CHAPTER 22

2749 Words
ANDREA TINONGKO Napa balikwas ako ng higa ng mawala yung babaeng katabi ko kaya agad kong ginising si Nanay. “Nay wala po yung babae!!” Pang gigising ko kay Nanay. Bumangon agad si nanay. “Baka nag banyo anak? Teka may naririnig ka bang nagsisibak?” Tanong ni nanay sa akin kaya agad akong napa tahimik. “Oo nga po!” Sagot ko at agad akong bumaba ng kama at lumabas ng bahay. Nakita ko na alas sais pa lang ng umaga. Si nanay at tatay din ay lumabas. “May naririnig kaming nag sisibak ng kahoy sino——” napa tigil si Tatay sa pagsasalin ng makita nito ang kabundok na kahoy na panggatong. Dalawang mataas ito na lagpas tao ang tangkad na puro kahoy. Nakita namin ang maisan namin na maayos na at nalinis na rin. Mga naani na ang mga mais. “Hayop talaga itong mga mag nanakaw na ito!” Galit na wika ni tatay at kinuha ang itak nito sa may likod ng pinto. “Tay! Teka!” Agad na awat ni kuya. “Mahal, Julio! Ano ba!” Awat din ni nanay at lahat kami ay sumunod. Nagtataka ako na lahat ng mga inani o naanin mais ay napaka linis ng pagkaka-ayos sa mesa ni wala kang makikita na kahit anong kalat man lang. “Hoy ikaw! Kapal ng mukha mo para nakawin ang mga pananim ko at talagang nag sibak ka pa?! Ano ito pakunswelo de bobo?! Hindi ko ‘yan matatanga—— Hija?!” Napa lingon ako sa sinabi ni Tatay agad akong lumapit at nakita ko yung babae na naka tingin sa amin ng malamig. Nasa ere ang talim ng itak na hawak nito na ginagamit ni Tatay sa pagsibak ng kahoy. “I-ikaw ang may gawa nito?” Nauutal na tanong ni nanay. Tumigil ito at tumayo ito ng tuwid. Kitang kita ko ang bungong tattoo ng babae sa likod nito at ang abs niya alam ko kung ano yan. Nakikita ‘yun sa mga nag gi-gym sa bayan. “Oho, nagising ako ng maaga nakita ko ito sa student notebook kanina kinuha ko at inisa isa ko paano gagawin ko. Mabuti may instruction manual d’yan kaya inuna ko tabasin ang mga mais at linisan. Kaso wala akong mahanap na sako kaya inilagay ko sa mesa..” mahabang paliwanag nito sa amin at inabot nito ang notebook ko noon na may laman pa binigay ko kay Tatay ito dahil kailangan daw niya. Si Tatay naman, Kuya at Nanay naman ay hindi makapaniwala na isang babae lang ang tatapos ng halos kalahating ektarya ng maisan at galing pa sa hindi namin alam kung saan nito natamo ang sugat niya. “I-ikaw ang may gawa nito? Paano? Ako nga inaabot ako ng dalawang araw para makuha ang ektarya na ‘yan!!” Tanong ni Tatay. Bumalik lang ang babae sa pagsibak ng kahoy ngunit nag salita muna ito. “Pwede ko naman tapusin ‘yan namaya, ito muna uunahin ko. Wala kayong kahoy na pang luto..” malamig na sagot nito. Kahit naka benda ito hindi man lang niya iniinda ang mga ‘yun. “Teka tama na yan! Napakaraming panggatong na ito! Saka nagpapahinga ka dapat, mga sugat mo sariwa pa..” awat ni Tatay dito ng palapit si Tatay. Tumalsik ang isang kahoy napa tili ako. “Tay!” Sigaw namin ni Kuya. Ngunit napakabilis ng kilos ng babae. Sinipa lang nito ang kahoy na papunta kay Tatay papunta sa ibang direksyon upang hindi ito tumama kay Tatay. Nakahinga ako dahil doon. “Nakita mo ‘yun? Ang bilis ng reflexes niya..” bulong ni kuya Jun sa akin. “Oo ang bilis nga niya kuya..” pag sang ayon ko. Nakita ko ang gulat sa mata ni Tatay sa nakita niya. Tumigil naman ang babae at nag tungo ito sa mesa at umupo ito doon. Kaya naisipan ko ito sundan din mukhang hindi naman siya mananakit ng tao kaya pwede ako lumapit. “Ahmm.. may sasabihin po pala ako sayo..” pagkuha ko sa atensyon ng babae. Lumingon ito at tumango, umupo ako at inabot naman ni kuya Jun ang papel at pinakita ko ito sa kanya. “Parang ikaw ang babae na ito.. kung ikaw ito maaaring ikaw ay si Flame Lavistre, kahawig kayo sobra mas lalo sa mata..” pag ku-kwento ko. Nakita ko itong nakatitig sa hawak ko. “Kamukha ko nga, paano kung ibang tao ito at nagkataon na kamukha ko lang?” Tanong nito ay binaba nito ang papel. “Paano kung ikaw nga po? Kamukha mo siya yung buhok pareho kayo! Paano kung hinahanap ka ng pamilya mo?” Tanong ni kuya dito. Hinawakan ko si Kuya upang patigilin at huminahon ito. May pagka arogante kasi ang tono ng boses ng babae kanina. Nilingon ng babae ang papel at may kung ano sa mata niya na hindi ko maintindihan. Bago ito sa nakikita kong emosyon sa mata niya. Simula ng dumating siya samin pagiging blangko at malamig, pero ang nakikita ko ngayon iba sa nakikita ko apat na araw na ang lumipas. “Kung ikaw ito kailangan mo umuwi sa inyo, at kailangan mo din bumalik ang ala-ala mo..” wika ko. “Okay.. soon.” Sagot nito at tumayo na ito. Mabilis itong lumayo at kinuha ang karet ni tatay. Kitang kita ko ito paano nito pag laruan ang hawak niya parang humawak lang itong walis ting-ting. JUN-REY TINANGKO Kung noon ako ang katulong ni Tatay sa pagsasaka ng mainis ngayon naman yung babae. “Ate! Pwede ka namin tawaging Flame na lang? Baka kasi natandaan mo kung sino ka kung sakali..” pagtatanong ko dito. Ang kapatid ko namang babae kahit hirap ito pilit pa rin tumutulong. “Okay..” maikling sagot nito at tumalikod na sa amin. “Gusto talaga niya makapag isa lang siya..” wika ni Tatay naka tingin din pala si Tatay sa amin. “Nag aalala po ako baka kasi bumuka ang tahi niya..” wika ni Andrea ang kapatid ko. “Huwag niyo na siya masyadong pansinin, kasi sa kilos niya sanay ito sa mga sugat ni isang beses hindi ko siya nakitang dumaing..” wika ni Tatay. Tumango na lang kami ng nakaka bata kong kapatid. Napanganga ako ng buhatin ni Ate Flame ang buong natabas niya at binagsak ito ng tama lang sa likod ni Andrea. “Lahat na ito aanihin?” Tanong nito, napaka tipid nito mag tanong o mag salita bilang na bilang lang din. “Oo kasi kung hindi kakainin ng peste ‘yan..” sagot ni Tatay. Tumango lang ito at hindi na muling umimik, nag lakad na ito patungo sa kabilang side at nag umpisa na naman itong mang taga. NANG LUMIPAS ANG MAG HAPON natapos ang lahat ng gawain namin. Ang mga mais bukas ito ide-deliver. Pero yung iba kukunin na ngayong alas singko ng hapon.. Si ate Flame naman kanina pa siya natutulog sa duyan halos 2 hours na itong tulog hinayaan na nila tatay kasi pagod ito dahil halos siya na ang gumawa ng lahat. Hindi nag tagal dumating na ang kukuha ng kalahati ng truck ng mais. “Oh kukunin na namin ngayon titimbangin muna namin.” Wika ng magulang na lalaking ito. “Tay! Andito na sila!” Tawag ko kay tatay. Agad lumabas si Tatay at Andrea. “Naku magaan pala ito, mababa lang ang presyo nito..” sagot na naman nitong hayop na ‘yan. Nakita ko si Ate Flame na bumaba na ng duyan at lumapit sa amin. “Oh sino ang babaeng ito? Naghihirap na nga kayo binabarat na kayo ng iba! Nag dagdag pa kayo ng palamunin?” Tanong ni Dodi magulang ang isang ito. Kumbaga mahilig ito bawasan ang timbang ng ani namin wala lang kami ebidensya dahil maingat sila. Hindi kami kumibo, habang si Ate Flame naka upo na parang may sini-silip sa likod ng timbangan. “Paano ba ‘yan nasa 15 kilos lang? Yung 200 niyo magiging 100 lang isang sako?” Naka ngisi nitong tanong. Si tatay naman ay bumuntong hininga na lang. Kulang kulang dalawang libo lang halos ang makukuha namin kulang pa sa pambayan ng utang. “Sa pagkakaalam ko ang bentahan ng mais ngayon sa public market ay nasa 350 per sako. Kaya nagtataka ako bakit sa inyo 200 lang ninyo kinukuha dito?” Tanong ni Ate Flame na kina laki ng mata ko. “Alam ko ang produksyon ng mga pagkain na binaba galing sa mga farmers. Kung ang isang sakong mais ang kukunin niyo sa kanila, tutubuan niyo ito ng 150 pataas depende kung magkano nito ito kinuha sa distributor. Ngunit iba ito dahil kalahating truck ang kailangan niyo, kaya papalo kayo sa 25 na sako ng mais para makakuha ng kalahating truck.” Mahabang paliwanag ni Ate Flame. Ito ang unang beses na narinig ko itong nag salita ng mahaba. “Ngayon anong ginagawa niyo? Yung maliliit na tao sainyo ginugulangan niyo habang kayo sinasamantala naman ang mga tao sa ibaba para sa malaking kita?” Tanong nito muli. Tumayo ito habang ang kamay nito nasa kanya pambisig. “Ang galing niya..” bulong ni Andrea naka hawak ito sa braso ko. “Pinagsasabi mo?! Sino ka ba?! Totoo ang sinasabi ko! Nakikita mo ‘yan?! Bobo ka ba o bulag ka?! Paano kami—” napa tigil si Dodi ng pagsasalita ng sapain ni Ate Flame ang pang timbang. May lumabas dito na isang magnet. “Sinubukan ko idikit ang piraso ng bakal na ito ng dumikit ibig sabihin may magnet sa loob..” sagot at paliwanag ni ate Flame. “Manloloko talaga kayo!” Sigaw ni nanay. “Hayop ka! Wala kang karapatan! Bakit kumikita din naman sila sa dalawang lib—” hindi na nito natuloy ang sasabihin nito ng tutukan ito ni ate Flame ng itak. “2,000 na kita para sa halos singkwenta ng sako ng mais? Saan aabot ang pera na ’yun? Paano kung may utang ang mga ito? Mga tao na ‘to na pilit lumalaban ng patas?!” Tanong ni Ate Flame. Kitang kita ko ang galit sa mata nito, ito ang ikalawang beses na nag labas ito ng emosyon. “Pakialam namin?! Ang importante sa amin madeliver ng maayos ito! Alis!” Sagot ni Dodi. “Umalis na kayo, may bago na silang pag hahatiran ng mga ito, pagod na ako na ako makipag argue sa inyo!” Utos ni Ate Flame. “Ate..”tawag ni Andrea. “May araw pa tayo Julio!” Banta ni Dodi at umalis na ito. Nang maka alis sila, bigla naman nawala si ate Flame. “Si Flame?” Tanong ni nanay. Malaking problema ito dahil paano kami mabubuhay nito dahil sa ginawang ito ni Ate Flame. Mabubulok lang ang mga mais na ito. “Paano ito? Masisira ang mga ‘yan..” tanong ni Nanay hanggang maka alis ang sasakyan nila Dodi. Bumalik naman si Ate Flame na nagpupunas ng kamay na ngangamoy ito gasolina ng sasakyan. “Saan ka galing?” Tanong ni Tatay. “Sana hija hindi mo na ginawa ‘yun, paano tayo niyan..” suway at paninisi ni Nanay. Ngunit tumalikod lang si Flame at naglalakad patungo kung saan. Narinig kong bumuntong hininga si nanay at tatay. Malaking problema ito.. THUNDER LAVISTRE “Ano sabi mo? May nagpadala ng mensahe sa atin na kunin ang mga mais? Teka wala naman akong sinabi na mag angkat ngayon ah?” Tanong ko kay Blake. “Bukas daw. May nagpadala ng mensahe sa akin ito oh!” Pinakita sa akin nito. “Naka set sa asawa ko, pero matagal na ‘yung date na naka lagay ibig sabihin naka set na ito talaga. Ano tatanggapin ba natin?” Tanong ni Blake sa akin. “Kung galing ito sa kilala ni Flame, hindi natin pwede ipahiya si Apoy, sige mag padala kayo ng maraming truck doon sa location na sinabi d’yan at kunin ito..” utos ko na agad. “Okay, oo nga pala sila na ang magiging kuhaan natin mula ngayon..” sagot nito na kina singhap ko. Lumabas naman ito. Bakit parang may mali dito? Oo nag aangkat kami ng mais at ginagawa namin itong snacks gusto kasi namin na totoong mais ang ginagamit. Minsan pa ay canned corn din.. Napa buntong hininga ako, may ginawa na naman si Flame na hindi na naman nito pinaalam sa amin. Ugali ito ng kapatid ko mahilig itong mag tambak dito ng kahit ano at production team ang pahihirapan. Ginulo ko ang buhok ko at bumalik na lang sa pag ta-trabaho. Kung bakit andito si Blake? Para lang sabihin ito ng personal. ANDREA TINONGKO “Hello ito po ang Tinongko Family?” Tanong ng nasa kabilang linya. “Ay opo, sino po sila?” Tanong ko sa tumawag habang nag aagahan kami bigla may tumawag sa akin. “Ay ma’am taga LV Group of company po kami food branch po nakatanggap po kami ng email na kukunin na po namin ang mga Corn na pinapadala po ninyo sa aming kumpanya..” sagot nito na nag panganga sakin. “Yung kumpanya po ‘yan sa Maynila po diba po? Saka wala naman po kaming alam na magiging distributor po kami!” Sagot ko dito. Narinig ko itong tumawa ang lalaki at nag salita ito. “On the way na po kami, sinabi na rin po ng boss namin ang main address ninyo. Pakihintay na lang po..” paalala nito at binaba na ang tawag nito. “Ano ‘yun anak?” Tanong ni tatay. Nakita ko si Ate Flame na tuloy lang ito sa pagkain. “Kinuha na tayo ng LV group of company food branch po Tatay! Bilang distributor ng mais po sa kanila! Malaking kumpanya po ito at kilala po sila sa pagiging patas sa lahat ng partner ng kumpanya nila!” Excited kong sagot at ku-kwento. “Hindi nga?! Napaka yaman ng kumpanya na ‘yan pati yung may ari niyan!” Wika ni kuya. “Tapos na ako..” tumayo na lang si ate Flame at nag hugas ito ng kamay at lumabas. “D’yos ko mag sisimba tayo sa linggo para makapag pasalamat sa panginoon!” Wika ni Nanay tumango wko na naka ngiti. HINDI NAG TAGAL dumating na yung ang apat na naglalakihang truck sa bahay dahil sa laki ang iba ay naka harang na lang sa daan. “Ito po ang bayad po, bilangin po ninyo bago po kami umalis para maitawag sa boss namin sa Finance..” naka ngiying wika ng driver. “O-okay..” sagot ni tatay at binilang namin ito. Apat na makakapal na sobre ito, nasa 250 thousand mahigit nila ito kinuha sa amin. “Tama po salamat po..” pasasalamat ni Nanay. “Okay pirma po kayo dito, ang signing ng kontrata po kung ayaw niyo po pumunta ng Maynila. Dadalhin po ito ng ilan sa mga boss dito ang isa sa mga magpipinsan po o kami po ang gagawa kapag busy po sila. Huwag kayo mag aalala mag sasama po sila ng abogado, para maging legal ang lahat..” naka ngiting wika ng isang lalaki. “Salamat po..” pasasalamat at nag paalam na silang lalarga. Hanggang mawala na sila sa paningin namin. Sakto naman lumabas si Ate Flame. “Ang kagandahan lang sa derekta ka sa kumpanya mag babagsak ng produkto mas malaki ang bayad sayo. Kesa puro pasa pasa na lang..” paliwanag nito. “Asan ka galing sana nakita mo sila..” wika ni nanay. “Hindi na ho kailangan, hindi naman ako interesado..” malamig nitong sagot na kina ngiwi ko. Bukas na bukas mag tatanin ulit si Tatay ng bagong mais, meron pa naman kaming maisan hindi lang ito ‘yun ang unang kinuha. Nakaka tuwa dahil parang ang swerte-swerte namin simula ng dumating si Ate Flame. Ang galing pero hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng LV sa pangalan ng kumpanya na ‘yun. Ngumiti lang ako habang naghuhugas ng plato. Habang nagwawalis ako ng hapon, nakita ko sa news ang tungkol sa pag durog durog ng sasakyan at mga truck ni Dodi. Naka nganga lang si Nanay at Tatay sa nakita nila kahit ako dahil kanina okay pa sila ng umalis ito pero bakit biglang ganito?! Lahat ng kasama sa sasakyan ay patay walang nabuhay ang pangunahing sanhi ng aksidente? Pagkawala nito ng break.. - The most dangerous animal in this world is a silent smiling woman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD