FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
NAKAUPO LANG AKO SA HINTAYAN NG PASAHERO habang hinihintay ko ang asawa ko. Tinawagan ko na ito na nandito na ako at huwag na isama ang mga bata.
Napaka linis ng paligid malapit sa palacio, napaka tahimik din at ang mga guard ay talagang umiikot ikot sila sa area dito. “Hola, ¿qué haces aquí? ¿Estás perdido?” (Hello, what are you doing here? Are you lost?) pagtatanong ng guard sa akin.
Umiling ako agad at sumagot. “No, estoy esperando que mi marido venga a recogerme.” (No, I'm waiting for my husband to come pick me up.) sagot ko naman dito.
Nagulat pa ito pero kalaunan ay ngumiti at tumango. “¿Oh? ¿De hecho? Está bien, me quedaré aquí un rato, mientras esperas a tu marido, no me malinterpretes, es muy peligroso dejarte sola aquí.” (Oh? Actually? Okay, I'll stay here for a while, while you wait for your husband, don't get me wrong, it's very dangerous to leave you alone here.) sagot nito.
Ngumiti lang ako pero tipid. “Está bien, no pensé nada malo o qué. Gracias señor.. (It's okay, I didn't think anything bad or what. Thank you sir..) pasasalamat ko dito.
Tumango lang ito at muling nag lakad palayo pero may sampung hakbang lang ito upang gawin pa rin ang duty niya as a guard.
Ang paningin nito ay laging tumitingin sa gawi ko. Hanggang may pumarada sa harap ko na isang itim na Mercedes Benz. Lumabas ang sakay nito na si Winter. “¡Princesa Isabel! Su Alteza!” (Princess Elizabeth! Your Highness,) nagulat na tawag ng guard kay Winter.
Yumuko si Winter dito at agad itong binigyan ng salute ng guard pati ng ibang guard na rumuronda. “Gracias, oficial, por guiar a mi hermana. Puedes volver a tu deber...” (Thank you, officer, for guiding my sister. You can return to your duty...) pasasalamat ng kapatid kong babae.
Ako naman ay pumasok na sa loob ng sasakyan sumunod naman ito agad. Umupo ako ng maayos at umandar na ang sasakyan. “Ate, hindi mo naman sinabi na darating ka ngayon?” Bungad sa akin ni Winter.
“Nakalimutan ko..” maikli kong sagot at sinandal ko ang ulo ko ang asawa ko ang nag maneho ng sasakyan
“Kuya, deretso tayo sa palacio kasi gusto nila Papa at Mama doon tayo dumeretso..” narinig kong utos nito sa asawa ko.
“Pwede ba muna magpahinga ako? Haba ng biyahe eh..” tanong ko.
Nakita ko si Winter na parang hindi sigurado kaya wala akong nagawa kundi tumango na lang. “Fine..” sagot ko at pumikit ako ulit.
Pakiramdam ko lahat ng kinain ko kanina sa eroplano ilalabas ko na anytime. “Ayos ka lang ba? Wala bang nangyari bago ka umalis ng Pilipinas?” Tanong ng asawa ko.
Napa angat ang ulo ko at tiningnan ko ito, “Huh? Bakit meron ba?” Tanong ko dito pabalik.
Narinig kong natawa naman si Winter at para itong batang lumingkis sa braso ko. “Na miss kita ate..” narinig kong bulong nito. Niyakap ko naman ito na lalo pang yumakap ng sobrang higpit ngayon sa katawan ko.
“Wala nakita ko kasi sa balita ang tungkol kay Governor. Caztigo..” sagot ng asawa ko at tiningnan pa ako niyo gamit ang rare view mirror.
“Ako may gawa nito, inutos ko kay Onze..” pag amin ko. Ngumisi naman ito at umiling.
“Sabi na ikaw lang pwede gumawa ng ganyang kalaking eskandalo mas lalo sa balita, alam ko na ikaw lang ang pwede kumilos ng ganun..” sagot ng asawa ko.
Nagkibit balikat ako at hindi na umimik. Kinamusta ko din ang mga bata sinabi lang ng asawa ko na enjoy enjoy ang magulang ni Winter sa mga ito, at hindi rin sila nahirapan makipag usap sa mga ito.
Dahil magaling ang mga bata sa ibang lengwahe, ito ang basic na tinuro ko sa mga bata noon, upang makasabay sila sa ibang mga bansa na hindi gaano magaling sa english. May mga bansa na fluent at loyal sa sarili nilang lengwahe.
HINDI NAGTAGAL NAKARATING NA KAMI. Naunang pumasok si Winter sumunod kami ng asawa ko. Humawak pa ako sa kamay nito dahil gusto ko.
“Pinag uusapan kasi nila ang gaganapin na Royal Banquet hindi tayo makaka uwi agad dahil, tayo ang pangunahin nilang bisita..” bulong ng asawa ko ko na kina salubong ng kilay ko.
“Alam ko din na ayaw mo sa ganito, pero Honey, pagbigyan mo na si Winter at si Winter din kasi ang nag organize nito dahil ito ang huling Royal Banquet niya kasi sasama na siya sa atin..” natatawa nitong paliwanag.
Alam kasi ng asawa ko at nila kuya ayaw ko sa mga ganitong gathering. Pakiramdam ko hindi ako bagay dito, isa akong mamatay tao tapos nandito ako sa royal house para kasama ang mga tumutugis din sa katulad ko?
Sino ba ang gina-gago ko?
“Fine..” maikli ko na lang na sagot, natawa lang ito at humawak sa kamay ko.
Nang makapasok kami agad naman sumalubong ang mga bata sa amin, “Tita Mommy!” Bati ng quadro sa akin, yumuko at pinag hahalikan ito sa pisngi.
“Mama you're here na!” Naka ngiting wika ng anak kong babae. Humalik ako sa anak kong mga lalaki at sa babae kong anak.
“Behave okay? Baka maka sira kayo..” mahinahon kong bilin sa kanila. Niyakap naman ako ng panganay ko kaya pinag hahalikan ko ang pisngi nito.
“Por fin llegaste, espero que me entiendas.” (You finally came, I hope you understand me.) pag bati ng ina ni Winter is Queen Mercedes of Spain.
“Sí, puedo entenderte.” (Yes, I can understand you.) malamig kong sagot dito.
Nakita kong nawala ang ngiti nito ng mapansin siguro niya na hindi ako ngumingiti sa kanya. “Ahmm, ¿entramos? La cena está lista...” ( Ahmm, shall we go inside? Dinner is ready...) pagtatanong ng Reyna.
Hinayaan ko silang sumagot at sumunod na lang kami. “Flame, huwag mo naman tratuhin na mababang uri ang Reyna, reyna parin yan..” bulong ni Kuya Thunder sa akin.
Hindi ako kumibo dahil nahihilo talaga ako. Nang makarating kami sa pagsisilbi nilang kainan doon ko napansin na simple lang ito at para ka lang na nasa normal na bahay.
NANG LAHAT ay kumakain na, ako lang ang hindi ginagalaw ang pagkain ko. “¿Lo que está sucediendo? ¿No te gusta la comida?” (What is happening? Don't you like food?) nag aalala tanong ng Reyna ang asawa nito naman ay tumigil din sa pagkain.
“¿Estás bien? Tu cara parece pálida..” (Are you ok? Your face seems pale..) nag aalala na tanong ni King Juan Miguel.
Agad kong tumayo at nag salita. “Disculpe, necesito ir al baño.” (Excuse me, i need to the restroom..) paalam ko at agad akong tumalikod.
“¿Dónde está exactamente tu baño aquí? ¡Necesito vomitar!” ( where exactly is your bathroom here? I need to vomit!) tanong ko sa taga silbi nila.
“Hon halika na. Excuse me..” agad akong hinila ng asawa ko at pumasok kami sa isang bathroom.
“Hindi mo naman sinabi agad na nagkaroon ka ng sick flight..” sermon ng asawa ko.
Umiling ako at nag linis ako ng bibig ko. “No, marami lang akong nakain sa business class. Hindi ako gumamit ng private plane papunta dito..” sagot ko sa asawa ko.
“Kaya pala, sige na ilabas mo na ‘yan..” umiiling nitong sagot nilabas ko lahat ng nakain ko buong flight.
Ang asawa ko naman ay nasa likod ko naka alalay sa akin. Nang matapos naman ako lumabas na ako at bumalik kami sa upuan. “Are you ok?” Tanong sa akin ng King.
Tumango na ako at nag salita. “Mu apologies King and Queen, i just eat a lot during the entire flight.” pag hingi ko ng paumanhin hindi ko na sinabi ang buong nangyari dahil nasa pagkain kami.
Tumawa ito at tumango lang, kumain kami ng sabay sabay. Dahil maaga pa naman sinabihan ako ng Queen na matapos ko mag linis ay sasamahan niya ako upang itour sa buong bahay nila.
Ako lang kaya pumayag na lang din ako. Nang matapos kami kumain nag linis at naligo ako at nag paalam sa mag aama ko at kina kuya na lalabas na ako.
Naka suot lang ako ng itim na dress. Hindi naman ito pang alis pang bahay ko ito actually, hindi ko na gaano sasabihin anong klase. Nakita ko ang Queen na naka tayo lang harap ng isang malaking family portrait.
Lumapit ako at yumuko ako dito. “You here, let’s go, I just want to talk to you for something..” naka ngiti nitong pag aaya.
Ramdam ko ang pag sunod ng tingin sa amin mula sa likod ko. I know may naka bantay na royal guard. “Por favor dile a tu guardia real que no te siga. Ahora no haré daño a nadie...” (Please tell your royal guard not to follow you. I won't hurt anyone now...) malamig kong wika dito na kina lingon nito sa akin na may gulat sa mga mata nito.
“H-how—” naputol ito ng mag salita ako muli.
“Siento la presencia de tus guardias reales...” (I feel the presence of your royal guards...) sagot ko lang dito.
Hanggang may sinenyasan ito at nawala na ang bigat na nararamdaman ko. “To be honest? I don't like what you're doing, I don't want to put my daughter in danger especially if she follows in the footsteps of her father, the king. I hope you understand..” panimula nito.
Nag cross arms ako at tumigil ako sa paglalakad tumatama sa amin ang liwanag ng buwan dahil gabi na rin. “Then, tell Elizabeth not to come with us. You are her mother so you can tell her. I'm also not asking for everyone's approval, especially you to like what we do. I don't care about that..” malamig kong sagot dito.
Nakatingin lang ito sa akin ng may gulat pa rin sa mata nito. Muli akong nag salita. “Tomorrow we will leave here, I will be the one to tell Elizabeth not to continue with the Royal Banquet. There was no need for such a thing. We are a Mafia and known killers, we don't need events like this.” Huling sagot ko at tinalikuran ko na ang reyna ng hindi ito binibigyan ng kahit anong pag galang.
I don’t f*****g care who or she was.
Dumeretso ako sa kwarto namin lahat at doon ko nakita si Winter. “Winter, manatili ka na lang dito huwag kana sumama. Mag impake na rin kayo aalis tayo bago mag liwanag..” utos ko na kina gulat nilang lahat.
Bago sila makapag salita nag salita ako. “Kung ano man ang meron sa royal banquet huwag mo na ituloy. Wala akong pakialam sa mga bagay na wala akong kinalaman..” diretso kong wika kay Winter.
Nakita ko pa na tumulo ang luha nito. “Hindi kami welcome dito, Winter hindi tayo pareho ikaw may royal duty ka prinsesa ka magkaiba ang buhay na meron tayo. Yan ang lagi mo tatandaan..” bilin ko dito na kina tahimik nito. Nag tungo ako sa banyo para mag bihis.
Pag labas ko, “Aalis ako, sa hotel muna ako. Kapag nakausap ko na ang lahat bukas mag tungo kayo sa paliparan mauuna kayo uuwi susunod ako..” bilin ko at dinampot ko ang jacket ko
“Hon, I’m sorry we will stay. We will support Winter for now at para formal narin kaming makapag paalam..” wika ng asawa ko.
Nilingon ko ito at ang mga pinsan. “Fine. Babalik na lang ako sa Pilipinas. I hate wasting my time for nonsense things. Ang mga bata bantayan niyo ng maigi..” ramdam ko ang umaakyat na inis sa katawan ko patungo sa ulo.
Bago pa sila maka pag react umalis na ako ng tuluyan.
THUNDER LAVISTRE
NAPA BUNTONG HININGA AKO sa nangyari in a split seconds lang. “I think may nasabi ang magulang mo, Winter..” wika ni Storm.
“They hate ate Flame. It’s a shame na pinilit ko pa si ate na pumunta dito tapos may sasabihin sila na hindi maganda behind my back..” wika ni Winter habang naka yuko ito.
“Okay lang ’yun, alam ni Flame na ayaw sa kanya ng magulang mo..” sagot ni Storm at niyakap nito si Winter.
Tumayo ako at sumilip sa bintana, nakita ko si Flame na naglalakad palabas ng gate kahit malamig umalis parin ito.
Hindi mo naman ito mapipigilan kapag gusto niya gagawin niya. Masakit din ang sinabi nito na she hate wasting her time for nonsense things.
Umiling na lang ako at nakita ko itong sumakay ng Cab dito sa Spain at tuluyan na itong nawala sa paningin ko. “She’s gone, i think hindi na ‘yan mag papa bukas dito sa Spain uuwi na ’yan ng Pilipinas, hindi na ’yan mag papatagal pa kahit apat na minuto dito..” wika ko at umupo na lang din ako.
Tulog na ang mga bata ng umalis si Flame kaya sigurado bukas mag iiyakan ito at hahanapin si Flame.
“Kilala natin si Apoy, walang sasayangin na oras ‘yan..” sagot ni Damon na nakaupo lang din.
“Kasalanan ko bakit nagkaganito..” wika ni Winter. Alam ni Winter na hindi good term ang magulang niya kay Apoy o sa aming lahat.
“Huwag mo na sisihin ang sarili mo, babalik kami ng Pilipinas after ng Banquet pero si Crystal na lang ang isasama namin. Tulad ng sabi ni Flame hindi ka na sasama sa amin..” wika ko dito para mas maintindihan niya.
Ngunit lalo lang itong umiyak. “Ayoko dito..” ’yun lang ang narinig namin at lumabas na ito ng kwarto namin.
Napa buntong hininga ako. Mahirap talaga maipit sa ganitong sitwasyon, parehong may gusto parehong ayaw mag patayo. “Ano kaya sinabi ng queen at nag kaganun si Apoy?” Tanong ni Azi.
“Simple lang, ayaw niya sa ginagawa ni Flame o natin ‘yun lang naman ang nagpapabago ng isip ni Flame.” Sagot ni Vlad dito.
“Kaya ang na iipit si Winter,” sagot naman ni Demitri. Umiling na lang ako at nag lakad lakad.
“Ayoko naman iwan si Winter dito, dahil narin sa ayaw niya na dito..” sagot ko, kaya kami andito para walang palag ang magulang ni Winter kung isasama namin ito.
Pero dahil sa utos ni Apoy wala kaming choice. Sinubukan ko tawagan si Flame. “Sino tinatawagan mo?” Tanong ni Storm sa akin.
“Si Flame, pero naka patay ang cellphone nito..” sagot ko dito.
“She’s upset din sa nangyari. Siguro kaya ganun siya kung makatingin sa queen dahil ramdam niya na hindi siya welcome..” napa lingon ako sa asawa ng kapatid ko.
“You think?” Tanong ko dito.
Tumanho ito at nag salita. “Pag pasok pa lang kanina, ang mata ng asawa ko wala na ibang pinakita kundi cold expression lang, hanggang mag dinner.. kahit ang halikan ang bata ay hindi talaga ito nag bago..” paliwanag nito sa amin.
Tinapunan ko ng tingin ang mga kasama ko na tumango lang bilang sang ayon. “Kung ganun alam na talaga niya ang pwedeng mangyari..” wika ko at hindi ’yun tanong.
“Nakakatakot talaga si Flame, kasi alam mo talaga kaya niya nakaramdam agad ng bagay bagay sa paligid niya..” wika ni Azi na tumatawa pa ito.
Tama siya ito ang hindi nawawala kay Flame alam niya parin paano makiramdam.
-
Trust your instincts. Institutions don't lie.