PROLOGUE
WARNING ‼️
Rated SPG and please be aware for the scene has a following content. Includes: Violence, k*ll*ng, destruction, foul words and etc..
—
* 6 Years After The Last Bloody Destruction *
MATAPOS ANG HULING laban namin sa mga kaaway namin at sa gobyerno ng bansa. Nag desisyon kami na lumabas muna ng bansa at tumira sa bansa kung saan lumaki ang asawa ko.
Sa Japan kami nanatili hanggang mag tatlong taong gulang ang kambal nag desisyon naman kami na lumipat ng London, UK upang dito mag aral ang mga bata.
Nag desisyon din ako na pansamantalang tumigil at pinaubaya ko ang pamumuno sa Underground sa nga kuya ko. Dahil nahihirapan ako maging Ina sa mga anak ko mas lalo sa kambal.
In the first 2 months after ko manganak nag karoon ako ng anxiety sabi ng doctor normal ito sa bagong panganak at first time mommy. Nilabanan ko yun kasama ko ang asawa kong si Blake sa lahat ng yun hindi ako nito iniwan.
Natatakot lang naman ako paano kung hindi ko magampanan ang pagiging mabuting ina? Pero si Mommy Aaliyah siya ang nandyan at si Ate Sky para suportahan ako at tulungan.
Isa sa mga pinag papasalamat ko may asawa ako na kahit isang beses hindi nag dedemand na sundan na ang kambal. Nakita niya ang hirap ko sa mga anak namin.
“Mama? Malalim po iniisip mo..” nagising ako sa lalim ng pag iisip ko ng makita ko ang anak kong panganay na si Cloud.
Binuhat ko ito at inupo sa hita ko at niyakap ko. “Nope, mag aaral kana ha? Kayo ng mga kambal. Excited kana?” Tanong ko dito.
Narinig kong tumawa ito ng mahina at naramdaman ko ang pag yakap nito ng mahigpit. “Yes mama, and the twins too. Ako po mag tatanggol sa kanila kapag inaaway po sila..” magalang nitong sagot.
Ngumiti naman ako niyakap ko pa ito. “Good, but don’t do any violence action okay? Hindi sila katulad mo naiintindihan mo ba?” Tanong ko sa anak ko.
“Yes po mama!” Sagot nito. Ang anak kong si Cloud ay paunti unti na namin nakikitaan na interest sa ginagawa namin. Yun ang dahilan kay kailangan ko ito palalahanan lagi
“Isa pa! Control your emotion huwag kang padalos-dalos i know you, my son. If your classmate wants to hurt you, the twins and the quadruplets?” Bilin ko dito.
“Go to office and tell them the whole truth no lies!” Sabay naming sagot. Natawa naman ako at tumango.
He already knew what i always said. “But mama, how about the other bully? Lagi po kasi nila ako inaaway. Kasi po bad daw po kayo..” pinisil ko ang nguso nito dahil humahaba na naman.
Napa ngiti ako ng marealize ko na, malaki na ang batang ito lumalabas na rin ang pagiging gwapo nito. But i hope someday masabi ko sa kanya ang totoo at matanggap niya at hindi siya masaktan.
Pero hindi ko naman mapipigilan ang emosyon niya, tatanggapin ko kung magagalit ang panganay ko sa akin. After all nakaka galit naman talaga na hindi ko talaga siya anak.
“Then mag sabi ka parin..” sagot ko dito at inayos ko ang buhok nito.
“Mama? Yung teacher po minsan hindi po sila nakikinig kapag nag susumbong ako tapos kakampihan nila yung bad bully..” sumbong na naman nito.
“Then, do it the same way don’t lay your hands on them. Don’t hit them tell me or daddy, you can tell all your Uncles too at kami na bahala okay??” Tanong ko dito.
Tiningnan lang ako nito na tila iniisip niya kung sasang-ayon ba siya sa akin o hindi.
“I will, Mama..” pag payag nito, halata naman na hindi siya sang-ayon pero dahil nanay ako sumang-ayon na lang ito.
“But mama? Kailan po tayo bibili ng gamit po sa school?” Tanong na naman nito. Napa tampal ako ng noo dahil doon.
Ito ang ugali niya sa oras na mag umpisa na siyang mag tanong hindi na ito matatapos maliban kung may bago na naman destruction sa kanya. “Later. Hintayin natin si Daddy. Tell the twins and quadro we are going out isama natin si Knives.. Go!” Utos ko dito.
Agad itong bumaba at humalik muna ito sa pisngi ko. “Bye bye mama!” Paalam nito kaya napa ngiti na lang ako at tumayo na rin.
It’s been a long time simula ng makabalik kami ng Pilipinas. Wala naman nag bago sa paligid kahit pa sa buhay Mafia walang nag bago.
Saktong pag balik namin hindi ko inaasahan na makikilala ko ang tatlong tao na naging kilala sa buong bansa. Hindi ko din inaasahan na magiging parte ako ng kanilang gawain.
Unang una si Mrs. Young o mas kilala na si Cierra Raven, si Hayes Ferguson ang ex convict. Wala akong balita sa kahit sino sa kanila, hindi naman din kami ganun ka close lahat.
Tumulong lang ako pero hindi ibig sabihin kaibigan ko na. Mas mabuti na walang kaibigan, dahil baka mapahamak pa sila sa oras na malaman ng kaaway ko.
Napa lingon ako ng may pumasok sa balcony ng kwarto namin ng asawa ko. “Miss Flame, nasa linya po si Mr. Ferguson gusto ka po niya maka usap..” wika ni ate Joan.
Kinuha ko ang cellphone ko bago sumagot. “Ipasa mo po ang line sa cellphone ko..” utos ko dito.
Tumango ito at umalis na ilang sigundo pa ay agad kong sinagot ang tawag ni Mr. Ferguson. “Good day Mr. Ferguson, gusto mo daw ako maka usap?” Bungad kong tanong dito.
Narinig kong tumikhim ito at nag salita. “Gusto ko lang sana imbitahan kayo sa darating na Linggo kung libre kayo..” sagot nito.
Nag salubong ang kilay ko at tiningnan ang relong pambisig ko at nakita ko ang date sa araw na yun. “What the occasion?” Tanong ko dito.
“Oh well, opening ng bago kong kumpanya..” sagot nito.
“Titingnan ko kung wala akong gagawin, thursday morning tatawagan kita..” sagot ko dito.
“That’s good rather than say no.. thank you..” pasasamalat nito ngunit hindi na ako nag salita pa. Tumingin ako sa malawak na bundok doon ko nalaala ang lahat ng nangyari noon.
Lahat ng ginawa ko noon akala ko matatapos na pero hindi parin dahil tuloy tuloy lang ito ngayon. Ilang taon na ang lumipas nanatili pa rin sariwa sa akin at sa mga taong nakaka alam ang nangyari ilang taon na ang nakaka lipas.
Totoo ang sinasabi nila na tatanda lang ang mga tao pero ang ala-ala ay mananatiling bata at sariwa. Hindi na ito matatapos hangga’t walang bumibitaw at sumusuko.
Nang humampas ang malamig na hangin sa mukha ko napa tingala ako sa makulimlim na langit. “Siguradong uulan o may bagyong parating..” bulong ko at naka tanggap ako ng tawag mula kay Mika.
Agad kong sinagot ito, “Anong meron?” Bungad ko.
“Boss naka tanggap kami ng tip na ang isa sa mga cargo na patungo sa bansa na may dalang armas ay pinalubong ng hindi pa namin kilalang grupo..” habang paliwanag nito.
Napa hinga ako ng malalim, “Sabihan mo ang mga tao natin na naka deploy sa lugar at alamin sino ang may gawa..” mahinahon kong utos dito.
“Okay po boss..” sagot nito at binaba na nito ang tawag nito.
Tumingin ako sa langit na ramdam ko ang nagbabadya ng bagyong parating nito. “Umpisa na naman ng pagdanak ng pulang likido.” Bulong ko at bumaba na ako upang puntahan ang mga bata.
HINDI NAGTAGAL nakatanggap ako ng tawag mula sa mga tao ko na sinugod na naman ang aming kumpanya ni Quogue kasama ang mga bata nito.
Iniwan ko ang mga bata sa mansion at nag tungo doon. “May dalawang option ako ang dumaan sa likod ng kumpanya o sa harapan. Marami bang tao sa harapan, Mika?” Tanong ko kay Mika nasa kabilang linya ito.
Habang ako mabilis kong pinatakbo ang McLaren 720s ko patungo sa kumpanya nila Kuya Thunder at Storm. Since na nag asawa ako at nag ka anak at nang maka balik kami ng Pilipinas hindi na sila nakatira sa akin maliban kay ate Sky at sa mga anak ni ate.
Pero ang bahay nila kuya Thunder at Storm ay halos walking distance lang sa mansion parte ng pagmamay-ari kong lupa doon sila nag tayo ng bahay.
Sinabi ko na ganun na lang para madali kami maka pag usap kung may importante kami pag uusapan. Pumayag sila sa sinabi ko, habang sila ate Sky ay pinapagawa pa lang ang bahay nila sa tabi lang din namin.
Ayoko man na mahiwalay sila sa akin dahil sa mga bata wala naman ako magagawa. Ngunit ang mga bata gusto pa rin matulog at mag stay sa mansion.
Kasya naman kami ngunit sinasabi nila na hindi iyon magandang tingnan mas lalo may pamilya na ako. Ang magulang ng asawa ko ay nakatira din sa mansion, ako ang nag offer dahil si Crystal ay nag aaral same school sa mga bata at kay Winter.
Upang mapadali ang pag pasok ng kapatid ng asawa ko, pinag usapan namin na sa mansion sila titira mas okay yun sa amin at pumayag sila doon. Ganun ang naging set up namin ngayon.
Okay back to the main topic. “Yes Boss Flame marami sila, may mga reporter din po na naka abang doon..” sagot nito.
Kinuha ko ang black surgical mask ko at sinuot ko ito sa mukha ko. “Okay dadaan ako sa harapan. Mika, sabihan mo sila kuya na huwag baba hangga’t may media ako na bahala ang humarap sa kanila..” utos ko.
“Pero.. hindi po papayag sila Boss Thunder niyan?” Pag dadalawang isip nitong sagot.
Nag isip naman ako at huminga ng malalim tama siya, simula ng matapos ang gulo ilang taon na ang lumipas. Lahat kami nag bago din, ako na lang ata ang hindi parin.
“Sige, magpadala sila ng tao na makakasama ko sa ibaba” utos ko at binaba ko na ang tawag at nag tungo na ako sa kumpanya ng nakakatandang kapatid ko.
NANG MAKARATING AKO agad akong bumusina at walang habas kong pinatakbo ang sasakyan ko. Nag takbuhan pa ang mga tao palayo sa harapan ng kumpanya.
Nag drift pa ako paikot para mapalitan sila umatras. “Savage entrance!” Bulong ko at nang itigil ko ang sasakyan bumaba na ako.
Tiningnan ko ang mga tao, saka media at mga pulis ng malamig inayos ko pa ang mask ko muna. “Ikaw pala Mrs. Dela V——” hindi nito natuloy ang pag tawag niya sa apelyido ng asawa ko ng tingnan ko ito ng masama.
“Subukan mo ituloy, hindi ako mag dadalawang isip na tapusin ka sa harap ng mga taong ito. Call me Miss Lavistre not my husband name..” malamig kong pagbabanta dito.
Nakita ko itong napa lunok at tila namutla pa ang mukha nito. “Anong kailangan niyo dito?” Tanong ko sa kanila. Tumigil ang ingay sa paligid at lumapit ang chief of police ng pangulo sa akin.
“Kailangan niyo ipatigil ang operation ng kumpanya niyo, dahil sa mga pag labag sa pag babayad ng tax sa bansa..” wika ni Chief Quogue bago ito sa kanyang position.
“Tax? Gaano ba kalaki ang hindi namin nabayaran?” Tanong ko dito, naging mahinahon lang ako dahil kung totoo ang sinasabi nito may mali din kami.
And we accepted it, “55 million pesos. Isa pa kinukwestyon ng pangulo ang milyones niyo at mga ari-arian dahil nakaka pag taka paano kayo yumaman ng ganito..” sagot nito.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko ang finances ng kumpanya. “Mag labas ka ng 55 million pesos at bayaran niyo ang sinasabing Tax..” utos ko sa kabilang linya at binaba ko na ang tawag ko.
“Wala ka ng pakialam doon, at ang pinaka mamahal mong pangulo kung saan galing ang pera namin at ari-arian. Labas kayo sa kahit anong gawain namin,” wika ko at tiningnan ko ito ng malamig.
Nakita ko si Damon na palabas habang may ngisi sa labi nito. “Naniniwala ka talaga sa sinasabi niyang may utang tayo? Wala naman tayong utang eh. Ginagawa nila yan dahil interesado sila sa yaman ng angkan ng mga Lavistre at Valencia. Tama ba ako Chief?” Mapag larong tanong ni Damon dito.
Dahil doon hindi ko mapigilan hindi makaramdam ng galit. “Umalis na kayo at huwag na kayong babalik pa. Dahil kapag bumalik kayo? Sisiguraduhin ko magiging abo kayo ng mga tao mo.” Madiin kong utos at pag babanta dito.
Ngumisi si Quogue at nag salita. “Matalino pala ang pinsan mo ano? Sisiguraduhin ko na dadalhin ko ito sa pinaka mataas at sisiguraduhin ko na makuku——” hindi nito natuloy ang sasabihin niya ng mag salita si Damon.
“Oo nga pala, anak mo ito diba? Sorry ha? Dumaplis kasi yung bala ng tauhan namin sa ulo niya..” naka ngiting wika ni Damon at pinakita nito ang isang video.
Ngumisi naman ako at nag salita. “Kilala mo kami, alam mo anong kaya namin gawin, kung ako sayo mananahimik na lang ako baka sakali humaba pa ang buhay ng pamilya ko..” umiiling kong paalala dito at nag lakad na ako.
“Paalisin niyo sila!” Utos ko sa mga gwardya at yumuko ito sa amin ni Damon.
“Hay*p ka mag babayad kayo!” Sigaw ni Quogue sa amin, ngunit tinaas lang ni Damon ang kamay nito at binigyan ito ng middle finger sign.
Umiling na lang ako at nag tungo kami sa elevator. “Totoo ba na pinatay niyo ang anak niya?” Tanong ko ng makapasok kami pareho.
“Huh? Hindi ah? Idea ni Brent yun ang kopyahin ang mukha ng isa sa mga anak ni Quogue tapos ipatong sa ibang mukha and them Boom! Naka gawa kami ng pekeng tao!” Pag papaliwanag nito.
Napa tapik naman ako sa noo ko. Hanggang mag salita muli ito. “Ayaw kasi tayo tigilan ng bagong pangulo eh. Masyado silang interesado sa yaman ng angkan natin, gusto nila makuha ang meron tayo.. palalabasin na ilalagay nila sa kaban ng bayan pero ang totoo ibubulsa naman nila, bulok talaga ang sistema..” paliwanag nito.
Sa aming lahat ito ang naiwan sa bansa noon kaya mas alam niya nangyayari dito. Oo umuuwi ito sa UK noon pero hindi naman ito nag tatagal.
Ano pa ba aasahan niyo sa isang ito? Hindi ito napapakali sa iisang lugar. “Hayaan niyo sila, sila ang mag lalagay sa sarili nila sa malaking kapahamakan..” sagot ko dito at pinikit ko ang mata ko.
“Ang akin lang sana wag na sila maki-epal sa gawain ng mafia, ano bang mahirap intindihin don?” May halong gigil na tanong nito.
“Para sa makikitid nilang isip, kasama na ang hindi kaya mag patalo sa lahat ng aspeto. Wala silang pakialam basta ang importante makuha nila ang mga ninanais nila, kahit mag mukha pa silang tanga..” sagot ko at lumabas na kami ng elevator ng mag kasunod.
“Yun ang magiging dahilan para mapa-aga ang pag sundo sa kanila ni Kamatayan..” huling sagot ko at nag tungo na kami sa opisina ni Kuya Thunder.
Pag pasok namin bumungad sa amin ni Damon ang sinabi ni Kuya Thunder. “May bago tayong kalaban ang Los Trados Organization..” bungad nito.
Pinakita sakin ang isang Logo ng bungo ng isang tao at maraming pulang rosas may nakatarak pa sa bungo nito na isang Dagger.
“Bigyan niyo ng information ang mga tauhan natin sa lahat ng parte ng bansa mapa labas at loob..” utos ko agad sa mga kuya ko.
“Kami na bahala dito..” sagot ni Kuya Storm.
Tumalikod na ako at nag lakad ako palabas upang umuwi na. Ngumisi ako at umiling. “Buhay ka pa palang hay*p ka.. pwes mas maganda at tayo naman ang mag tutuos..” bulong ko habang naka ngisi ako.
Mas masaklap ang sasapitin mo sa mga kamay ko ngayon, sisiguraduhin ko na hindi ka na bubuhayin ng mga kamay ko.
Tiningnan ko ang kamay ko at ang nakikita ko ay ang mga dugo ng mga naging kaaway at tinapos ko noon.
“Let the bloody death and destruction war begin..”
—————————————————————————
When there is evil in this world that justice cannot defeat. Would you taint your hands with evil to defeat evil?Or you remain steadfast and righteous even if it means surrendering to evil?
-
" TO DEFEAT EVIL, I SHALL BECOME AN EVEN GREATER EVIL."
- Flame Morjiana Lavistre - Dela Vega