CHAPTER 32

2776 Words
STORM LAVISTRE NAKA UPO LANG AKO HABANG ang dalawang bisita namin na magkapatid ay kumakain. “Ibig sabihin kami talaga ang sadya niyo?” Tanong ni Azi dito at inabutan pa ang mga ito ng malamig na tubig. “Opo, ‘yun po kasi ang utos po sa amin..” sagot ng batang babae. “Ano ito?” Tanong ni Vlad at akmang kukunin ang papel agad ito kinuha ng batang babae. Natawa naman ako dahil ayaw talaga nito basahin pa. “Pakainin mo muna kasi..” sagot ko at sumandal ako. Napa lingon ako ng dumating na si Hanz, YJ, Kenneth at Kurt at si Blake. “By the way, Andrea siya ang asawa ni Flame..” kinalabit ko ang batang babae at tinuro ko si Blake na papasok pa lang. “Siya nga po yung nasa picture!” Wika ni Andrea at agad binaba ang hawak nitong kutsara at may kung anong hinanap. Nang makuha nito ang litrato tinapat pa nito ang papel na ‘yun sa mukha ni Blake. “Kayo po ang asawa ni Ate Flame diba po?” Tanong ni Andrea, nang ngumiti si Blake at tumango, agad itong lumapit at may kung anong inabot. “Ito po pinabibigay po ni Ate Flame..” agad din itong lumayo at kumain. “S-salamat..” pasasalamat ni Blake at binuksan ang sulat na yun, umupo muna ito at binasa ng tahimik. “Para lang ba sayo?” Tanong ni kuya Thunder. “Hindi para sa atin lahat pero yung sa una sa akin. Yung pangalawa na lang ang babasahin ko..” sagot nito. Umupo naman sa tabi ko si Wendy na hinayaan ko na lang. “Kamusta na si Jenny?” Tanong ko dito. Lumingon si Wendy sa akin bago sumagot. “She’s fine pwede na rin siya maka labas. Si Thunder kamusta siya?” Tanong nito. “Ayun buhay pa! Ayun oh! Masakit pa rin ang ginawa sa kanya ni Flame pero okay naman na daw siya..” mahabang paliwanag ko. Tumawa lang ito at pinalo ang hita ko. Nakita ko na huminga si Blake at nag basa na ito. “Sa oras na mabasa niyo ito ibig sabihin nakarating ng ligtas ang dalawang bata. Una, kailangan niyo isecure ang siguridad ng pamilya Tinongko at lahat ng nakatira sa maliit na Bario Tinago. Nakatanggap ako ng balita na posible na tapusin ng mga Los Trados ang mga tao dito, ngunit pipigilan ko ito kating kati sila na tapusin tayo mas lalo ako at si Ava. Ako na ang bahala doon ililigaw ko sila patungo sa direksyon niyo. Kumilos kayo bilang isa at huwag kayong mag uunahan kung sino ba talaga ang leader niyo. Sa oras ng kagipitan hindi niyo na kailangan ng leader ang kailangan niyo lang mag desisyon na naaayon sa lahat..” basa ni Blake dito. “Ideploy natin ang ang dalawang assassin natin na si Barbara at Yuri. Isama na nila si Bryant at Cross..” utos ni Vlad tumango ako bilang sang-ayon. “Kulang sila kung ‘yan ang gagawin natin..” sagot ni Earl na nakaupo lang. “Handa ang tauhan ko, ideploy niyo sila pero mananatili ako dito para tumulong..” napa lingon kami kay Ava na kararating lang. “Okay pwede na,” sagot ni Kuya Thunder. Nakipag apiran ako kay Ava at Bryant. “Pero may problema tayo..” sagot ni Blake na agad namin kinalingon dito. “Bakit ano ‘yun?” Tanong ko dito. Nag salubong ang kilay ko sa sinabi nito. “Sinabi sa sulat ni Flame na, si Clinton ang kalaban natin ngayon pero hindi lang siya kundi si Flame din, sa unang laban na mangyayari gagamitin nila ang school ng mga bata para gawing hostage ito. Para naman sa ganti ni Flame siya na ang bahala doon hindi malinaw ang gagawin niya..” pinakita samin ang sulat. Tumayo ako at nakibasa ako dito. “Eto pa po..” sagot ni Andrea at agad naman binigay samin ang papel. Binuksan ko ito agad dahil ako ang kumuha. “Kunin niyo ang lahat ng asset ni Clinton at Britney, habang wala ako sa tabi niyo upang mag utos. Gawin niyo ang ginagawa ko na noon pa, kunin ang source nila LAHAT wala kayong ititira, ako na ang bahala kapag nakapasok na ako sa grupo nila..” basa ko agad dito. Lumingon ako kay Mika. “Narinig niyo ang sinabi ko?” Tanong ko sa mga babae. “Opo, titingnan po namin kung may mga secret account si Britney Madden at Clinton Clemenza..” sagot ni Alice. “We need ASAP!” Sagot ni Earl kaya agad kumilos ang mga babae. “Meron pang sulat..” wika ni Blake at pinulot nito ang papel na nahulog. Sadya sigurong pinaghihiwalay ang mga sulat para hindi magulo na basahin. Binuksan ito ni Kuya Thunder nang sa kanya iabot ni Blake ito. “Mga kuya, pakiusap huwag kayo mag talo ngayon, kumilos kayo bilang leader wala ako sa tabi ninyong lahat. Malaki din ang posibilidad na maging kalaban ninyo ako. Dahil nagpapanggap akong nawalan ng memorya para maging ligtas ang Pamilya Tinongko. Sa oras na mabasa niyo ito hindi na sila ligtas dahil alam ko na napag tanto na nilang hindi naman talaga ako nawalan ng ala-ala..” putol na basa ni Kuya Thunder THUNDER LAVISTRE “Gusto ko lang sabihin na huwag niyo sila pabayaan, please hindi ako makaka laban sa gusto kong paraan. Patawad dahil kailangan ko pa gawin ito mag isa dahil kung kasali kayo ang nandito hindi niyo mahahanap ang pamilya Clemenza. Alam ko ang mga nangyari noon hindi ako umimik dahil kailangan ko kayo sa ibang bagay. Habang hawak ako ni Clinton sa oras na mabasa niyo ito kayo na ang aasahan ko sa kaligtasan ng lahat. Mga kuya pakiusap gawin niyo ito para sa kanilang lahat tanggap ko kung galit kayo sakin dahil muli ko na naman sinolo ito..” putol ko sa pagbabasa. “Pero hindi ko pinagsisihan ang gagawin ko, dahil kung ligtas kayo para kayo naman ang bahala sa iba kong gagawin hinding hindi ko ito pagsisihan. Kung kailangan ninyo ako baralin gawin niyo tatanggapin ko ‘yun pero mag tiwala lang kayo mananalo tayo..” huling basa ko dito at tiningnan ko silang lahat. Nilingon ko ang mag kapatid at huminga ako ng malalim. “Azi gusto ko ipadala ka sa Bario Tinago para may kasama silang Leader ng DCN..” baling ko kay Azi. Tumango ito at hindi na umimik pa. “Gawin natin ang gusto ni Flame. Kung ito ang magiging dahilan para maka balik na si Flame dito gawin natin ang gusto nila!” Utos ko. “Blake, huwag mo muna papasukin ang mga bata para maging ligtas sila. Kailangan din natin dagdagan ang mga bantay sa mansion..” utos ni Vlad kay Blake. “Nasa plano ko na ‘yan.. salamat..” sagot ni Blake. Tumango ako at nang mag lakad si Andrea at may inalis ito sa leeg niya at inabot sa asawa ng kapatid ko. “Sabi po ni Ate Flame ibalik ko daw po ito kaso nakalimutan ko kung sa kanya, kaya sa’yo ko na lang po ibabalik. Magagamit ko po daw ito para makilala niyo po ako..” magalang na wika ng batang babae. Nang nasa kamay na ito ni Blake agad nag salita si Divine. “Sa necklace na ‘yan nanggaling yung signal! Ibig sabihin ikaw ang binigyan ni Boss niyan..” napa lingon naman kami sa malaking screen. “Ibig sabihin dinala ka talaga ni Flame sa amin para ibigay ito..” wika ni Damon. Napa lingon na naman ako dito dahil nakakarinig na naman ako ng plastic. Kumakain na naman kasi dito. “Nakaka-irita ka talaga mas lalo yung seryoso kami dito tapos pakain-kain ka lang?!” Pa singhal kong sermon dito. Naka nganga pa ito at tiningnan kami isa isa. “Ano na naman problema mo?! Masama ba kumain? Kakain lang ako hindi naman kita inaano!” Sagot nito. “Hayaan mo na kasi siya Thunder, ganyan na talaga siya..” tumatawang sagot ni Vlad. Umiling na lang ako at tiningnan ng masama si Damon inagaw ko ang plastic at kumuha ako ng kinakain nitong dried banana chips. AVA OLIVIA LEVESQUE NAKA NGITI LANG AKO SA BANGAYAN NG MGA LAVISTRE AT VALENCIA. Ngunit may isang bagay na bumabagabag sakin. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. “Ibig sabihin ba na buhay pa si Clinton?” Tanong ko yun kasi ang pagka intindi ko. Humarap si Boss Thunder dahil ito ang nasa harapan ko din. “Oo buhay pa siya. Hindi mo siya napatay ng husto..” sagot Boss Thunder na kina kuyom ng kamao ko. “Kung nakita mo ang sinapit ni Donya Amelia at ng kambal ay baka ngayon pa lang sumugod kana. Pero ipaubaya mo na sila sa amin..” sagot ni Boss Vlad. “Saka ikaw din ang habol ni Clinton, pero hindi hahayaan ni Flame na magalaw ka nila o mangyari ‘yun. Alam namin na alam ni Flame ‘yun mag tiwala ka lang hindi ka nila magagalaw..” lumingon ako kay Boss Damon. “Gusto ko ang papatay sa kanya..” sagot ko. Umiling si Boss Blake. “Hindi ka hahayaan ni Flame, kilala ko ang asawa ko hindi ka niya hahayaan na ikaw ang papatay kay Clinton at Britney. Siya ang gagawa nito, kargado ang asawa ko ng galit sa kanila kaya kung mangingialam ka baka madamay ka na..” malamig na babala na sagot ni Boss Blake. “Tama si Blake. Hindi namin ginagawa na kapag sinabi ni Flame na kanya ang kalaban ay aagawin namin dahil hindi kaya mag pigil ni Flame pumatay kapag gusto niya..” paliwanag ni Boss Earl. Tumango ako. “Saka kailangan maging ligtas ka, hayaan mo si Flame ang tumapos ng laban dahil isa si Flame sa mga tumulong sayo kaya galit dito si Clinton..” nilingon ko si Boss Storm. Hindi na lang ako umimik at tumango na lang. Tama naman si Boss Earl nabanggit na niya ito sa akin noon pa. Kapag si Boss Flame ang lumaban huwag kana maki sali pa dahil madadamay ka talaga. Hindi ko pa nakita lumaban si Boss Flame ng harap-harapan pero noong naglaban sila ni Boss Thunder? Kinabahan ako, dahil isang tira pa lang ang ginawa ni Boss Flame sa kapatid niya halos balian na ito ng buto. Paano pa kaya kung sa kalaban ito ginawa? NANG MATAPOS SILA MAG USAP naiwan ako sa Underground ng DCN. Habang ang mag kapatid at pinatulog sa mansion ni Boss Flame. “Nakaka mangha si Boss Flame nakita niyo yung pag atake niya kay Boss Thunder?” Napa angat ang tingin ko sa Screen. Doon ko nakita ng malinaw ang nangyari, “Kung titingnan mukha lang mahina. Pero yung ganyang tira ni Boss Flame ang sumira sa heavy duty punching sand bag dito..” kwento ni Alice. Napasinghap ako dahil hindi basta basta ang ganung klaseng punching bag. Pinapalakas nito ang muscle mo at mga buto. Hindi na ako nagtataka kung ganun kabigat ang kamay ni Boss Flame. “Isang well-trained person si Flame hindi siya basta basta hinasa lang sa lahat. Kung kami malakas na mas malakas siya. Dahil siya ang sumunod na boss ng panahon na ‘yun..” napa lingon ako kay Boss Damon. “Kaya kung gusto mo makalaban siya? Mag isip ka muna dahil nakikita mo yang Battle Rope Metal Chain na ‘yan sa gilid?” Tanong ni Boss Damon at tinuro sa akin ang naka lapag sa sahig na napaka taba na metal rope. “Yan ang ginagamit niya para lumakas ang braso niya..” sagot nito na kina nganga ko. “Pa-paano? Gaano ba kabigat yan?!” Gulat kong tanong. “Hindi ko alam eh. Wanna try?” Tanong nito kaya tumango ako at tumayo. Agad kong nilapitan ito at ng hawakan ko ngunit hawak pa lang, alam ko na nabigat talaga ito. Nagulat ako ng hawakan ni Boss Damon ang gitnang parte, isang kamay lang pero nagawa niya itong itaas. “Hindi ko ito kaya..” sagot ko at binitawan ko na. Tumawa ito. “Yaan mo sabihan ko si Thunder, turuan ka..” sagot nito. Napa ngiwi ako dahil sa narinig ko. “Bakit? Huwag mo sabihin na hindi mo type ang Thunder namin? Bagay kaya kayo..” sagot nito at nag lakad palayo. “Huwag ka mag alala kung ikaw ang mapapangasawa ni Thunder? Tanggap ka namin hindi kami tumitingin sa status!” Sigaw nito. “Hindi na bale!!” Sagot ko narinig ko pa itong tumawa. “Pero bagay po talaga kayo ni Boss Thunder.” Nagulat ako ng sumilip si Mika, noo at mata lang nito nakikita ko. Dahil may harang na kasi ang upuan nila para na itong cubicle sa isang office. “Naku hindi ko ‘yan iniisip dahil malaki ang utang na loob ko kay Boss Flame. Saka—” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng mag salita si Mika. “Iniisip niyo po ba na hindi kayo pwede kasi mas mataas sila? Hindi sila tumitingin sa status ng tao, si Boss Blake po minahal ni Boss kahit malayo ang agwat ng estado nila. Alam po namin ang kwento nila, kahit dating kaaway ng pamilya Lavistre at Valencia ang mga Dela Vega pero kinalimutan po ito ng pamilya nila Boss Flame at buong buo tinanggap ang pamilya si Boss Blake..” pag ku-kwento nito sa akin. “Sobra po kaya kaming masaya kasi sa wakas may tao na po na handang mahalin si Boss Flame kahit iba siya sa ibang tao. Kaya huwag po kayo mag alala sure po ako na tanggap ka po ni Boss Flame..” ngumiti ito. Napangiwi naman ako at nag kamot ng ulo. “Ang problema kasi wala naman akong gusto kay Boss Thunder..” sagot ko. “Pwede naman po kayo mga kagustuhan habang nasa loob ng marriage..” sagot nito na kina buntong hininga ko na lang. Hindi na lang ako umimik dahil sigurado ako na hahaba pa ito. FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Sa oras na hawak na natin ang control sa buong paaralan saka natin tatapusin ang mga Lavistre. Gusto ko ikaw ang magunguna doon Miss Flame..” utos ni Clinton. Tumango lang ako. “Ang tanong kaya ba tanggapin ng pamilya na ‘yun? Na ang pinakamamahal nilang leader ang papatay din sa kanila?” Tanong ni Britney. “I can’t wait to see their face kapag nalaman nilang harap harapan silang tina traydor ng amo nila!” Natatawa nitong wika. Tumalikod na ako at ngumisi ako, nag lakad ako palabas at agad kong nilagay ang sa teinga ko ang clear o transparent earpiece ko. Tinagawan ko si Ken, Lance at Brent. “Taniman niyo ng bomba ang buong hideout nila sa oras na atake kami pasabugin nito ito. Ako na ang bahala sa school..” utos ko sa tatlo ng sumagot sila sa tawag ko. “Areglado boss..” sagot ni Ken at Lance. Nag tungo ako sa training ground nakita ko na nagsasanay pa rin ang iba kaya nag tungo ako sa kusina at kinuha ko ang lason sa bulsa ko. Gawa ito sa powder, nabili ko ito sa palengke noong nasa Bario Tinago pa ako. Para ito sa mga daga at ang iba ay para sa pusa at aso. Hindi ko alam kung gagana ito pero susubukan ko sa mga ito. Nang matapos ako umalis agad ako, ang mali lang sa hideout na ito wala silang CCTV ilang beses ko na sinubukan hanapain ngunit wala talaga. Kahit si Ken walang mahanap. Tumayo lang ako sa gilid habang ponapanood ang pag serve sa kanila ng ibang tauhan dito ng tubig na nilagyan ko ng lason. Walang pag dadalawang isip na ininom ito ng mga ito. Hindi ako ang pakita ng kahit anong emosyon upang maiwasan na mag hinala sila. Kung mag hinala sila wala naman din akong pakialam. Tatapusin ko parin silang lahat. Lumipas ang isang minuto hanggang dalawa ng bumagsak ang isa at bumula ang bibig nito. “Anong nangyayari?!” Tanong ni Clinton nasa likod ko pala ito. “Bigla po bumagsak ang isa at nangisay bumubula din ang bibig nito. Dapat pag pahingahin mo muna sila dahil pagod na sila..” malamig kong sagot. “Hindi pwede! Bukas na tayo aatake, ito ang huli nating pagkakataon para maka ganti ako!” Sagot ni Clinton. Nagkibit balikat ako at umalis na lang. “Kung mag mamatigas ka ubos ang tao mo..” bulong ko. - The trick is to win privately but let them think you’re losing in public.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD