CHAPTER 50

2826 Words
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Seryoso ka dito hon? Paano kung tambangan na naman nila kayo?” Tanong ng asawa ko sa akin habang inaayos ko ang suot kong Alexander McQueen black tuxedo na may citro itong kung ano man ang tawag dito. May high heels ito na Alexander McQueen din na style ay boots na tago din ang hita ko. Para madali ako maka kilos if bigla nila kaming tambangan. “Okay lang sa amin ‘yun Love, ang importante mag pakita kami..” sagot ko nginitian ko ito at inipit ko ang buhok ko ng ponytail lahat. “Ate mag lagay ka ng hairpin na tulad nito na makinang..” wika ng kapatid kong si Winter. “Okay lagyan mo ako..” utos ko dito at umupo ako at hinayaan ko na ito na lagyan ako. “Yan bagay sayo Ate hindi ka naman sobrang plain black. Parang may lamay ka kasing pupuntahan eh..” sagot nito na kina tawa ko. “Yeah she’s right, you look so gorgeous in black honey..” papuri ng asawa ko at humalik ito sa balikat ko. “Eeew my eyes!” Inarte ni Winter na kina tawa namin ng asawa ko. May pag takip pa kasi ito ng mata. “Flame? Let’s go..” narinig kong wika ng kuya Thunder ko. Nilingon ko ang asawa ko at dinampot ko ang bag at cellphone ko kasama na ang susi. “Mag iingat kayo, huwag muna kayo lalabas hanggat hindi pa kami nakaka balik. Love ang mga bata at sila ate..” bilin ko sa kanila at humalik ako sa asawa ko. “Okay I understand mag ingat kayo.” Paalala ng asawa ko. Niyakap ko si Winter at nag paalam na ako. Bumaba na ako nakita ko si Crystal nilapitan ko ito at kinalabit busy ito sa research kaya hindi na ako nag salita. Kumaway lang ito at nginitian ko na lang ito, ayoko ma-distract ng sobra ang bata kaya hindi ako nagsasalita. Mabilis kasi ito mawala sa focus, “Convoy ako..” wika ko at sumakay na ako sa sasakyan ko pero pinatigil ako ni Vlad. “Use your Lamborghini Revuelto..” utos nito kaya naman nilingon ko ang bago kong sasakyan. “Fine..” sagot ko at pinakuha ko ang susi kay Nanay Fe sa may gilid lang ng pinto. Sumakay na ako sa sasakyan ko at isa isa na kaming umalis ng mansion. Nang makarating kami sa patag mas binilisan ko ang pagmamaneho ko hanggang mag salita si Damon. “Nakakuha ng info si Onze na, darating din ang Bise Presidente at ang iba pang sangay ng gobyerno..” wika nito. “Ano ‘to? Meet and greet?” Tanong ni Azi sa amin. Tumawa naman ang iba at ako naman ay nanatili lang na tahimik. “Mag handa kayo sigurado na aalisan nila tayo ng kahit anong armas. Mas maganda na hindi sumama ang iba dahil narin kapag tayo ay tinambangan ay may back up tayo..” seryosong wika ko. Tumahimik naman ang tatlo na tumatawa. Si Kuya Storm, Damon at Azi ang tinutukoy ko. “Mabuti at hindi na sumama sila Lance, Ezekiel at si Demitri.” wika ni Kuya Thunder. “Mas mainam na rin na nag paiwan si Earl para may kasama sila na isa sa mga under the boss.” Wika ko at mas binilisan ko pa ang sasakyan ko. HINDI NAGTAGAL NAKARATING na kami, tulad ng inaasahan marami na namang media na naka-abang sa labas ng palacio. Tinuro kami ng police na pumasok sa gate kaya ito ang ginawa ko, dahil nasa unahan ako, ako na rin ang unang pumasok. Tinigil ko ang sasakyan ko sa harap ng malaking pinto, may hagdan dito sa mismong entrada bago ang main door kaya aakyat pa kami mamaya. Bumaba na ako at ganun din ang mga kasama ko. Inayos ko ang suot ko at nilingon ko ang mga media at ang mga nag ra-rally na tao. “Palayasin sila sa Pilipinas! Mga salot ‘yan mga kriminal!” Sigaw ng mga ito. Imbes na maasar ako ngisian ko ang mga ito at nag lakad na ako sa hagdan paakyat. Sumunod naman ang iba sa akin. “Iwasan niyo mag salita palagi, upang hindi nila tayo pag hinalaan pa lalo..” utos ko sa mga kasama ko na agad naman tumango ang mga ito. Bago kami maka pasok ng husto nakita kong pababa ang pangulo at ang bise presidente. “Kapkapan niyo sila..” utos ng pangulo sa mga PSG nito. Tinaas ako ang kamay ko para makap-kapan ako ng maayos ng babaeng PSG at ganun din ang mga pinsan ko. Hindi talaga kami nag dala ng kahit anong armas, kung mapalaban man kami ngayon hindi ako natatakot dahil kaya naman namin lumaban ng walang armas. Kung hindi talaga kaya? Mang agaw ng baril sa mga PSG. Ano pa ang silbi nila kung hindi namin nanakawin ang mga baril nila dito? “Clear sila Mr. President..” anunsyo ng lalaking PSG. Lumapit na ang dalawa sa akin at binati kami, ngumiti ang mga ito dahil sa camera sa likod namin. “Welcome kayo dito, halina kayo at makapag usap..” aya ng pangulo ngayon na si Sison. Humawak ako sa collar ng suot ko gamit ang isang daliri ko upang iparating kina Kuya Thunder, Storm Damon, Azi at kuya Vlad na sumunod na lang sila. Tulad ng sabi ko ayaw ko mag salita sila o kahit ako upang maiwasan ang commotion. Hindi rin dahil may iba kasi akong na se-sense kaya gusto ko iwasan muna ito, kung mag papalamon ako nararamdaman ko sigurado ako na gulo ito. Masyado pang tirik ang araw para mag kagulo. Nag lakad lang ako at pa sunod sa dalawang ito, “Alam ko na hindi ito ang unang beses mo na naka pasok dito, diba? Ang una ‘yung naging wanted ka sa dating pangulo pa ‘yun..” wika ng bise presidente. Ang tono nito ay malaman kaya kung maikli pasensya mo, sigurado ako na kanina ka pa nakipag away sa isang ito. “Tama ka d’yan, kung tutuusin wala akong pakialam sa pagpunta dito. Dahil gusto ninyo kami maka usap pinaunlakan ko na lang,” sagot ko na kina lingon sa akin ng dalawang nasa harap. Napa tikhim naman ang pangulo at dinala kami sa tinatawag nilang guest receiving. Umakyat kami sa taas at nakita ko ang mga mukha ng dating pangulo simula pa ng unang panahon. Pero wala akong pakialam sa mga ‘yun dahil hindi naman ako nabuhay ng mga panahon na ‘yan. “Ito ang tinatawag na Grand Staircase d’yan sinasalubong ng dating pangulo nakaupo ang bagong uupo bilang presidente, naging tradisyon ito simula pa noon upang i-welcome ang bagong termino. Yan ang mga naging pangulo ng ating mahal na bansa..” pagpapakilala ng Unang pangulo sa mga bagay na tinuro nito. Paliwanag nito rin sa ibig sabihin ng hagdanan na ito. “Mahal na bansa? Paano naging mahal kung hina-hayaan niyong pumasok ang mga dayo dito at ang mga kriminal na bumibili at nagbebenta ng kapwa niyo Filipino?” Tanong ko na kina hawak ni Kuya Vlad sa balikat ko. Nilingon ko ang kamay nito at siya mismo umiling ito pero hindi ako nag paawat. “Paano mo na sasabihing mahal na bansa kung mismong maliliit na tao hindi mo kaya protektahan? Nagbubulag-bulagan lang ba kayo dahil sa may nakukuha kayong kapalit sa mga taong ‘yun o talagang bulag lang kayo?” Tanong ko sa dalawang ito. “Hindi mo alam kung anong ginagawa ng kapulisan para matugis at maubos sila. Hindi kami katulad ninyo na dahas at pagdanak ng dugo ang ginagamit..” sagot ng Bise Presidente. Nag lakad ako at pinag masdan ko ang mga kagamitan dito. “Mabuti pa kayo humihiga sa mga salapi at magandang kama. Samantala ang mahihirap na mga taong nasa labas hindi man lang naranasan matulog ng hindi natatakot..” pambabalewala ko sa sinabi ng Bise Presidente. Dahil tama naman siya dahas ang ginagamit namin. Pero wala kaming pag sisihan sa mga ginagawa namin.. kung ito lang ang nakikita ko pang paraan para tumigil sila. Kahit sa huling hininga ko gagawin ko ito ng paulit-ulit. “Nakita niyo ba ang mga batang nasa kalye, nasa ilalim ang tulay, ang iba ay nakatira sa mga tabi ng basura? Kumakain ng tira ng ibang tao? Minsan niyo ba silang sinilip? Hindi diba? Oo alam niyo ang kahirapan ng bansa pero hindi niyo man lang sila pinansin ng kailangan nila kayo..” tumigil ako at hinarap sila, alam ko naririnig ako sa national tv pero wala akong pakialam doon. “Nabuhay sila sa mundo ng mahirap mamatay din silang mahirap. Ang mga anak nila kapag may sakit hindi nila maitakbo sa hospital dahil wala silang pera, pero lagi sinasabi na libre ang pagpapagamot. Pero bakit marami pa rin ang hindi nakakaranas nito? Saan napupunta ang mga buwis na binabayaran ng mga tao? Sa bulsa ba ninyo o sa kalsada na kahit ayos naman ay sinisira para lang may masabi na may pinag gamitan nito?” Tanong ko na kina putla ng mukha ng dalawang ito. Nakita kong ngumisi si Kuya Vlad. “Alam ng mga tao ang ginagawa ng mga nasa Gobyerno, wala lang silang lakas ng loob para mag salita. Dahil kahit mag salita man lang sila hindi niyo rin sila pinakikinggan..” putol ko. “Ano ba ang silbi ng dalawang pangulo kung sa anim na taon na termino wala halos kayong nagawa? Nagawa niyo bang patigilin ang mga nasa gobyerno sa panggigipit at pagpapahirap sa mga mahihirap? Alam niyo na may nangyayaring ganun na ginagamit ang position para tapakan ang ibang tao pero wala kayong ginagawa, lagi niyo sinasabi sa mga SONA ninyo na dudurugin ninyo sila. Pero hindi naman nangyayari, kaya kailangan din namin kumilos para tapusin sila wala kaming pakialam kung anong tingin ng mundo sa amin basta hindi kami titigil hanggat may katulad nila..” mahabang paliwanag ko dito. Nilingon ko ang mga taga media na nakanganga na lang ang mga ito habang si Damon naman ay tumawa lang. “Kaya ko idol ang pinsan ko, akala mo kasi bulag siya pero talo pa kayo kasi mulat na mulat siya sa daing ng mga tao..” pang iinsulto ni Damon sa mga ito at lumapit sa akin ang isang ito. “Para saan ba ang mga ito? Hindi ako hihingi ng tawad sa mga sinabi ko dahil totoo ang mga ito..” tanong ko at nilingon ko ang litrato ng isang presidente na pinatay ni Ace may anim na taon na ang lumipas. Wala akong narinig na kahit anong sagot pero tumikhim ang ika-lawang pangulo at nag salita. “Dito tayo, nakahanda na din ang pagkain, kumain muna tayo habang nag uusap..” aya ng ikalawang pangulo. Sumunod lang kami ng tahimik kahit ang media ay meron din sa loob pero binaliwala ko na lang ito. Nang maka upo kami kay isa isa kaming binigyan ng pagkaing pinoy. Nakita ko pa na inamoy ni Damon ang pagkain niya, inaamoy niya kung may lason ito, hanggang tusukin niya ito ng kutsilyo ng iangat niya ito wala din itong reaksyon ibig sabihin safe ang pagkain. Hinawakan ko ang hita ni Kuya Vlad at pinisil ko ito nang lumingon ito tinuro ko ang inumin sa harapan ko gamit ang mata ko. Nakuha niya ang ibig sabihin, hindi ko ito pwedeng tikman dahil kung meron nga itong lason, ako ang unang mamatay. Kailangan ko mag ingat, “Well ang nangyari kanina ay ayos lang at least nalaman namin na may mga ganun pa lang nangyayari..” panimula ng pangulo. “Paano ka naging pangulo kung bobo ka?” Tanong ni Damon na kina buga ng pagkain ni kuya Thunder sa gulat. Hindi ko rin maiwasan hindi mapa lingon dito, hindi ko alam kung dapat ko bang pag sisihan na sinama ko ito. “Huy!” Suway ni kuya Thunder dito. “Bakit? Totoo naman sinabi ko, ang pangulo siya ang ama ng bansa siya dapat ang may pinaka malinaw na mata para makita ang mga taong naghihirap at mga nangyayari sa bansang sinumpaan niya. Elementary pa lang ako sinasabi na ‘yan ng guro ko sa history, bakit hindi niya ginagawa? Nagaral naman siya diba?” Paliwanag nito kaya naman bumuntong hininga na lang ako para hindi ko ito mabato ng baso. “Eh tumahimik kana nga! Ilalagay mo tayo sa alanganin eh!” Awat ni Azi dito at pinakain ito ng karne ng baboy. Nakita ko ang pag guhit ng pagka-ilang ng pangulo at bise. “Ito lang ang pakiusap ko, huwag kayo maging bulag. Oo marami na kayong nakukuhang benepisyo sa ibang bansa sa mga alyansa pero sa ginagawa niyo halos ibigay niyo ang bansa sa kanila. Alam niyo ibig kong sabihin..” wika ko. “Wala kang karapatan para insultuhin ang bansa at ang pangulo ng bansang ito..” wika ng pulis sa gilid ng pangulo itong naka upo. Pinag cross ko ang hita ko at pinatong ko ang siko sa mahabang mesa ay nag salita. “Subukan niyo mag labas ng kahit anong armas dito. Hindi ko maipapangako na hindi dadanak ang dugo dito, huwag niyo ako simulan. Kayo ang nag papunta sa amin dito tandaan niyo ‘yan..” pag bibigay ko ng babala. Dahil naramdaman ko ang pagkilos ng mga PSG at ibang pulis. “Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin ng maka alis na kami dito..” utos ni Kuya Vlad. Sinadya ko hindi kumain dahil wala akong tiwala sa mga ito, habang si Damon naman kanina pa kumakain, kahit ang lechon hindi naka takas dito. Nang tumikhim ang pangulo tumigil ito sa pagkain at nag punas ng kanyang bibig. “Gusto lang naman namin sana kung pwede tumigil na kayo sa mga pag patay na ginagawa niyo. Kahit ang mga kapulisan ng bansa at nadadamay na sa mga ginag——-” agad kong pinatigil ito mag salita. “Kayo ang pilit humaharang sa ginagawa namin, kayo mismo ang una kaming binabaril, ano gusto niyo mag patama nalang kami? Ang laban ng mafia at mananatili sa mafia hindi kayo pwede mangialam dito. Pero kayo ang pumapasok sa eksena tapos kami ang patitigilin ninyo?” Tanong ko sa taong ito. “Hindi kami titigil, gagawin namin ito hanggang sa tumigil sila. Walang madadamay kung hindi kayo mangingialam, dahil wala akong pakialam sa bulok na sistema na ginagamit ninyo sa mahabang dekada hindi ako tanga at hindi ako bulag alam ko ang ginagawa ninyo..” putol ko at tiningnan ko ito ng masama. “Hindi naman nag bago ang kilos niyo at sa mga naunang administration. Akala niyo ba may nag bago? Wala kahit kaunti..” sagot ko dito. Tumayo ito at tinuro ako. “Sino ka para insultuhin ang pagiging pangulo namin!? Wala ka sa position mo para malaman ang kilos namin! Ang kapal ng muk——” hindi nito natuloy ang sasabihin niya ng lapagan ito ng ni Kuya Thunder ng folder. “Basahin ninyo sa oras na umalis kami, para maging malinaw sainyo bakit namin ito ginagawa. Kung bakit kami patuloy na papatay..” tumayo na si kuya Thunder at Vlad. Ganun din ang dalawa pa naming kasama. Huli akong tumayo at namulsa ako. “Kayo ang umalis sa daan namin, at gawin niyo ang totoong trabaho niyo bilang pangulo. Ang gawain ng mafia ay hindi dapat kayo manghimasok, dahil kung gagawin niyo ‘yan umpisahan niyo na mag hukay ng sarili niyong libingan..” banta ko at nag lakad na kami. “Penge ako nito..” kumuha pa si Damin ng dalawang mansanas na kina iling ko lang. Malapit na kami sa pinto ng tutukan ako ng baril ng pulis sa ulo ko mismo. “Huwag niyo sila hayaan na maka labas dito!” Utos ng ikalawang pangulo. “Kung ako sainyo ibaba ko ‘yan, dahil isang utos ko lang sa tao ko pasasabugin niya ang buong palacio lahat tayo mamatay dito..” nilingon ko ang pulis na kahit malamig dito ay pinagpapawisan ito ng sigurado akong malamig pa yelo.. “Gaano ba kahirap gawin para sa inyo na huwag kayo mangialam? Hindi kami katulad ng mafia nagbebenta ng tao at gumagawa ng ilegal tulad nila. Mafia kami pero iba ang landas na tinatahak namin pero wala akong pakialam kung pumapatay kami dahil lahat ng ‘yun ay bagay lang na parusa para sa lahat ng ginawa nila..” matapang kong paliwanag. Nang hindi naman na putok ng pulis nag lakad na ako palabas ng tuluyan. Bumaba na kami sa hagdan at doon lang ang salita si Kuya Vlad. “Sana mabasa niya ang binigay ni Thunder..” wika ni Vlad. “Kahit hindi niya basahin, pwede natin gamitin ang tv network para mabuksan ang mata ng mga tao..” sagot ko at isa isa na kami sumakay sa mga sasakyan namin. - Don’t trust words, trust action..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD