CHAPTER 18

2873 Words
DAMON VALENCIA LAVISTRE HABANG naglalakad ako papuntang parking lot, dahil galing ako sa bakery shop. Nag papabili kasi ang mga bata sa mansion ng kanilang favorite, sino ba ako para tanggihan ang mga bata? Saka nanay naman nila sisingilin ko kaya ayos lang. Pero biro lang ‘yun, mas important parin na may bahay akong matitirhan kesa sa dalawang daan na bayad sa ginastos ko. Naramdaman ko na may sumusunod sa akin, ero hindi ko ito pinansin, hanggang sa lumingon ako sa likuran ko, kaso wala naman tao. “Gago lang?” Tanong ko sa hangin. Pag harap ko may tumakip sa ilong ko ng panyo napaka tapang ng amoy na nag pawala ng malay ko. THUNDER LAVISTRE “Tagal naman ni Damon? Anong oras na tinapay lang binili nun..” tanong ni Storm. Nag pabili ang mga bata ng tinapay sa kanya dahil galing ito sa Underground uuwi ito sa mansion. “Mag didilim na..” wika ko. Nag salita muli ako. “Wala daw si Damon sa Underground kanina pa daw umalis before lunch..” wika ko na kina lingon ni Flame. “Kuya Thunder, hindi maganda ang kutob ko tawagan mo ulit si Mika at hanapin si Damon!” Utos ng kapatid ko. “Okay..” sagot ko at lumayo ako sa kanila. Nagkakamot ako sa ulo habang tinatawagan si Mika. Saktong may pumasok akala ko si Damon. “Guys! Nakita ko itong balot ng tinapay sa harap ng pinag bibilhan ni Damon nakuha ko din ang susi niya..” wika ni Azi kaya agad din tumayo si Flame. “Masama ito, dinukot si Damon! Kuya bilisan mo!” Agad na utos ni Flame. Dahil doon lumabas na ako. “Mika, subukan mo ilocate si Damon! Nasa samin ang susi ng sasakyan niya at ang pinabili namin nakita na, pero wala si Damon!” Utos ko dito. “Opo gagawin ko na po..” sagot nito. “Alamin mo habang papunta kami..” utos ko at matapos binaba ko na ang tawag ko. Nakita ko si Flame na paakyat sa ikalawang palapag ng mansion, ako naman ay inalis ko na lang ang suot kong suit. Naka t-shirt na lang ako na kulay itim at tumakbo ako sa sasakyan ko. STORM LAVISTRE NANG MAKARATING KAMI WALA KAMING nakuhang sagot mula kay Mika. Hindi daw nila magawang mapasok si Damon o kahit man lang location nito. “Kung ganun nasaan si Damon?” Tanong ni Azi. Napa lingon kami ng dumating si Flame basa ang buhok nito mukhang naligo muna ito. “Alamin niyo sino ang pwede kumuha sa kanya!” Utos ni Vlad. “Hindi na. Lalantad sila ang Los Trados ang gagawa nito.. alam nilang madaling kunin si Damon kesa sa atin..” paliwanag ni Flame hanggang may nag pop-up na green sa locator rathar namin. Lahat kami napalingon at napa tingin dito ng mag salita si Mika. “Si Boss Damon ‘yan!” Anunsyo ni Mika. “Mika at Alice gawin niyo na!” Utos ni kuya Thunder. Pero si Flame nanatiling tahimik. “Sa bundok? Sa Tierra Teresa po!” Sagot ni Alice. Ngunit tahimik lang si Flame at kahit konting salita walang lumalabas sa bibig niyo. “Mauna na kayo..” utos ni Flame nag taka man ako pero mas pinagtuunan ko ng pansin si Damon. Nang makaalis kami agad namin itong pinuntahan. FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Matapos ko bilinan ang mga babae, nagpadala ako ng mensahe sa asawa ko at video na rin naka set ito sa tamang oras. Ang sinabi ni Luther ang nagpapabago ng magiging takbo ng kwento naming lahat. Si Luther na ang bahala simula ngayon, ngunit kailangan muna iligtas si Damon. Siya ang target, siya ang gusto patayin ng mga Los Trados. Sana lang sa gagawin ko huwag ako kamuhian ng mga kasama ko. Pero alam ko maiintindihan nila ako. Sa oras na umayon sa kanila ang lahat lilitaw ang totoong kalaban, doon ko sila tatapusin isa isa. THIRD PERSON POV “Sino kayo?!” Tanong ng binatang si Damon, Nang lumabas ang isang babae at lalaki sa madilim na parte. “Tang— buhay ka pa pala Clinton Clemenza?! Totoo nga ang hinala ni Flame!” Tanong nito. “Oo at tatapusin ko ang amo at ang babaeng ’yun! Para sa ginawa n’yo sa mukha ko!” Galit na galit nitong sagot. Ngumisi si Damon bago sumagot. “May sasabihin ako..” bulong ni Damon. “Alam ko ang gusto niyong mangyari. Ito lang tandaan niyo, sa oras na umayon sa inyo ang lahat. Lagi sana kayo mag isip ng mag isip kung totoo na ba ang lahat ng ito, lahat ba ng plano niyo ay mag wawagi..” Naka ngising asong wika ni Damon. “Ngayong si Apoy ang kalaban niyo, hindi niyo alam anong nasa isip ni Flame. Hindi niyo malalaman ang plano niya! Hahaha!” Demonyo itong tumawa na kina takot ni Britney Madden. Ngayon nag uumpisa na itong matakot sa mangyayari. “Alam ni Flame ang kahinaan ng bawat kalaban niya. Mas lalo kung kilala niya ang kalaban niya, alam niya paano kayo tapusin lahat sa pinaka brutal na paraan..” tumingin si Damon ng matalim sa kanila. “Alam ni Flame na buhay ka! Alam ni Flame ikaw ang tumutulong kay Clinton at nag utos na atakihin kami. Hindi man direct na sinabi ng mga tauhan namin, alam na ni Flame nakikita niya ‘yun at nararamdaman..” hindi mawala ang ngisi nito sa labi. Ngunit sa loob nito ang masakit na katotohanan na pwedeng mangyari. Naging kasangkapan siya sa mangyayari. Ayaw man niya ngunit ito ang pakiusap sa kanya ni Luther para matapos na ang kalaban nila na si Clinton Clemenza. Tinanggap niya ito, ngunit sana lang hindi ikapahamak ito ni Flame. Dahil ayaw niyang mawalan ng ina ang kanyang mga pamangkin. NAKATITIG LANG ang binatang si Clinton dito wala na itong imik tila naka yuko na lang ito. “Hindi ako natatakot sa pinsan mo..” bulong nito at lumabas na ito kasama ang babae. “Oo sa ngayon hindi..” bulong na sagot ni Damon narinig ito ng dalawa bago isara ang pinto. “Ilang minuto mula ngayon darating na ang mga Lavistre..” wika ni Clinton.. “Natatakot ako babe, paano kung tapusin tayo ni Flame?” Natatakot na tanong ni Britney. “Hindi ko hahayaan ‘yun, babalikan ko pa ang Ciara na ’yun para tapusin din. Isasama ko pa si Jimmy traydor siya!” Galit nitong sagot. SA KABILANG BANDA dumating na ang mga Lavistre at Valencia. Kasunod nila si Flame, lumapit ito sa kanila. “Si Clinton Clemenza ang kalaban natin, kumpirmadong buhay siya..” pag sasabi nito sa mga pinsan nito na kina gulat nilang lahat. “Paano mo nalaman?!” Tanong ni Thunder sa nakaka batang kapatid. Kinasa ni Flame ang baril niya at ganun din ang karamihan sa kanila. “Dahil kay Luther, tinawagan niya ako ng pag alis niyo, siya narin ang nagsabi na buhay pa si Clinton. Si Britney ang nagpapadala ng tao ng Los Trados, minsan si Clinton..” sagot ni Flame. “Jimmy, kailangan kita pero manatili kang buhay..” utos ni Flame dito at nilingon ang binata. “Nasa sa inyo ang loyalty ko Boss..” sagot nito. Tumango ito at si Flame ang unang nag lakad patungo sa isang lumang bahay. Alam nilang nandito si Damon. Palapit na sila ng may pumalibot sa kanilang mga kalaban na tauhan ni Clinton biglang bumukas ang ilaw. “Maligayang pagdating!” Bungad ni Britney habang may ngiti ito sa labi. Ngunit hindi man lang umimik si Flame, “Maging alerto kayo. Ako ang papasok sa loob Kuya Thunder ikaw ang sumama sa akin, Kuya Vlad pamunuan mo sila..” utos ni Flame. “Okay..” sagot ni Vlad. SA KABILANG BANDA umiinom ng red wine ang leader ng Black Organization habang naka upo ito. “Mangyayari na ang dapat mangyari. Ngayon sino ang mamumuno kapag pansamantala na umalis siya?” Tanong nito. Ngumisi ito at kinuha nito ang litrato ng mga kaaway nila. “Pero sigurado ako na, kayo ang pinaka malaking tanga sa kasaysayan..” bulong nito habang naka tingin sa litrato ni Britney at Clinton. “Tapusin sila!” Utos ni Britney ngunit nagulat ito ng tumakbo si Flame at pinagbabaril ang mga kalaban ng hindi man lang ito tinitingnan. Lahat ng tamaan ng bala nito ay asintado lahat. Napa lingon sila ng ihagis Vlad ang isang babae sa bangin at ang ilalim nito ay dagat na may mga marami at malalaking bato sa gilid. Narinig pa nila ang sigaw ng babae na hinagis ng binatang si Vlad. Pagbagsak ng babae ay durog ang bungo nito. “Pumasok na kayo iligtas niyo si Damon.” Utos ni Vlad sa mag kapatid. Walang imik na tumalikod si Flame at pumasok na ito at agad sinalubong ni Thunder ang suntok para nakaka batang kapatid at binigwasan ito sa sikmura. Dinis-locate nito ang leeg ng lalaki at pareho na silang tuluyan na pumasok. Hanggang. “D’yan ka lang kung hindi butas ang bungo ng pinsan mo!” Banta ni Clinton habang naka tutok ang baril sa ulo ni Damon. Ngunit sumenyas si Damon nakita nito ang hawak ni Damon, hawak nito ang isang basa na bote, nakita ni Flame at Thunder na naka kalag ito sa pag kakatali. “Mukha lang walang laban ang isang ‘yan, mukhang taga kalat lang sa pamilya pero.. kaya ka niyan tapusin..” maka hulugan na wika ni Thunder. Hindi naman mapigilan na hindi matawa ang makinig sa kanya habang si Damon hindi maka paniwalang maka tingin dito. “Wala akong pakialam!” Sagot ni Clinton. Yumuko naman si Flame ang dibdib nito ay kinakabahan sa hindi malamang dahilan. Narinig niyang bulong ni Damon. “Kaya mo yan, naniniwala ako sayo babalik ka naman eh..” wika ni Damon dito, ito ang huling sinabi ni Damon sa kanya nang mag usap usap silang tatlo ni Luther. “Oo kakayanin ko..” bulong nito. “Damon! Ngayon na!” Sigaw ni Flame kaya bago pa makapag react si Thunder nakita nilang. Tinaas ni Damon ang paa niya at tinulak ang sarili upang mapa higa ito sa sahig na tagumpay naman nitong magawa. “Brent! Patigilin mo ang puso ni Britney!” Utos ni Flame at sinugod ni Flame si Clinton. Tumakbo ito paakyat at mahigpit na humawak sa hawakan ng hagdan at malakas na sinipa si Clinton mula sa kanan papuntang kaliwa. Naiharang pa ni Clintong ang braso niya pero masyadong malakas ang atake ni Flame na ginawa ni Flame na naging dahilan para humampas ang kaliwang bahagi ng katawan ni Clinton sa malalim at matigas na pader. Binaril ni Thunder ang pumasok tauhan ni Clinton, habang si Britney ay kinakapos na hininga. “Tu-tulong!!” Mahinang pakiusap nito. Hawak hawak nito ang dibdib nito lalo pang nahirapan itong huminga. Nang gumulong si Clinton sa hagdan nakatingin lang si Flame dito. “Okay kana! Labas na tayo..” tanong ni Flame sa pinsan niyang si Damon. “Oo! Pero grabe ka talaga sa sinabi mo kanina ah? Taga dala ba talaga ako ng gulo? Masama bang mag sumbong lang?” Sagot nito at panunumbat nito at agad silang nagsi babaan. “Oo talagang taga hatid ka ng gulo!” Sabay sabay na sagot ng mag pi-pinsan kay Damon na kina asim ng mukha ni Damon. “Tama na ‘yan! Hanggang dito talaga nag tatalo pa kayo!” Pagpapatigil sa kanila nila Flame at tuluyan na silang nag takbuhan palabas hanggang makalayo ang mga kuya ni Flame at pinsan. Hindi maka kagalaw si Flame dahil bigla na lang itong nahulog sa bitag at may tali sa paa niya naging dahilan para umangat ito sa ere. “Flame! Bilisan mo!” Wika ni Thunder at ng lingununin niya ang likuran nila. Napa tigil ito. “Asan si Flame? Flame!” Tawag nito sa kapatid nito. Ngunit napa libutan sila ng mga tauhan ni Clinton. “Hindi natin sila kaya!” Wika ni Vlad sugatab na rin ito. “Hindi natin pwede iwan si Flame dito!” Galit na sagot ni Thunder. Binunot ni Thunder ang baril at pinagbabaril nito ang mga kalaban nila. Ngunit hinila na siya ni Demitri. “Babalik tayo! Hindi nila papatayin si Flame may kailangan pa sila!” Wika ni Demitri. “Hayop kayo babalikan ko kayo at ako mismo tatapos sainyo! Subukan niyo saktan si Flame! Ako makakalaban niyo!” Galit na pag babanta ni Thunder. “Umalis na kayo kuya! Kaya ko sila mag isa, sumabit lang ako sa puno!” Narinig nilang wika ni Flame natawa pa ito. “Flame! Babalik kami, umuwi ka please! Pakiramdam ko ito ang huli nating pag uusap..” pakiusap ni Thunder sa kapatid. Nararamdaman din pala nito ang bagay na ayaw nilang mangyari. “Oo naman kahit anong mangyari babalik ako at babalik talaga ako..” naka ngiting wika ni Flame at pinutol na nito ang linya. Umalis na silang lahat dahil maraming sugatan sa kanila. Kinuha ni Flame ang dagger niya at pinutol ang lubid na kina bagsak nito nauna pa ang likod nito. “Ouch!” Daing nito at dahan dahan itong bumangon. Nag lakad ito para hanapin ang palabas hanggang.. “Flame Lavistre!” Napa lingon ito sa tumawag sa kanya ng makita niyang si Clinton ito. “Bwiset wala na akong sapat na bala at bali pa ang paa ko!” Bulong nito kaya wala itong nagawa kundi gamitin ang natitira niyang para lumayo sa kinalalagyan nito. “Nakakaawa ka naman! Pinatunayan mo lang na mahina kayo kapag kulang kayo!” Narinig nitong wika ni Clinton. “Ganun ba ang nasa isip mo? Hindi tayo pareho.. ngayon pa lang nag uumpisa uminit ang sitwasyon. Kapag pinatay mo ako sigurado ako na tatapusin ka ni Thunder. Hindi mo kilala si Kuya hindi mo alam paano siya mamuno, ito na ang oras para siya naman ang humawak ng control sa lahat!” Mahabang sagot ni Flame. Napahawak ito sa baril niya nang makita niyang may isang bala pa ito. Sumilip ito sa bangin tubig ito o dagat. “Ito lang ang paraan mabuhay ako, kailangan ko na magawa ang plano umayon ka sakin muna ngayon..” bulong nito at humarap ito kay Clinton. Malapit na ito sa kanya. “Sisiguraduhin ko tapos ka dito!” Banta nito. Ngumisi si Flame at tinutok nito ang baril kay Clinton. “Ang huling bala ko ang magbibigay ng dahilan para sa mga susunod na mangyayari..” kahulugan nitong wika. “Magiging masaya ba ang anak mo kapag nalaman nilang patay kana?” Tanong ni Clinton kay Flame. “Kahit kailangan hindi mamatay ang ina! Hindi ako mamatay sisiguraduhin ko na babalik ako at tatapusin kita sa pinaka masakit na paraan..” hindi nawawala ang ngisi nito. Nang linungin nito ang ibaba lalong lumakas ang alon ng dagat. Maliit lang ito pero malalim. “Hayop ka! Dahil sayo ang mukha ko hindi na maibabalik! Kapag bumalik si Ciara dito tatapusin ko kayong dalawa!” Galit na sigaw ni Clinton. “Malas mo lang masamang damo ako, mas masama pa sayo! Wala naman akong pakialam sa inyong pamilya noon, kaso ang ayoko ‘yung pinatay ko ng grupo binabalik pa!” Sagot ni Flame dito. “Wala kang karapatan diktahan ang desisyon namin kami ang may gusto!” Humigpit ang hawak ni Clinton sa baril niya. “Then tama lang na mag suffer tayo pare pareho!” Sagot ni Flame. “Tarantado ka talaga!” Sagot nito at pinagbabaril nito si Flame, ngunit inasinta ni Flame ang tagiliran ni Clinton. Habang si Flame naman ay tinamaan sa braso at binti ng bala mula sa baril ni Clinton. Ito ang naging dahilan para mahulog ito sa maliit na dagat. Malamig na tubig ang bumalot sa katawan nito hawak parin nito ang baril nito. “Ito ba ang sakripisyo upang makapasok sa kuta ng kalaban? Ang maging human sacrifice?” “Kung oo, tatanggapin ko para lang makuha ko ang gusto kong laban. Laban na pailalim.” Mga katagang tumatakbo sa isip ni Flame habang palubog ito sa tubig. TINANAW ni Clinton ang tubig wala na siyang makitang bakas ni Flame. Pero ang dugo nito ay humalo sa tubig. Umiyak naman ang bunsong anak ni Flame dahil sa panaginip nito. “Ai? Why? May masakit ba sayo?” Tanong ni Blake sa bunso. “I have bad dreams daddy? Si mama po kasi nalubog sa tubig!” Hiyaw na pag susumbong nito sa kanyang daddy. Dahil sa narinig sa anak. Agad bumangon si Blake at tinawagan ang asawa ngunit nag ri-ring lang ito kaya lalo itong kinabahan. “Daddy! Wala pa si mama!” Umiiyak na naman na hiyaw ni Ai ang bunso. “Shhh daddy is here, okay lang si mama okay? Huwag kana umiyak..” pag papatahan nito. Takot man at kinakabahan ngunit alam niya na may hindi magandang nangyayari. Ganito ang bunso niyang anak para itong si Flame nararamdaman na may mali sa paligid. “Sana hindi, sana mali ang anak ko..” bulong nito at niyakap ng mahigpit ang bunso. - If you don’t sacrifice for what you want, what do you want to become?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD