ANDREA TINONGKO (another character)
Napa lingon ako ng may marinig akong umungol na parang nasasaktan. “Kuya yung babae ‘yun!” Bulog ko sa kuya Jun ko.
Agad kami tumayo at pumasok sa kwarto ng babae. Tatlong araw na simula ng makuha namin siya hindi siya nagigising agad sa loob ng tatlong, kaya akala namin mamatay na yung babae.
Pag hawi ko ng kurtina nakita ko ito naka upo na at hawak ang ulo nito. “He-hello po..” naka ngiti kong pag bati dito.
“Okay ka lang po ba? May masakit po ba sayo?” Tanong ng kuya ko.
“Sino kayo? Saka nasaan ako??” Tanong nito at luminga pa ito sa paligid at sumulip sa maliit na bintana.
“Ah.. andito ka po sa bahay namin kasi nakita ka po namin sa tabing ilog, duguan ka. Ano po pala pangalan niyo?” Tanong ko ulit dito.
Ngunit naka tingin lang ito sa amin hanggang nag salita si Kuya Jun. “Nakita namin ito sa gamit mo..” sagot ni kuya at Pinakita dito ang isang baril hindi ko alam kung ano model ito dahil ngayon lang ako naka kita ng ganyang bagay.
Ngunit tiningnan lang ng babae kami at ang hawak namin. “Hindi ko matandaan, hindi ko alam kung sino ako..” bulong nito na sagot na sakto lang para magulat kami at manlaki ang mata namin ni kuya.
Nagkatinginan kami. “May amnesia ka? Hindi mo po ba natatandaan paano ka napunta sa ilog at kung sino ka?” Tanong ni Kuya Jun dito.
Tumango ito. Ang ganda ng mata niya ‘yun ang una kong napansin talaga agad kami lumayo ni kuya sa kanya ito naman ay naguguluhan parin. “Tawaan mo si nanay sabihin mo nagising na siya..” utos sa akin ni kuya.
Tumango ako at agad akong lumabas dahil walang signal ang cellphone sa loob ng bahay namin.
Habang kausap ko ang Nanay nakita kong lumabas ang babae. Nakita ko itong nag tungo lang sa may gilid ng ilog. Naka titig ito sa tubig, “Pauwi na ako may dala akong pagkain at huwag niyo siyang hahayaan maka layo.” Bilin ni Nanay.
“Opo nanay..” magalang kong sagot at binaba ko na ang tawag.
Nilapitan ko ito malayo pa lang ako napa lingon agad ito. Hindi maingay ang lakad ko pero naramdaman agad niya ako. “Ano pong sinisilip niyo?” Naka ngiti kong tanong dito.
Pero ang mata nito ay napaka lamig kung tumingin, hindi ito blangko. “Gusto ko malaman kung sino ako..” sagot nito.
“Susubukan po namin ni kuya mag hanap ng information po sa paaralan namin. May computer po doon pwede po kami gumamit ng libre susubukan po namin alamin kung sino ka po..” naka ngiti ko parin sagot dito.
Tumango ito at hindi na muling umimik. “Mukha ka pong hindi ordinaryong tao. Yaan niyo po makakabalik ka din po sa pamilya mo..” pag paapgaan ko ng loob dito.
Ngunit hindi parin ito umiimik. Ang kamay niya alam namin may pamilya siya base pa lang sa sing-sing na suot niya sabi ni Tatay maaaring may asawa na siya.
Possible din na may anak pero nakakalungkot kasi hindi niya natatandaan ito.
LUMIPAS ANG MAG HAPON. Naka kuha kami ng information ni Kuya sa school, pareho kami ni kuya na pang hapon ang klase.
Alas singko pa lang ng hapon uwian na namin. Nadatnan namin yung babae na nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga.
Tumakbo ako palapit dito. “Bakit po kayo andito?” Tanong ko dito hahang may ngiti sabi ko. Dapat sa kanya nagpapahinga pa dahil sariwa pa ang mga sugat niya.
Nakita ko ang mga benda sa sugat niya na napaka linis ng pagkakagawa. “Ikaw po ba nag benda sayo?” Tanong ko dito.
Tumingin ito sa akin. “Oo, mukhang marunong ako nakuha ko ng tama..” sagot nito. Ngumiti ako.
Siguro nag aral siya ng medisina noon. “Pumasok na tayo malamok na po dito hindi ka po dapat nandito..” aya ko dito.
“Sunod ako..” malamig nitong sagot sa akin, tumango ako at tumakbo na ako palapit sa kuya ko.
“Sabihin natin mamaya ang nalaman natin..” bulong ni Kuya sa akin tumango lang ako at nag tungo na kami sa loob.
NANG HAPUNAN sabay sabay kami kumakain, hindi naman siya maarte kumain pero ayaw niya yung talbos hindi daw niya gusto ang amoy. Kaya ang naging ulam niya yung sabaw ng malunggay at bagoong isda na may sili mas maganda sa kanya ang malunggay para makakuha siya muli ng lakas.
Kumain din ito ng isda pero kalahati lang ng isang buo. Natutuwa sila nanay at tatay kasi hindi siya mahirap pakainin hindi mapili may mga ayaw lang siya.
Gusto niya yung bagoong na binili sa palengke. “Bukas walang klase ang mga bata sama ka sa palengke para makapag libot ka din..” sagot ni Nanay.
Tumango lang yung babae habang nakatitig sa plato niya. “Gusto mo pa hija?” Tanong ni Tatay ngunit isang iling lang ang sagot nito.
“Tapos na ako! Salamat sa pagkain!” Anunsyo ko nag tawanan naman sila nanay at tatay at kuya ko.
“Pwede na po ba ako tumayo?” Malamig na tanong ng babae sa amin.
“O-oo naman kung tapos kana, maglinis ka na ng bibig mo rin para matulog kana. Kailangan mo mag pahinga ng maayos..” sagot ni Nanay sa kanya.
“Salamat po..” malamig nitong sagot.
Tumayo na ito at nag tungo sa lababo namin, matangkad siya kaya naka yuko siya lagi. Hindi ko naman inaakala na matangkad pala siya talaga.
Mukha kasing hindi. “Ano ba nakuha niyong info?” Tanong ni Tatay.
“Tay, hindi namin kasi alam kung totoo ba ang nakuha namin. Una sinubukan namin sa F.B pero wala man lang siyang social media. Tapos ang huli sa G website, ito po..” sagot ni Kuya at pinakita ang pina-print niya.
“Tatay, nanay. Hawig na hawig po niya yung babae sa litrato kilala po siya sa buong bansa kaso hindi sa magandang paraan. Mamatay tao po siya pero hindi ito kumpirmado kung siya o kamukha lang..” sagot ko.
Pinag masdan nila ang mukha ng babae sa litrato at ang kasama namin. “Kahawig nga sila, may ilan din pala pareho sila.. hindi kaya ang totoo niyang pangalan ay Flame Lavistre?” Tanong ni Nanay pabulong ito kung mag tanong.
Ito kasi ang pangalan sa G site na pinag kunan namin. “Yun din ang iniisip ko po nanay, na baka nga siya ito kung ganun kailangan natin siya ibalik sa totoo niyang pamilya..” mungkahi ni kuya, tumango lang ako bilang pagsang-ayon.
Malakas din ang kutob ko na siya ito, hindi sila magkahawig talagang mag kamukhang magkamukha sila.
THUNDER LAVISTRE
SA GALIT KO SA LOS TRADOS inutos ko sa mga tauhan namin na sunugin ang hideout ng mga ito. Ito ako ngayon pinagmamasdan ang pagguho ng gusali. “Alamin ninyo ang mga ari arian pa ni Clinton! Lugar at bahay o kumpanya. Sunugin niyo! Ipaalam niyo din sa mga kapulisan na buhay pa ang gagong ‘yun!” Utos ko sa mga kasama ko.
Galit na galit ako tatlong araw na ang lumipas ngunit hindi namin makita si Flame hindi namin alam saan ito nag tatago ngayon o sino ang naka kuha sa kanya.
Pero pinag tataka ko din sa tatlong araw na ito hindi man lang hinanap ng mga pamangkin ko ang mama nila. Usually sa cr lang pumunta ang mama nila hinahanap agad at nag iiyakan pa kung minsan.
Pero ito?
Napa buntong hindi ako at ayoko mag isip na may alam ang mga bata hindi ito talagang malabong gawin ni Flame. Dahil ginawa na niya ito noon.
“Ako lang ba o sadyang hindi hinahanap ng mga bata si Apoy?” Tanong ni Damon. “Strange..” bulong nito.
“Iniisip ko din ‘yan.. ngunit ayoko maniwala na may alam ang mga bata..” sagot ko at tumalikod na ako.
“Mamaya na ‘yan! Sumugod ang tao ni Clinton sa mansion!” Wika ni Azi.
Huminga ako ng malalim at sumakay na ako sa sasakyan ko kasama si Storm
BLAKE SHIN DELA VEGA
“Hindi na babalik ang asawa mo, patay na siya kaya kung ako sayo tatanggapin ko ang offer ko na i can be your wife..” naka ngiting pang aakit ni Britney sa akin.
Natawa naman ako at umiling. “Kilala ko ang asawa ko, alam ko na buhay siya hanggang nararamdaman ko ang asawa ko buhay siya..” sagot ko dito.
“Hindi mo kahit kailan maintindihan ‘yun dahil hindi ka naman talaga nag mahal. Ginamit ka lang ng ibang tao para sa pansarili nilang kapakanan at ‘yun ang wala sa amin ng asawa ko..” ngumisi ako ng makita ko itong mainsulto.
Nag lakad ako pababa ng hagdan, ang mga bata ay kasama na ni Wendy at Sam. “May hindi kayo alam sakin..” panimula ko at kinuha ko ang naka display na red and black na short Katana.
Sa akin ito pinagawa ko ito noong teenager pa ako bilang assassin. Hindi ako active na ngayon dahil umalis na ako sa pagiging Yakuza.
“Dati din naman akong mamatay tao, isa akong Assassin at miyembro ng Yakuza clan. Ikatlo sa rango..” tiningnan ko ito ng malamig at hinugot ko ang Katana ko na si Ichi.
Ichi means Uno numero Uno. “Hindi ako nag papalandi sa ibang babae, hindi ako madadala sa mga pang aakit mo. Sapat na ang asawa ko higit pa sa sapat ang pamilya ko..” panapos ko at nilapitan ko ito ngunit agad humarang si Clinton.
Bago pa ako makaporma nakarinig ako ng dalawang putok ng baril mula sa likod ng dalawang itong nanggaling sa pinto.
“Subukan niyo galawin ang daddy Blake ko! Kahit bata pa ako kaya ko kayo tapusin!” Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses na ‘yun.
Alam ko sa anak ko yun. “Don’t hurt my Daddy and my Mama!” Sigaw na na naman nito.
Napa upo si Britney ng makita ko kung bakit, may tama ito ng baril ito sa likod mismo. “Cloud!” Tawag ko dito at agad kong nilapitan ito at inagaw ko ang baril nito ngunit ang bilis ng kamay nito na itago ang baril sa tagiliran niya.
Ang skills na ‘yun.. kay Flame niya ito nakuha.
“Napak cute mo naman bata? Kasi ang mama mo kasi ay wala na patay na siya! Pinatay ko siya alam mo nahulog siya sa ilog at doon na siya nalunod at namatay..” naka ngising wika ni Clinton.
Tinutukan ko ito ng Katana sa leeg at nakita ko pang nasugatan ang balat nito. “Uulitin ko, hindi patay ang asawa ko!” Pag didiin ko.
Nag lakad ang anak ko palapit kay Britney. “Ikaw mamatay ka.. kapag hindi mo tinigilan ang mama at daddy ko..” naka ngising demonyo ng anak ko.
“Hindi kita pakakawalan hanggat hindi ka nagmamakaawa na tapusin kita. Ang mama ko buhay pa! Kahit bata lang ako ang mga turo sa akin ay katumbas ng sa mama Flame ko..” maliit ang boses ng anak ko pero kapag naririnig ko ang katagang ‘yan at kinilabutan ako.
“Cloud enough!!” Utos ko dito tumigil ito at nag tatakbo papunta sa kusina. Napa buntong hininga ako dahil lahat ng bata dito lahat gusto maging katulad ni Flame.
Napa tingin ako kay Britney na nahihirapan na ito. Kaya nag lakad ako. “Hindi ako makakapayag na sirain niyo kami ng asawa ko.” Wika ko.
Tinaas ko ang Katana ko at nang tumingala si Britney. “HUWAAAAG!!” Sigaw nito pero huli ng hatiin ko ang leeg nito.
Pugot ang ulo nito sa ginawa ko, sumirit ang napaka rami nitong dugo sa mukha ko. Nilingon ko si Clinton. “Napaka dali para sa akin tapusin ka pero alam ko na hindi matutuwa ang asawa ko kapag ginawa ko ‘yun..” wika ko at winasiwas ko ang talim ng Katana ko.
Nawala ang dugo nito sa talim ang iba naman ay napunta sa dulo ng tilim. “Hayop ka! Pareho kayo ng asawa mo! Mga wala kayong a——” hindi nito natuloy ang sasabihin niya ng tutukan ko ito sa diretso sa bibig nito ang talim.
“Alam niyo na ‘yan noon pa, hindi ko alam kung gaano ba kayo ka-tanga at ka walang utak! Alam niyo kaya gawin ng pamilya ng asawa ko pero bakit paulit ulit pa rin kayo na nakikipag laban?!” Tanong ko dito.
“Hindi naman ganun kahirap intindihan ang lahat ng ‘yun! Tama ang asawa ko kapag inunahan mo ng yabang ang isip mo, ito din ang magiging sanhi ng agad mong kamatayan!” Dagdag ko pa.
“Oh shoot! Anong nangyari dito?!” Tanong ni Damon na kararating lang.
Binaba ko ang hawak ko at nag lakad na ako para puntahan ang mga bata. Tinapunan ko pa ng malamig na tingin si Clinton. Hindi ako ang tatapos sa kanya hindi na ito ang gawain ko matagal ko ng tanggap ito.
Pero ng humarap ako may napansin ako sa gilid ng mukha ni Britney isang tahi mula sa surgery, alam ko ang ganung tahi dahil ang asawa ko nakikita ko itong pagsasanay noon sa pag tahi din ng balat ng tao noong nag aaral ito.
Gusto ko mag isip ng hindi maganda pero mas inuna ko ang mga bata at ang mga anak ko.
DAMON VALENCIA LAVISTRE
“So buhay ka nga pala talaga?” Tanong ko kay Clinton. Nasa labas na kami ng mansion hinayaan ko ito maka takbo.
“Oo at tatapusin ko si Flame at si Ava!” Sagot nito. “Nabuhay ako dahil may misyon pa akong hindi pa tapos..” naka ngisi nitong sagot.
Nakita ko ang katawan ni Britney na wala ng ulo, “Ganun ba? Huhulaan ko ikaw ang bumaril kay apoy tama?” Tanong ko dito. Napansin ko din ang tahi sa mukha nito na parang nilagay ang balat sa mukha nito. Binaliwala ko na lang ito at inilipat ko ang tingin ko kay Clinton.
Ngumisi ito lalo at tinutukan ako ng baril nito. “Kung ako nga! Sigurado na wala na siyang buhay ngayon! Kawawa naman kayo paano kayo ngayon kikilos na wala na ang utak niyo?!” Pang iinsulto nito sa amin.
Tama si Flame kapag nawala siya gagamitin ito upang maliitin kami at tapakan kami. Tama si Flame sa pag kalkula ng iisipin ng mga tao sa amin na malakas lang kami kasi lagi siyang nasa tabi namin..
Pwes, papatunayan ko na mali sila!
“Talaga ba? Kahit kailan hindi kami minaliit ni Apoy dahil alam niya kaya namin lumaban!” Sagot ko at bago pa nito iputok ang baril.
Tumakbo ako ng makalapit ako yumuko ako at umikot upang patidin ang paa nito. Nang mapakahiga ito, sinipa ko ang kamay nito upang binitawan ang baril nito.
Nang magawa ko ito, sinakyan ko ito at pinag susuntok ko ng buong lakas ng sunod sunod. “Plano ko?! Sirain pa lalo ang mukha mo! Mas magiging masaya ako kapag nagawa ko ito!” Sigaw ko at kinuha ko ang bato sa gilid ng maliit na rampahan ng sasakyan.
Ito ang ginamit ko para sugatan ang mukha nito. “Tumigil kana hayop ka! Pinatay niyo na ang fiance ko hindi pa kayo nakuntento!” Sigaw nito at sinalang ang lahat ng ginawa ko.
Ngumisi ako at hindi ko tinigil ang pag suntok ko sa mukha nito. “Play a victim card again huh?” Ngisi kong tanong. “Pwes. Hindi na ‘yan uubra! Kayo ang bumalik at nag bukas ng pinto ng impyerno at ng kaguluhan tapos kami babaliktarin niyo! Ang kapal ng mukha mong gago ka!” Sagot ko dito.
Tumayo ako at tinadyakan ko ang sikmura nito ng paulit-ulit. Nang makita ko ang dugo na dinura nito. Hinila ko ito gamit ang buhok nito palabas ng gate.
“Hindi ako tutulad sa pinsan kong si Flame dahil iba iba kami ng paraan paano lumaban! Yun ang hindi mo alam dahil Bobo ka at tanga ka pa!” Sigaw ko dito at sinuntok ko ito ng apat na sunod-sunod na kina handusay nito sa malamig na sa sementadong daan.
“Hindi kita papatayin ngayon, babalik si Flame at alam ko may plano siya, kailangan niya muna makapasok sainyo. Para makuha niya ang gusto niya.” Bulong ko sakto naman na mukhang wala na itong malay.
Nakita ko na wala ng malay si Clinton Clemenza kaya nag tungo na ako sa loob ng mansion. Dahil ang iba ay may ginagawa pa kaya ako ang pinauna nila.
Nilapitan ko ang katawan ni Britney, tiningnan ko ang mukha nito at hinawakan ko pa ang pug*t na ulo nito. “Tama ako ng hinala..” bulong ko. Tumayo na ako at iniwan ito. Nag tawag ako ng mag lilinis dito sa mga tauhan namin.
-
No innocent person ever has an Alibi.