CHAPTER 33

2731 Words
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA Nakita ko si Flame na naka tayo lang ito at walang ibang ginagawa. “I told you babe.. hindi naman talaga siya nawalan ng memory..” wika ni Britney. “Kung totoo ang sinasabi mo dapat matagal na niya akong pinatay..” sagot ko at tiningnan ko ito malamig. “Fine kung ayaw mo maniwala! Edi wag! Huwag mo akong masisi-sisi!” Padamog itong lumabas ng sasakyan. Hawak na namin ang buong paaralan o hostage na namin ang hinihintay na lang namin ang mga pinsan ni Flame upang simulan na ang pakikipag laro. “Boss! May problema tayo..” wika ng kanang kamay kong si King. Nilingon ko ito at nag salita. “May nag hack po ng bank account niyo at nawala na po ang lahat ng pera niyo kahit kay Ma’am Britney!” Sagot nito at pinakita sa akin.. Napanganga ako ng makita ko na ni piso ay walang natira. “Ano sabi mo pati akin wala na?!” Tanong ni Britney. “Bakit nagulat kayo?” Napa angat ako ng tingin ng may mag salita sa labas ng gate. Nang tumayo ako at sumilip sa ibaba ng rooftop nakita ko si Brent at Ken ang tauhan ni Flame. Ngunit si Flame nanatili itong hindi gumagalaw. “Hayop kayo! Ibalik niyo ang pera ko!” Sigaw ko habang hawak ko ang mega phone. Ngunit hindi na ito nakasagot ng nag datingan na ang hinhintay namin. “Pumu-westo na kayo..” utos ko sa kanila. THIRD PERSON POV “Mag handa na kayo, sigurado na wala tayong makukuhang utos kay Flame..” utos ni Thunder at bumaba na ito ng sasakyan. Hawak nito ang dalawang 45 caliber, ganun din ang mga kasama nitong pinsan na sila. Vladimir, Demitri, Earl, Storm at Ezekiel. Habang ang iba ay may ibang mission ang siguraduhin na maayos ang mga bata at ang iba mas lalo ang mga Clemenza. Habang si Lance at Ava ay nasa mag kaibang direksyon upang mapanatili na hindi makalapit ang kalaban sa mga Lavistre at Valencia. Habang nasa malayong distansya din ang Grupo ng Dark Organization dahil may sariling utos dito si Flame. Ang protektahan siya sa oras na baliktarin na niya ang sitwasyon.. “Subukan niyo pumasok kundi tapos ang mga estudyante dito!” Pag babanta ni Britney habang hawak nito ang switch para sumabog ang bomba. “Ganun ba?” Tanong ni Brent at may kung ano itong pinindot na nagpa luhod kay Britney. “Baka nakakalimutan mo hawak ko ang buhay mo?” Tanong ni Brent at isa isa silang pumasok sa loob ng campus. “Ano ba sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Kung patayin ko ang pinsan niyo?! Sigurado malaking kawalan sa inyo ito!” Pananakot ni Clinton. Lumingon si Flame dito at kitang kita sa mata nito ang napaka blangkong tingin. “Tapusin mo! Siguraduhin mo na hindi na mabubuhay!” Pang hahamon ni Thunder. Tinutukan pa nito ang kapatid nito na si Flame ng baril sa ulo. Nag lakad si Flame at bumaba naman si Agad si Clinton. Hahang si Britney naman ay hirap na hirapang huminga. “Tapusin sila!” Utos ni Clinton kaya agad naman kumilos ang ibang tauhan ni Clinton. “Gawin mo na, Brent..” utos ni Flame pabulong ito sakto para lang marinig nito. Ngumisi si Brent at agad pinindot ang start sa computer nito. Sunod sunod ang pagsabog na nilikha na bagong imbensyon ni Brent. “Boss Clinton! Sumabog po ang hideout natin lahat ng tao natin patay na!” Pagpapaalam ni King ang kanang kamay ni Clinton. Nanlaki ang mata ni Clinton dahil sa narinig hanggang matanaw niya si Jimmy ang dati niyang Driver. Mas kinagulat niya na makita ni siya Steve Morgan at Charles Antonio. “Steve?!” Gulat na tanong nito. Kitang kita nito ang hawak ng mga dating kaibigan. Mga baril din ito. Nang tumingin siya sa gawi ng mga Lavistre at Valencia kapwa din ang gulat ng mga ito sa nakita nila. “Anong ibig sabihin nito? Paano sila nakarating dito?” Tanong ni Storm. “Matagal na silang wala diba?!” Hindi makapaniwalang tanong muli ni Storm. Nilingon ni Vlad at Thunder si Flame ngunit wala pa rin itong kahit anong reaksyon. Pero ang mata nito ay nakatingin sa dalawang bagong dating. “Flame tapusin mo sila!” Utos ni Clinton. “Wala akong pakialam kung dati ko pa silang kaibigan!” Sagot ni Clinton. “Ava.. lumabas kana..” mahinang utos ni Flame kaya agad tumakbo si Ava habang si Federick Lewis na ang sumalo ng sniper ni Ava. Mabilis itong tumakbo at tumalon ito sa mataas na bakod para mabilis makarating sa paaralan. “Ano ba ang tina-tanga mo? Tapusin mo na sila!” Gigil na utos ni Clinton kay Flame. Hanggang sunod sunod ang putok na narinig nila na kina dapa ng grupo ni Clinton. Kinuha ni Britney ang baril at pinaputukan si Flame ngunit hindi naman nito tinamaan. “Alam namin na hindi nawala ang ala-ala mo! Bakit hindi ka lumaban?! Bakit hindi mo ipakita samin ang pagiging demonyo mo?!” Galit na tanong ni Britney. Ngunit hindi pa rin umiimik si Flame na pinag taka mg mga kuya nito. “Ano kayang problema?” Tanong ni Vlad hanggang lumabas na si Ava. “Subukan niyo barilin o saktan si Boss Flame tapos kayo!” Banta nito. Nang ngumiti si Flame agad nag handa sila Thunder at ang iba dahil ang ngiti na ‘yun.. “ Hayop ka! Tapusin ang babaeng yan!” Utos ni Clinton. “NGAYON NA!” Sigaw ni Flame at nag paputok ito sa ere. Hindi naka kilos agad sila Thunder ng pagbabarilin ng mga tauhan ni Ava ang grupo ni Clinton. “Kuya Thunder sa likod mo!” Siyaw ni Flame ata agad itong tumakbo palayo sa mga kuya niya. “Ken! Pasabugin mo na!” Utos ni Flame kay Ken agad tumakbo si Flame sa gawi ni Britney. “Tama ka hindi ako nawalan ng ala-ala..” sagot ni Flame nagulat pa si Britney ng nasa harapan na niya si Flame. “Pero wala akong pakialam kung alam niyo ‘yun o hindi! Dahil kapag ako ang pumatay! Sisiguraduhin ko na hindi na kayo makaka balik pa!” Wika nito at tinutok nito ang baril sa hita ni Britney at pinagbabaril ito ng sunod sunod. “Tulong! Clinton!” Sigaw na paghingi ng tulong ni Britney. “Tapusin mo sisiguraduhin ko na mamatay ang mga anak mo! Nilagyan namin ng bomba ang paanan ng mansion!” Sigaw ni Britney. Ngumisi si Flame bago mag salita. “Ah.. yun ba? Nilipat ko sa hideout niyo para siguraduhin na walang makakapag back up at hindi na kayo makaka hingi pa ng tulong..” sagot ni Flame na kina laki ng mata ni Britney. “A-anong sinabi mo?!” Gulat na tanong ni Britney kay Flame. “Mga wala kayong hiya pinag laruan niyo kami!” Hiyaw ni Clinton. “Ikaw pinagkatiwalaan ka ng buong pamilya! Kayo kaibigan ko kayo pero paano niyo nagawa ito sa akin?! Mga traydor!” Panunumbat ni Clinton. “Masakit ba tanggapin na ang mga taong minsan mo naging kaibigan ay kaaway mo na ngayon? Ganun ang mundo at ganun ang tao!” Tanong ni Thunder. Nakaluhod si Clinton sa harapan nila habang si Britney at tumayo at pilit na naglalakad palayo. Nakatingin lang si Flame at nag salita ito. “Nasa ligtas ba ang mga estudyante?” Tanong ni Flame kay Ken. “Oo nasa maayos na sila malayo na sila sa school..” sagot ni Ken. “Good job..” sagot ni Flame at nag lakad na ito. Kitang kita nila pag uunat ng katawan ni Flame habang ito ay nag lalakad. “Ano pa ang hinihintay niyo? Tapusin niyo na kami ganun naman ang gawain niyo diba?!” Sigaw ni Clinton. Napa angat sila ng tingin ng makita nilang naglalakad si Flame ng tanggalin ni Flame ang cap niya doon nila nakita na may benda pala ang ulo nito. Nang una itong nag pakita hindi nila ito napansin. “Ikaw! Tapusin mo na——” hindi na natuloy ni Clinton ang sasabihin niya ng undyaan ito ng buong lakas na suntok ni Flame. Hinawakan nito ang buhok ni Clinton at pinilit gisingin. “Hindi ka pwede mamatay hangga’t hindi ko sinasabi! Mabubuhay kayong dalawa at ipaparanas ko sainyo ang ginawa niyo sa mga kapatid mo at iyong ina!” Malamig na wika ni Flame. “Deserve nila ang mga ginawa ko sa kanila! Dahil una pa lang ayaw na sakin ng matandang ‘yun!” Sigaw ni Britney. “Deserve?! Kung sabihin ko na hindi mo deserve mabuhay sa mundong ito? Ano mararamdaman mo?!” Galit na tanong ni Flame. Umatras si Thunder, Earl, Vlad at ang iba pa. “Oo deserve nila ang——” hindi na natapos ni Britney ang sasabihin nito ng bigla itong malakas na suntukin ni Flame sa lalamunan nito na kina dura nito ng dugo. “Manood ka paano ko tapusin ang buhay ng mga kaaway ko..” binalingan ni Flame si Clinton. Nanlalaki ang mata ni Clinton at tila na nginginig ang mga mata nito sa takot. Hanggang butasin ni Flame ang dibdib ni Britney gamit ang hawak na dagger. Maririnig ang pag hiyaw ni Britney sa sakit at hindi maiwasan hindi masuka ang mga tauhan ni Ava ng dukutin ni Flame ang puso ni Britney at hatakin palabas. Napa upo si Clinton at pilit lumayo dahil sa takot at sa nakita paano pinatay ni Flame ang kanyang kasama. “Bakit ka natatakot ngayon?” Tanong ni Flame habang hawak nito ang mainit init at tumitibok pang puso ni Britney. Wala kang mababasa na kahit anong emosyon sa mga mata ni Flame habang hawak ito ang puso ng totoong tao na siyang may kagagawan nito. “Wala kang puso!” Paninigaw sa takot ni Clinton. “Matagal ko ng alam..” maikling sagot ni Flame. Binato ni Flame ang pusong hawak niya at binunot nito ang baril sa tagiliran niya. “Alam mo ba dahil sayo? Nagawa kong iwan ang pamilya ko para makapasok ko lang hideout mo? Walang especial sa ginawa ko pero may sasabihin ako bakit ako nagpapanggap na walang ma-alala..” putol ni Flame. “Wala akong pakialam sa gusto mo! Para sa akin ikaw na ang pinaka walang puso na nakilala ko! Wala kang kaluluwa!” Sigaw na sagot ni Clinton dito. “Tama na ‘yan Flame, tapusin mo na ito..” wika ni Thunder. Ngunit hindi ito pinansin ni Flame. “Plano ko talaga tapusin ka pero mas maganda kasi kapag gagawin ko ‘yun sa araw na ito.. huwag ka mag alala ako na ang mag aalaga kay Amelia at sa kambal mong kapatid..” sagot ni Flame at tinutok nito ang baril sa ulo ni Clinton. “Ano?! Bakit— paano sila napunta sayo?!” Tanong ni Clinton. Ngumisi lang si Flame at pinaulanan ng bala ang mukha ni Clinton pababa sa dib-dib nito. Tinadtad nito ang bala si Clintong hindi na ito makilala at bumagsak na ito. “Siguraduhin niyo magiging abo ang tanong ‘yan..” utos ni Flame. Ngunit bago pa ito maka lakad naka ramdam ito ng hilo at agad itong nahawakan ni Earl. “Flame..” tawag nito. EARL LOYD LAVISTRE “I’m not feeling go——” naputol ito ng mawalan ng malay si Flame. “Dalhin mo na siya sa hospital kailangan niya magamot. Kami na bahala dito!” Itos ni Thunder kaya agad akong tumango at binuhat ko ng maayos si Flame. “Ava pumunta kayo sa mansion, papuntahin mo si Blake kay Madrid at kayo na ang pumalit na magbantay sa mga bata!” Utos ko. “Yes boss..” sagot nila sa akin at pinasok ko sa loob ng van si Flame. “Bilis Damon!” Utos ko at mabilis itong nag maneho. Pag baba ko kay Flame sa upuan ng maayos, doon ko nakita ng sariwang dugo galing sa ulo nito. “This is bad.. bilisan mo na Damon!” Pag uulit ko ng ipakita ko ang dugo sa kanya. “s**t! Galing sa ulo niya? Hindi kaya galing sa ulo niya yung dugo sa bato ng hinahanap natin siya?!” Tanong nito habang mabilis na pinapatakbo ang sasakyan. “Possible na hindi naman natahi ang sugat niya ng maayos..” sagot ko nag mura lang ito. Ako naman ay hinubad ko ang t-shirt kong suot at inilagay ko sa likod ng ulo ni Flame. Upang mabawasan ang pagka ubos ng dugo pa lalo nito. HINDI NAG TAGAL NAKARATING na kami mabuti at naka abang na sila Madrid. Agad nilang sinakay si Flame sa hospital stretcher at tinakbo sa operation room. Habang ako naman ay naiwan sa labas ng OR. Umupo muna ako at nag hintay na dumating ang iba. “Oh mag bihis ka muna..” napa lingon ako sa nag salitang si Damon. Kinuha ko ang damit na hawak nito at nag damit muna ako. “Magiging okay naman siya siguro ano?” Tanong ni Damon at umupo ito. “Oo magiging maayos siya. Huwag kana lang din mag aalala yung sugat niyang hindi nagamot ng maayos ‘yan..” sagot ko dito. Tumango ito at hindi naman nag tagal dumating na ang iba, kasama din si Blake. “Kamusta ang asawa ko? Nasa loob pa ba sila?” Tanong ni Blake. Tumango ako bago mag salita. “Oo andun pa sila. Hintayin na lang natin ang magiging sagot ni Madrid..” sagot ko. Umupo naman ito at hindi na umumik pa. LUMIPAS ANG TRENTA MINUTOS lumabas na sila habang nasa isang kama si Flame. “Kamusta siya Madrid?!” Tanong ni Blake dito. “Wala naman siyang natamong malalang sugat tinahi ko lang naman ang sugat niya sa likod ng ulo. The rest wala na.” Paliwanag ni Madrid sa amin Naka hinga na kami ng maluwag dahil doon. “Mubuti naman at okay na siya..” narinig kong bulong ni Thunder. STORM LAVISTRE Nang masigurado ko na mabuti na ang lagay ni Flame umuwi na ako para maka musta ang mga bata. Bumili muna ako ng paborito nilang pagkain bago ako tuluyang umuwi Pagdating ko sa mansion nakita ko ang sasakyan ni Francine dito. Bumaba ako ng sasakyan at sa labas pa lang rinig ko na ang pagtatalo ni Kenneth at Francine. Buong akala namin si YJ ang manliligaw kay Francine pero sinulot ni Kenneth ito kay YJ kaya nagkaroon ng gap ang mag pinsan. “Diba iniwan mo ako? Umalis ka ng walang paalam kung saan ka pupunta?! Tapos babalik ka ng parang wala kang ginawa?!” Galit na tanong ni Francine. “At hindi ikaw ang pinunta ko! Hindi ko alam na bumalik kana pala! Mga bata ang dinadalaw ko..” narinig kong wika pa ni Francine. Pumasok na ako at nakita kong hinabol ito Kenneth. “Pwede ba?! Tapos na tayo simula ng mang iwan ka!” Panunumbat pa ni Francine. “Kenneth tigilan mo na muna si Francine. Makita kayo ng mga bata saka niyo na ‘yan pag usapan kung ano man ang meron sa inyo. Sa ngayon please ‘wag dito..” pakiusap ko. “Storm..” tawag sa akin ni Francine tumango kaya umakyat na ito. “Mag uusap pa tayo..” wika ni Kenneth at umalis na ito agad. Binangga pa ako nito na pinabayaan ko na lang. “Hindi ka ba niya sinaktan?” Tanong ko kay Francine. Umiling ito ng makita namin ang mga bata. “Tita Chin!!” Tawag sa kanya ng mga bata na kina ngiti ko lang din. Hinayaan ko muna sila at inayos ko ang pagkain na binili ko sa labas. Matapos nito narinig ko naman na maraming sinasabi ang mga bata o kinu-kwento ang mga ito kay Francine. Matapos ko mag ayos nag bihis muna ako sa bahay namin at bumalik din para may kasama na ang mga bata. Dahil sila Ava ay umalis na rin dahil may inutos si Kuya Thunder sa kanila. Habang nakaupo ako sa sofa at nanonood ng balita hindi ko maiwasan hindi matakot sa parating na laban.. Napa buntong hininga na lang ako at umiling upang mawala sa isip ko ang hindi maganda kahihinatnan nito. - No amount of your extra effort will make up for lack of theirs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD