FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
MAAGA PA LANG LUMUWAS NA KAMI ng Bulacan para makapag pahinga pa kami. Kung tungkol sa panganganak ko nasabi na noon na CS ako pero, nakaya ko naman ilabas ng normal ang kambal. Mahirap pero nagawa ko naman ito.
Pinilit pa ng asawa ko na huwag ko ng pilitin na inormal dahil malaking bata ang illabas ko. Mabigat kasi ang kambal ng ilabas ko, pero sabi ko kaya ko. Muntik pa ako suntukin ni Madrid ng manganganak na ako dahil nga pwede.
Nag tatalo pa kami sa loob ng OR, pero wala na silang nagawa ng ilabas ko na ang ulo ni Pyrrhos kaya normal ko itong nailabas. Yung CS na sinabi hindi na talaga ito nasunod, dahil din sa kaligtasan ng ulo ko.
Nahirapan lang ako ilabas si Ai dahil siya ang bunso pero nailabas din naman.
BUMABA AKO NG motor ko ng makarating kami sa mansion, naka sunod naman ang isa sa akin. Pag pasok ko naabutan ko ang dalawang dalaga na mukha may ginagawang assignment nila.
Binuhat ko ang anak kong si Ai ng mag pa buhat ito. “Ate mag sleepover po dito mga friend namin na si Mykee at Zein ha?” Naka ngiting bungad sa akin ni Winter.
Nag hi naman ang mga kaibigan ng dalawang ito sa akin. Tumango ako tipid na ngumiti. “Okay, pinakain niyo na ba sila?” Tanong ko kay Crystal at Winter.
“Opo!” Sabay na sagot ng dalawa.
Tumango na lang ako at hindi na umimik. “Balik na kami sa room ko po..” paalam ni Crystal ngumiti ako at tumango.
“Bye po, salamat po..” pasasalamat ng mag kaibigan na Mykee at Zein. Tumango lang ako at hinayaan ko na silang umakyat.
“Sama ako Tita!” Agad bumaba sa pagkaka buhat ko ang anak kong si Ai para sumama sa kanyang Tita Crystal. Hinayaan ko lang ito dahil sa tita naman ito sumama.
“Hon? May problema ba? Kanina ka pa kasi tahimik..” tanong ng asawa ko ng lingunin ko ito naka tingin ito sa akin galing ito sa labas, kasama nito ang dalawang anak namin na lalaki..
“Masama lang ang kutob ko sa biglang hindi pagpaparamdam ni Ezekiel..” sagot ko na kina lingon bigla sa akin nito. Inaalis kasi nito ang suot na jacket ng anak namin at ang suot ni Hermione. Bago nag takbuhan ang mga ito paakyat.
“Mag bihis na kayo, tapos kakain na tayo. Kuya Cloud bihisan mo si Ai o bigyan mo ng pamalit..” utos ko sa panganay ko.
“Yes mama!” Sagot nito at nakita ko na lang itong pumasok sa kwarto namin.
“Baka naman hon, busy lang si Ezekiel at nakalimutan pumunta dito?” Tanong ng asawa ko, umiling ako at umupo ako.
“Nararamdaman ko kapag may mali sa paligid ko, alam ko na meron pero hindi ko matukoy kung ano..” Sagot ko at kinuha ko ang cellphone ko at agad kong tinawagan si Onze.
Naka ilang ring lang ito ng sumagot si Onze. “Onze, subukan mo ilocate si Ezekiel lahat sila ng kanyang pamilya..” utos ko dito.
“Okay po Boss Flame tatawag po ako agad kapag may nakuha na po ako..” sagot nito, kaya binaba ko na ang tawag ko.
“Kilala ko si Ezekiel kahit busy ito, alam ko na hindi ito mawawala kapag importante at usapang pamilya. Noong umalis tayo kahit kaunti wala man lang itong paramdam..” wika ko at nilingon ko ang asawa ko.
Tumango ito bago mag salita. “Trust your instinct Honey..” wika ng asawa ko.
EZEKIEL VALENCIA LAVISTRE
Pilit kong inaalis ang kamay ko sa pag kakatali gamit ang kadena. Ilang araw na hindi pa rin napapansin nila Flame na nawawala ako. Hanggang marinig kong tumunog ang earpiece na suot ko.
“Kung naririnig mo ako Ezekiel umungol kana lang kung hindi ka makasagot..” narinig ko ang malamig na boses ni Flame.
Naramdaman na niya na may mali sa paligid, alam ko na kahit anong busy ni Flame malalaman parin niya na may kulang.
Ginawa ko ang inutos nito, “Sinusubukan pa alamin kung nasaan ka, sa ngayon huwag kana muna gumalaw at lumaban, para may natitira ka pang lakas sa mga susunod na oras o minuto..” utos nito.
Hindi na ako gumawa ng ingay dahil may naririnig kong nag bubukas ng pinto. Hanggang bumukas na ito, at nakita ko ang Oyabun ng Toshiba Clan.
Ang pakay nila ay ang mga bata o anak ni Blake dahil threat ito sa kanilang position, ng alisin ng babae ang busal sa bibig ko nag salita ako. “Sa pagkakaalam ko sa mga Yakuza, kanya kanya kayo ng Clan bakit pilit niyo pa rin gusto patayin ang mga pamangkin ko?!” Tanong ko sa mga ito.
Alam ko ang bagay na ‘yun naikwento na sa amin ito ni Blake noon.
“Dahil sa position ni Blake Hyun isa siya sa mga meron mataas na ranggo sa Yakuza, at gusto ko siyang tapusin at ang mga anak niya! Ako lang dapat ang mataas hindi siya..” sagot nito.
Natawa naman ako at umiling. “Matagal ng wala sa Yakuza si Blake bakit pilit niyo pa rin siyang binabalik? Mga gago ba kayo?!” Tanong sa mga ito.
“Ezekiel, nahanap ka na namin. 15 minutes andyan na kami reserve your energy..” utos ni Flame sa kabilang linya.
Hindi ako kumibo dahil malalaman ng mga ito na kausap ko ang pinsan ko. “Oo hindi na siya ng active, pero siya pa rin ang nasa Rank 3 position hindi ito nabago. Kaya para mawala siya kailangan ko siyang tapusin para sa akin na mapunta ang kanyang posisyon..” sagot ni.
“Hiroshi Toshiba, hindi ko alam kung bobo ka sadyang tanga ka lang? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Dahil lang sa kagustuhan mo ako ang pinakidnapp mo? Para saan?!” Gigil kong tanong dito.
Pero binigyan lang ako nito ng malakas na suntok sa kaliwang pisngi ko. Naidura ko ang pulang likido sa pag putol ng labi ko. “Maka alis lang ako dito kapag wala ka na!! Sisiguraduhin kong uubusin ko kayong lahat!” Pag babanta ko.
Ngumisi ito at nag salita. “Kung maka alis ka? Hindi kita papaalisin dito hanggat hindi ko nakukuha ang position ng pinsan mo..” sagot nito na kina gulat ko.
Agad akong naguluhan. Hindi ko natatandaan na pinsan ko si Blake. “Pinsan ko? Si Blake?” Tanong ko dito.
“Oo diba? Ikaw ay isa sa mga pinsan niya..” sagot nito.
Natawa naman ako at umiling. “Saan niyo nakuha ang info na ‘yan? Mukha bang toothpick ang mata ko?! Hindi niyo ba pinag aralan ang profile ng mga Hyun?!” Tanong ko sa kanila habang tuma-tawa.
Hyun ang Japanese surename ni Blake o ng mga Dela Vega. Wala akong gaanong alam sa history ng pamilya nila basta ang alam ko. Mga Yakuza sila.
Tumawa lang ako at umiling bago sumagot. “Ngayon nasa maling gulo kayo..” ngumisi ako at sumandal lang ako sa malaking sementadong pader.
Nag katiningan sila hanggang nag salita ang babae sa likod ko. “Kung ganun sino ka?!” Tanong nito.
“Ezekiel Valencia Lavistre, The Mafia under the boss. Kabilang sa pwedeng maging mafia boss sa oras na mag bitaw ang aming mafia lord..” pagpapakilala ko.
Nakita ko silang napa atras mas lalo ang mga nasa harap ko. “Mali kayo ng taong kinuha, hindi ako kabilang sa mga Hyun. Parte ako ng pinaka malaking tinik ng mga utak ipis na tulad niyo..” sagot ko at ngumisi lang ako.
“Bakit hindi niyo ito inalam muna?! Nasa malaking gulo tayo nito!” Paninisi ni Toshiba.
“Pero sumugod kayo sa amin tama? Ibig sabihin si Blake talaga ang pakay niyo noon pati ang asawa niya?” Tanong ko.
Natatandaan ko ito. Nilingon nila akong lahat kaya napa tango ako at agad silang lumabas naiwan ako sa loob kaya sinubukan ko tumayo ng maramdaman ko na nawala ang higpit sa ng tali sa paa ko.
Matapos ko tumayo tumingin ako sa paligid ko kung saan naka konekta ang kadena sa likod ko. “Malapit na kayo?” Pabulong kong tanong kila Flame.
“Oo malapit na kami Tol, bakit hindi ka man lang ang send samin ng emergency signal para nalaman agad namin! Mabuti matalas ang pandama ni Apoy!” Sagot ni Damon.
“Ang ingay mo talaga! Tingin mo magagawa ko ‘yan kung naka tali ako at naka busal?!” Tanong ko pabalik dito at nakita isang susi na nakasabit, sinubukan ko ito kuhain gamit ang kamay ko kahit naka kadena ako naabot ito ng kanan kong kamay.
“Edi sana gumawa ka parin ng paraan! Huwag kang didikit sakin mabaho ka na wala ka pang ligo..” banta nito.
Narinig kong tumawa si Storm at Azi. “Pag sinapak kita d’yan magiging tuta ka talaga sakin!” Banta ko pa balik dito.
Nang marinig ko ang Click sa kandado ay hinawakan ko ang kadena. “Natanggal ko na ang kadena, asan na kayo?” Tanong ko habang binabalot ko ang kadena sa buong kamao ko.
“Nandito na..” sagot ni Flame. Tumango ako at agad akong nag tago sa likod ng pinto.
Nang marinig ko ang sigawan sa labas agad may pumasok na lalaki. Pag lingon nito agad ko itong inundayan mg suntok ng magkaka sunod, nang bumagsak ito isang malakas na tadyak ang ginawa ko hanggang..
May pumasok na lalaki at tinutukan ako ng Katana nito, mas mabilis ako kinuha ko ang baril na naka tago sa ilalim ng pants ko at binaril ko ang mukha nito.
Binaril ko ang lalaki na unang pumasok sa mukha nito. “Walang magagawa ang Katana niyo kapag puro panutok lang ang gagawin niyo..” bulong ko at tumayo ako at lumabas.
Nakita ko na pumasok si Flame sa loob ang lahat ng taong nandito ay tila takot na takot. “Nagkamali ka ng kinuhang tao para kidnappin, Tapos matatakot ka kasi literal na pumapatay ang kaharap mo?” Tanong ni Damon kay Hiroshi.
Naka dikit ang likod nito sa malamig na sementadong pader at tila takot na takot. “Asawa ko pala ang habol niyo at mga anak ko, tama ba?” Tanong ni Flame. Nag lakad na ako ng dahan dahan.
Masakit na ang mga sugat ko iba dito bago pa, nag lakad ako hanggang alalayan na ako ni Damon at Azi nag lakad kami hanggang kung saan nakatayo si Flame.
Tumabi ako kay Flame. “Ilabas niyo na si Ezekiel, kailangan magamot mga sugat niya..” utos sa akin at sa dalawa kong pinsan ni Flame.
Nilingon ko ito pero tumango lang ito ng isang beses ng hindi ako tinatapunan ng tingin. Nakuha ko agad ang gusto nito iparating kaya lumabas na ako at iniwan ito hindi ko na hinintay ang dalawa.
“Zekie!!” Tawag sa akin ni Damon kaya napa simangot ako lalo.
“Bwiset talaga ang palayaw na ‘yan, lakas naka bakla..” pikon kong bulong.
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
“Sa susunod na idamay niyo pa ang anak ko? Tatapusin kita, sa ngayon bubuhayin kita huwag mo ako subukan..” banta ko kay Hiroshi.
“Wala akong pakialam kung ikaw pa ang pinaka kinatatakutan na Yakuza sa bansang pinanggalingan mo. Kapag pamilya ko na at mga anak ko ang pinag bantaan, may dalawang bagay ka lang makikita sa akin..” putol ko at tiningnan ko ito ng malamig.
“Palagpasin ko ito o patayin kita sa pinaka brutal na paraan na alam ko..” sagot ko at tumalikod na ako.
“May kasabihan tayo, na huwag kang tatalikod sa kaaway mo!” Sigaw nito.
Bumuntong hininga ako at agad kong binunot ang isang Katana sa katawan ng lalaki, matapos nito humarap ako at walang pag dadalawang isip kong sinaksak ito sa katawan ng matandang ito.
Nabitawan nito ang hawak niyang Katana, binitawan ko ang hawak ko at unti-unti itong napaluhod sa harap ko.
“Like i said, may dalawang bagay lang akong pinag babasehan. Ang pabayaan kayong mabuhay pa o tapusin kayo..” bulong ko.
Nang bumagsak ito at tumalikod na ako at lumabas na ako ng tuluyan. “Let’s go home..” utos ko at nag lakad na ako patungo sa motor ko.
At mabilis akong nag maneho paalis ng lumang building na ito at nang makarating ako sa pinaka highway nakatanggap ako ng tawag mula kay Tita Danica. Agad kong sinagot ang tawag nito.
“Tita? May problema ba?” Tanong ko dito, alam ko na naririnig ito ng mga kuya ko.
“Pumunta kayo sa bahay ng uncle niyo Leonardo at Tita Adele niyo bilisan niyo!” Utos nito kaya agad kong binaba ang tawag.
“Guys ang iba sa inyo ihatid sa hospital si Ezekiel.” Utos ko at agad akong nag U-turn.
Ngunit agad naman nag salita si Ezekiel. “Sasama ako!!” Sagot ni Ezekiel kaya naman hindi na ako kumibo pa.
Mabilis kami nag tungo sa mansion ng anak ni Lolo sa ibang babae, Lavistre din ang mga ito pero malayo na sila sa pagiging mafia o line ng mafias.
Nang makarating kami, diretso ako pumasok ng gate at bumaba ako ng motor ko inayos ko ang helmet ko. “My Lord..” nagulat na wika ng katulong dito.
Pero hindi ko ito pinansin hanggang makapasok ako. “Hindi ko pananagutan ‘yan! Hindi kita mahal alam mo ‘yan! Hindi kita gusto at kahit hindi kita mamahalin dahil wala ka pa sa kalingkingan ni Clara!” Malakas na sigaw ni Tito Leonardo.
“Tandaan mo kasal lang tayo sa papel!” Sigaw na naman nito ng lumingon sa akin si Uncle nakita ko ang gumuhit na takot sa mata nito.
Lumingon sila sa akin lahat. “Miss Flame..” tawag sakin ni Tita Adele.
“Buntis ka? Siya ba ang ama?” Tanong ko dito, lumapit ito ng ilahad ko ang kamay ko. Yumuko ito at tumango.
Pina-pwesto ko ito sa likod ko at sinenyasan si Kuya Vlad na siya na ang bahala muna kay Adele.
Umakyat ako sa taas nakita ko ang kabit ni Tito. “Mana ka talaga sa tatay mong maraming babae ano?” Tanong ko dito.
“Ikaw sino ka ba?! Bakit ka pumapasok——” hindi natuloy ang sasabihin ng babae ng tutukan ko ito ng baril sa ulo.
“Inuwi mo kabit mo dito habang ang asawa mo buntis? Talaga bang papatayin mo ang anak mo?!” Galit kong tanong dito.
“Hindi ko anak ‘yan, alam niyo naman na arrange marriage la—” isang malakas na suntok ang binigay ko dito agad naman itong napa upo.
“Oo alam ko ang bagay na ‘yan pero! Tang*na mo sana hindi mo binuntis tapos sasaktan mo at sasabihan mo ng ganyan?!” Sumbat ko dito.
Yung babae naman hinarap ko. “Ikaw naman proud kabit at home wrecker? Bakit, dahil ikaw ang greatest love? Mawawala ‘yan pag pareho ko kayong dinala sa impyerno..” tanong ko dito at hinawakan ko ang buhok nito.
“Adele! Anong ginawa nila habang nandito ka? Nag tatalik ba ang dalawang ito dito mismo o sa harap mo?!” Tanong ko.
“Bitawan mo ako! Sino ka ba? Bigla ka na lang pumasok dito!” Sigaw ng babae.
“Huwag please buntis si Clara ako ang ama..” pakiusap ni Tito. Ngumisi ako at nilingon ito.
“If god have mercy? Sorry to tell you but I don’t have kahit kaunti.. sana hindi mo na sinabi dahil para sakin walang lugar ang kabit na katulad nito sa pamamahay ng pamilya ng mga Lavistre!” Sagot ko at tinulak ko ang babae sa railing pahulog ito sa unang palapag.
“CLARAAAA!” Sigaw ni Uncle.
“Anong pakiramdam? Nang mamatay ang mag ina mo? Masakit diba? Yun ang eksaktong nararamdaman ng asawa mo na sinasabi mong sa papel lang..” bulong ko at niluhod ko ang isang tuhod ko.
Tinitigan ko ito sa mata nito diretso. “Hindi kita kailangan sa pamilyang ito, pero ang batang nasa sinapupunan ni Adele? Siya ang kilalanin ng pamilya Lavistre bilang Valencia at Lavistre. Wala na si Tanda na magtatanggol sayo..” pang didik-dik ko sa utak nito.
“Kung noon hindi ako maka palag dahil paborito kang anak, pero ngayon na wala na siya? Kahit patayin kita wala akong pakialam sa bilang mo sa pamilya. Dahil wala ka namang matinong ambag sa angkan.. hanggang sa kabilang buhay sana maalala mo ang bagay na ‘yan..” mahinang wika ko at tumayo na ako.
Naka tulala lang ito. “Sa susunod bago ka magbitiw ng salita na kasal lang kayo sa papel mag isip ka muna. Dahil kahit saang aspeto mas kinikilala ng batas ang kasal sa kesa sa kabit na taga sira ng pamilya. Kung gusto mo pala makasama ang greatest love mo bakit hindi ka nagkaroon na sapat na bayag para ipaglaban ang mahal mo? Oh sadyang duwag ka lang?” Panlalait ko dito na kina tawa naman ng mga kasama ko sa ibaba.
“Huwag ka mag alala bubuhayin pa kita, pero ako na ang bahala kay Adele at tatanggalan kita ng karapatan at lahat ng para sa’yo dapat ay ililipat ko kay Adele sa anak niya. Dahil para sakin ang tanging bagay lang na naimbag ko sa pamilya ay ang dahilan bakit buntis si Adele ngayon.” makahulugan kong wika
Lumingon ito sa akin na may luha ang mga mata. “Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin.” Nag lakad na ako pababa ng hagdan.
Ang tinu-tukoy ko ay sperm nito kung bakit nabuntis si Adele. Tumigil ako pag baba ng may maalala ako.
“Greatest love mo ‘yan diba? Ikaw ang mag libing para madrama naman ang dating, tapos umiyak ka ng umiyak habang naghuhukay ng lupa ng pag lilibingan ng mahal mo. Ako pa ang unang tatawa..” pang aasar ko dito at tuluyan na kaming umalis kasama si Adele.
“Dalhin niyo siya sa muna sa bahay habang nagbubuntis siya doon muna siya..” utos ko at sumakay na ako sa motor ko.
“Sa bahay na tayo mag usap usap..” huling wika ko bago ko patakbuhin ang motor ko pag una.
Kung tama ba ang ginawa ko? Wala naman akong pakialam kung tama ito o hindi dahil isa lang ayaw ko sa lahat, ‘yun ay may inaapi o naapi na tao na hindi kayang lumaban dahil sa takot..
-
Complaining is silly. Either act or forget..