiling ako. “Seryoso po kayo??” Tanong ni muli tumango ako.
“Bibigay ko kasi sa mga bata kapalit ng Python na sinuko na nila sa Local Government..” sagot ko na kina nganga nila..
Siguro dahil sa sinabi kong Python. “A-ah sige po si Marry na lang po ang kausapin niyo..” nauutal nitomg sagot. Tumango ako at kinausap ko ito.
Sinabi ko na kung pwede nilang ihatid pero nag desisyon ako na isakay ang mga aso sa sasakyan ng walang kulungan. Nilagyan nila ito ng pampers na pang aso para hindi mag kakalat sa loob ng sasakyan ko.
Nang mabayaran ko na lahat at umalis na kami. Tuwang tuwa ako dahil may puppy sa manibela ko na naka dapa. Alam ko matutuwa ang mga bata at least may nagsisilbi ng guard dog ang mga kiddos.
-
If you don’t take risks, you can’t create a future..