CHAPTER 20

2902 Words
BARIO TINAGO ( THIRD PERSON POV ) “Tama na siguro ito kuya, ang dami na nating kahoy..” naka ngiting wika ng batang babae na si Andrea sa kanyang kuya Jun.. Nilingon naman ng panganay na kapatid ang kahoy na dadalhin nila sa kanilang bahay. “Oo tama na ito saka mag tatanghalian na rin. Sigurado na naka luto na sila nanay..” sagot ng kuya ng batang babae. Sabay na binuhat ng mag kapatid sa kanilang likod ang basket na yari sa kawayan na puno ng kahoy. Pinauna ng panganay ang bunso sa paglalakad pabalik sa kanilang bahay. HINDI NAG TAGAL napansin ng batang babae ang isang itim na tela malapit sa sapa. Sa dulo nito ay may talon kung saan ang itaas isa lang sa daluyan ng tubig galing sa dagat. “Kuya! Tingnan mo yung Itim na yun oh! Ang haba ano kaya ‘yun?” Tanong ng batang babae, tinuro nito ang dulo sa gilid ng maliit na ilog. “Baka damit lang ‘yan o hindi kaya ‘yung plastic na itim na ginagamit sa basura.. tara na..” sagot ng nakaka batang kapatid. Kahit gusto man lapitan ng batang babae, mas sinunod nito ang kanyang nakakatandang kapatid. Ngunit hindi naalis ang tingin ng batang babae dito hanggang mag salita ito muli. “Kuya buhok ata ‘yun oh! Kulay pula at itim..” turo na naman nito. Kahit ayaw ng binatang lalaki kamot ulo na lang itong nag salita at inaya ang kapatid na babae, upang tingnan ang bagay na ‘yun. “Halika na nga ayaw mo talaga tigilan, lapitan natin pag ito basura lang o ano man. Pipingutin ko talaga ilong mo!” Pananakot ng nakakatandang kapatid nitong si Jun. Tinawanan lang ito ng bunso at agad tumakbo ang batang babae hanggang unti unti itong naka lapit. Doon nito nakita na may kamay ito naka sandal ito sa batuhan. “Kuya! Kamay oh!” Turo ng batang babae. Agad nag madaling lumapit ang nakakatandang kapatid at doon nila nakita na kamay ito ng isang tao. Hanggang umikot sila sa likod ng bato at doon nag taasan ang balahibo nila na isang babae ito. Tila naka sandal ito sa malaking bato na nakaupo din sa mga bato. Aakalain mo na natutulog ito dahil sa pag kakasandal nito na tila nagpapahinga lang. “Kuya ang daming dugo!” Turo ng batang babae, sinundan nila ito saan galing at doon nila nakita na galing ito sa ilog. “Hindi kaya? Galing siya sa dagat? Inanod dito? Pero paano siya nabuhay? Hindi siya bubuhayin ng mga bato sa ibaba ng falls!” Agad binaba ng binata ang dala nito at nilapitan ang babae walang malay. Tinapat ng lalaki ang kanyang kamay sa ilong ng babae doon nila nalaman na humihinga pa ito. “Buhay pa siya!” Wika ng binata. “Salamat naman ay buhay siya. Kuya dalhin natin siya sa bahay! Para magamot siya nila nanay at tatay ng mga halamang gamot..” suhistyon ang nakaka batang kapatid nito. “Sige sige, tama ka ang dami ng dugong nawawala sa kanya!” Pagsang-ayon ng binata. Agad nito dahan dahan inalis ang pagkakasandal nito doon nila nakita ang likod ng ulo nito nagmula ang dugo. Sa gilid nito may nakita silang isang itim na baril. Kinuha ito ng binata at tinago sa kanyang tagiliran. Inutusan nito ang kapatid nito na tulungan siya. Nang maisakay sa likod ang babae agad binuhat ito ng binata kasama ang kahoy sa harapan nito na naka lagay. “Kuya dahan dahan..” paalala ng batang babae. Agad silang umuwi sa kanila mabuti at patag ang daan kahit gawa ito sa lupa lang. Kitang kita sa batang babae ang pag aalala para sa babaeng nakita nila. Habang ang binata alam ng binata na hindi ito ordinaryong babae lang, paano magkaroon ng baril ang isang babae at sugatan pa ito. Ang malala pa ay napadpad ito sa kanila. Kung tama ang iniisip ng binata sa itaas ng bundok o ng falls ay may naganap na naman na pangangaso. Dahil sa lugar nilang Bario Tinago ay uso ang pangangaso, ngunit sa uri ng suot nito hindi mo parin masasabi kung ito nga ba ang pakay nito sa kabundukan. HINDI NAGTAGAL NAGMAMADALI ang magkapatid patungo sa kanilang bahay. Hanggang. “Oh bakit ngayon lang kayo? At—— Diyos ko sino yan dala dala niyo?!” Tanong ng kanilang Tatay Julio. “Tay nakita po namin itong babae sa gilid ng ilog! Sugatan po siya Tay gamutin mo po siya..” sagot ng batang babae. “Huh? Sige sige ipasok sa loob tapos kumuha kayo ng mga dahon!” Utos nito agad naman pinasok ng binata ang babaeng nakita nila. “Mahal, paki bihisan mo nga muna ang dalagang ire may iba naman tayong damit diba?” Tanong ng asawang lalaki sa kanyang asawang babae. “Sino ang babaeng ‘yan? Napaka ganda naman ng dalaga na iyan. Hala sige sandali hahanap ako, ihanda mo muna ang maligamgam na tubig at dimpo..” sagot ni Aling Marites ang ina ng mga bata. Pinagmasdan muna ni Mang Julio ang babae, alam niyang nakita na niya ang babaeng ito pero hindi niya natatandaan kung saan at kung kailan. Agad itong kumilos at ginawa ang inutos sa kanyang may bahay. Kumuha ito ng maliit na palanggana at dimpo. HINDI NAGTAGAL ay unti unti na nilang ginagamot ang babae. Nakabatay ang magkapatid sa ginagawa ng kanilang ama. “Tatay, ang iba niyang sugat mas lalo sa binti parang galing sa isang gun shot ano po? Base pa lang po sa itsura nito..” pagtatanong ng binata. “Tama ka d’yan anak, ngunit paano siya nagkaroon ng ganito?” Sagot naman ng ama. Binalutan ito ng ama ng puting tela na yari sa mga pinunit na damit. Matapos nito dahan dahan nila itong inayos sa pag higa. “Kailangan ko bumaba ng bayan para maka bili ako ng gamot para sa kanya kapag nagising na siya doon natin malalaman ang lagay niya. Pero sa ngayon gamutin muna natin siya. Dahil ang mga sugat niya ay may kaliman ang iba.,” mungkahi ng ama ng bahay. “Dalhin na lang natin siya sa Center mahal sa oras na magising siya..” sagot ni Aling Marites. Umiling ang ama at nag salita. “Kung gunshot ito ibig sabihin nasa delikadong buhay ang babae na ito. Hindi natin siya pwede ilabas ng ganun na lang..” sagot ng asawa nitong lalaki. Tumango naman ang mag kakapatid. “Sasama ako tatay..” agad bumaba ng papag ang binata. Tumango lang ang ama at nag umpisa na silang mag gayak. Nakakain na rin sila ng tanghalian nila mag anak. DAMON VALENCIA LAVISTRE “Flame!!” Tawag ko sa pinsan ko, ngunit wala kaming makita na bakas nito. Mag hapon na kaming nag halughog sa buong kabundukan hanggang sa gilid ng dagat ngunit wala talaga. “Guys, tingnan niyo ito parang daplis ng bala..” wika ni Azi kaya agad akong lumapit. Doon ko napansin na. “Oo nga parang isang 32 caliber..” pag sang ayon ko at tiningnan naman din ito ng lahat. Sinukat ko ang bala ng 32 caliber pistol ko at agad itong nag match. “Hindi kaya..” napa lingon ako kay Vlad at tumingin ito sa dagat. “Wag mo sabihin nahulog si Apoy sa tubig? Hindi maganda ‘yan? Saan ito papunta?!” Tanong ni Thunder galit ang boses nito. “Kailangan natin mag hiwa-hiwalay para magalughog natin ang ibaba ng bundok sigurado makikita natin si Flame..” utos ni Thunder. “Guys, bracelet ito ng asawa ko nakita ko sa gilid ng dagat. Mukhang nahulog ito.” Pamamalita ni Blake at agad kong nakita ang isang silver and diamonds bracelet. “Regalo ko ito sa kanya noong anniversary namin, alam ko kanya ito.” Dagdag pa nito. Lumingon ako sa dagat at nakita ko na may parang falls sa dulo, agad akong tumakbo para makumpirma ang hinala ko. Nang makarating ako doon ko na kumpirma na tama. Ang kaso lang bigla akong kinabahan. “Hindi pwede na d’yan siya mahuhulog..” umiiling kong bulong. “Bakit anong problema namutla ka?” Tanong ni Ken sa akin. “Kung doon nahulog si Flame, maaari inanod siya ng tubig mula sa dagat na ito, o pwede na nagising siya at lumangoy din ngunit hindi niya kinaya kaya nahulog siya dito. Ang kaso lang batuhan sa ibaba..” pag bibigay ko ng naiisip ko. Posible yun talaga ang nangyari, knowing Flame gagawin niya ito. “Kung ganun ang ginawa niya, pwedeng buhay pa siya baka nagtatago lang siya sa likod ng falls na ito nag hahanap ng oras para makalabas.” Nilingon ko si Vlad. Kaya agad akong nag desisyon. “Baba ako..” sagot ko at agad ko silang iniwan at nag hanap ako ng daan pababa. Mabuti may malapit lang dito, agad kong nag hubad ng sapatos ko at nag tungo ako sa batuhan. Ngunit wala akong masilip na butas o ano man. Hanggang mapansin ko ang kabilang side na batuhan din at sa malaking bato may kulay pula. Agad kong tinawid ang tubig, wala kasing ibang daan. Malakas ang ragasa ng tubig pero kaya ko naman itong lakaran naman. “GUYS! BABA KAYO DITO!!” Sigaw ko nakita ko silang nag babaan agad. BLAKE SHIN DELA VEGA “Dugo? Dugo ito at bago pa.” Wika ko at nakita ko ang dugo sa malaking bato. Nakita ko si Damon na may sinusundan. Kaya nilapitan ko ito. “Anong problema?” Tanong ko dito. “Yung bakas niya, hindi ko alam pero tingin ko kung dugo na ‘yan ng asawa mo? Posible na nahulog siya tumama ang ulo niya pero gising pa siya at gumapang siya dito..” paliwanag nito. Hinawakan ko ang tubig sa bato at iilang patak ng dugo dito. “Kumuha tayo ng sample at icompare sa DNA ng asawa ko..” sagot ko at agad akong nag lagay ng bato sa plastic bag. Ganun din ang iba sa malaking bato. “Pwede ding hayop lang ‘yan..” sagot ni Demitri. “Hindi malakas ang kutob ko, tao ang may gawa nito. Habang inaalam ang DNA mag hanap parin tayo. Nasa malapit lang siya..” wika ni Damon tumango lang ako. Ang mga dugo halatang katutuyo ng hindi baba sa isang araw. Dahil ang iba ay bago pa, yung nasa bato mas lalo na parang umalis ito o tumayo dahil kita mo pa ang pagka sariwa nito. “Guys may nakita ako, hikaw! Pero wala ang isa.” Wika ni Azi at nilapitan ko ito. “Sa mga bato ko nakita..” sagot nito. Pinagmamasdan ko ito at nakita ko pa ang pakaw nito, agad kong nakilala ito. “Kay Flame ito, ito ang hikaw na suot niya!” Nanlalaki ang mata kong sagot. “Baka nahulog niya ito?!” Tanong ni Storm. Umiling si Damon. “Kung nahulog bakit kasama pa ang pakaw? Kung nahulog diba dapat magkahiwalay na ang pakaw o baka nga wala na ang isa sa kanila? Mag kasama sila tingnan niyo..” paliwanag ni Damon at kinuha sa akin ang hikaw ng asawa ko pinakita nito sa amin ang tinutukoy niya. Muli ko itong tiningnan at tama siya buo ito. Magkasama pa rin ito. “Meaning tinanggal niya?!” Tanong ni Thunder. Tumango kami ng sabay sabay. Napa singhap ito, “May malay tao pa si Boss Flame kaya niya naisipan iiwan ito! Tama si Damon kung nahulog ito dapat hindi na mag kasama ang pakaw at mismong hikaw..” pag singit ni Ken. “Nakita ko ang relo ni Flame, sa kakahuyan!” Narinig kong wika ni Lance na kinalingon namin. “Binibigyan niya tayo ng direksyon ngunit bakit?” Tanong ni Storm. Luminga ako sa paligid at doon ko nakita ang ilang piraso ng kahoy ngunit sa ibang parte ay wala ng kahoy. “Hindi kaya may naka kuha kay Flame?” Tanong ko habang hawak ko ang kahoy na panggatong. “Hindi kasi, kung mapapansin niyo, may kahoy dito pero sa paligid malinis at puro na bato. Hindi ba kayo nag tataka?” Agad akong nag salita at tinanong sila. Luminga naman silang lahat. “Tama, kung ganun pasukin natin ang kakahuyan..” sagot ni Damon at agad itong nag lakad. “Hindi aralin muna natin ito, paano kung mangangaso pala ang kumuha sa kanya? Patay tayo!” Pag pigil ni Vlad sa amin. “Huwag kayong padalos-dalos!” Utos nito kaya naman tumigil ako at tumango. “Eh bakit tayo matatakot? Mafia tayo at we killed people!” Tanong ni Damon. “Alam mo minsan hindi ko alam kung matalino ka o ano? Naka gawa ka kanina ng magandang paliwanag tapos ngayon hindi mo na naman naiintindihan? Hindi pwede dahil baka pag pumasok tayo d’yan sa kakahuyan may mga patibong! Naiintindihan mo na ba?!” Gigil na tanong ni Demitri kay Damon. Hindi ko maiwasan hindi minsan matawa sa mag pipinsan na ito. “Agree ako kay Demitri..” pagsang-ayon ni Lance kay Demitri. Agad naman sumagot si Damon. “Okay gets ko na, balik tayo next day mag plano ka muna.. tamad na ako.” Mabilis nitong sagot at umalis na harapan ng pinsan nitong si Demitri. “Damn that asshole..” narinig kong bulong ni Demitri na kina tawa ni Storm at Azi. ACE LUTHER BLACK Nanatiling wala kaming mahanap na bakas man lang ni Flame. Ngunit alam ko sa mag pipinsan nakakuha na sila. “Boss. Naka kita ang mga magpipinsan ng iniwan ni Boss Flame..” wika ni Violet. Tumango ako at nag umpisa na akong mag lakad. “Mabuti, gawin na ang plan B..” utos ko dito at iniwan ko ito. Nag lakad ako patungo sa sasakyan at sinabihan ang driver ko na umalis na kami. Nangyari na ang unang plano, ngunit mahihirapan ako mapapasok siya sa Los Trados ngunit alam ko na kaya ni Flame ito gawin. Ngumisi ako at umiling, pwede niya tapusin ito agad ng mas mabilis pero hindi ko alam bakit kailangan niya ito patagalin pa. “Well that’s Flame wants..” bulong ko at sinabayan ko pa ito ng malalim na buntong hininga. EARL LOYD LAVISTRE “Ano po?! Nawawala si Boss Flame?” Tanong ni Ava sa akin. Pabalik na kami ng Pilipinas nakasakay kami sa isa sa mga private plane ng pamilya. “Oo, hindi naman ito bago sa pamilya ginagawa talaga niya ito. Either planado o biglaan..” sagot ko at uminom ako ng wine. “Hindi po ba nakakasama ito? May mga anak siya baka hanapin siya..” tanong nito. Nilingon ko ito at nag salita. “Kulang ang isang taon para mabasa si Flame o mabasa ang iniisip nito. Pero isa lang sigurado, hindi hahanapin ng mga bata ang mommy nila..” sagot ko. “Paano po? Maka mama po sila..” tanong ni Bryant sa akin. “Simple alam na ng mga bata ito, maaaring walang alam si Blake pero ang mga bata meron. Hindi sila mag sasalita hanggat hindi babalik ang mama nila sa tamang oras..” paliwanag ko. “Ginawa na ito ni Cloud noon, panahon na naging wanted ito sa buong bansa. Alam ni Cloud ang mama niya na nag papakita sa kanya palagi pero hindi sa amin..” muli kong paliwanag. Hindi naman malabo na ulitin niya ito. Sa mga kilos nila malalaman mo kaya hindi ako nababahala o natatakot. HINDI NAGTAGAL NAKARATING na kami ng bansa at dumereto kami sa mansion ni Flame. “Handa na ba kayo sa totoong bakbakan?” Tanong ko sa mga kasama ko sa likod. “Opo!” Sagot ng mga kasama ni Ava tumango ako at hindi muling umimik. Pag pasok ng sasakyan sa mansion. Bumaba na kami at nag tungo na sa loob ng bahay, “Tito Earl!!” Narinig ko na tawag sa akin ng mga bata. Agad kong binuhat ang kambal ni Flame. “Si mama po tito, nawawala po..” sumbong ng nag iisang babaeng anak ni Flame. “She’s in somewhere lang, babalik ‘yun..” sagot ko at nakipag fist bump ako kay Cloud. Bumaba naman ang mga bata sa akin at nag tungo sa mga kasama ko. “Anong balita?” Tanong ko kay Blake nakipag fist bump ako dito. “May mga nakita kami na gamit ng asawa ko. Possible na buhay pa rin siya. Babalik kami sa ibang araw para mag hanap..” sagot nito. Tinapik ko ang balikat nito. “She’s fine, don’t worry too much i know she can handle this.” Paalala ko dito at umalis na rin ako. Nakita ko si Thunder na nasa likod kaya nilapitan ko ito. “Huwag na kayo mag isip, kilala niyo si Flame. Hindi niyo siya mapipigilan kapag may gusto itong gawin kahit imposible..” sagot ko at tumayo ako sa gilid nito. “Hindi ko lang maiwasan hindi mag alala..” sagot nito. “Ang kailangan natin mag kaisa ngayon.. yun ang gusto niya habang wala siya dito..” sagot ko. Nilingon ako nito at tumango. “Tama ka ‘yun ang dapat nating gawin..” pag sang ayon nito. Pagkakaisa ito ang gusto niya hindi kami pwede mabasag ngayon sa pagkawala ng pinaka leader namin. Kahit kailan hindi ito pwedeng mangyari.. - I will do EVERYTHING in my POWER to DESTROY all who stand in my way..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD