FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
Dala ko ang gamit ko na passport at jacket lang. wala akong ibang dinala dahil dala na nila Kuya at asawa ko.
Nag take na lang ako ng bus patungo sa airport, nag desisyon ako na hindi gumamit ng private plane. Madali lang naman ako naka kuha ng book mabuti at may nag cancel.
Dumaan muna ako sa underground upang mag paalam sa kanila at mag iwan ng pera. Pumasok ako sa loob dala ang motor ko, iiwan ko ito dito, mula kasi dito sasakay na ako ng public transpo.
“Boss, ngayon na po alis niyo hindi po ba?” Tanong sa akin ni Alice.
Tumango ako at nilapag ko ang pagkain nila at pera. “Oo mag ingat kayo kapag may nangyari alertuhin niyo kami at lahat ng tauhan..” bilin ko sa kanila.
“Opo..” sabay sabay na sagot nila sa akin.
“Blue, Onze, Ayano at Renz. Kayo ang aasahan ko at kayo din Wendy at Samantha kami na bahala kay Knives..” bilin ko sa mga maiiwan.
“Oo kami na bahala, huwag kana mag alala mag ingat ka din gusto mo ba hatid kita hanggang Airport?” Tanong ni Samantha sa akin.
Umiling ako at tumalikod na. “Kaya ko na, mag iingat kayo lalo na kayo..” huling bilin ko at umalis na ako.
Nag lakad na lang ako palabas hanggang makarating ako sa highway. Sumakay naman ako ng tricycle para makarating ako sa sakayan ng bus at mga jeep saka taxi.
Nang makarating ako inabot ko ang 100 bago ko tinaas ang mask na suot ko. “Keep the change..” sagot ko at lumayo na ako sa driver.
Hindi ko na narinig ang sinabi nito pero alam ko na bumuka ang bibig nito. Nag suot ako ng Chanel Sunglasses kulay itim ito plus may suot akong Chanel na baseball cap. Ang jacket ko ay same brand din.
Lahat ito ay regalo ng asawa ko ng wedding anniversary namin. Kaya naisipan ko itong isuot sa unang pagkaka-taon.
Ayoko sana kasi bigay ito ng asawa ko, pero tumawag ito na malamig sa Spain ngayon kaya need ko ng panlamig. Mabuti at meron dala ang mga bata, dahil nasa kalagitnaan na rin ng taon kaya malamig na rin doon.
Sumakay na lang sa taxi dahil baka malate ako sa flight ko. Sa harapan ako sumakay upang mas makita ko ang daan.
“NAIA terminal 1..” bungad ko ng nakaupo ako. Inalis ko ang shade ko at umayos ako ng upo. Nang mapuno kami umandar na ito.
Nag bukas ng radio ang driver at saktong nasa balita ito kaya napa buntong hininga ako at tumingin na lang ako sa labas.
NEWS REPORT:
“Sinasabi sa report na maaaring malaking sindikato ang nasa likod ng pagkawala ng pera ni Governor. Caztigo o hindi kaya ay mga hacker ng bansa..” wika ng lalaking reporter o host.
“Maaari din kasi na mga kaaway sa pulitika mas lalo malapit na ang election para sa local government..” wika ng co-host nito.
Narinig kong nag salita ang driver. “Pwede naman ‘yung sinasabi nila at kalat na mga mafia? Sila ang palagi sumusuplong sa mga tiwaling pulitiko..” wika niyo pero nanatili akong tahimik.
“Pwede din ano kaya manong ano, incase na gyerahin tayo. Lalaban kaya sila?” Tanong ng babae.
Gusto ko tumawa pero hindi ko ginawa. Lalaban? Baril lang meron kami wala kaming tangke pero kaya namin maging support.
“Ngunit hindi nila kayayanin lumaban, pero hindi natin alam bihasa na sila sa kahit anong labanan..” wika ng driver.
Nakinig lang ako sa usapan nila tungkol sa balita hanggang mag salita ako. “Kung gusto ng pagbabago ng pangulo pwede naman magagawa ’yan. Pero ang pinaka malaki niyang problema ang mga against o ayaw sa gusto niyang mangyari..” makahulugan kong sagot.
“Walang leader ng bansa ang hindi gusto ng pagbabago. Pero kung hinaharangan ito at kinakalaban o kinu-kwestyon ito ng ibang partido at mga senador? Tingin niyo ba may laban pa ba siya? Ultimo taong bayan ayaw sa panukala niya, tao din siya at leader siya ng bansa marunong siya makinig kung ayaw ng iba hindi niya ito itutuloy dahil alam niya na siya ang lalabas na masama para sa mata ng bayan..” paliwanag ko.
Nakatingin ako ng diretso sa daan at wala akong balak tumingin sa kasamahan kona nasa sa loob ng taxi. “Kahit sino pa ang leader ng bansa ang umupo sa pwesto, kung may mga tao na against sa gusto ng isa hindi ito magiging sapat. Dahil maraming kontra partido maraming may ayaw dahil sa iba’t ibang rason..” dagdag ko.
“Walang pagbabago kung walang pagkakaisa. Oo nag kaka isa ang lahat ngunit may isa lang na gawing hindi tama ang isang leader lahat ng susunod nitong gawin ay mali na sa paningin ng lahat. Hindi ba sumagi sa isip ng lahat kung bakit ba ito nagawa ng isang leader. Sino ba ang mananalo sa isang tao laban sa napakarami? Wala..” mahaba kong paliwanag.
“Pero hindi pa rin nito nalutas ang kahirapan ng mga tao, ang edukasyon, ang trabaho? Hindi niya ginawa ang parte niya! Mabuti siya nag papakasarap sa buhay! Natutulog sa pera, habang kaming mahihirap maraming anak at malaking pamilya kulang 24 hours kung mag trabaho pero hindi parin sapat!” Gigil na sagot ng isang ale..
Sinuot ko ang shade ko dahil baba na ako. Ngunit nag salita ako ulit. “Hindi ko ba naiintindihan pa ang pinu-punto ko? Sabagay kung galit ang mauuna wala ka talagang naiintindihan. Lahat ng pangulo gusto nila mabago ang lahat. Nag iisip ng plano ang mga ‘yan, kaya bago kayo mag salita ng hindi maganda sa isang lider ng bansa isipin niyo din muna ano ba ang nagawa niyo? Diba ang tangi lang naman ninyong ginawa ay mag reklamo at sisihin ang pangulo? Bakit may sinabi ba siya na sirain niyo ang buhay niyo? Inutos ba niya mag anak kayo ng marami at para mag hirap kayo ng ganyan? Wala siya ng ginagawa niyo ang desisyon sa buhay niyo..” nilingon ko sila dahil napipikon na ako sa naririnig ko.
“Huwag kayong mag salita na akala niyo kasama niyo ang taong kina gagalitan niyo sa mag desisyon sa buhay na meron kayo.. ngayon..” bumaba na ako at binigay ko ang isang libo at sinara ko ang pinto ng taxi.
Nag lakad na ako patungo sa loob ng NAIA kinapkapan muna ako at ng matapos pumasok na ako. Simple lang naman pinag uusapan nila tungkol lang ito sa nangyayari sa bansa at mga maling nagawa.
Umiling ako at nag tungo ako sa immigration para ipakita na ang passport ko at boarding pass ko. Binaba ko ang mask ko at pinapasok na ako, sakto din kasi na pagdating ko na papasok na ako.
Sumakay ako sa business class upang maiwasan ang pagkakaroon ng gulo kapag namukhaan ako. Umupo ako ng maayos sa tapat bintana, inalis ko ang mask ko at cap ko.
HINDI NAGTAGAL NASA ERE NA KAMI nakatulog ako halos trenta minutos din ‘yun nagising ako nasa ere na kami at may pagkain na sa harap ko.
Tumayo ako upang magtungo sa restroom. Naglalakad ako ng may marinig akong nag tatalo sa harap ng isang cubicle.
“Pwede ba?! Flight attendant ka lang wala kang karapatan para manduhan ako! Alis!” Wika ng lalaking mataba na matanda.
“Eh sir hindi po talaga pwede, ang pass niyo ay ordinary lang hindi po kayo pwede sa business class..” pakiusap ng babaeng flight attendant.
Lumapit na ako at napa lingon sa akin ang babae mas matangkad ako dito kung tutuusin naka heals ito pero mas matangkad parin ako.
“Hindi ka business class passenger kaya huwag kang matigas ang ulo. Matanda kana nga saksakan ka pa ng tigas ng bungo..” malamig kong wika na kina tigil nito.
Kaya pumasok ako sa loob at ginawa ako ang plano kong gawin. Patapos na ako ng biglang may sumipa sa ibabang parte ng pinto. “Lumabas ka dyan! Sino ka para insultuhin ako?! Sino ka?!” Narinig kong himutok nito.
Matapos ko mag flash at mag hugas ng kamay lumabas na ako. Pag bukas ko hinarap ko ito. “Flame Lavistre sapat na ba para tumigil ka? Pumunta ka sa upuan mo, hindi ka bata para isipin pa ng mga crew at flight attendant dito..” sagot at pakilala ko.
Nakita ko ang gulat sa mukha nito at tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa. “Isa kang mamatay tao.. bakit ka andito? Pero wala akong pakialam kung sino ka pa gusto ko sa business class!” Pag pupumulit nito.
Nilingon ko ang babaeng flight attendant, minsan gusto ko na tanungin sarili ko kung sino ba talaga sa amin ng asawa ko ang lalaki ako ba o siya.
Bumuntong hininga na lang ako, “Gusto mo pala sa business class pero bakit ka nag book para sa ordinary? Hindi na kasalanan ng crew ng eroplano na ito, yung minsan na katangahan mo..” sagot ko dito na lalong kina singhap ng mga tao.
“Oh baka ibala mo sa akin ang salitang respeto? Hindi ka dapat nirerespeto ibang tao nga hindi mo magawang ireseto ikaw pa kaya? Dapat gawin mo umupo ka doon sa upuan mo dahil nasa himpapawid tayo, baka ito ang unang beses ko na buksan ang pinto cabin door.” Banta ko dito at tumalikod na ako.
“Wala ka talagang respe——” hindi na nito natuloy ang sasabihin niya ng hatawin ko ang gilid ng leeg nito na naging dahilan para mawalan ito ng malay.
“Buhay pa ‘yan, paki dala sa upuan niya kung may tali kayo itali niyo at busalan niyo ang bibig, kapag pinagalitan kayo sabihin niyo ako may utos para wala silang palag..” utos ko at tumalikod na ako.
Narinig kong tumawa ang isa pang flight attendant dahil sa sinabi ko. Nag tungo na ako sa upuan umupo ako ng pabagsak at kumain ako.
“Grabe yung babae sa business class ano? Wala siyang pakundangan talaga, saka ang tangkad niya..” narinig kong bulungan ng crew.
“Oo nga nagulat ako akala ko nga sino siya, paglingon ko nakakainggit rubber shoes lang suot niya pero ang tangkad parin niya..” yung babae ‘yun kanina.
Kumain lang ako at masarap ang soup nila dito at salad. Pero hindi ako mahilig dito heavy meal eater ako. “Oo nga ano? Kilala siya as a dangerous woman ng bansa natin.” Sa inis ko ay binuksan ko ang tv harap ko at nanood ako ng movie hanggang matapos ako kumain.
Binigyan din nila ako ng wine pero tumanggi ako, i’m not fan of that. Okay na ako sa tubig, masasabi ko na napaka haba ng lipad namin ngayon kaya sa ilang oras sa eroplano wala akong ginawa kundi mag exercise dahil sa sobrang boring.
Tumakbo ako mula sa business class hanggang ordinary kung itatanong niyo kung may kasama ako? Wala akong kasama sa business class. Kaya sobra talaga ang pag ka bored ko, nasanay ako na nandyan ang mga bata kapag may flights kami, pero madalas din talaga wala.
Noong bumalik kami ng Pilipinas mag isa lang din ako nauna sila sa akin bumalik dahil may mga kailangan pa ako ayusin at hintayin mas lalo tungkol sa mga bata.
Nang makarating ako sa kabilang side nagulat pa sa akin ang crew. “May problema po ba Ma’am?” Tanong sa akin nito.
“Nah, i’m bored kaya naglalakad lakad lang ako.. pwede naman diba?” Tanong at sagot ko dito.
Tumawa ito ng mahinhin at tumango. “Opo mag isa lang po kasi kayo sa business class kaya siguro nabored po kayo..” sagot nito.
Nagkibit balikat ako. Nagpaalam ako na naglalakad ulit hanggang makarating ako sa dulo nakita ko yung lalaki kanina na naka sagutan ko.
Tulog pa rin ito at nakatali talaga ito, kaya hindi ko maiwasan hindi matawa. “Talagang tinali niyo miss?” Tanong ko dito.
Natawa ito at mahinahon itong lumapit. “Opo sinabi din kasi ni Captain na kung ganyan din daw tama po kayo itali na lang..” naka ngiti nito sagot ko.
Napakamot ako ng ulo. Hanggang mapa lingon ako sa likod ko. “Ibang iba ang awra na binibigay mo hija, noon napa lamig mo ngayon nakaka ngiti kana. Iba talaga nagagawa ng may mga anak ano?” Sabi ng matandang babae.
Yumuko ako para maka pantay ito bago ako sumagot. “Totoo po,” sagot ko at nag mano ako dito.
“Kaawaan ka ng panginoon, manatili ka lang bilang hamble, akam ko patatawarin ka ng panginoon sa lahat ng kasalanan mo. Lahat ng ginawa mo at gagawin mo pa alam ko kaya ka niya patawarin.” Naka ngiti at maka hulugan nitong wika.
“Salamat po, i really appreciate that Lola..” sagot ko. Tumango ito at nginitian ako.
Nasabi ko ba na sapat na sakin na may ilang taong naniniwala sa akin? Sapat na ito hindi ko kailangan ng isang daang tao para kumbinsihin.
Gagawin ko ang tingin ko ay tama kahit pa maging masama ako sa mata ng maraming tao.
Ito ang isang bahay na alam ko at patuloy kong gagawin hanggang matapos ito. May katapusan din ito, hindi lang ngayon dahil hindi pa ito na re-realize ng mga tao ang ginagawa nila.
I don’t blame anyone o kahit sino pa. May kasalanan din ako alam ko ‘yun, tumayo ako at nilingon ko ang lalaki na nagising na pala. “Anong ginawa niyo sakin bakit ako naka tali?!” Sigaw na tanong nito.
Naiintindihan ko parin ito kahit naka busal ito. Binaba ko ang busal nito, bago pa ako makapag salita naunahan na ako. “Kulit mo daw kasi, okay lang ‘yan baka kasi tumakbo ka sa business class ulit..” pabiring sagot ng isang lalaki na nasa ikatlong upuan mula sa harapan ng lalaki kanina.
Napa iling ako at tumawa. Mag lalakad na sana ako ng mag salita ang lalaki diretso sa akin. “Ikaw ang may kagagawan nito diba?! Pakawalan niyo ako!” Hiyaw na naman nito.
Umiling na lang ako at umalis na lang at hindi na ito pinatulan. Mauubos lang lakas ko sa taong ‘yun bumalik ako sa upuan ko hanggang mag flash ang news tungkol sa Spain.
Na may gaganapin pa lang Royal Banquet sa susunod na dalawang araw. Kung ganun kailangan na namin maka uwi before that event.
Ayoko na maging dahilan pa kami ng pag ka sira ng event na ’yan. Ang alam ko napakahalaga ng royal banquet ng isang pamilya na galing sa maharlika. Ito ang sinabi ni Winter noon dahil makakasabay nila ang ibang royal family sa pagkain at pag usapan ang ilan sa mga advocacy ng bansa at ng crown princess which is si Winter.
She’s the next monarch kapalit ng kanyang ama, ngunit matagal pa ito dahil medyo bata ang magulang nito. Kapag dumating ang panahon na ‘yun na siya ang bagong Queen of Spain, hindi na ito titira sa akin dahil may mga royal duty na ito.
Sa lumipas na taon nanatili si Winter sa royal family upang gawin ang mga duty niya pumasok ito sa military para gawin ang kanyang trabaho. Kaya ito pa lang ang una namin siyang makikita matapos nito mag tapos sa mga royal duty niya.
Kasama nito si Crystal pumayag ang royal king and queen sa request ni Winter kaya matagal na rin hindi nakikita ni Blake ang kapatid nito, nag eexplore kasi ang dalawang dalaga na hinayaan na lang namin.
Actually as her ate and second guardian. I am proud of her kaso hindi ko alam kung wala na ba ang iyakin na Winter.
Napa iling na lang ako at nag desisyon akong matulog muna.
LUMIPAS ANG HALOS magdamag na flight nakarating na kami. Sunod sunod kami bumaba at hindi parin ako tumatawag sa mga kasama ko na parating na ako.
Naglalakad ako palabas ng Madrid Barajas Airport, sinuot ko ang shade ko at nag suot ako ng mask ko at extra scarf na binili ko sa loob ng airport may pangalan ito ng airport. Lumabas na ako nag hanap ng Cab sinabi ko sa driver kung saan ako baba.
Malapit lang sa royal family house sa lengwahe nila.
“Gracias..” pasasalamat ko at hinintay ko na lang na makarating kami. Mabuti nakapag palit na ako ng pera nila dito.
Naka tingin lang ako sa daan hanggang makarating kami nag bayad ako at bumaba na ako, hinintay ko muna ito maka alis bago ako tumawag sa asawa ko na nandito na ako. Magugulat siya dahil hindi ko nasabi na ngayon ang punta ako.
-
La vida es más que estar viva..
( Life is more than just being alive.. )