CHAPTER 15

2684 Words
THUNDER LAVISTRE Nag umpisa na ang Royal Banquet, kanina tinawag kami at ngayon naka upo na. Ilang beses ko tinawagan si Flame ngunit cannot be reach ang cellphone nito. Kahit ang asawa nito hindi nito sinasagot. “Hindi talaga sumasagot?” Pabulong na tanong ni Storm sa akin. Umiling ako bago sumagot. “Naka off ang cellphone, nag tanong na ako sa immigration dito sa espanya, pero wala daw sa record nila ang paglabas ni Flame ng Spain. Kaya malamang nandito lang ‘yun..” sagot ko sa kapatid ko. “Mamaya mag papaalam ako tatawag ako ulit.” Sagot ni Storm. “Hindi parin nakaka labas ng Spain si Flame. Katatawag ko lang wala daw talaga silang narecord na ganitong tao. Imposible na makaka labas siya ng bansa ng hindi dumadaan sa airport mas lalo ang biyahe ay sumakay lang siya ng ordinary hindi naman siya gumamit ng private plane..” singit ni Ezekiel sa amin ni Storm. Kung ganun nasa bansa parin si Flame ngayon, kung ganun nasaan na naman ito? BLAKE SHIN DELA VEGA NAG AALALA ako sa asawa ko kung saan na naman ito nagsusuot, alam ko naman na kaya niya sarili niya pero iba parin kapag nasa ibang bansa kami. Nagpadala ako ng message dito pero hindi talaga ito sumasagot. Simula pa kagabe wala itong paramdam, ni hindi rin ma locate ni Ken ang gamit ng asawa ko kahit ang suot nitong relo. Mukhang naka off ang location nito kaya hindi namin ito mahanap.. HINDI NAGTAGAL NAG SIMULA na pag usapan ang mga bagong panukala ng royal family. Si Winter ang nagsasalita ngayon sa wika nila. Mabuti at tinuruan ako ng asawa ko makaintindi ng espanyol. Ang asawa ko in a short period of time noon natuto ito agad. Hindi na bago ito sa akin dahil matalino talaga ang asawa ko, language genius din ito pareho sa mga anak namin. FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Naka upo lang ako sa loob ng isang café habang pinapanood mag salita si Winter napapansin ko din na kapag nagsasalita ang crown princess. Lahat sila tumitigil sa mga ginagawa. Nag iwan ako ng bayad ko sa kinain kong cake at lumabas na ako ng café tinaas ko ang mask ko at scarf ko inayos ko ito, nag suot din ako ng cap at hood ng jacket ko. Plano ko? Umuwi na busog na ako at naka tulog na rin ako ng tahimik kaya babalik na ako ng Pilipinas. Hindi ko na sila Kuya at ang iba pa hihintayin. Habang naglalakad ako may nakasalubong akong apat na tao na tingin ko ay lalaki. “¿Es realmente tan estúpida la mafia, especialmente algunos de esos miembros de la mafia? ¿Quién está incluido en el banquete de la Familia Real? ¡Son estúpidos! ¿Creen que la familia estará de acuerdo con ellos? ¡No! ¡Son criminales!” (Is the mafia really that stupid, especially some of those mafia members? Who is included in the Royal Family banquet? They are stupid! Do they think the family will agree with them? No! They are criminals!) wika ng isang lalaki. Tumigil ako sa paglalakad hanggang mag salita ang isa. “Es realmente cierto, ¿hay algún gángster atacando el palacio ahora?” (It's really true, is any gangster attacking the palace now?) napa lingon ako dahil doon. Agad akong lumapit. “Disculpe señor, ¿sabe quién es la pandilla?” (Excuse me sir, do you know who the gang is?) tanong ko agad. Halata naman ang gulat sa mukha nila at agad silang sinabi anong pangalan ng grupong ito. “La Cuesta La Familia Mafiosa..” (La Cuesta La Mafia Family..” sagot ng isa. Agad akong nag pasalamat at tumakbo ako patungo pabalik sa Palacio. Hindi ako lalapit pero kukuha ako ng gamit sa sasakyan nila kuya. Tinakbo ko patawid ang kalsada. Narinig ko pa na sinigawan ako ng ilan sa mga driver. “¿Quieres suicidarte? ¡Estúpido!” (Do you want to commit suicide? idiot!) sigaw nito pero hindi ko na ito pinansin. Pag liko ko agad kong nakita sa malaking screen ang pagsasalita ni Winter alam ko patapos na ito. “Kung ganun paano sila aatake?” Tanong ko sa hangin at tinakbo ko na ito. Binuksan ko ang line ko at earpiece. “Kuya! Anong gagawin matapos mag salita ni Winter?!” Tanong ko agad ng maka sagot sila. “Asa—” hindi ko ito pinatapos ng mag salita ako “Wala akong oras d‘yan! Bilisan mo aatake ang La Familia dyan kilala sila bilang mafia ng bansang ito. Hindi ko alam kung bakit sila aatake narinig ko lang..” paliwanag ko at nang makarating ako sa parking kung saan naka parada ang sasakyan nila. Hinawakan ko ang pinto nito at buong lakas ko ito winasak. Dahil na rin sa wala akong susi. “Mag papatugtog ng orchestra.. Flame saan ka ba?!” Tanong ni kuya Storm. “Parking lot! Protektahan niyo ang Royal family ako bahala sa kanila! Pakisabi sa asawa ko ang mga bata!” Bilin ko ko at pinatay ko na ang tawag. Kumuha ko ang armas na kailangan ko, kailangan ko makalapit sa pinag gaganapan ngayon ng banquet. Wala akong sinayang na oras at tumakbo na ako, alam ko kung anong tumugtog ngayon. Dahil rinig na rinig hanggang labas. VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE Pag tayo ng mga tao tumayo na rin kami at agad kami napa tingin ng sunod sunod ang putok ng baril galing sa taas. “Ang mga bata!” Hiyaw ko at agad kong binunot ang isa sa mga baril ng guards. Ganun din ang iba kong pinsan. “Makinig kayo! Kapag sinabi ko yumuko kayo gawin niyo agad!” Utos ni Flame sa kabilang linya. “Okay!” Sagot naming lahat. Pinalibutan na namin ang royal family. Hanggang may nakapasok na mga lalaki. “Sila ang tinutukoy ni Apoy..” wika ni Damon. “K*ll them!” Utos ng lalaki, bago pa nila kami barilin agad kong kinasa ang baril ko at pinaputukan ko silang lahat. Sumunod si Storm at Damon, si Azi naman ay ang humaharap sa mga nasa gawing likod namin.. “Hindi natin kaya ang dami nila!” Reklamo ni Damon. Bago pa ako maka sagot isang malakas na pag ka sira ang narinig namin mula sa kisame ng palacio. Para itong nasisira hanggang makita namin ang liwanag. “Guguho na ito?” Tanong ni Ezekiel. “Imposible daang taon na ito ngayon pa ba ito masisira?!” Tanong ni Thunder hanggang mabutas ito at hibla pa lang ng buhok alam ko na kung sino ito. “Punyeta! ¡No quieres dejarme entrar correctamente así que me veré obligado a destruir el palacio! ¡No dejaré que lastimes a mis hijos y a mi sobrino!” (Punyeta! You don't want to let me in properly so I'll be forced to destroy the palace! I won't let you hurt my children and my nephew!) Napanganga ako ng marinig ko ang pinagsasabi nito na salin ng kastila. “Walang hiya nag mura talaga siya?” Natatawang tanong ni Damon. Hanggang bumagsak na ito kasama ang debri sa harapan ko pa ito bumagsak mismo. Kitang kita ko ang gulat sa mukha ng mga kalaban namin. “Nahuli na ba ako? Check niyo ang lahat kung may nasaktan..” malamig na tanong nito, kitang kita ko ang kamao nito na puno ng dugo niya sa pag suntok sa bubong. Umiling na lang ako at tumalikod na. “¡Todos ustedes, lleven a la reina y al rey a un lugar seguro! ¡Y la princesa heredera también!” (All of you, take the queen and king to safety! And the crown princess too!) utos ko agad naman silang kumilos. “Ate huwag niyo sirain ang pala——” hindi natuloy ni Winter ang sasabihin niya ng sumugod si Flame at agad sinaksak ang leeg ng pinaka boss. Nakita ko ang hawak nitong Steak knife. “Kaya na niyan. Tara na kids..” aya ni Damon na kina tawa ko. Kahit kailan talaga ang isang ito. “Sa likod mo Vlad!” Siyaw ni Thunder pag harap ko babarilin ko na sana ito. Nang makita ko ang dulo ng isang Chain Whip na may talim sa dulo, nanlaki ang mata ko sa kaba, dahil 2 inches lang ang layo sa mukha ko. Hanggang hugutin ito ulit saktong bagsak ng lalaki, nakita ko na galing ito kay Flame. Natatandaan ko ito, pinagawa niya ito ng nasa Japan kami, gusto niya itong laruan. Master na niya ng husto, “So f*****g close!!” Hiyaw ko at napa yuko ako. “¡Tú! ¡Todos ustedes! ¡¡Tú eres el monstruo!!” (You! All of you! You are the monster!!) sigaw ng lalaki habang naka upo ito sa sahig. “Dile esto a tu jefe. No cruces la línea. No me importa quiénes sean ni su posición, no somos estúpidos ni idiotas. Simplemente no nos importa una mierda su existencia. ¿Lo tenemos claro?” ( Tell this to your boss. Don't cross the line. I don't care who they are or their position, we are not stupid or idiots. We just don't give a s**t about their existence. Are we clear?) malamig na tanong ni Flame at tumango na parang bata ang lalaki. “Go!” Utos ni Flame dito at umalis na ito agad kasama pa ang iba pa nitong kasama na binuhay pa ni Flame. Lumingon ito sa amin. “Tapusin niyo na ito at bumalik na kayo..” utos nito at tumalikod na ito ngunit pinigilan ito ng Reyna. “Please stay, i just want to ap——” hindi na naman nito pinatapos ang sasabihin ng tao ng mag salita ito. “No regresé para salvarte a ti y a tu familia, regresé porque no quería lastimar a quien amo. Me voy ahora..” (I didn't come back to save you and your family, I came back because I didn't want to hurt the one I love. i leave now..) malamig na wika nito at umalis na ito sa harapan namin. Nakita ko paano umiwas ang mga gwardya ng mag lakad ito ng parang walang nangyari. Humarap ako sa queen at humingi ng pasensya. “Pido disculpas por todo lo sucedido, especialmente a los que resultaron heridos aquí. Flame es realmente así, a ella no le importa a quién lastimó, espero que puedas perdonarla y comprenderla..” (I apologize for everything that happened, especially to those who were hurt here. Flame is really like that, she doesn't care who she hurts, I hope you can forgive her and understand her..) pag hingi ko ng paumanhin. “No, lo entiendo.” (No, I understand.) sagot ng Reyna tumango na lang ako at isa isa na namin nilinis ang nasira. Ang royal family naman ay nagtungo sa kanilang kwarto. “Ibang klase kahit saan talaga siya maninira talaga..” natatawang wika ni Damon. “Hindi na ’yun bago kay Flame, ganun talaga siya. Saka hindi kasi siya pinapasok kaya ayun nanira ng bubong!” Natatawa naman na sagot ni Azi. Umiling na lang kami at tumawa. Tinulungan namin ang mga tagapag lingkod na maglinis dahil malaki din ang na nagawang sira ni Flame kahit sa labas maraming nasira. Wala naman itong napatay na royal guards kaya wala kaming magiging problema. FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Kababa ko lang ng tawag sa asawa ko at sinabi ko na babalik na ako ng Pilipinas. Nang tanungin ako nito tungkol kay Winter. Sinagot ko na bahala siya kung anong desisyon niya. Inabot ko sa immigration ang passport ko ng ma check nito ang lahat pinapasok na ako nito. Diretso na ako sa eroplano na sasakyan ko pauwi. But this time may dala na akong bag. Gamit ko ito dinala ko, sumakay ako sa ordinary na at hindi na business class. Sa bintana ako umupo malapit agad kong pinikit ang mata ko. Pinatay ko na ang cellphone ko at hinayaan na ang lahat ng tao sa paligid ko, Hanggang mag sabi na ang flight attendant na lilipad na kami. HINDI NAG TAGAL NAGISING ako na nasa himpapawid na kami at doon ko napansin na halos 8 hours akong tulog. Nag pataas ito ng kilay ko dahil napakatagal ng tulog ko. “Kumain na po kayo..” napa lingon ako sa flight attendant na. Nilapagan ako ng pagkain nito. “Nakakapag tagalog ka?” Tanong dito. Mahinhin itong tumawa. “Opo, kilala din po kita sikat ka. Kumain na po kayo gabi na po kasi eh..” magalang at naka ngiti nitong sagot. Tumango na lang ako at nag pasalamat. Kumain na ako ng maayos, masarap ang pagkain nila kaya kahit paano hindi ako nagrereklamo. Nag bukas din ako ng mapapa nooran dito habang kumakain. May snack din ako habang nakaupo dito. Nang matapos ako tumayo ako para mag bawas ng tubig sa katawan ko. Nang makapasok ako sa loob agad kong ginawa ang dapat kong gawin, nang matapos ako nag hilamos muna ako ng mukha ko at binasa ko ang ulo ko dahil naiinitan ako. Matapos nito lumabas na ako ako at bumalik sa upuan ko. “Tulong! Bastos yung lalaki!” Narinig kong sigaw ng babae. Naka salamin ito at naka jacket ng kulay brown. “Sino?” Tanong ko at tinuro nito ang matandang lalaki. “Hinawakan po niya ang legs ko at pang upo ko!” Mangiyak-ngiyak nitong sumabong. “What! No! Ikaw papatulan ko isa ka lang mababa——” hindi ko pinatapos ito ng pitikin ko ito ng basang towel na hawak ko. Pinaikot ko pa ito para mas masakit ang tama sa kanya. “Tingin mo may mag kaka interest sayo? Eh mukhang tatlong ubo ka na lang papanaw kana..” pambabara ko dito at tiningnan ko ito ng malamig. “Abat! Wala kang respeto sa matanda ha?! Ganyan ka ba pinalaki ng magulang mo?!” Tanong nito sa akin. “Unfortunately Tanda, lumaki kasi ako ng walang magulang pero.. Bilang ang nirerespeto ko mas lalo kung ka respe-respeto naman. At ang ugali ko naka base sa ugali ng isang taong kaharap ko. Tulad mo bastos ka mas bastos ako.. easy..” sagot ko dito na kina ngisi ko. “Palabasin niyo ito! Crew!” Sigaw nito. “Subukan mo pa ulit mang hipo babalian na kita ng buto..” banta ko at tumalikod na ako. “Bakit may ebidensya ka ba——a-aray! Aray!” Sigaw nito ng pilipitin ko ang kamay nito na kina hiyaw nito. “Hindi ko kailangan ng resibo, kapag sinabi ko gagawin ko..” bulong ko at tuluyan kong binali ang kamay niyo na kina singhap ng mga tao at kina hiyaw nito sa sakit. “Sa susunod maging mabait ka, bilang na oras mo tanda makikita mo na si San Pedro kung talaga masama ka malas ka baka maluto ang kaluluwa mo sa empyerno..” babala ko dito at bumalik na ako sa upuan. Yung babae naman ay sinenyasan ko na umupo sa tabi ko dahil wala akong katabi. “Sa susunod mag aral ka paano depensahan ang sarili mo. Tulad ngayon kundi ako dumating walang tutulong sayo. Dahil wala talaga silang balak tumayo upang tulungan ka..” bilin ko sa babae. “Ipisin mo ang sinabi ko ng maraming beses..” huling wika ko at tinago ko na ang mukha upang makatulog ulit. “O-opo..” narinig kong bulong nitong sagot. Sapat na para marinig ko ang sagot nito. Hindi lahat ng tao na makakasabay mo ay tutulungan ka kapag may nangyari. Ang iba d’yan manonood lang at ang mas malala kukunan ka pa ng litrato. Kailangan alam mo paano mo po-protektahan ang sarili mo. Kung mahalaga ang buhay mo sayo gagawin mo ang sinabi ko. Hindi naman kailangan tulad sa akin ang datingan ang importante kaya mo lumaban, huwag kang matatakot agad kung matakot ka ‘man agad dapat ay maka balik ka din sa katinuan mo. Ito ang rason para maprotektahan mo ang sarili mo. - Destroying everything seems like the best option..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD