FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
Bumaliktad na ang sitwasyon ngayon.. “Flame? Sigurado na ipapa dampot ka nila mali talaga na tanggapin natin ang alok ng presidente na makipag usap dito..” wika ni Kuya Thunder.
“Hon, please do something ayoko makulong ka ulit..” wika ng asawa ko.
Nilingon ko si Onze. “Kaya mo ba alamin sino ang bise presidente at kating-kati siyang makulong ako?” Tanong ko dito kay Onze.
“Opo gagawin ko na agad..” sagot nito dahil doon humarap ako sa kanilang lahat.
“Magpapadala ako sa lahat ng gusto nila gawin, hayaan niyo lang muna ako. Kayo naman Ken at ang grupo mo lahat ng hawak nating info tungkol sa nga anomalya at baho nila. Hawakan niyo at ilabas ito sa publiko sa oras na gipitin nila ako sa mga tanong nila sa akin..” utos ko kay Ken.
“Masusunod, Boss..” sagot nito.
“Boss Flame, ito na po.” Agad pinakita sa akin ang laptop nito.
“Tandaan niyo wala akong access sa labas kapag nakuha nila ako. Kaya kayong mga under the boss ang kikilos bilang ako. Lance gusto ko i-guide mo parin sila kuya, huwag kayo umaasa sa kakayahan ng isa lang, lahat kayo kumilos at mag isip..” bilin ko sa kanila habang binabasa ang info ng babaeng bise presidente.
“May iuutos ako sa’yo kuya Storm at Azi. Alamin niyo kung totoo ang info ng ikalawang pangulo na pinsan siya ng pinatay ni Luther na pangulo noon..” utos ko at hinarap ko ang laptop sa kanila.
Binasa nila ito isa isa. “Okay gagawin namin ito agad..” sagot ni Kuya Storm.
“Kung ganun? Pwede ka niya dikdikin dito..” wika ni kuya Vlad.
“Pwede oo at pwede rin na hindi, dahil sigurado ako na hindi siya ang kakausap sa akin sa loob. Lahat ng copy ng ebidensya at mga nangyari noon ayusin niyo na Mika, at bigyan niyo ako copy at dadalhin ko isasampal ko sa kanila ‘yan..” muli paliwanag at utos ko.
“Opo boss!” Sagot ng mga ito at agad na itong nagsi kilos.
Lumingon na ako sa monitor kung saan naka plastas ang unang pangalan ko. Sa pag imbita nila sa akin para tanungin ng hindi ko pa alam, maaaring alam ko pero ayoko muna pangunahan ito. Ito rin ang hindi maganda dahil sa oras na lumabas ang baho ng bansa, may dalawang bagay ang pwedeng mangyari.
Giyera o mawawalan ng ekonomiya ang bansa.
Dahil isang kriminal ang naninirahan sa bansang ito na sa tagal ng panahon ngayon lang nila ito nakita. Pero ang pinaka masama dito, ay kumilos ang iba pang mafia na kasapi ng Mafia Organization kung saan ako ang tini-tingalang Mafia Lord.
Ito ang mahihirapan ako na kontrolin, dahil hindi sila madaling patigilin mas lalo kung hawak ako ng mga police wala akong magagawa para mapigilan ito.
Kaya naman sa ikalawang pagkakataon ipapasa ko muna ang lahat ng power bilang Mafia Boss sa mga Under the Boss.
Lumingon ako sa lahat. “Makinig kayong lahat! Gusto ko iparating niyo ito sa lahat ng kasapi ng Mafia Organization na hawak natin..” pag kuha ko ng atensyon nilang lahat.
“Flame..” wika ni Earl.
“Una kapag ibinigay ko sa inyo pansamantala ng power bilang mafia lord. Huwag niyo itong aabusuhin dahil kapag nalaman ko na ginawa niyo ito? Ako mismo tatapos sa inyo..” pag babanta ko.
“No don’t do that! Hindi namin kaya ang ginagawa mo! Noon pa lang na nakulong ka halos hindi na namin malaman ang gagawin..” pang tanggi ni kuya Thunder.
Nilingon ko ito at tiningnan ko ito ng malamig. “Kayanin niyo, mahirap gawin ito pero ano pa at ikaw ang ikalawa sa akin? Kuya hindi lahat ng oras ako ang mag iisip ng laban para sa atin, kapag alam ko na hindi na ninyo kaya hayaan niyo ako na ang mismong tatawag sainyo. Sa ngayon kailangan ko maka sigurado na hindi kayo dudurugin ng iba..” paliwanag ko dito.
“Ayoko na minama-liit kayo ng ibang mafia Leader dahil wala ako sa tabi niyo. Kailangan niyo kumilos ng base sa kakayahan niyo, hindi man tulad sa akin hindi niyo kailangan maging ako para matawag kayong magaling na Under The Boss..” mahinahon kong paliwanag.
Huminga ako ng malalim at nag salita muli. “Mag tiwala lang kayo sa kaya niyo, hindi niyo kailangan makipag kumpitensya sa ibang mas magaling sainyo. Hindi kumpintensya ang pagiging leader sa mafia kung hindi patibayan ng sikmura dito at patatagan ng isip..” paliwanag ko at tiningnan ko sila..
Kuya Earl, Vlad, Ezekiel at Thunder..
“Gawin niyo kung anong ginagawa ko, ako mismo ang unang magiging masaya kapag nagawa ninyo ito..” nginitian ko sila at muli akong humarap sa malaking screen.
Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ko at nag salita. “Kaya ko ito ginagawa dahil, kapag nalaman ng ibang mafia na hawak natin. Sigurado ako na susugod sila at magdedeklara ng giyera, hindi ito pwede mangyari dahil ang mga inosenteng tao ang madadamay. Gusto ko ito maging maayos at malinis ang pag uusap na ito..” tumingin lang ako ng malamig sa screen habang nagsasalita.
Narinig kong may nag buntong hininga sa likod ko. “Kung ‘yan ang gusto mo we do respect that..” sagot ni Kuya Thunder.
“Huwag kayo matakot, tutulungan kayo ng leader ng dalawang organization na since day 1 kasama na natin..” nilingon ko sila at nginitian ko sila.
“Ibigay niyo na lang muna sa akin ang laban na ito sa gobyerno. Matagal ko din ito hinangad para mamulat na sila sa mga nangyayari sa bansang ito. Ang maging kalaban ng buong mundo o bansa ay matagal ko na rin hinihintay, pero hindi pa oras sa ganung bagay gusto ko lang muna ipakita sa kanila ang mga nangyayari na pilit nilang itinatanggi sa mga tao..” binalik ko ang tingin sa screen.
Muli akong nag salita. “Hindi na tulad noon na madaling mauto at mapaniwala ang mga tao sa isang salita lang nila. Hindi na tulad noon, mulat na ang mga tao unti unti na nila itong nakikita..” paliwanag ko at nag lakad na ako.
“Uwi na tayo Love, ang utos ko guys..” pag uulit ko at humawak ako sa braso ng asawa ko.
“Okay let’s go.. mauna na kami..” paalam ng asawa ko sa mga kuya ko.
“Ingat kayo,” paalala ni kuya Thunder. Tumango ako at humalik ako sa pisngi ng kuya ko.
Lumabas na kami ng asawa ko at pinag buksan ako ng pinto nito. Gamit namin ang Mercedes Benz G-class namin.
Pag pasok namin pareho, nag salita ako. “Kapag naka pasok ako sa loob Love, siguraduhin ninyo na ligtas palagi ang mga bata sigurado ako na baka i-detain nila ako pero kung hindi, lalayo ako sa inyo muna. Upang hindi kayo lalo madamay. Titira muna ako sa unit ni Damon..” paalala ko sa asawa ko. Umandar naman ang sasakyan namin pauwi ng bahay.
“Uuwi parin ako pero lilimitahan ko lang para makita ko din ang mga bata..” huling wika ko at nginitian ko ang asawa ko.
“Hon, mag ingat ka alam ko kaya mo ito. Sobrang bilib ako sa tapang mo na humarap sa kanila kahit alam mo pwede ka nila ipapatay sa loob.” Wika ng asawa ko at ngumiti ako at tumingin ako sa labas ng sasakyan.
“Dahil mahal ko ang bansa na ito, hindi ko hahayaan na tarantaduhin ito ng ibang tao kahit kapwa ko pa Filipino. Tatapusin ko sila hanggang maging matuwid ang patutunguhan nila. Sabi ng papa ko noong buhay pa siya, ang masasamang tao sila ang may mas maraming karanasan at sila ang mulat sa totoong nangyayari sa paligid..” paliwanag ko.
“Naniniwala ako doon, hindi ako binigyan ng kakayahan na ganito para lang hindi gamitin. Kahit ako pa ang pinaka masamang tao sa paningin ng buong mundo, hindi magbabago ang paniniwala ko hindi ko babaguhin ang sarili ko para lang tanggapin ako ng mga tao..” sagot ko at nilingon ko ito.
“Kung ito lang ang paraan para lumaban at ipaglaban ang lahat gagawin ko hanggang huling hininga ko..” sagot ko ngumiti ang asawa ko sa akin.
“Kung anong paniniwala ng asawa ko maniniwala din ako. Naniniwala ako sa kakayahan ninyo ng lahat alam ko na kaya ninyo, hindi ako naniniwala na hindi kaya ng mga Under The Boss alam ko na pressure lang sila pero magagawa nila..” wika ng asawa ko.
Natawa ako at tumango. “Kaya nila, believe me..” sagot ko.
“I believe it to..” sagot ng asawa ko, tumango ako at dumaan muna kami sa paborito kong pastries shop.
HINDI NAG TAGAL NAKA UWI NA KAMI, ang asawa ko naman ay nasa taas para mag bihis.
Ako naman naghahanda na ng dinner. “Morrigan? Tawagin mo na sila kakain na tayo..” utos ko sa panganay ko na nagsusulat ito.
“Opo mama,” sagot nito at sinara pa nito muna ang kanyang notebook.
Tumakbo ito sa taas ako naman ay sinilip ang ginagawa nito. Nakita ko na sumasagot pala ito sa kanyang assignments.
Nang ilipat ko ang pahina, nabasa ko na may gagawin itong project sa monday ipapasa. Kailangan nila gumipit o mag drawing ng parte ng mga tao.
Tumango ako at kinuha ko naman ang notebook ng kambal. Nakita ko na gagawa sila ng bulkang yari sa illustration board na kina ngiti ko na lang. “Mama kakain na po tayo?” Napa lingon ako sa tanong ng anak kong si Aithne.
“Yes sweetie, may project pala kayo nila kuya bakit hindi kayo nag sasabi?” Tanong ko dito at binasa ko din ang kay Pyrrhos.
Same lang sila halos. “Kasi po Mama, kami na po gagawa marunong naman po ako mag drawing..” sagot ng dalaga ko.
“Really? Okay basta kapag need ng help don’t hesitate na mag patulong..” bilin ko dito. Minsan hinahayaan ko na lang sila dahil minsan ayaw nila na nag papatulong.
Gusto nila sila lang talaga ang kikilos. Kaya kapag makalat hinayaan na lang namin muna dahil alam din nila paano mag ligpit at mag linis ng kinalat nila.
“Opo mama, wow! Menudo po ulam, maraming atay ito mama?” Agad tumakbo ang anak ko sa mesa at umupo sa upuan nito.
“Yes, pero may inihaw din na atay anak, dahil gusto ni mama ‘yun..” sagot ko dito at tinulak ko ang upuan nito.
Dumating naman na ang iba. “Pakain ako!!” Napa-iling ako sa dumating. Sila kuya Thunder at ang iba pa.
Halos lahat sila andito. “Dito kami matutulog..” wika ni Azi na kina ngiwi ko.
“Fine marami naman d’yan na kwarto.. kumain na tayo. Kids adjust kayo ng upuan para maka upo sila Tito..” utos ko sa mga bata kaya naman agad lumipat ang dalaga ko sa tabi ko, ang boys ko naman na anak ay sa daddy nila tumabi. Sama sama kami nag hapunan kasama sila nanay at mga yaya ng mga bata.
KINAUMAGAHAN MAAGA NAGISING na ako upang gawin ang Mommy Duty ko. Nag handa ako ng pagkain ng mga bata.
Si Damon naman ang mag hahatid sa mga bata sa eskwela dahil may pupuntahan ako. Matapos ko mag handa at sa mga baon ng mga bata lumapit sa akin si Hermione.
“Tita mommy, ayoko na po mag baon ng kanin..” wika nito na kina lingon ko.
“Bakit?? Paano ka kakain?” Gulat kong tanong dito.
Nag umpisa na mamula ang mata nito at humikbi. “Kasi po tinatapon po ng mga mean kong kaklase yung pagkain ko. Sabi ko po gawa mo po ‘yun para sa akin. Lagi po akong gutom sa room po..” umiiyak nitong sumbong na kina init ng ulo ko bigla.
“Ako na maghahatid sa inyo, mag baon ka Tita Mommy will do everything okay?” Tanong ko sa pamangkin ko.
Pinunasan ko ang luha nito at ang buong mukha nito. “Stop crying na okay? Ako na ang sasama..” ngumiti ako dito at tumango naman ito.
Umupo na ito sa upuan niya at bumaba na rin ang ibang bata kasama ang asawa ko. “Love, ako na mag hatid sa kanila dapat si Damon pero nag bago isip ko..” wika ko sa asawa ko.
“Salamat Hon, sorry kasi may meeting ako 7am mauuna na ako pero akin na itong pagkain..” paalam ng asawa ko na kina tawa ko.
“Kumain na kayo ihahatid ko lang ang tito Blake niyo sa labas..” utos sa mga bata at ang mga yaya nila ang nag asikaso sa mga bata.
“Mag ingat ka..” paalala ko dito. Humalik ito sa labi ko.
“I will.. kayo din ng mga bata..” sagot nito tumango ako at hinintay ko itong maka alis.
Nang makaalis ito pumasok na ako at nag sabi ako sa mga bata na mag bibihis muna ako. Nag suot lang ako ng jogger pants at termo nitong jacket na walang hood. Kinuha ko ang susi ng McLaren ko at bumaba na ako.
“Mama! Ready na po kami..” wika ng anak kong si Pyrrhos.
“Tara na..” utos ko at binuhat ko ang ibang bag mas lalo kay Uno dahil mabigat ito.
NANG MAKARATING KAMI NG school agad kong hinatid ang iba sa mga room nila at huli kong hinatid si Hermoine. Humalik ako sa mga labi ng kambal pumasok na ito sa kanilang mga room. Hindi sila mag ka-klase pero mag katabi ang kanilang room.
“Tara na Hermoine..” nginitian ko ito habang buhat ko sa balikat ko ang bag nito.
“Opo..” magalang na sagot nito. Nag tungo na kami sa building ng grade 3. Hindi naman ganun kalayo.
Kaya hindi nagtagal nakarating na kami, nakita ko ang mga magulang sa klase ng pamangkin ko. Nilingon ko si Hermoine at nakatingin ito sa babaeng kaklase niya na blonde ang buhok.
“Siya ba?” Tanong ko dito ng pasimple. Tumango lang ito.
Nang magsi pasukan na ang mga estudyante hinatid ko hanggang loob si Hermione. Binaba ko ang bag nito at baunan nito.
“Hey! Hindi ka parin nadadala na mag dala ng baon? Diba sabi ko sayo i hate your f——” hindi ko pinatapos ito ng sipain ko ang upuan na bakante sa harapan nito damay ang mesa nito.
“Subukan mo itapon pa ang pagkain ng pamangkin ko? Hindi ka na makapag aral pa kahit kailan. Kaya ko sumira ng buhay ng kahit sino..” pag babanta ko sa batang ito.
Nakita ko na gulat na gulat ito. “Sayo ba ito?” Tanong ko at kinuha ko ang barbie na baunan at binuksan ko ito.
“Sino nanay nito?!” Dumagundong ang boses ko sa buong klase.
“Ako!!” Sagot ng nanay ng batang ito.
“Paki turuan mo maging mabuti bata ang anak mo! Dahil isa pang ibully at itapon niya ang baon ng pamangkin ko? Sisirain ko buhay ninyo! Tandaan mo ‘yan!” Pag babanta ko dito at binuhos ko sa bata ang pagkain nito sa ulo nito.
Yumuko ako at hinarap ang batang babae. “Ngayon na ang umpisa ng bangungot mo.. sa oras na makikita mo ang pamangkin ko paulit-ulit babalik sayo ang nangyari na ito..” bulong ko dito habang ito naman ay umiiyak lang.
Hinila ko ang mesa nito ng marahas at binalik ko sa dati. Lumingon ako sa pamangkin ko at nag lakad na ako labas. Binato ko sa sahig ang baunan ng batang ‘yun.
Tiningnan ko ng malamig sa mata ang nanay ng bata, yumuko naman ito at gumilid ito ng dumaan ako sa harap nito.
Pulahaw na iyak ng bata ang naririnig ko hanggang makalabas ako ng room na ‘yun. “Ikaw ang guro diba? Huwag kang maging bulag kapag alam mo binubully ang estudyante mo kumilos ka! Kung ayaw mo mawalan ng lisensya, mahiya ka naman sa sinumpaan mo, trabaho mo ‘yan kung tutuusin hindi na dapat ito nakakarating sa magulang. Ngunit sa ginagawa ninyong pagpapabaya? Masasabihan talaga kayo ng mga salitang… walang kwenta!” Sigaw ko sa pag mumukha ng guro ng pamangkin ko.
Kung tutuusin hindi ko na dapat patulan ang mga bata, at mag sumbong na lang sa guidance ng school. Pero sa klase ng buhay na meron kami. Hindi kahit kailan magiging patas ang trato sa amin at sa bawat miyembro ng pamilya ko. Ito ang sigurado kaya ko ginagawa ang literal na bastusan na ito.
Mabilis akong umalis sa paaralan at sinabihan ko si Jimmy na sunduin ang mga bata mamaya..
-
Idle time is the Devil’s play..