CHAPTER 37

2729 Words
THUNDER LAVISTRE Matapos ang nangyari sa bahay namin agad kami nag tungo sa Mayor’s office. “Kumalma ka lang Flame..” bulong ko sa kapatid ko, si Damon at Azi ay kasama ng mga bata.. Hawak ko ang balikat ng kapatid kong babae, si Blake naman ay naka hawak sa asawa nito dahil kanina pa nangangatog si Flame sa galit. Ganito siya kapag hindi nailalabas ang galit niya. “Umupo po kayo..” wika ng babaeng sekretarya ng Mayor. Hindi ko kilala ito at kahit ang pangalan nito ay hindi ko na binasa pa. “Pakisabi sa mayor niyo pakibilis.. galing pa kami ng maynila.” Utos ni Flame na kina ngiwi ko. Hindi naman maiwasan na matawa ni Blake sa ugali ng asawa niya. “Kuya labas na ako ang sikip dito mabuti sana hindi tayo malaking tao..” narinig kong paalam ni Storm. Nilingon ko ito, “Ang mga bata baka ano na naman ang ginawa ni Damon at Azi sa mga ‘yun, kapag sila naiiwan sa mga bata hindi ko alam kung tao pa ba ang mga bata o hindi na!” Paalala ko dito. Tawa naman ng tawa ito, tinapik ako ni Demitri at Storm sabay ang dalawang na lumabas. DAMON VALENCIA LAVISTRE Tawa ako ng tawa ng bigyan ko ng ice cream si Ai tapos hindi niya type yung lasa. “Masarap naman ah? Lasang bubble gum?” Tanong ko dito. Naduwal pa ito kaya sinahod ko ang kamay ko, mabuti at hindi naman sumuka. “Oh bakit ‘yan sumusuka?!” Tanont ni Storm. Natawa muna ako bago sumagot. “Kumain siya ng ice cream na bubble gum flavor..” sagot ko at kumain ako ulit. Umiyak naman si Aithné, “Tito, hindi po masarap nakaka suka po, i want to vomit again..” umiiyak na sumbong nito sa Tito Storm niya. “Tang*na mo talaga! Alam mo malayo ang biyahe natin pinakain mo ng ganyan?!” Sermon sakin ni Storm. “Gago, siya nga ang may gusto nitong flavor na ito! Kaya binili ko! Bakit ako inaaway mo?!” Tanong ko dito. “Eh hindi po masarap!” Pakikipagtalo ni Aithné. Naka tingin ito sakin habang ang haba haba ng nguso. Nilingon naman ako ni Storm. “Pag ito nasira ang t’yan dahil d’yan ikaw mag paliwanag na magulang nito..” banta nito kaya naman nag kamot na lang ako ng ulo. Tiningnan naman ako ni Ai na parang paiyak na naman. “Tito Damon sorry po..” napa tampal ako ng noo ng mag umpisa na naman itong umiyak. “Halika na, huwag kana umiyak bibili tayo ng biscuit doon oh..” kinuha ko ito kay Storm at nag lakad na ako. “Away po ikaw ni Mama?” Tanong nito. Natawa naman ako at umiling. “Hindi ah? Bakit ako awayin ni mama?” Tanong ko dito. “Kasi po pinilit ko po gusto ko..” sagot nito natawa naman ako lalo at binuhat ko ito ng maayos. “Nope, sa amin na ni mama ‘yun labas kana doon.” Ngumiti ako at tumango naman ito. BLAKE SHIN DELA VEGA “Wala na ako magagawa tungkol d’yan Miss Lavistre. Una sa lahat hindi niyo na binalikan ang lupa, nag pakasasa na kayo sa buhay niyo sa ibang lugar, natural ibebenta ko na ‘yan para mapa-kinabangan na ng ib——” nagulat ako ng ibato ng asawa ko sa salamin na bintana ang Desk Name Plate nito. “Sabihin mo ulit ‘yan sa akin kapag may karapatan ka ng gawin ‘yan!” Sagot ng asawa ko. Ngumisi naman ang Mayor pero saglit lang ito dahil sinakal ito ng asawa ko. Pumatong pa ito sa mesa ng mayor’s office kaya nagawa nitong masakal ang mayor. “Tama na Flame.. please..” pakiusap ko sa asawa ko agad kong hinawakan ang balikat ng asawa ko. Nang bitawan nito ang leeg ng lalaki nag salita ito. “Huwag mo ako hayaan na dalhin dito ang pagiging walang puso ko! Ang akin ay akin! Ngayon ibabalik mo sa akin ang lupa ko o ibabaon kita doon?!” Pag babanta ng asawa ko. “Thunder..” tawag ko sa kapatid ng asawa ko dahil ang hirap ni Flame kontrolin kapag galit. Isang hawak at hila lang ni Thunder kay Flame agad itong sumunod. “Ibalik niyo ang gusto ng kapatid ko, dahil ako mismo dudurog sa inyo! Bukas kailangan may resulta na dahil kung hindi? Mag paalam ka na sa posisyon mo.” Pag babanta ni Thunder at agad na hinila ang asawa ko palabas. “Ano ba?!” Piglas ng asawa ko, natatawa na lang ako sa mag kapatid na ito, hindi dahil sa hindi maka porma si Flame. Dahil kasi parang papel lang ang binuhat ni Thunder. Buhat niya ang asawa ko hawak nito ang dalawang braso ng kapatid niya. Akala mo isa itong gamit na ililipat lang at ng matapos niya ilipat binaba na lang at hinayaan na lang doon. “Kuya Thunder!” Pag pupumiglas ni Flame. Napa lingon ako kay Vlad agad kong tinanggal ang ngiti ko sa labi. “Okay lang ‘yan, nang hingi ka ba naman ng tulong d’yan alam mo naman na isang buhat lang ni Thunder kay Flame..” narinig kong tumawa ito kaya hindi ko na napigilan na hindi tumawa. “Para parin silang mga bata..” sagot ko, nag lakad kami pababa ng hagdan. Doon lang binitawan si Flame o ibinaba muntik pa ito mawalan ng balanse na kina tawa ni Thunder. Napa singhap ako ng hangin ng suntikin ng asawa kong si Flame ang braso ni Thunder na kina baba nito ng dalawang baitang ng hagdan. “Ang sakit no’n?!” Gulat kong tanong. “Hell yeah.. solid ang sakit non nanunuot sa laman..” natatawang wika ni Vlad habang pababa kami. “Tumigil na nga kayong dalawa, kung kailan pa kayo nag ka edad saka niyo pa naisipan mag pisikalan..” awat ni Vlad sa mag kapatid ngumiti ako. Hinawakan ko ang kamay ng asawa ko at nilagay ko sa kanang braso ko ang kamay nito. “Yung tagiliran ko hindi pa magaling sa ginawa mo tapos dinagdagan mo pa..” pangungunsesnya ni Thunder kay Flame. Napa takip naman ako ng bibig dahil agad lumambot ang ekspresyon ng asawa ko. “Masakit parin, Kuya?” Tanong ni Flame, ngumisi naman ako at hinayaan na sila mag usap. “A little..” sagot ni Thunder. Nilingon ako ng asawa ko kaya nginitian ko ito. Malakas ang atake na ginawa ng asawa ko kaya nag iwan talaga ito ng malaking pasa sa tagiliran ni Thunder. Wala kasing nag expect na gagawin ito ni Flame. FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Bago kami bumalik ng Maynila, hinabol kami ng secretary ng Mayor at inabot sa akin ang lahat ng dokumento ng pag bebenta sa lupa. “Huwag niyo lang daw po idemanda si Mayor..” nagmamadaling wika ng secretary nitong babae at umalis na agad ito. Nilingon ko sila, “Nakuha ko na..” wika ko at inabot ko kay kuya Thunder. “Kukunin ko sa’yo pag dating sa mansion. Deretso tayo kay Uncle..” pag kausap ko sa Kuya Thunder. Tumango ito ay kinuha ang brown envelope sa akin at ako naman ay bumitaw na sa asawa ko. “Convoy ako..” wika ko at lumapit ako sa motor ko. Nilingon ko si Damon na buhat si Ai, “Anong ginawa mo sa anak ko? Bakit ang dungis n’yan?!” Gulat kong tanong kay Damon. Nakita ko naman na tumawa ang anak ko. “Mama, kumain po ako ice cream na chocolate po doon, ang sarap po!” Kwentong sagot ng anak ko bunso. “Damon naman! Love, may dala ka bang pamalit nito! Parang hindi na bata ito hanggang buhok meron?” Tiningnan ko ng masama si Damon. “Bakit kasalanan ko? Siya itong pag kumain pati ulo pinupunasan?!” Depensa nito. Nag tawanan naman sila. “Hon, huwag kana magalit may dala akong pamalit nilang lahat..” sagot ng asawa ko. Bumuntong hininga ako at tumango, “Tara na nag text na si Tito, ang pagkain lumalamig daw..” wika ni Azi. “Okay sige, tara na Kuya Thunder, Love yung mga bata..” paalala ko at hindi ko na sinuot ang helmet dahil malapit na lang naman din. Sumunod ako sa kanila, hanggang makarating kami. Pinarada ko ang motor ko sa loob dahil tirik na tirik ang araw. Nauna silang umakyat ako naman ang nahuli. “Ang gwapo at ang ganda naman ang apo ko, pasok pasok kayo..” narinig kong wika ni Tito. Pag pasok ko nag mano ako kay Tito, “Tito may balita ka ba kay Santiago?” Tanong ko dito at umupo muna ako at hinubad ko na ang jacket kong suot. Lumingon ito bago sumagot sa tanong ko. “Ang alam ko nasa Italy siya.” Sagot nito. Tumango naman ako at tumayo, inalalayan ko si Uncle mag lakad. “Hindi kasi sila sumasagot ng anak niyang si Prince sa mga emails ko..” sagot at pinaupo ko ito ng maayos. “Mama dito..” turo ng panganay ko kung saan ako uupo. Umupo naman ako sa tabi ng panganay ko. “Baka naman busy o nag eenjoy? Hindi ba kayo nag kausap kahit isang beses?” Tanong ni Uncle. “Sinigang!! Gusto ko ‘yun oh! Yung shrimp, Daddy..” narinig kong wika ni Pyrrhos tumayo ako at kinuha ko ang bowl ng sinigang. “Nag kausap kami last 2 months ago ata ‘yun pero hindi na ulit naulit. Usually kasi sumasagot sila agad kapag nag email ako like 3 days after ko mag email. Ngayon halos mag dalawang buwan na wala parin..” sagot ko at pinag sandok ko ang mga pamangkin ko. Ang asawa ko naman sa mga anak namin, inaasikaso ko din naman ang anak ko pero kapag kasama namin ang mga anak ni Ate. Palitan kami kundi siya ang katabi ako naman ang mag hain sa mga bata ng pagkain. Ganun lang kami ng asawa ko. Kung sino mas malapit kahit sila kuya Storm ganun din sila. “Eh baka mga busy?” Tanong ni Kuya Vlad. Nag kibit balikat na lang ako at kumain ng maayos. Pinag balat ko ang anak kong panganay ng shrimp may ugali ito na kapag hindi niya mabalatan, kakainin ng diretso. MATAPOS NAMIN KUMAIN pinag pahinga ko muna ang mga bata, bago sila paliguan ulit dahil ang dungis talaga. Isa isa ko silang pinaliguan dahil maliit lang ang CR ni Tito dalawang tao lang kasya dito. Matapos ko silang paliguan lumabas na ako at sila kuya na ang nag bihis sa mga bata. “Tito, gusto ko sana kayo po ang mag bantay ng ipapagawa ko. Baka dadagan ko ng palapag ang dating bahay..” wika ko kay Tito. Binaba ko ang itinaas kong pants at inayos ko ang suot ko kaya ko lang tinaas dahil mababasa ng mag paligo ako. “Hon, pwede ka mag palit kung naiinitan kana, nagdala ako ng extra mo..” wika ng asawa ko. “Salamat i will, pahinga lang ako..” sagot ko dito at tumango naman ito. “Sige, wala naman problema sa akin ‘yun para makapag lakad lakad din ako..” sagot ni Tito sa akin. Tumango naman ako at umupo ako sa tabi ng kuya Storm ko. Pumunta naman ang anak kong si Pyrrhos sa akin kaya niyakap ko ito. “Matulog muna kayo kahit gabi biyahe tayo..” utos ko sa mga bata kasi halata naman na inaantok na ang mga ito. “Kilala mo si Ethan? Tanda mo pa siya?” Tanong ni Tito at tinuro si Ethan. “Oo naman paano ko makakalimutan ‘yan. Kumusta kana? Hindi ka pa naka sampa ng barko? Nag seaman ka diba?” Tanong ko dito at nakipag kamay ako dito. “Kauuwi ko lang po, mga 6 months sampa po ulit ako..” sagot nito. “Mabuti, bakit andito ka parin nag ta-trabaho??” Tanong ko dito ulit. “Chismosa ka, Flame..” wika ni Damon nakahiga sa mahabang upuan na tawag dito ay cleopatra yari ito sa kahoy mga lumang style ng upuan dati. Marami kasi nito sa Bulacan na gumagawa, minsan sa labasan meron ka ng mabibilhan ng ganito. Narinig kong silang tumawa naman. “Gusto ko malaman kasi, syempre sea man na siya tapos andito parin siya?” Depensa ko. “Hahaha! Oo na lang..” sagot ni Damon kaya binato ko ng unan ito na agad naman nasalo. “Kasi po, malaki po utang na loob ko po sa pamilya niyo..” sagot ni Ethan. “Nah.. as long na okay na ang buhay niyo okay na din kami doon..” sagot ko dito. Tumango ito, “Pero kung gusto mo talaga ay ayos lang din para may kasama si Tito dito..” sagot ko. “Bakit kasi, uncle ayaw niyo mag asawa? Mag kaka anak pa kayo!” Tanong ni Azi dito. “Naku 70 years old na ako Azi hindi na kaya ng mga buto ko..” sagot ni Tito, sinilip ko ang anak ko tulog na ito. Inalis ko ang pacifier nito ng dahan dahan. Hindi nakaka tulog ang anak ko ng walang ganito kaya hinayaan ko na lang muna ito. Tinakpan ko ito at inabot kay Kuya Storm, inayos ko ang higa ng anak ko at tinakpan ko ang mukha nito ng puting towel para hindi nasisilaw sa ilaw. “Uso naman po ‘yung babae ang gagalaw..” pilyong sagot ni Damon na kina tawa naman nila Kuya. “Hay naku, kayo ang mag asawa na nauna pa si Flame sa inyo oh?!” Balik ni uncle sa mga boys. “Naku uncle! Si Thunder malapit na ‘yan! Kasi yung bagong sniper ni Flame kanang kamay ni Thunder ‘yun maganda siya uncle! Ayaw ni Thunder.” Pag ku-kwento ni Damon kay Tito. “Pag binigwasan kita d’yan talagang titigilan mo ako!” Banta ni kuya Thunder. “Eh kung maganda at mabait, Flame nasa sayo ang huling desisyon aba’y mag si asawa na kayo malapit na kayo mawala sa kalendaryo..” sagot ni Uncle. Natawa naman ako at umiling. “Hahayaan ko sila Tito, ayoko silang diktahan kung sino ang gugustuhin hindi ako si Lolo..” sagot ko na lang. Tama naman ako ayoko silang diktahan. “Ay naku, mag isip isip na kayo. Ikaw din Earl, Vlad alam ko lagpas na kayo sa kalendaryo..” wika ni uncle sa dalawa. Nag kamot naman si Kuya Vlad, “Ako matagal pa! 27 pa lang ako uncle..” sagot ni Damon. “Oo alam ko magka sunuran lang naman kayo ni Flame matanda ka lang ng isang taon.. oh Blake wala ba kayo balak sundan ang kambal?” Tanong ni Tito sa asawa ko. Nabulunan naman ang asawa ko dahil uminom ito ng tubig. “Naku wala pa po, huwag po muna nahirapan din ang asawa ko po noong nanganak siya. Kaya saka na lang po kapag ready na po ang asawa ko..” magalang nitong sagot kay Tito. “Ay napaka swerte mo sa asawa, tama ‘yan huwag na muna saka mga bata pa sila. Hintayin niyo muna kahit mag high school ganun bago niyo sundan para hindi masyadong alagain..” payo ni Tito. Tumango naman ako at nginitian ito, ‘yun kasi ang gusto namin ng asawa ko. Dahil baka mamaya kasi kambal na naman mahirap mag alaga ng kambal napaka hirap sa totoo lang. Kung walang suporta ng mga kapatid at asawa? Mahihirapan talaga ako ng sobra. Mas lalo normal delivery ako. Nag kwentuhan lang kami habang hinihintay ang oras para umuwi na kami. Ayaw ko kasi umuwi ng sobrang init mas lalo naka motor lang ako. Sila okay lang dahil sasakyan naman ang gamit nila. Masaya ako ng makarating ako dito ulit, dati pumunta ako dito dahil may kailangan ako malaman ngayon pumunta ako para makipag kwentuhan at pansamantala na mag relax. Kahit alam ko na may problema kaming parating. Ramdam ko ‘yun, alam ko na may bago kaming kalaban na parating. Kabado din ako tungkol kay Ezekiel, pakiramdam ko nawawala si Ezekiel. Alam ng katawan ko kapag ligtas ang bawat isa sa amin o hindi pero ngayon? Pakiramdam ko hindi ligtas si Ezekiel.. - Your first instinct is usually right..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD