CHAPTER 31

2778 Words
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA NAPA ILING AKO NAPA HAWAK SA SENTIDO ko ng mahirapan akong nahaoun ang mag iinang Clemenza. Kahit nasa akin na ang kailangan ko hindi ko alam saan sila posible na tinago ni Clinton. “Hindi ako naniniwala na nawalan ka ng alala..” napa lingon ako sa nag salita sa likod ko. Totoo naman talagang hindi ako nawalan ng alala, pero mamaya ko na iku-kwento kung anong nangyari bago ako napunta sa mga Tinongko. “Ngayon? Malaki bang kawalan sayo?” Tanong ko dito. Binulsa ko ang hawak ko at agad naman nito napansin pero hindi ito nag tanong. Ngumisi ito at lumapit sakin. “Alam mo ba na ang sarap ng asawa mo? Ang galing pala niya sa kama ano? Kaya hindi na ako nagtataka kung nagkaroon kayo ng kambal, halimaw pala siya..” pang aasar nito kaya ngumisi ako. Tiningnan ko ito mula hanggang paa. “Kay Althea nga hindi ako nag selos sa basura na katulad mo pa kaya?” Tanong ko dito. “Hindi ikaw tipo ng asawa ko, hindi ka niya magugustuhan. Alam mo ba bakit?” Tanong ko at nilapitan ko ito. “Hindi gusto ng mga lalaki ang babaeng hindi marunong mag buntis.. sa madaling sabi, pang kama ka lang..” bulong ko dito at nag lakad na ako. “You! How dare you to say that to me! Your nothing to compare me!” Sigaw nito at hinarap ako nito at ng akmang sasampalin ako nito. Tinutukan ko ito ng baril sa leeg. “Anong magagawa ng sampal mo kapag pinutok ko ang bala ng hawak kong baril sa leeg mo?” Malamig kong tanong. Nakita ko ang mga mata nito na gumuhit ang takot. “Kilalanin mo sino ang bina-bangga mo, sa susunod na inisin mo ako tungkol sa asawa ko. Tandaan mo ‘to kahit sa harap ni Clinton papatayin kita..” banta ko dito at umalis na ako sa harap nito. Nag lakad ako papasok sa nag sisilbing hideout ng Los Trados at nakita ko si Clinton na nakaupo sa kanyang upuan. Akala mo isa siyang hari, tiningnan ko ito ng malamig at umalis na ako hanggang mag salita ito. “Kamusta si Mommy at sila Krystell at Kayzee sa La Casa Residence?” Narinig kong tanong ni Clinton. “Gusto pa rin po nila umalis doon, ngunit hindi sila makakalabas..”sagot ng tao nito. Tumuloy na ako sa firing area nila dito, nakita ko paano sila makipag barilan at makipag laban sa isa’t isa. “Kailangan ko na lang paano ako makakarating sa La Casa Residence..” bulong ko. Nag lakad ako patungo sa pinaka dulo ng pasilyo na ito hanggang pumasok ako sa loob at nakita ko ang tauhan ni Clinton. May kausap ito sa cellphone. Nilabas ko ang dagger ko at luminga ako sa paligid, mabuti at madilim sa parteng ito agad kong ginilitan ang leeg nito at nang bumagsak ito kinuha ko ang cellphone nito. Pinatayan ko ng tawag ang kausap nito, at nagpadala ako ng text message kay Lance sa kanang kamay ko upang gumalaw na sila. Matapos ko ipinadala ang text ay binali ko ang cellphone sa dalawa at hinagis ko ito sa umaapoy na malaking lasa na nagsisilbing basuragan nila. May apoy ito sa loob dahil nag sisiga sila sa loob ng hindinko malamang dahilan at wala na rin akong pakialam. Bukod dito may isa pa silang malaking butas na kasya na ang tao. Sinipa ko ang lalaki pahulog sa umaapoy na butas. Matapos nito lumabas na ako sa ibang pinto, nag tungo ako pabalik sa unahan nito. “Ikaw, pinapatawag ka ni Boss Death..” tawag sa akin ng isang lalaki. Hindi ko kilala ito dahil wala naman akong pakialam sa pangalan nila. Dahil matapos ang mission ko tatapusin ko din silang lahat. “Sunod ako..” sagot ko tumango ito at umalis, tulad ng sabi ko sumunod ako habang hawak hawak ko naman ang dagger ko at binulsa ko ito. Pagpasok ko sa loob nagsisilbing opisina nito. Nag salita agad si Clinton. “Muli tayong aatake mamayang gabi! Tatapusin natin ang mga Lavistre. Ikaw ang gusto manguna sa pag lusob Flame..” utos ni Clinton sa akin. Tumango lang ako at hindi umimik, alam ko naman na naririnig ito ni Ken kaya siya na ang bahala sa mga kuya ko. Alam ko matatapos na ang paghihintay ko. Walang sasayangin na oras si Lance tulad ng napag usapan namin nila Lance, Ace, Damon, Ken at Drake. Sa oras na kumpirmado na ang location nila Doña Amelia kikilos na sila at kahit ano pa ang mangyari. Lalaban ako hanggang sa malaman at masabi na nila sa akin na ligtas na ang mag iina. Isang maling katangahan ang nagawa ko kaya ako nag desisyon na gawin ang mga ito. Dahil ng ipadala ko ang pamilyang Clemenza sa ibang bansa akala ko maayos sila doon. Pero hindi pala, mina-maltrato sila ni Britney at sinasaktan. Nakita ko ang kawawang kalagayan ng kambal, hindi nag aaral at napaka payat dahil hindi pinapakain ni Britney. Sinabi din sa akin sa sulat na pinapakain sila ng dumi at ihi nila. Kaya hinding hindi ko mapapatawad si Britney, kung tutuusin wala akong pakialam sana kay Clinton. Pero ng malaman ko na may alam siya at wala siyang ginawa dahil doon. Gusto ko siyang patayin at ipakain ang laman niya sa sarili niya at ganun din si Britney. Wala akong pakialam kung ako pa ang pinaka masamang tao na makikilala nila. Lahat ng under my name lahat sila ay may karapatan ako protektahan sila. Kahit pa anak ng kaaway ko! Mas lalo kapag nangako ako. Paano ko nalaman ito lahat? Matapos ang nangyari sa pagitan ni Ava at Clinton sinabi sa akin ni Madrid na hindi nag match ang DNA ni Clinton sa DNA ng ama nito. Noong nakuha nila ang ngipin sa nasunog na bangkay. Ibig sabihin ng araw ng libing, alam ko na buhay si Clinton pero nanahimik ako. Dahil ang plano ko dadalhin ko sa akin ang pagtatapos ng laban ni Ava at Clinton. Ako ang tatapos nito ako ang papatay sa kanila, dahil damay-damay na ito. THUNDER LAVISTRE “Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko kay Lance at pumasok kami sa isang La Casa Residence. “Dito tayo tinuro ni Flame nandito ang pamilya ni Clinton. Gusto niyo po malaman diba bakit ito ginagawa ni Boss? Sasabihin ko pero be with me muna boss, please nakikiusap ako kailangan ko ng tulong niyo..” pakiusap ni Lance sa amin ni Vlad at Earl. “Okay sige, we trust you..” sagot ni Vlad kaya bumaba na kami ng Van paglingon ko makita ko si Drake at Luther paano ko nalaman, dahil sa sasakyan nila. “Ano ibig sabihin nito?” Tanong ko hanggang napa lingon ako ng buksan ni Lance ang gate. “Ibaba niyo ang kamay niyo kundi tapo——” nagulat kami ng barilin ito ni Luther sa ulo lahat ng nakita niyang kalaban. “Huwag niyo na bantaan at buhayin kakanta pa ‘yan! Mapapahamak si Flame sa puder ni Clinton.” Narinig kong wika ni Luther kaya sumunod na kami. Pag pasok namin sa loob nakakasulasok na amoy ang sumalubong sa amin. “Napaka walang hiya talaga ng Clinton at Britney na ‘yan!” Narinig kong wika ni Damon na kasama pala namin. “Ano bang meron dito?” Tanong ni Storm. “Tulong..” narinig namin na may humihingi ng tulong galing sa taas. Agad kami nag takbuhan sa taas at pag dating sa taas nakita namin si Doña Amelia Clemenza at ang kambal na sobrang payat at halos mga buto na lang. Hindi pandidiri ang naramdaman ko kundi awa, pakiramdam ko hindi ako makahinga sa baho nila kundi sa kalunos lunos na nangyari sa mag iina. Napaka payat kitang kita mo na ang buto nila wala na silang mga buhok. “Sinong may gawa nito?!” Tanong ko. “Si Britney at Clinton, kinulong nila para pahirapan dahil sa pakikipagtulungan sa atin. Mamaya ko iku-kwento kailangan na natin sila dalhin sa hospital!” Wika ni Lance. Kaya kumilos na kami kumuha ako ng kumot mabuti at may malinis pa. Pinasok na ng mga tauhan ni Drake at Luther ang mga wheelchair at binuhat na nila ito mag iina. Napa sabunot ako ng buhok ko dahil wala talaga ako naiintindihan. “Sunugin niyo ang bahay!” Utos ni Drake. “Opo boss!” Sagot ng tauhan ni Drake. “Tara na..” agad kami nagsi-sakay sa van habang ang mag iina ay nasa ibang sasakyan. “Salamat nailigtas din sila..” bulong ni Lance. “Kailangan na lang masabi na kay Boss na ligtas na ang mag iina, para matapos na ang pagpapanggap niya..” wika ni Ken nasa harap ang dalawang ito. “Mag paliwanag kayo sa akin mamaya..” utos ko nakita ko naman ang pamumutla ng dalawa. NANG MAKARATING KAMI NG HOSPITAL nalaman namin na severe na ang pagiging malnourished ng mag iina. Nakita din sa mga x-ray na tinamaan na ang atay at baga nila. Ang nakaka lungkot dito nakita sa test na pinapakain sila ng dumi nila at pinapainom ng sarili nilang ihi. “Walang hiya!” Bulong ko. “Ito ang dahilan bakit pinili ni boss na hindi mag pakita matapos ang gulo sa Bundok. Dahil gusto niya mapunta siya ng kusa sa puder ni Clinton..” napa lingon kami kay Lance ng mag salita ito. “Lahat ng ‘yun planado na, 6 months ago nakakuha si boss ng balita tungkol sa mag iinang Clemenza. Na ito ang nangyayari sa kanila, walang magawa si Boss kasi hindi niya alam saan sila nagtatago dahil pinipigilan sila ni Britney mag salita..” si Ken naman ang nag salita. “Dahil matapos ang gulo noon, sinabi ko kay Flame na hindi tugma ang DNA ni Clinton sa ama nito o kahit kay Doña Amelia. Ibig sabihin hindi si Clinton ang nakita niyong nasunog ibang tao ‘yun..” sagot ni Madrid. “Pero kitang kita namin!” Sagot ni Azi. Lumingon si Madrid at nag salita. “Minsan kasi kung ano yung gustong makita ng isip natin, ‘yun lang ang gusto din ipakita sa atin gamit ang mga mata natin..” malalim nitong sagot. Dahil doon napaisip ako, “Ibig sabihin hindi si Clinton ang nasunog?” Tanong ni Storm. “Hindi ano ka ba naman! Siya ‘yun pero noong nawala na ang atensyon natin pinalitan yung katawan!” Sagot ni Damon nakita ko na naman itong kumakain. Gusto ko talaga batukan ang isang ito, seryoso ang usapan itong isa naman na ito puro kain lang ang ginagawa. “May alam ka?” Tanong ni Vlad kay Damon agad itong lumayo. “Lahat tayo nakatuon ang pansin kay Miss Ava noong panahon na ‘yun! Matapos ‘yun, hindi natin alam baka binalikan siya ni Britney tapos ibang bangkay ang nilagay doon? Pwede ‘yun pareho naman silang kriminal mag isip..” paliwanag ni Damon. Napa hawak na ako sa sentido. “Gaganti si Flame mula sa loob, ‘yun ang plano niya ginawa niya ang scheme na ito para lumayo sa inyo gusto niya ito gawin ng mag isa..” sagot ni Madrid. “Nakita na ni Flame ang kaya ng kuya Thunder niya alam ko na masaya siya na nakita ka niya Thunder na kaya mo na maging boss sa sarili mong organization..” maka hulugan na wika ni Madrid at nag paalam na ito na aalis na. “Napaka talino talaga ni Apoy!” Wika ni Damon. Ngumiti ako at tumango. “Ngayon alam ko bakit kailangan maging ganito ang lahat..” sagot ko.. “Naiintindihan ko na.” Bulong ko. EARL LOYD LAVISTRE “Paano niyo nagawang palabasin na wala kayong alam dito?” Tanong ko kay Ace. Nilingon ako nito. “Hindi naman kayo nag tatanong pero mabuti na hindi kayo nag tanong.. dahil wala rin akong sasabihin.” Sagot nito. Sa gigil ko, hinawakan ko ang kwelyo nito. “Pinag mumukha niyo lang kami tanga at walang alam!” Sagot ko dito. “Maging malinaw ang mata mo Earl, hindi ito ginagawa ni Flame para mag mukha kayong tanga! Dahil iniisip na ni Flame na ang mag bitiw na! Paano kayo iiwan ni Flame kung hindi niyo pa kaya?!” Tanong nito at tinabig ang kamay ko. “Kung iniisip niyo na selfish si Flame ngayon, mali kayo! Walang ibang inisip si Flame kundi ang kakayahan niyo na mamuno! Never niya kayong nakita bilang mga tauhan niya! Mahal kayo ni Flame!” Sagot nito. “Mahirap ang kalagayan ni Flame! Alam ‘yun ng asawa niya! Ayaw niyang mamatay dahil ayaw niyang mawalan ng ina ang mga anak niya! Kailangan niyo na gumising, hindi lahat si Flame dapat ang kumilos at mag isip!” Huling wika ni Luther at tumalikod na ito. Nag lakad na lang ito paalis. “Never kayong nakita ni Flame na mahina, lagi lang niyang iniisip na hanggang kailan niyo kakayanin ang labanan? Iba si Flame sa inyo pero kailangan niyo din kumilos sa sarili niyong paraan..” huling wika ni Drake at umalis na rin ito. Dahil sa mga sinabing iyon ni Ace at Drake bigla kong naalala ang lahat ng mga nangyari simula ng mag umpisa kami. Tama siya laging si Flame ang gumagalaw. “Pag nakita ko ang kapatid ko yayakapin ko siya ng mahigpit..” wika ni Thunder. Nag lakad na ako paalis ng hindi nag papaalam. This time hindi na siya mag iisa, lalaban na ako bilang ikatlo sa pwede maging Leader ng DCN. Tama si Luther iba na ang panahon na ginagalawan namin, may mga bata na pwede mawalan ng ina kung mananatili kaming aasa. VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE “Sino ka ulit?” Tanong ko sa dalagang nasa harapan ko. “Ako po si Andrea Tinongko, taga Bario Tinago po ako at ito po ang kuya ko Jun-Rey Tinongko..” sagot nito. Napa tingin ako sa necklase nito. “Saan mo ito nakuha?” Tanong ko at hinawakan ko ito. “Saka paano mo ako nakilala?” Tanong ko dito ulit. “Dito po! Kapatid niyo si Ate Flame Lavistre diba?” Tanong nito at tinuro sa akin ang isang litrato sa cellphone. Hindi ko muna sinagot ito at mas minabuti ko silang alisin dito dahil delikado sila dito. Hinawakan ko silang mag kapatid sa mga braso nil at pinapasok ko sa loob ng sasakyan ko. Mabuti at hindi naman nag pumiglas ang mga ito at pumasok na lang din, inalalayan ko pa ang babae dahil mukhang hindi nito alam paano siya sasakay sa sasakyan. “Umandar kana Jimmy sa Underground tayo at ipatawag mo si Blake..” utos ko at tumango naman ito. Binalingan ko ulit ang dalawang kasama pa namin. “Delikado kayo sa oras na may nakaka alam na lumapit kayo samin..” wika ko at nilingon ko ang dalawang ito. Ngunit naka ngiti lang ang magkapatid habang nakatingin sa mga building sa labas ng sasakyan ko. Bumuntong hininga ako at nag padala ako ng message kay Demitri na mag dala ng Ice Cream at mga pagkain. Dahil kung pinadala sila ni Flame ibig sabihin kailangan namin sila protektahan. Yun ang dahilan na pwede ko maisip. “Hindi po kami mapapahamak kasi sabi ni ate, ligtas po kami as long mabasa niyo ang mensahe niya. Natagalan kasi po marami ginawa si ate sa amin ng nakatira siya sa amin..” naka ngiting kwento mg batang babae. “Nag sibak po siya ng kahoy, binenta niya po yung mais namin sa isang malaking kumpanya tapos po pinagawa po niya school namin. Saka po binigyan po niya kami maraming pera!” Pag ku-kwento nito. Hindi ko maiwasan hindi matawa. “Uy tumahimik ka..” suway ng kuya nito. “It’s fine, ganyan talaga si Flame wala siyang pakialam sa pera, hangga’t makakatulong siya she will do that. Kaya pala naka tanggap kami na nag withdraw siya na napaka laking pera. Don’t worry hindi ako galit anyway pinsan niya ako hindi niya ako kapatid..” sagot ko. “Vladimir Lavistre, pwede niyo ako tawagin na kuya..” pakilala ko. Tumango ang dalawa sa akin kaya naman tumahimik na ang mga ito pero pilit parin nilang pinapanood ang mga nag tataasan na building. Ngumiti ako ng palihim, bakit pa ako nagtataka sa kilos ni Flame? Ganito naman talaga siya kahit noon pa, nilingon ko ang dalawang kasama ko. May natulungan na naman si Flame, sure ako na hindi alam ng mga ito kung sino si Flame talaga. - Always help someone. You might be the only one that does..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD