CHAPTER 25

2733 Words
VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE Kinasa ko ang baril ko at bumaba ako ng sasakyan ko. Dahil nasa harapan ko ang tauhan ng Los Trados. “Hindi ba marunong tumigil ang mga ito?” Tanong ni Demitri sa akin. “Mataas ang pride nila hindi nila gagawin ang bagay na ‘yan..” sagot ko. Napa lingon ako sa likod ng mapag tanto ko na isa itong malaking TRAPPED. “Hindi niyo gugustuhin kapag ang Los Trados ang makalaban niyo! Wala kayo ngayong leader kaya pilay kayo!” Naka ngising wika ng lalaki. Nilingon ko si Demitri tumango ito at bumalik sa kanyang sasakyan. “Boss 6 o’clock behind naka abang ako! Si Ava ito!” Narinig kong wika ni Ava ang bago naming sniper. Magaling na ito ngayon mas magaling pa dahil sa tinu-turuan ito ni Lance. “Good..” sagot ko. “Ibaba niyo ng kamay niyo! Walang kikilos lahat ng baril niyo ibaba niyo!” Utos ng mga pulis. Hindi ako sumunod at nag hintay pa ng kaunting segundo. “Ibaba mo sabi ang baril mo! Kundi papa-putukan ka namin!” Sigaw na naman ng police officer na ito na hindi ko kilala. “Wala akong pakialam sa inyo..” malamig kong sagot at nilabas ko pa ang isang baril ko at pinagbabaril ang mga parak. “Ava!” Tawag ko. “Kuya sa likod mo!” Narinig kong wika ni Demitri agad akong umikot at pinaulanan ko ng bala ang mga tauhan ng Los Trados. “Tama si Thunder iisa-isahin nila tayo..” wika ni Demitri. “Mas mabuti! Para mas mapagod sila at maubos sila!” Sagot ko at naramdaman ko na may dumaplis sa hita ko ng lumingon ako kung saan galing ang bala na dumaplis sa hita ang pulis pala ang bumaril sa akin. “Ava back up ka! Demitri!” Utos ko at nag lakad ako palapit sa pulis na ‘yun. Ang masaklap babae pa ito, maikli lang ang buhok nito na parang mga lalaki. Pero wala akong pakialam as long hindi nila ito laban. “Ilang beses ba namin sasabihin na ang laban ng mafia ay sa pagitan lang namin?!” Galit kong tanong. “Huwag kang lumapit!” Nanginginig ang kamay nito habang naka tutok ang baril sa mukha ko. “Lumayo ka sa kasamahan namin kundi patay ka!” Utos ng pulis na lalaki sa likod ko. Ngunit mabilis ko inagaw ang baril ng babaeng pulis at hinawakan ko o dinakot ko ang mukha nito gamit ang palad ko. Nang mahigpit na ang hawak ko ay walang pasabi ko hinampas ang likod ng ulo niyo sa police car ng paulit ulit. Nakita ko ang pagdanak ng dugo nito sa hood ng police car, pero patuloy pa rin ako sa ginagawa ko hanggang naging parang patay na dahon na ito. Tumigil ako dahil alam ko na wala ng buhay ang taong ito. Binalibag ko ito sa tabi at humarap na ako sa mga pulis at tinutukan sila ng baril. “Umalis na kayo hanggat kaya ko pa mag timpi!” Malakas kong sigaw na agad naman na kina takbo ng mga ito. Nakita ko na tumba na ang mga kalaban namin isa na lang natitira. Kahit kita na sa mata at mukha nito ang takot sa pagkaubos ng mga kasamahan nito ay wala itong planong umatras. “Kapag binuhay ko pa ang iba sa inyo, tatapusin kayo ng amo niyo kapag bumalik kayo ng buhay sa kanila, tama?” Tanong ko dito, agad naging malikot ang mata nito. “Kunin natin siya kuya..” bulong sa akin ng nakaka bata kong kapatid. “Sang-ayon ako Vlad..” narinig kong wika ni Thunder sa kabilang linya. Inabot ko ang baril ko sa kapatid ko at tinawag ang lalaki. “Lumapit ka at sumapi ka na samin, kung may pamilya ka pa sabihan mo agad kami at kami na ang bahala..” mungkahi ko dito. “Pakiusap ayoko pa mamatay! May anak ako at asawa bata pa ang mga anak ko. Napilitan lang ako dahil sa hirap ng buhay..” lumuhod agad ito sakin. Napa iling na lang ako. “Tumayo kana, sumama ka sa amin at habang nasa biyahe tayo sabihin mo ang tungkol sa pamilya mo. Damon at Ken kumilos kayo..” utos ko sa dalawang ito. “Alright!” Narinig kong sagot ni Ken. THIRD PERSON POV “Paano mo natitiis ang pamilya mo?!” Tanong ng isang babae sa babaeng nakaupo sa malaking bato. Ngunit naka tanaw lang ito sa malaking bahay dulo ng kabundukan. “Huy, alam mo hinahanap ka nila diba? Paano mo ito nagagawa?” Muling tanong nito. “Hanggat hindi pa nangyayari ang gusto ko hindi ako babalik,” simpleng sagot nito at umalis na. “Ipagpatuloy mo lang ang pagtulong sa kanila without any suspicion..” utos nito at nag lakad na ito sa madilim na kakahuyan. “Ano ba talaga ang gusto mo gawin? Ang maging kalaban ka mismo?” Tanong ng babaeng naka tanaw sa palayong pigura ng babae kanina. Tumalikod na ang babae at nag umpisa na rin mag lakad. SA KABILANG BANDA nagtipon ang mga tauhan ng Los Trados. “Boss alam na namin kung nasaan si Flame nagtatago. Sa Bario Tinago..” wika ng bagong kanang kamay ni Clinton na si King. “Bukas na bukas puntahan niyo, kung kailangan niyo mag panggap dahil balita ko nawala ang ng ala-ala nito. Kailangan niyo magpanggap na isa kayo sa pamilya niya gawin niyo kung lalaban siya puruhan niyo, pero huwag niyo papatayin..” utos ni Clinton. Tumango si King na kina ngisi naman ni Clinton. “Mahuhulog ka din sa bitag ko..” bulong nito. ANDREA TINONGKO ILANG BESES MAY BUMABALIK dito na mga tao at hinahanap nila si Ate Flame. Pero si ate Flame laging nawawala bigla. Minsan naabutan ko ito sa gilid ng sapa naka tayo lang ito. Kaya lagi namin sagot ay wala kaming kilala dahil mamaya mapunta siya sa masamang kamay. Mapahamak pa si Ate. “Nakaka pag taka talaga ‘yang ate niyo, kasi sabi sa balita sa internet ‘yang si Flame Lavistre ay notorious na mafia lord at pumapatay daw ng tao..” kwento ni Grace. Unti-unti na sa amin nagiging malinaw kung anong posibilidad na katauhan ng bago naming kasama sa bahay. “Kung totoo na siya nga ‘yan nasa balita? Nag patira kayo ng mamatay tao..” bulong ni JC. “Huwag kayo mag alala aalis din ako dito. May hinihintay lang ako..” napa lundag ako ng biglang mag salita si Ate Flame. Naririnig pala niya kami. “Pero Ate, ano po ibig niyong sabihin na may hinihintay ka?” Tanong ko dito at lumapit ako. Nakakalungkot na bigla na lang siyang aalis isang araw. Lumingon ito sa akin. “Aalis ako pero babalik ako, kapag maayos na ang lahat at tapos na..” yun lang ang sinagot nito at umalis na ulit. “Alam mo duda ako na nawalan siya ng ala-ala..” naka pamewang na wika ni Grace. Tumango ako bilang sang-ayon, hindi siya totoong nawalan ng ala-ala pero ito ang pina-palabas at pinakita niya sa amin. Pero bakit? “Andeng? Pumunta ka ng bayan isama mo si Ate mo Flame bili ka nito at ako ay mag luluto ako ng kakanin!” Utos ni nanay. “Andyan na po!!” Sagot ko at tumakbo na kami ng mga kaibigan ko. “Nay pwede po kami maligo sa ilog mamaya?” Tanong ko habang kinu-kuha ko ang pera na pambili at listahan. “Oo basta huwag kayo mag papa-abot ng high tide..” pag payag ni Nanay. Ngumiti ako at nag lakad na kami patungo sa bayan, si Ate Flame naman ay naka sunod sa amin. “Sakay tayo sa jeep, mainit..” suhestyon ko. Nang may tumigil na jeep sumakay na kami agad. Si ate Flame naman ay ganun din. “Malapit lang naman ang bayan, bakit ka pa sumakay?” Tanong ni Ate, “Kasi ate, napaka init. Hindi ka ba naiinitan?” Tanong ko dito, ngunit tahimik lang itong umiling. “Nakakainggit, kasi never ko siyang nakitang pinagpapawisan kahit yung nag tatabas siya ng damo?!” Bulong ni JC na kina tawa ko. Oo napapansin ko na hindi si Ate pinagpapawisan. Nang makarating kami sa bayan nakita namin ang nagkakagulo na kalalakihan. “Naku may hinarang na naman sila!” Wika ni Grace. “Si Jun ‘yun diba? Yung hawak sa leeg ng lalaki..” tanong ni Ate Flame kaya agad akong kinabahan at nakita ko si Kuya. Tumakbo agad ako at sumigaw. “Hoy bitawan mo ang kuya ko!” Sigaw ko pero hinila ako ni ate Flame at siya ang nasa unahan. “Ako na.” Malamig nitong wika at ito ang nag lakad palapit. “Ang tangkad niya talaga! Sana all ganyan katangkad, para siyang nasa 5’8 or 9!” Manghang wika ni JC. “Ang kuya ko..” nag uumpisa na akong umiyak at nagulat kami ng may tumilapon na tao papunta sa gitna ng kalsada. Muntik pa mahagip ng motor ang ulo ng lalaki. “Galawin niyo pa ang pamilya Tinongko, babalikan ko kayo..” banta ni Ate at hinila si kuya palayo sa mga lalaki. Ngunit bago pa maka layo si ate nakita ko na tinaas nito ang kamay niya at doon ako napa singhap ng hangin ng makita ko na bakal na tubo ito. “Umalis na kayo..” utos ni ate sa amin inalalayan ko ang kuya ko. “Kuya ko..” naiiyak kong tawag kay kuya Jun. “I-upo niyo muna siya dito.” Utos ng tricycle driver. Maraming takot sa grupo na ‘yan kilala silang basagulero ng lugar namin. “Hinahanap nila si Ate Flame, hindi ko alam anong pakay nila..” wika ni kuya Jun. Kinabahan ako at ng lumingon ako nakita kong takot na takot sila kay ate. “Sino ba talaga siya??” Tanong ni Grace. “Malakas ang kutob ko siya si Flame Morjiana Lavistre, ang leader ng DCN at ang Leader din ng Black and Dark Organization. Sinabi na binigay niya ito sa dalawang kaibigan ng angkan nila. Nasa malaking organization sila at siya ang pinaka leader..” wika ni JC na kina nganga ko. “Huwag na huwag niyo aalamin ang tungkol sa mafia ikakapahamak niyo yan..” utos ni ate na kina gulat ko dahil nasa harapan na namin ito. “Bumili na tayo..” utos nito at tumalikod ito muli. Kaya wala akong nagawa kundi ipahatid sa tricycle si kuya pauwi. Kami naman ay sumunod kay ate at nag tungo kami sa bilihan. Tahimik lang si ate na naka distansya sa amin, pero ito ang nagbubuhat ng dala namin. Wala din akong balak sabihin ito kay nanay, sana si kuya ay hindi rin mag salita. Dahil ayoko matakot si nanay at tatay. MAKALIPAS ANG ILANG ORAS habang nagluluto si nanay ng kakanin hindi ko pa alam anong klase. Naligo naman muna kami sa ilog. Kasama namin si Ate pero naka distansya talaga ito. Nasa malalim siyang pwesto at may kung ano siyang binabalikan sa ilalim ng tubig. Nasa parte siya kung saan bumabagsak ang tubig galing sa taas. “Noong nakuha niyo ako, may nakita ba kayong baril? It’s a 45 caliber black..” tanong ni ate sa amin. “Opo nasa bahay tinago po nila tatay pinakita po namin ‘yun sayo diba?” sagot ko, tumango ito at may nakita akong hawak nito isang kumikinang. “Ano po ‘yan?” Tanong ko dito pero lumapit ito at sinuot sa leeg ko ang isang necklace na may pendant na blue sapphire.. “Magagamit mo’ yan sa tamang oras hindi para ibenta kundi para maniwala sila sayo. Sa oras na umalis ako pwede mo ‘yan ipakita sa kanila, pero hanggat nandito ako itago mo yan sa loob ng damit mo..” utos nito at umalis na ito ulit. Pareho ang pendant nito sa suot niyang hikaw pero hindi ito klaro dahil natatabunan ng buhok niya. “Hindi ko siya maintindihan, anong ibig niyang sabihin??” Tanong ni Grace. Nilingon ko ito at nagkibit balikat ako. “Susundin ko na lang si Ate!” Ngumiti ako at nag swimming kami ulit. Pag ahon ni ate nakita ko ng malinaw ang tattoo nito, bungo ng tao at may mga guns sa likod ng bungo nito at may kulay pula din na parang shadow. “Yung tattoo niya, nakakatakot parang sumisimbolo sa mga karahasan at ang red ink naman ay sumisimbolo sa dugo ng tao..” kinilabutan ako sa sinabi ni Grace. Tama siya ito ang sinisimbolo ng mga marka na ‘yun, nakita ko din na may tattoo si Ate sa likod ng tainga nito. Marami din siyang tattoo sa iba’t ibang parte ng katawan niya. NANG MAG ALAS SINGKO na ng hapon umuwi na kami at kumain ng sapin sapin ni nanay at maka puno. Si Ate Flame naman ay kumakain lang ng tahimik, kahit nagtataka ito sa pagkain pero kinain parin niya. “Siguro hija? Mayaman ka ano? Kasi halata kasi sa kutis mo..” tanong ni nanay, Hindi naman kumibo si ate at kumuha ito ng kinayod na niyog at sinaw-saw ito ang buong kutsinta at inaasahang subo lang. “Nakakatuwa ka, mukhang gustong gusto mo ‘yan. Kayo mag tira kayo baka mag hanap ang ate niyo..” bilin sa amin ni tatay. “Opo!” Sabay-sabay naming sagot. THUNDER LAVISTRE “Ibang klase talaga! Gutom na naman ako!” Napa lingon ako kay Damon, kanina pa kasi ito nag lalaro ng UNO cards. Kasama niya si Azi at Ezekiel. “Ay may bago akong cards.. laruin natin?” Tanong nito. “Kumain ka muna, kanina ko pa naririnig ‘yang tyan mo!” Paninigaw ni Ezekiel dito na kina tawa ko. Binigyan naman ito ng isang platong fried tempura ni Ava dahil ito ang nag luto. “Thank you, Chef!” Pasasalamat nito at kumain ito ng maayos. “Nakakatuwa siya, buti hindi kayo napipikon sa kanya Boss? Kasi para kayong may bata dito..” tanong sa akin ni Ava. Umayos ako ng upo at ininom ang binigay nitong kape sa akin. “Minsan nakakapikon mas lalo kapag nasa kalagitnaan ka ng laban biglang magsasalita ng walang kwenta..” sagot ko pero tumawa lang ito. “Pansin ko lang hindi nagagalit sa kanya si Boss Flame?” Tanong ulit nito. “Shi Plame? Hindi yown magagalwit kashi——” sinipa ko ang upuan nito para tumigil ito sa pagsasalita. Dahil sa pag sipa ko nawala ito sa pag kaka upo niya at ang pagkain at halos matapon lahat. “May laman ang bibig mo sasagot ka pa?! Wala na nga kami naiintindihan!” Sigaw ko dito. “Parang—gago naman ‘to! Yung pagkain ko tumapon na! Walang pang 5 seconds!” Mura nito at mabilis niyo kinuha lahat ng natapon. Tawa lang ng tawa ang mga babae. “Pag ito nag ka germs, galit galit muna tayo! Kakainin ko pa ito!” Reklamo na naman nito. “Huwag ka daw po kasi mag salita ng may laman ang bibig..” mahinahon na bilin ni Mika dito. “Nag tatanong kasi kaya sumagot ako. Pero bakit kailangan mo manipa ng upuan?!” Hasik na naman nito. Tawa naman ng tawa si Ava. Umiling na lang ako at kumuha ako ng pagkain nito. “Bakit ikaw ba ang kausap at sasagot ka? Sisipain parin kita kahit wala kang kinakain..” sagot ko dito. “Susumbong talaga kita kay Flame pag bumalik na siya..” pananakot na lang nito at lumayo na sa amin ito. “Alam mo na paano siya makipag usap diba? Matino naman siya basta wag mo lang hahaluan ng kalokohan ang pakikipag usap sa kanya..” tanong at bilin ko kay Ava. Tumawa lang si Ava at nilingon nito si Damon na talagang tinago ang pagkain niya sa bisig niya dahil nanghihingi si Azi. “Doon kana! Favorite ko ito eh!” Pananaboy ni Damon kay Azi “Lahat naman paborito mo eh.” Sagot ni Storm dito na nakaupo sa tabi ko. “Alam niyo naman pala, doon ka nga kay Miss Ava manghingi! Akin nga ito!” Hasik na naman nito. Napa hilot na lang ako sa sentedio ko dahil sa pinsan kong ito. Bakit ba ako nagkaroon ng ganitong pinsan.. - No Sacrifice, No Victory!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD