FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
PAGDATING KO SA MANSION BUMUNGAD sa akin ang mga mukha ng dalawa sa pinsan ng asawa ko.
“Anong nangyari sa inyo?” Hindi ko maiwasan na hindi mag tanong dahil sa naabutan ko.
Tiningnan ko si Mommy Aaliyah. “Nag suntukan sila dahil kay Francine..” sagot ni Mommy. Nag mano ako dito at humalik ako sa pisngi ni mom.
Dahil sa narinig ko hindi ko maiwasan hindi mairita at mag salubong ang kilay ko. “Bakit? Dahil ba ito sa nangyari parin? Hindi ba kayo marunong mag move on?” Tanong ko sa dalawang lalaki.
“Patawag mo nga anak si Francine..” utos ni mom sa akin, humawak pa ito sa balakang ko.
Umiling ako at nag salita. “Hindi na po kailangan, kung nandito si Francine baka ano lang mangyari..” magalang kong sagot.
Umupo ako at nag salita. “Kayong dalawa. Ano ba talaga plano niyo? Alam niyo ba bakit hindi ako nagsasalita laban sa inyo? Dahil pinsan kayo ng asawa ko, ang pangalan ko ay nakaka-kabit na rin sainyo at dala ko ang apelyido ninyo, pero itong pina-pakita niyo ngayon sa akin? Ano ba talaga?” Tanong ko sa dalawa.
Umiwas naman ng tingin ang mga ito. “Pina-ubaya ko kayo sa asawa ko dahil mas malapit siya sa inyo at ako ang bahala kay Francine. Labag sa loob ni Francine ang patawarin ka Kenneth pero inutos ko! Hindi mo ba alam ang pakiramdam ko noon ha? Yung ipilit ko sa sarili kong pinsan na patawarin ka para saan? Para ko ng diniktahan ang nararamdaman ni Francine para sainyo!” Panunumbat ko at huminga ako agad ng malalim.
“Hindi para manumbat pa ako, konsensya ko ‘yun. Pero sana makonsensya ka din’ Kenneth, kung pinaglalaruan mo si Francince? At sasabihin mo na mahal ka pa niya dahil sa ikaw ang sinagot noon? Babarilin pa kita sa ulo wala akong pakialam sa nararamdaman ng magulang mo..” tumayo na ako na at nag lakad ako.
“Wala akong kakampihan pero sa oras na hindi niyo inayos ito, mapipilitan akong gumitna at sigurado ako sa pagitan natin hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko..” panatapos ko at iniwan ko na sila.
Nag tungo ako sa kwarto namin ng asawa ko, nakita kong tulog na ang mga bata. “Hon, pasensya kana sa ginagawa ng mga pinsan ko..” paghingi ng pasensya sa akin ng asawa ko.
Humalik muna ako sa mga anak ko at tumayo ako ng maayos. “Kahit naman iwasan natin na hindi magka gulo, magkaka gulo parin naman talaga..” sagot ko at inalis ko na ang suot kong jacket.
Narinig kong bumuntong hininga ito kaya lumingon ako. “Hindi ko na alam paano ko pa sila pag aayusin,” wika ng asawa ko.
“Kaya mo ‘yan. Ayoko talaga mangialam pero ayoko lang umabot sa point na mag sakitan na sila dahil lang sa pinsan ko..” sagot ko dito.
“Nangyari na kanina, pwede pa ito maulit..” sagot nito.
Tumango ako at hindi na ako umimik, nag bihis muna ako. Masyado ng malaking problema ang binigay nilang dalawa sa asawa ko.
Mukhang oras na para gumitna ako dahil ito naman talaga ang role ko na noon pa. Mas lalo ng buhay pa si Tanda.
“Love, patawag mo sila sa office ko Dela Vega lang..” utos ko sa asawa ko. Ngumiti ito at agad lumabas.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at kinuha ko ang cellphone ko. Tinawagan ko si Francine, mabuti at sumagot agad ito. “Fran, pumunta ka sa mansion ngayon na..” mahinahon kong wika dito.
“Okay sige, i’ll be there in 15 minutes..” sagot nito. Hindi na ako sumagot at binaba ko na lang ang tawag.
Matapos ko maligo at magbihis ng ternong pantulog lumabas na ako ng basa pa ang buhok ko. Saktong dumating na si Francine, hindi ako nag salita pero tiningnan ko ito upang makuha niyang sumunod siya sa akin.
Pag pasok ko nakita ko ang mga Dela Vega na naka upo. “Mag uusap tayo ngayon, kahit gusto ko na matulog dahil pagod parin ako. Kailangan ko ito gawin at hindi na makaka hintay ang bukas..” maka hulugan kong wika.
Kung sila Kuya Thunder at Storm? Nasa Underground sila ngayon alam kong nagpaplano na sila. Mas mabuting sila na ang mag isip this time.
Dahil may mga bagay akong kailangan gawin muna para hindi na ako mag isip ng iba pa. “First, Francine. Gusto ko humingi ng tawad sa mga naging asal ko noon pinangunahan kita sa nararamdaman mo..” pag hingi ko ng tawad sa pinsan ko.
Ngumiti ito, “Wala ‘yun saka alam ko naman na ayaw mo ng stress nun dahil nga kapapanganak mo lang naiintindihan ko ‘yun..” sagot nito.
Sumandal ako at pinag otso ko ang hita ko at tiningnan ko ang mga Dela Vega. “Walang personalan ito, hindi dahil sa asawa ko ang pinsan niyo. Si Francine ang mag de-disisyon dahil ayaw ko na ng kahit anong gulo sa pamilya na ito..” anunsyo ko.
Kailangan ko sabihin ang katagang ‘yun dahil sa minsan ginagamit nito laban sa akin at naiinis ako.
Nilingon ko si Francine kaya nag salita ito. “Kung ano man ang naging relasyon ko sa dalawang Dela Vega mas lalo sa’yo Kenneth, gusto na tuluyang tapusin..” putol nito at kinuha nito ang engagement ring nito.
Nilapag nito sa harapan namin. “Hindi na ako nakikipag balikan, sana kahit ito lang ay respetuhin mo na lang. Oo alam ko na isang beses ka lang nag kamali pero yung iniwan mong sakit at truama sa utak ko hindi na nito mababalik ang lahat sa simpleng sorry lang..” paliwanag ni Francine, tahimik lang ako habang si Kenneth naka tingin lang sa box ng sing-sing.
“Yung takot na kapag binalikan kita, tapos kapag may nangyari iiwan mo ako ulit ng hindi nagsasabi ng kahit ano? Ayoko na ulit maramdaman ‘yun hindi ako perpektong tao pero kaya ko mabuhay ng walang ikaw..” huling wika ni Francine.
Ngumiti ito sa amin kaya tumango ako. Hinintay ko sumagot o mag salita si Kenneth. “Naiintindihan ko, sorry, i’m really sorry sa lahat ng ginawa ko..” mahinang sagot nito at paghingi ng tawad nito.
Ngunit ang mata ko naka tingin lang dito pero hindi ako umiimik. “Okay na ‘yun, ‘yan lang din naman ang kailangan ko marinig..” sagot ni Francine.
“Sana dito na ito matapos, ayoko na makarinig pa ng kahit anong away tungkol dito..” wika ko at nilingon ko si Kenneth.
“Kenneth, alam ko ang ginawa mo pero hindi ako nag salita dahil wala akong karapatan na gawin ‘yun kaya pinabayaan kita. Kahit harap harapan kong nakikita na may kasama kang ibang babae noong nasa Japan tayo, pero ng makita ko kung gaano ka kamahal ng pinsan ko? Kahit alam ko na pwede ka magalit sakin ay binaliwala ko ito, hindi deserve ni Francine ang saktan ng ganun..” diretso sa mata nito ang ginawa kong pag titig.
“Mayabang mong sinabi sa akin noon na patatawarin ka niya. Pero inutos ko na huwag na bakit? Dahil alam ko na gagamitin mo ang nararamdaman ng pinsan ko sayo. Uulitin mo pa rin ang ginagawa mo, hindi ako papayag na masaktan ang pinsan ko na halos wala ng matira sa kanya. Kahit ano gagawin ko para sa ating lahat pero ang malinaw pa sa tubig ang panloloko na ginawa mo? ‘Yun ang hindi ko papayagan..” mahabang paliwanag ko siyo.
Yumuko ito at nakita kong pumatak ang luha nito. Tinapik ko ang balikat nito. “Kenneth, ayusin mo ang sarili mo.. tapusin mo na ang pagiging babaero mo..” payo ko dito at tumayo na ako.
Tinapik ko si Francine kaya lumabas na kami pareho, iniwan ko ang mga Dela Vega kahit ang asawa ko sa loob.
“Okay na ba ang pakiramdam mo?” Tanong ko kay Francine.
“Oo okay na ako, salamat kasi hindi mo siya kinampihan..” pasasalamat nito.
Umiling ako. “Wala akong kinampihan. Doon lang ako sa tingin kong tama..” sagot ko dito at hinatid ko ito sa sasakyan niya.
“Salamat ng marami..” naka ngiti nitong pasasalamat nakita ko pa itong lumuha. “Matagal kong tinatago yung sakit na nararamdaman ko..” wika nito.
Pinunasan ko ang luha nito. “Kaya hindi ko kaya na makita kang umiiyak, mas lalo kung alam kong masasaktan ka ng husto. Ayoko dahil napakabait mo Francine..” sagot ko at nginitian ko ito.
Yumakap ito sa akin ito ng mahigpit. “Kung kailangan mo ng kausap, tawagan mo lang ako nandito ako para sa inyong lahat..” bulong ko at paalala ko dito.
Tumango ito at kumalas agad sa pag kakayakap sa akin. “Mag iingat ka huwag ka agad umalis ng umiiyak baka mapahamak ka sa daan..” paalala ko dito.
“I will, Thank you so much Flamie! The best ka talaga!” Nag thumbs up pa ito na kina tawa ko.
Kumaway ako at nang makalabas na ito kusang nag sara ang gate. Paglingon ko nakita ko si Kenneth at Kurt..
“Babalik ako ng Japan para doon mag pahinga..” paalam ni Kenneth. Nilahad ko ang kamay ko.
“Kung kailangan mo ng payo, tawagan mo ako. Alam ko maayos pa ito. Ayusin mo ang sarili mo, kung kayo talaga ni Francine kayo talaga gagawa ng paraan ang kapalaran niyo. Hindi ako galit sayo dahil sa ginawa mo, ang akin lang ginawa ko lang ano ang tingin ko ay tama, sana hindi mo ito masamain..” paliwanag ko dito.
Tinanggap nito ang kamay at nakipag shake hands sa akin. “Tama ka naman, mali ako naging mayabang ako at naging kampante. Dahil doon nahihiya ako sa mga naging asal at nagawa ko..” sagot nito.
“Ang importante alam mo na at naiintindihan mo na ang mali mo.. bumalik kayo dahil kailangan ko din kayo hindi kumpleto ang DCN ng wala ang mga Dela Vega..” nginisian ko ang mag kapatid.
“Oo babalik kami huwag ka mag alala, Boss Flame..” sagot ni Kurt sa akin.
Tumango ako at umalis na rin ang mag kapatid. Bumuntong hininga ako at pumasok na ako, doon ko nakita na alas onse na pala ng gabi.
“Maraming salamat kung hindi dahil sa’yo hindi ito maayos..” pasasalamat ng asawa ko.
Lumapit ako dito at yumakap ako sa braso nito. “Huwag kang kampante, hindi pa ito natatapos pero pwede ba na matulog na tayo? Bukas na natin ‘yan pag usapan? Please Love, i am really tired!” Pakiusap ko sa asawa ko.
Tumawa lang ito. “Buhatin na kita parang hindi kana makaka hakbang pa..” presinta ng asawa ko kaya ngumiti ako at tumango. Binuhat agad ako nito.
“Thank you, sa ganitong maliit na paraan nakaka pag pahinga ako..” bulong ko at pumikit na ako.
“You’re always welcome, honey..” huling narinig kong sagot ng asawa ko.
THUNDER LAVISTRE
TATLONG ARAW na ang lumipas ng mag usap kami tungkol sa magiging plano. Ibibigay namin ang information na kailangan ni Charles kahit si Flame sa taong kalaban nito.
Pumayag si Blake dahil may tiwala ito sa amin, kailangan hindi ito pumalpak. Matapos ko pirmahan ang papeles na kailangan na ngayon nakatanggap ako ng tawag mula kay Flame.
Agad kong sinagot ito. “Flame? Napa tawag ka?” Tanong ko sa kapatid ko.
“Tito? Tito! Ako po ito tito, patulong po ako hindi ko ma flash yung toilet!” Wika ni Aitne na kina nganga ko.
“Teka asan si Mama mo? Pamangkin ang layo ni Tito Thunder, baka pagdating ko d’yan naiflash na ‘yan..” mahinahon kong sagot dito.
“Ganun po ‘yun? Si mama po? Naliligo po siya sa taas tapos ako po dito po ako nag poop sa baba..” inosenteng sagot nito.
Natatawa na lang ako dito. “Puntahan mo o hanapin si Nanay Fe o yaya Joan? Sa kanila mo iutos iflas ang toilet.. sige na..” utos ko dito ng mahinahon.
“Si Yaya po nasa likod nag wa-wash po ng clothes po tapos na Nanay Fe hindi ko po alam..” sagot nito natawa na lang ako ng tuluyan. Hinilot ko na lang sentido ko habang natatawa sa pagiging inosente ng pamangkin ko.
“Okay ganito, tawagin mo si Yaya sabihin mo kakausapin ko over the phone, go..” utos ko ito.
“Okay po..” sagot nito at agad nito tinawag si Yaya, narinig ko pa ito.
Hanggang sagutin ang tawag. “Sir Thunder? Napa tawag po kayo?” Tanong ni Yaya Joan.
“Ate, paki flash ang toilet tumawag si Ai sakin para ako ang mga flash kaso ang layo ko Ate.. paki naman please..” pakiusap ko.
“Ay diyos ko! Bakit naman po ikaw ang tinawagan sir? Sige po ako na po bahala. Ano ka ba naman bata ka? Ginulo mo ang tito mo nag work..” narinig ko pa sila nag uusap.
Natatawa na lang ako at binaba ko na ang tawag at muling nag trabaho. “Nababaliw kana Thunder, tumatawa ka na lang ng mag isa..” narinig kong wika ni Damon.
Nasa pinto ito naka sandal may hawak pa itong french fries. Tinapunan ko ito ng masamang tingin. “Tumatawa ako sa ginawa ni Ai..” sagot ko dito.
Nag lakad naman ito papasok ng tuluyan. “Anong ginawa niya?” Tanong nito at umupo ito sa recieving area.
“Tumawag kasi hindi daw niya mai-flash ang toilet, ako daw ang gumawa alangan naman umuwi ako ang layo ko doon?” Patanong kong kwento.
Tumawa naman ito kaya umiling ako. “Ganyan talaga siya kahit sakin, ako ang nag flash palagi ng cr kapag nag babanyo siya. Hindi niya abot ang flash kasi..” kwento nito kaya naman umiling.
“Sabi ko nga iutos kay Yaya nila pero nag ku-kwento lang naman. Kaya ang ginawa ko sabi ko tawagin si yaya at ako na mag utos..” kwento ko at tinapos ko na ang gawain ko.
Tumawa lang ito at umiling, “Habaan mo ang pasensya mo, pamangkin natin ‘yan..” tumatawa nito ng paalala.
Umiling na lang ako. “Tawagan mo ang iba, sa underground..” utos ko dito. Tumango lang ito at hinayaan ko na ito.
NANG LUMIPAS ANG MAG HAPON HANGGANG GABI nag tungo kaming lahat sa Underground. Kahit si Charles nandito din, “Mga boss, may nagpadala ng mensahe na ito kaninang hapon..” wika ni Mika.
“Buksan mo..” utos ko habang si Flame naman ay walang kibo parin.
Nang buksan nito nakita namin lahat ng litrato ni Flame mula ito sa isang article sa internet. May naka tarak na kutsilyo dito at may mga pulang likido ito.
Nagulat ako ng mag salita si Flame. “Siguraduhin lang nila ang pag babanta na ito ay aayon sa kanila dahil kapag nalaman ko kung sino sila? Baka magulat sila biglang bumaliktad ang sitwasyon..” wika nito ay bumaba na ito.
Sinundan ko ito ng tingin at umiling ako, “Hindi mo siya basta basta matatakot ganitong bagay lang. Alam niya ano ang kakayahan niya..” makahulugan na wika ni Azi.
Tumango ako at tumingin muli sa litrato. Tama si Flame kapag nakita niya ang kalaban niya doon malalaman kung kaya niya baliktarin ang sitwasyon o hindi, pero alam ko walang duda kaya niya ito.
Ngayon pa siya mapang-hihinaan ng loob? Tingin ko hindi niya kami bibiguin. “Bibigyan sila ng magandang laban ni Apoy ‘yan ang sigurado..” naka ngising wika ni Damon.
Lumingon ako kay Antonio. “Parang napapadalas ata pag lalagi mo dito? Hindi naman lingid sa kaalaman namin na ayaw mo sa amin at kay Flame..” tanong ko ito.
“May kinuha lang akong gamit Boss..” sagot nito at nag paalam ng aalis.
Nilingon ko sila sabay kibit balikat..
-
I read the rules before I break them..