THUNDER LAVISTRE
“Gusto mo ba mag isa ka lang sa bahay? Pwede naman kami maki tira kina Flame muna kung hindi ka komportable..” tanong ko.
Nilingon ko ang kapatid ko na may dalang isang basong gatas. “Uminom ka nito, sa akin okay lang mag hire ako ng mga katulong para sa’yo. At mag pa schedule tayo sa OB para ma check up ang baby mo..” utos ni Flame.
Tinanggap nito ang gatas at uminom ito. Nakita ko ang pasa nito, “Pisikal ka bang sinasaktan?” Mahinahon kong tanong dito.
Alam ko na nakita din ni Flame ang pasa nito sa braso. Yumuko ito at hindi na nakapag salita. “Ganito ang nagagawa ng kapag pilit ang isang relasyon..” wika ni Flame.
Tumalikod na ito at nag lakad paakyat pero ang kamao nito ay naka kuyom. “Kuya, dito na muna kayo ni Kuya Storm ibigay niyo muna pansamantala ang bahay ninyo sa kanya. Mag hire kayo ng mga pwede makakatulong sa kanya..” utos ni Flame hanggang maka akyat na ito sa itaas.
“Huwag ka mag alala, ligtas ka dito tatawagan namin ang magulang mo at kami na ang nagpapaliwanag..” wika ko.
“Pwede bang huwag niyo ipaalam sa kanila? Kasi magagalit sila sa akin ayoko na maka rinig ng hindi magandang salita mula sa kanila..” mahinahon nitong pakiusap.
Tumango ako at ganun din si Storm. “Sige kung ‘yan ang gusto mo, mag bibihis muna kami sa bahay tapos kukuha kami ng gamit namin.. dito ka muna.” Paliwanag ko tumango ito at nag pasalamat.
Nag tungo kami sa bahay namin ni Storm at agad kami nag bihis at nag impake ng gamit namin lahat ng kailangan ko ay kinuha ko na.
Natapos nito nag tungo na kami sa mansion ni Flame.
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
Nang mag punta ang kaibigang OB ni ate Sky dito doon namin nalaman na malnourished si Adele at marami itong paso at pasa sa katawan. Kaya inutos ko na dukutin si Leonardo ang anak ni Tanda para turuan ito ng leksyon.
Sa lengwahe nila gagamitin ko ito.
Napa lingon ako ng dumating na ang hinihintay ko, nasa underground ako ngayon at dito ko pinadala ang taong naging dahilan bakit mahina ang kapit ng sanggol ni Adele. “Ano kailangan mo sakin? Tapos na nailibing ko na ang babaeng pinatay mo..” tanong nito.
“Ikulong niyo siya at huwag siyang pakainin hangga’t hindi nagiging katulad ang katawan niya kay Adele..” malamig kong utos at binaliwala ko ang sinabi nito.
“Ano?! Teka bakit anong kasalanan ko na naman?!” Tanong nito kaya agad itong hinila ni Ken at Bryant.
Kung si Ava naman wala ito dahil inaasikaso nito ang batang inaalagaan niya at ang pamilya Clemenza na hinayaan ko na lang.
“Simple lang, dahil sa pananakit mo pwede mawala ang batang nasa sinapupunan ni Adele, hindi mo alam na sinuntok siya ng babae mo sa t’yan upang malaglag ang pinag bubuntis niya..” paliwanag ko dito at kinulong nila ito sa bakal na selda at na may boltahe ng kuryente.
“Alam ko naman na ang dugong na lalay-tay sa atin at dugong demonyon at walang puso. Pero paano mo nagawa na pabayaan ang totoo at legal mong mag ina at tapakan ng kabit mo ang asawa mo? Sabay ganyan talaga kapag lumaki ka sa kamay ng isang halang ang kaluluwa.” Tanong ko dito.
“Hayop ka paano mo nagagawa ito sa akin?! Kamag anak mo ako pinakamalapit! Anak ako apo ka lang!” Sigaw nito sa akin kaya nilingon ko ito.
“Pero ako ang may karapatan sa lahat at ito ang wala ka. Anak ka pero hanggang doon lang ‘yun, dahil lahat ng karapatan sa angkan na ito ako na ang may huling salita..” pag papamukha ko dito.
Nag lakad na ako palayo. “Huwag ka mag alala kaya ko buhayin ang pamilya mo,” sagot ko at lumabas na ako na ako.
Hanggang nakatanggap ako ng tawag mula kila kuya Thunder. Sinagot ko ito agad, “Kuya..” tawag ko dito.
“Si Charles Antonio! Tina-traydor tayo! Ano ba ito Flame lahat ng sinali mo hindi natin mapag——” i cut him off.
“Leave it to me..” utos ko at binaba ko na ang tawag at bumalik ako sa loob.
“Mika sundan mo si Charles Antonio..” utos ko dito, agad nito ginamit ang GPS wala silang kawala dito dahil ang information nila ang gamit namin.
Nakita ko ito na patungo sa isang lugar. “Kaya mo ba alamin kung saan ito?” Tanong ko kay Onze na nasa harapan ko naka upo.
“Opo, kaya ko po..” sagot nito tinapik ko ang balikat nito hanggang makita ko na tumigil ito at lumabas ang isang lumang pabrika ng lagayan noon ng mga isda sa Navotas.
“Thanks..” pasasalamat ko at tumakbo ako palabas sumakay agad sa McLaren ko at mabilis kong pinaandar ito patungo doon.
Kung totoong nag ta-traydor ang isang ito hindi ako mag da-dalawang isip na tapusin ito. Pero sa ngayon kailangan ko muna malaman sino ang amo nito.
Tinawagan ko si Steve, Bryant, Lance at Ava. “Mag punta kayo sa isesend kong location, now..” utos ko.
“Yes boss!!” Sabay-sabay nilang sagot kaya agad akong nag madaling umalis.
Mabilis ang ginawa kong pag maneho ng sasakyan, hanggang makarating kami. Nakita ko agad na naka sunod si Bryant naka motor ito at si Ava naman gamit ang binigay kong Lamborghini Huracan na kulay itim.
Binuksan ko ang earpiece ko at kumonekta sa mga kasama ko. “Huwag na muna kayong kikilos sa oras na makita niyo si Antonio, dumistansya muna kayo at ang mga sasakyan ninyo ilayo sa mismong area.. maliwanag ba?” Paliwanag ko sa kanila.
Bago ang dalawang kasama ko kaya kailangan pa ito alalayan. “Opo Boss, maliwanag po..” sagot ni Ava at Bryant sa akin.
AVA OLIVIA LEVESQUE
DITO KO LANG napansin ang pagiging pulido ni Boss Flame sa kilos niya. Kahit minsan harabas din itong kumilos pero kung ang mission ay katulad nito na kailangan namin alamin na kung sino ang kasabwat ni Sir Charles.
Makikita mo kung gaano siya ka perfectionist.
Nang makita namin itong tumigil sa pinaka labasan ng dating Fishport tumigil na kami. Laging bilin sa amin na kapag ganito huwag kami basta-basta tatabi kay Boss Flame.
Nasa ilang hakbang din ang layo ng sasakyan ko at motor ni Bryant. Lumabas na ako at agad kaming tumakbo ni Bryant.
“Tingin mo Olivia? Mapapasabak tayo ngayon?” Tanong ni Bryant sa akin.
Sabay kaming nag lakad, nilingon ko ito saglit bago sumagot. “Hindi ko alam naka depende kay Boss Flame ang magiging desisyon ngayong gabi..” sagot ko at pumasok na kami sa loob.
“Hindi ba tayo gagamit ng ilaw? Ang dilim dito.” Tanong ni Steve.
“Hindi pwede dahil kung armado sila at makita nila tayo dito gamit ang ilaw at mga anino natin, mas delikado tayo..” sagot ni Boss Lance.
Siya ang right hand ni Boss Flame, siya din ang nagtuturo sa akin pagdating sa Long Range Battle. Tumango ako at ngayon naiintindihan ko na bakit kailangan matalas ang pandama nilang lahat.
Dahil hindi lahat ng laban kailangan may ilaw o dahil kung minsan ang laban nila ay naka base sa talas ng pandama at talas ng mata nila.
Dahil doon, kinatatakutan sila, iba ang pamamaraan nila sa pang karaniwan na mafia.
Lahat kami napa tigil sa pag lalakad ng tumigil si Boss Flame. “Make sure na may dala kayong armas. Nararamdaman ko sila sa paligid, Lance..” wika ni Boss Flame at tawag nito kay Lance.
“Bakit boss?” Tanong ni Boss Lance.
“Puntahan mo ang source of powers dito, i cut off mo ito..” utos ni Boss Flame sa kanyang kanang kamay.
“Pero hindi dapat nawawala ang kanang kamay sa tabi ng kanyang Boss?” Tanong ni Steve.
“Mas gusto ni Boss Flame na malayo ang kanang kamay niya. Dahil gumagawa kami ng illusion, expected na ng lahat ng kalaban o kaaway namin ang bagay na ‘yan.. yes boss gagawin ko..” sagot ni Lance at umalis agad ito.
LANCE ALEXANDER “LA” HADISSON
Mabilis akong tumakbo patungo sa power supply bago ako kumanan, hindi ko inaasahan na may palabas na mga lalaki. Kaya agad akong nag tago sa gilid ng malaking basurahan.
Umupo ako dito at pinigilan ko ang paghinga ko, nakita kong dumaan ang apat na lalaki. “Mapagkakatiwalaan ba talaga ang Antonio na ‘yun? Tingin ko kasi hindi. Tauhan na siya ni Flame ngayon ‘yung kilalang mafia boss na babae..” wika ng lalaki.
Luminga ako sa paligid at sa itaas ko kung may madadaanan ako pero sa kasamaang palad ay wala.
Kaya nag hintay muna ako na maka alis sila. “Uso ang trayduran kaya hindi na ito nakakapagtaka.. Tara na nga iikot pa tayo..” aya ng isang lalaki.
Sinilip ko ang nga ito nakalayo na sila kaya akong lumiko kung saan sila galing kanina. “Onze, kaya mo ba alamin saan dito ng power source? Dahil dalawa ang nakikita ko..” utos ko kay Onze na nasa Underground.
“Pareho boss,” sagot nito na kina iling ko.
Agad kong binuksan ang relo ko may ilaw ito na hindi ganun ka-liwanag pero sapat na para makita mo ang nasa harapan mo.
Agad kong binaba ang break at inalis ko ang mga wire dito.
Nakarinig ako ng malakas na tunog mula sa barko sa labas. Pag lingon ko agad akong naka aninag ng tao at sumuntok ito agad akong yumuko.
“Sino ka?!” Barito ang boses nito, ng patayin ko ang ilaw na mula sa relo ko ay agad akong umatras.
“Hindi mo na kailangan alamin kung sino ako..”simpleng sagot ko, nakikita ko ito kahit napaka dilim ng paligid.
Tinaas ko ang suot kong mask at upang makita lang ang mga mata ko. Nang makita ko ito sa dilim na may hinahanap ito agad akong kumilos at dinukot ko ang baril ko na may silencer at agad kong pinaputukan ang ulo nito.
Alam kong tinamaan ito, nang nagkaroon ng ilaw mula sa labas doon ko na nakita na duma-danak na ang dugo nito. “Boss Flame, okay na..” pagpapaalam ko kay Boss Flame.
“Mag tungo kana dito, kung gusto mo gawin mo ang gusto mo..” utos ni Boss sa akin.
“Malinawag boss..” sagot ko at agad na akong umalis. Nag desisyon akong hindi lalabas kasama sila.
Dalawang babae naman sila at ganun din sa lalaki kaya hindi na ako kailangan doon, dahil ako na ang bahala sa taas.
DAMON VALENCIA LAVISTRE
“Bakit hindi tayo sinama?!” Tanong ko sa kanila.
Nilingon naman ako ni Vlad na napaka sama ng tingin sa akin. “Kasi nga hindi tayo sinabihan?!” Sagot nito.
Ngumuso na lang ako at kinain ko ang binili kong chips sa labas. “Saka hindi lang naman sila ang nandun.. nandoon si Lance, Steve at Ava saka si Bryant. Masyado ng crowded kung sasama pa tayo..” narinig kong wika ni Storm kaya hindi na ako kumibo pa.
Kahit na sana sinama parin ako, gusto ko lang naman kutusan si Charles.
BLAKE SHIN DELA VEGA
“Ano ba tumigil na nga kayo!!” Pinaghihiwalay kong pilit si YJ at Kenneth dahil bigla na lang silang ang suntukan.
“Dahil sa babae? Awatin mo ‘yan Kurt!” Utos ko sa pinsan ko.
“Bakit totoo naman ikaw ang nanulot! Alam mo nililigawan ko si Francine diba?” Galit na tanong ni YJ kay Kenneth.
“Ako naman ang sinagot niya!” Pag mamalaki ni Kenneth.
“Pero, you f****d up bro! Niloko mo yung tao! Ano bang ginawa sayo na hindi maganda ni Francine? Mabait yung tao!” Tanong ni YJ
Tumahimik naman si Kenneth kaya nag salita ako. “Kahit anong pagmamalaki mo Kenneth na ikaw ang sinagot noon. Hindi nito mababago ang ginawa mo, hindi ako perpekto may ginawa din ako sa asawa ko pero pinagsisihan ko ‘yun, pero ikaw? Ni isang beses hindi ka nag sisi paulit-ulit mo parin ginagawa..” mahinahon kong wika dito.
“Sana naisip mo ‘yan, mabait na babae si Francine galing sa respetadong pamilya at professional na tao hindi siya katulad natin tandaan mo ‘yan. Hindi sila katulad sa atin na lumaki tayo sa mga bagay na nagpapasaya sa atin na malaya, sila malaya sila pero malaya silang mag desisyon ng tama at ito ang ginawa nila..” putol ko.
“Humingi ka ng tawad sa taong sinaktan mo, pero huwag kang umasa na babalikan ka niya.” Panapos ko at binitawan ko na si YJ
“At huwag kayo dito mag sapakan sana respetuhin niyo din ang bahay ng asawa ko at mga anak ko..” huling wika ko at pumasok na ako sa gate.
Hindi ko alam anong nangyayari kay Kenneth, akala ko tapos na ito pero hindi parin pinaubaya ng asawa ko sa akin ang isyu na ito dahil ayaw niyang mangialam.
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
“Ang gusto ko lang ay si Flame, gusto ko makuha ito at ang kanyang position! Hindi ako papayag na isang katulad niya ang mag hari at katakutan ng mga Chinese Mafia..” sagot ng lalaking kausap ni Antonio.
Nilingon ko ang kasama ko, “Ireport mo ito Bryant umalis ka na sabihin mo sa mga kapatid ko at sa lahat ang tungkol dito. Para maka isip sila ng plano..” utos ko. Tumango ito at umalis agad ito.
“Anong gagawin mo?” Tanong ni Steve sa akin.
“Hahayaan natin sila, ibibigay natin ang gusto nila..” bulong kong sagot nakaupo ako habang nakasilip ako sa ibaba.
“Gagawin ko ‘yan pero ang inutos ko at ang gusto sana tumupad ka..” sagot ni Antonio.
Hindi na ako nag salita pa at nag lakad na ako paalis, sumunod sila sa akin palabas. “Lahat ng sinabi nila sasabihin natin sa mga kapatid at pinsan ko..” utos ko.
“Opo boss..” sagot ni Ava sa akin hanggang makalabas kami. Nakita na may sumalubong sa amin na mga armadong lalaki.
“Boss..” tawag sakin ni Steve, hindi ako kumibo at inilabas ko na lang baril ko at susi ng sasakyan ko.
Pinindot ko ito alam ko nabuhay ang makina nito, at aandar na ito patungo sa akin. Bumili ako ng McLaren at pinakabitan ko ito ng gusto ko para magamit ko.
“Hindi ko kayo tatapusin ngayon gamit ang kamay ko pero ito oo..”maka hulugan kong wika.
“Sino kayo?—— teka ano ‘yan? Sasakyan?!” Gulat na tanong ng lalaki.
“Tago..” agad kong hinila ang kasama ko at nag tago ako sa eskinita.
Mabilis na humarurot ang sasakyan ko at binangga silang lahat. “Ang astig non!” Wika ni Steve at ngumisi ako, unang beses ko ito ginawa.
Nang umatras ang sasakyan ko, bumukas ang bubong niyo. “Sakay bilis!” Utos ko at sumakay na ako sa driver side ng hindi binubuksan ang pinto.
Tumalon lang ako. Nang maka-sakay ang dalawa, agad kong pinatakbo ng mas mabilis ang sasakyan ko. “Lance! Leave the area now!” Utos ko kay Lance. Nang sumagot ito mas. Binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan ko.
Tumigil ako para ibaba ang tatlo. “Mauna kayo mag maneho sunod ako sa likod niyo!” Utos ko sa dalawa.
Hindi ko alam kung narinig kami nila Antonio at ng kausap nito na hindi ko pa alam kung sino. Hindi pa ito ang oras para malaman kung sino ang kakampi nito, pero sooner than later ipapakilala ito sa amin ng kusa ni Antonio. Isa lang din ang sigurado…
May bago akong kalaban..
-
She was all seven of the seven Deadly Sins.