THIRD PERSON POV
NANG MAG GABI DOON LANG BINASA NG PANGULO ang inabot sa kanya ng mga inimbitahan niyang panauhin kanina.
Nang buksan niya ito nakita nito mismo ang mga babae, bata mapa-lalaki man o matanda. Sa kasunod na pahina ng buksan niya ito.
Doon nito nakita ang san damak-mak o hindi na mabilang na listahan sa talamak na pagbebenta ng totoong tao. Ang halos walong-pung porsyento nito at galing sa chinese mafia.
Upang gawing para-usan at gawing katulong ng mayayamang tao. Hindi mapigilan ng pangulo na maikuyom ang kanyang kamao ng makita ang ibang sinapit ng mga Pilipino sa mga kamay ng mga nabanggit.
“Ito ang dahilan bakit sila nakikipag p*****n sa mga kaaway nila.” Bulong nito.
Agad itong tumayo at lumapit sa telepono na ginagamit sa palacio. “President? Napa tawag po kayo?” Tanong ng chief of police ng bansa.
“Gusto ko pa imbestigahan ninyo ang mga nangyayaring Human Trafficking ng bansang ito. Lahat! Ipapadala ko ang mga list ng mga pangalan ng mga sangkot dito..” utos nito.
“Hihintayin ko po..” magalang nitong sagot.
SA KABILANG BANDA hindi maiwasan hindi mangatog ni Sejino ng utusan siya ng pangulo. Dahil kasali siya sa mga list na kung saan siya ang minsa’y kausap upang pag bilhan ng mga babae.
Ngunit alam niya sa sarili niya na hindi siya mahuhuli wala siya sa list na binigay sa kanya ng mga Mafia na ‘yun.
Madali lang sa kanyang doktorin ito.
Tinawagan nito ang presidente ng konggreso. Hindi nag tagal sumagot na ito agad, “Kailangan natin mag ingat, dahil ang mga mafia na ‘yun ay binigyan ang pangulo ng list kung saan nakalagay ang mga pangalan ng mga gumagawa ng Human Trafficking..” nagbibigay nito ng impormasyon.
“Huwag ka mag alala hindi niya tayo mahuhuli. Ngayon pa ba tayo matatakot? Kaya natin siya patayin bago pa siya maka pag salita..” mayabang nitong sagot.
“Siguraduhin mo lang..” wika nito at binaba na nito ang tawag niya mismo.
Nag lakad ito patungo sa viranda ng kanyang opisina habang hawak ang isang glass ng alak. Lumabas ito at tumingin sa langit.
“Tingin mo ba makaka takas kayo sa ginawa niyo?” Napa lundag ito sa takot at gulat ng may mag salita sa kaliwa niya.
Nang lumingon ito, doon niya namukhaan ito.. “Flame!? Paano ka naka pasok dito?!” Naguguluhan na tanong nito at lumingon pa ito sa paligid upang makita saan ito pumasok.
“I can declare the war, kung ayaw mo ulitin ko ang ginawa ko noon ilaglag mo na ang sarili mo. Dahil sisiguraduhin ko na bago ka mamatay sa kamay ko, pahihirapan muna kita, at ipapahiya kita sa buong bansa idadamay ko ang buong pamilya mo..” pag babanta ni Flame at pambabalewala ni Flame sa tanong ni Sejano.
“Hindi ako natatakot sayo! Isa ka lang babaeng walang ibang ginawa kundi kumontra sa ginagawa namin! Mafia kayong lahat hindi ba? Gawain niyo ito mga kriminal, mamatay tao walang halang ang kalulu——” hindi nito natuloy ang kanyang sasabihin ng tumayo si Flame ng maayos.
“Tama ka, pero hindi kami nag bebenta ng kapwa namin tao. Pero kung kaaway? I will do the same way..” sagot nito at tumigil ito sa railing ng viranda at nilingon si Sejano.
“Kaya kung ako sa’yo, hindi na ako lalaban dahil lalo lang kitang ididiin kasama ang mga kasabwat mo. Yabangan niyo pa ako at hamunin ninyo pa ako, wala akong maipapangako na magiging mabait ako..” putol nito at umakyat ito sa railing at nilingon si Sejino.
“Hindi ako maawa sa inyo, ibabalik ko ang lahat ng ginawa niyo sa iba ng triple pa..” huling wika nito at bumaba na ito. Doon nakita ni Sejino na lahat ng tauhan niya ay mga nakahandusay na sa semento. Ni hindi niya man lang naramdaman ba napasok na siya ng kaaway.
Pinanood niya si Flame na mag lakad palayo hanggang sumakay ito sa itim na motor. “Hindi ako papayag na hindi ako maka laban. Sisiguraduhin ko na gigisahin ka ng batas!” Pag babanta nito.
BLAKE SHIN DELA VEGA
Nag salubong ang kilay ko sa napanood ko na balita, “Ang idawit ang asawa ko sa ganitong eskandalo hindi kayo matatahimik nito. Sinasabi ko sa inyo..” umiiling kong wika at natawa pa ako.
I know my wife very well, she can do this more difficult and intense kapag ginusto niya. The more na lalaban ka the more na mas nahihirapan ka..
Umakyat ako sa itaas upang mag bihis at ihatid ang mga bata sa eskwela. “Hon, naka ready na ang mga bata?” Tanong ko sa asawa ko ng maka pasok ako sa loob.
“Yes..” sagot nito ang boses nito ay nanggaling sa bathroom.
“Hon, napanood mo na ba ang balita?” Tanong ko habang nagbibihis, naka ligo na ako at kumain lang ako bago nag bihis.
Nilingon ko ang orasan doon ko nakita na maaga pa pala. “About what?” Tanong nito at lumabas na ito ng bathroom na nagpupunas ng buhok.
“Gusto ka imbitahan sa congress upang kausapin..” sagot ko dito.
Nilingon ako nito at umiling ito. “Hindi. Pero kung totoo ‘yan pupunta ako oras na pala mag salita tungkol sa nangyayari sa paligid. Baka this time umaksyon na sila imbes na pestehin ako..” sagot ng asawa ko na kina ngiwi ko.
“Hon, naririnig ka ng anak natin..” mahinahon kong suway dito at nilapitan ko ito, humalik ako sa balikat nito pataas sa leeg.
“Paayos naman ng tie ko Hon,” pakiusap ko sa asawa ko kaya tumayo ito at humarap sakin.
“Daddy! Male-late na po kami sa school! Bilis ka po please..” utos ng anak kong panganay sa akin.
Natawa naman ako. “Okay okay, sandali anak inaayos pa ni Mama ang tie ni Daddy..” sagot ko sa anak ko at yumakap naman ito sa binti ko.
“Mama, can you please faster? Ayaw ko po pagalitan ni Teacher..” pakiusap ng anak ko ulit.
“Ito na tapos na. Sige na umalis na kayo. Mag ingat kayo mga bata Love ha? ‘Yung pagkain nila o baon nasa bag na nila..” bilin ng asawa ko.
Tumango ako at humalik ako sa asawa ko. “We need to go now. Kids let’s go..” paalam ko sa asawa ko at lumabas na kami ng mga bata.
Tumango ang asawa ko at hinatid kami hanggang labas. Nang nasa sasakyan na ang mga bata umalis na kami dahil baka ma-late na ng tuluyan ang mga bata.
Kasunod namin si Jimmy ang bodyguard ng mga bata.
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
Nang maka alis ang mga bata at asawa ko pumasok na ako saktong pababa na si Ate Sky. “Kain na tayo ate,” aya ko at nag tungo na ako sa dining.
“Yung dalawang babae? Ano ‘yun mga wala ba silang pasok?” Tanong sa akin ni Ate.
“Wala gagawa sila ng Thesis dito sa bahay kasama ang iba nilang friends o groupmates ata..” sagot ko at umupo na ako nag sandok ako ng niluto kong fried rice.
“Ganun pala, naku kailangan may magluto ng merienda ng mga ‘yun..” sagot ni Ate.
“Ako na lang hindi naman ako aalis..” sagot ko.
Tumango naman ito at kumain na kami ng sabay, ang dalawang babae kasi tulog pa matagal silang nagigising na hinahayaan ko na lang dahil minsan mga puyat sila.
NANG LUMIPAS PA ANG DALAWANG oras, habang nakaupo ako sa harap ng main door.
May mga dumating na maiingay na mga dalaga at binata. Nilingon ko ito ng hindi umiimik, hawak ko ang libro na binabasa ko.
Nang marinig ko ang pag door bell hindi parin ako kumikibo. Tumayo ako at nag lakad patungo sa gate, “Sino kailangan niyo?” Tanong ko sa mga ito.
“Mga kaklase po kami nila Crystal at Winter po..” sagot ng bakla na matangkad.
“Okay..” sagot ko at binuksan ko na ang gate malamig pa rin ang pakikitungo ko. Nang maisara ko ulit nag lakad na ako.
“Pumasok na lang kayo sa loob,” utos ko at sinamahan ko sila sa loob. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Winter.
Agad naman itong sumagot. “Bumaba kayo dito, nandito na mga kaibigan niyo..” malamig kong utos at binabaan ko na ito agad.
“Nay, paki bigyan naman ang bisita ng makakain at juice. Maupo kayo paki hintay na lang ang dalawa..” utos ko kay Nanay at sa mga bisita.
Binaba ko ang cellphone ko sa stand at nag lakad ako palabas. “Ikaw po diba yung sinasabi nilang Mafia boss?” Tanong ng maliit na babae na may suot na salamin at mahaba ang buhok.
Hindi ko ito kinibo at umalis na lang ako, nag tungo ako sa pwesto ko at doon muli akong nag basa. “Huwag ka nga mag tanong ng ganyan, mamaya anong gawin niya sayo..” narinig kong suway ng isa sa mga kasama nito.
Bumuntong hininga ako at tumayo ako muli. “Nay, paki sabi kay Ate Sky siya na mag asikaso sa mga bisita aalis na lang ako..” wika ko at nilagpasan ko ang batang ito.
Ni lingon hindi ko ginawa, “Kayong mga bata kayo hindi niyo dapat siya sasabihan ng ganun hindi naman niya kayo gagalawin. Basta huwag niyo lang siyang kakausapin..” narinig kong suway ni Nanay sa mga bata.
Nakasalubong ko si Winter ay Crystal. “Aalis ka ate? Sabi mo wala ka naman lakad diba?” Tanong ni Crystal sakin pero hindi ko ito kinibo.
Pumasok ako sa kwarto ko at nag bihis ako ng bagong damit. Kinuha ko ang susi ng motor ko at helmet, lumabas ako ng kwarto.
Pag baba ko nakita ko si Ate. “Ikaw na bahala sa kanila, Ate..” bilin ko kay ate Sky.
“Anong nangyayari? Wala ka naman lakad diba, kasasabi mo lang kanina..” tanong ni ate Sky.
Hindi parin ako kumibo at lumabas na lang ako ng diretso. “Paki bukas ang gate..” malamig kong utos sa guard. Tumango ito at binuksan ang isang pinto ng gate.
Nag tungo ako sa motor ko at inalis ko ang cover nito at sinabit ko sa pader. Matapos nito sumampa na ako at sinuot ko muna ang helmet ko at mabilis akong umalis ng mansion.
WINTER HELLIANA LAVISTRE
“Ate, may nangyari kaya?” Tanong ko kay Ate Sky.
“Wala naman, iniwan ko siya tahimik lang siya sa may labas ng main door nagbabasa ng libro..” sagot ni ate sa akin.
“May sinabi itong mga kaibigan mo doon siya hindi naging komportable.” Sagot ni nanay na kina lingon ko sa mga kaibigan at ka team namin sa thesis.
“Anong ginawa niyo?” Tanong ni Crystal.
“Tinanong niyo ba ang ate ko tungkol sa pagiging mafia niya?” Tanong ko sa kanila.
“Bakit eh hindi ba totoo naman hindi naman niya siguro minasama ‘yun?” Tanong Miyuki sa akin.
“God! Guys! Sinabihan ko na kayo na kapag nandito kayo gagawa o tayo ng thesis, huwag niyo papansinin si Ate Flame, kasi hindi siya komportable sa presensya ng ibang tao mabuti nga at pumayag si Ate na dito tayo gagawa eh!” Hindi ko na mapigilan ang hindi sila sermonan.
“At ang pagiging mafia niya? Hindi niyo dapat ‘yan tinatanong dahil ipinagbabawal ‘yan mas lalo kung hindi naman kayo kasapi sa ganung organization! Sa bahay na ito hindi ‘yan pinag uusapan halos, dahil lahat ng gawain nila iniiwan nila sa labas ng mansion!” Inis kong sermon sa kanila.
“Ayoko na kasama kayo sa paggawa ng thesis! Gagawa ako ng sarili ko mag re-request ako na mag isa na lang ako..” anunsyo ko at nag lakad na ako.
“Dahil lang doon mag sasariling kilos ka?” Tanong ni Katrina sakin.
Nilingon ko ito. “Alam niyo ang usapan diba? Nangako kayo na hindi kayo mag babanggit ng kahit ano tungkol sa pagiging mafia ni ate! Pero bakit niyo pa rin ginawa?!” Inis kong tanong sa kanila.
“Umalis na kayo at huwag na kayong babalik..” utos ko at tinalikuran ko na sila ng tuluyan.
Hindi naman porket kaibigan ko sila kukunsintihin ko sila, oo mababaw pero private matters ang tungkol sa ate ko. Mas lalo kung diretso nila ito tatanungin kay ate, paano kung mainit ang ulo ni Ate at bigla silang takutin?
Edi problema ‘yan.
Alam nila ‘yun sinasabi ko naman sa kanila dahil binilinan na ako ni Kuya Thunder at Kuya Storm. Pero hindi parin sila nag paawat, nagtungo ako sa kwarto ko at nag chat ako kay prof namin para humingi ng permiso na mag sasarili akong gawa sa thesis at defense na rin.
Bumuntong hininga na lang ako, alam ko hindi naging komportable si ate Flame kaya umalis na lang ito.
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
Nag lakad lakad lang ako sa MOA mag isa, dahil wala naman akong pupuntahan ayoko naman sa opisina ng asawa ko. Ayoko din kila Kuya Thunder, naka mask ako para maiwasan ang kahit anong gulo dito.
Pinapanood ko lang ang mga ilaw sa gitna na kinakabit na. “Malapit na pala ang pasko..” bulong ko at pinagmamasdan ko lang ito hanggang matapos sila. Napa lingon ako sa bilihan ng gadget kaya pumasok ako dito at nag tingin ako ng latest na model.
Isa itong İOS devices, nakakita ako ng İPad at İPhone na cellphone saka Macbook. Lumapit ako sa counter at nag salita. “Miss gusto ko bilhin ang mga ‘yun..” wika ko at tinuro ko ang gusto kong bilhin.
“Okay Ma’am, saan po dito?” Tanong nito habang naka ngiti.
Tinuro ko ang gusto ko. “This one, and that one also. Gusto ko tig dalawa sa tatlong ‘yan..” utos ko na kina lingon nito.
“Are you sure, Ma’am?” Tanong ng lalaki sa akin tumango lang ako.
Kaya agad silang nag labas ng mga model. Hindi na ‘yung tinuro ko dahil naka display lang ito, una nga taka pa ako pero sinabi nila Demo Phone lang ito kaya hindi pwede ibenta. Ibibigay ko ito sa mag kapatid na Tinongko. Nakita ko na nilabas na nila ito at pinakita sakin.
Tumango at inabot ko ang black card ko na kina tulala ng babae. Kinuha niya ito agad at sa pinaka loob nila ito ginamit. For security reason siguro, matapos nito binalik sa akin ito na agad kong binulsa.
“Thank you for coming..” naka ngiti nilang pasasalamat.
Tumango ako at nang palabas na ako dala ng binili ko. Naka kita naman ako ng apple watch, airpads at adopter ng iPhone
“Miss bigyan mo din ako ng ganyan, para hindi na sila mahirapan mag hanap at yung watch..” utos ko at bumalik ako.
Binili ko lahat ng makita ko na magagamit ng dalawang batang iyon sa pag aaral nila. Matapos ko bumili binilhan ko sila nanay at tatay ng bagong andriod na phone.
Maganda naman ito at mamahalin din. Matapos nito doon ko na pag tanto na naka motor lang pala ako, bumuntong hininga ako at kinuha ko ang earpiece ko at tinawagan ko ang asawa ko.
Umupo muna ako sa may parking lot. “Love, pasundo ako sa MOA parking area naka motor ako dami ko dala..” pakiusap ko sa asawa ko.
“Okay wait me,” sagot nito at binaba ko na ang tawag ko.
Naka tingin lang ako sa mga binili ko at ngumiti ako. “Sure ako na magiging masaya sila dito..” bulong ko at inipit ko sa hita ko ang binili ko.
HINDI NAG TAGAL NAKARATING na ang asawa ko kaya naman sinakay ko na ang mga pinamili ko. Nag motor parin ako at nag convoy kami.
Iuuwi ko sa bahay muna ito tapos ako na mag hahatid sa mga Tinongko dahil gagamit na ako ng sasakyan.
-
Don’t look for a rich husband, be a rich wife..