CHAPTER 24

2689 Words
BLAKE SHIN DELA VEGA HAWAK KO ANG DOUBLE BLADE KATANA ko habang nakaharap sa mga tauhan ni Clinton. Hindi talaga kami nila tini-tigilan, “Kung buhay si Britney sino ang pinatay ko?” Takang tanong ko. “Tauhan din nila ‘yun, pinagaya ang mukha ni Britney, para ito ang nagpapanggap na si Britney.” Sagot ni Damon sa kabilang linya. “Brent, naririnig mo ba ako?” Tanong ko sa pinsan ng asawa ko. “Oo naman, may ipag uutos kaba? Tanong nito. Tumingin ako sa kalaban ko. “Wasakin mo ang dignidad ni Britney. Siya muna ang pag lalaruan natin..” utos ko. “Alright! Napaka daling gawin..” sagot nito. Nang sumugod ang lalaki na kaharap ko, umiwas ako at mula sa likod nito sinaksak ko ito ng Katana na hawak ko. Hindi pa ako nakuntento dito ng hiwain ko ito mula sa puso nito ng ikuting ko ang talim paharap patungo sa ulo at bungo nito. “Woah! Fatality!” Bulong ni Damon sumirit ang napakaraming dugo sa paligid. Humarap ako sa babaeng kasama nito, hinayaan ko lang ang dugo mula sa Katana ko ay dumaloy sa talim nito. “Sino ka? Hindi ka pa namin nakita kahit kailan lumaban.. nasa likod ka lang lagi ng asawa mo..” tanong babae sa akin. “Dahil ayoko lumaban..” maikli kong sagot. Tumayo ako sa harap nito at tinutok ko ang talim ng katana ko. “Dahil minsan na rin akong pumapatay ng brutal. Yun ang gawain ko, minsan na akong pumatay gamit ang lason mula sa aking Katana. Pero tapos na ako sa ganung gawain, pero hindi ko naman hahayaan na idamay niyo ang mga anak ko at ang mga bata sa mansion na ito..” malamig kong paliwanag dito. “Dahil kaya ko din pumatay ng hindi dinadapuan ng konsensya..” huling wika ko. Bago ko pa maisaksak ito agad dumating si Kurt at Kenneth. “Kami na..” wika ni Kurt ay binaril ang ulo ng babae. “Sa susunod huwag mo iiwan ang mga anak mo! Muntik na sila makuha ng Los Trados!” Paninigaw ni Kenneth sa akin. Dahil doon nagising ako at agad kong tumakbo papasok sa loob iniwan ko na ang dalawang pinsan ko. Pag pasok ko nakita ko si Hanz at Yj kasama na ang mga bata. “Anak..” tawag ko sa mga anak ko. “Daddy, i’m scared!” Agad na tumakbo ang anak kong babae at niyakap ako ng mahigpit. “I’m sorry iniwan kayo ni Daddy, forgive me..” niyakap ko ang mga anak ko at pinag hahalikan ko ang mga buhok nito. “Salamat tol,” pasasalamat ko at nakipag fist bump ako sa dalawa. “Mabuti at dumating kami sa tamang oras kundi hawak na ng kaaway niyo ang mga pamangkin namin. Saka itong mga gwapong at magagandang bata na ito..” wika ni Hanz at binuhat nito si Hermione. “Thank you po Tito Hanz and Tito Jun to save us!” Pasasalamat ng mga bata sa mga pinsan. “Basta para sa inyo, saka mayayari kami kay Tita Mommy Flame niyo,” natatawang sagot ni Hanz at ginulot pa ang buhok ng mga bata. Ngumiti ako at sinama ko ang mga bata para bihisan sila ng pang bahay nila. Ako naman ay naligo muna matapos ko sila asikasuhin. Dahil si ate Sky ay wala dahil pumasok ito sa trabaho. THUNDER LAVISTRE “Kung ganun sadya talaga nila tayong ginugulo upang mawala ang atensyon natin sa paghahanap kay Flame..” wika ko at tiningnan ko ang mga list ng tauhan nila. “Kaya mo ba makapasok sa kanila Jenny at Tiana?” Tanong ko sa dalawang babae. “Susubukan po namin..” sagot ni Jenny sa akin, “Kung ako ang pumasok Boss?” Tanong ni Ava na naka tayo ito malapit sa akin. Umiling ako at nag salita. “Kung gagawin ko ‘yan para na kitang hinulog sa bitag nila.” Sagot ko. “Saka kung ikaw at si Flame ang habol ni Clinton, mas delikado ka. Mas lalo may ibang plano si Flame bago ka pa bumalik alam na niya ang gagawin niya..” singit ni Vlad sa amin. Tumayo si Earl at humarap sa amin. “Sang ayon ako, knowing Flame tactics at paano ito makipag laban, hindi niya isusugal agad ang gusto ng kalaban.” Wika ni Earl. Tumango ako at hinawakan ko ang baba ko o chin, “At ikaw ‘yun Miss Ava Olivia Levesque..” tuloy ko sa sasabihin ni Earl. “Naiintindihan ko po, pero paano tayo kikilos kung si Boss Flame lang ang nakakaalam ng plano? Wala naman siyang pinag sabihan..” tanong ni Ava sa akin.. May punto ito pero alam ko ang gagawin ko. “Tama ka sa sinabi mo na walang sinabihan si Flame sa plano pero, siya mismo ang mag hahatid sa atin sa gusto niya palabasin dito..” sagot ko at tiningnan ko ang mapa kung saan posible na napunta si Flame. Ang sinabi ni Earl kanina na sinabi sa kanya ng pinag tanungan niya. Lahat ng posible na bagsakan ni Flame sa lugar kung saan nahulog si Flame wala ng ibang lugar na pwede ito mapuntahan kundi sa binabaan lang namin. Dahil halos lahat ng tinuturo ng mapa sa area ay dead-end na lahat. Ibig sabihin nasa lugar lang na iyon si Flame. “Kung sinusundan tayo ng Los Trados sa paghahanap kay Flame?” Tanong ni Damon. “Pero bakit nagtatago si Apoy sa atin?” Tanong ni Azi. “Pupusta ako na isang araw lilitaw si Flame hindi bilang kakampi kundi kalaban natin..” wika ng bagong dating na si Drake. Nilingon ko ito. “Anong ibig mong sabihin?” Sabay na tanong namin ni Storm. “Tingnan niyo ito ng maigi,” turo nito sa mapa na nakuha namin gamit ang satellite. “Kung titingnan, sinabi ng batang naka usap ni Earl kung mapupunta si Flame sa dalawang ilog na ito pero ang sabi ng barangay leader at mga tao na pinuntahan nila at napag tanungan. Matagal na itong naisara at wala ng tubig ang bumabagsak dito..” paliwanag nito. Agad nanlaki ang mata ni Vlad. “Ibig sabihin lahat ng tubig galing sa dagat na ‘yun maaaring babagsakan nito ay ang ilog sa Bario Tinago?!” Tanong din nito. Tumango si Drake at tinuro sakin ang mga daan. “Mula sa ilong may bahay doon, ‘yun ang napag tanungan ni Earl pero sinabi nilang wala doon si Flame. Pero maaari din na nagtatago si Apoy sa lugar na ‘yun, kapag nalaman ito ng Los Trados magpapadala sila ng tao at sigurado ako na nagpapakita sa kanila si Flame..” paliwanag ni Drake. Tama ako ng posibleng nangyari. “Doon na gagana ang plano ni Flame..” sabay na sagot naming tatlo ni Earl, Vlad at ako. “Kung ganun? Hahayaan na lang muna natin ang Los Trados na sila ang maka punta doon, kung tama si Drake sa pinaparating sa atin ni Flame gamit ang pag kilos niyang ito?” Tanong ni Damon. “Hindi natin pwede itigil ang paghahanap, maaari kasi kapag ginawa natin ‘yan mag taka ang kalaban. Baka lalo natin hindi makumpirma ang gusto ni Flame sabihin..” agad tumutol si Ezekiel. “Sang ayon ako, kilala natin ang mga kalaban saka kayo na nag sabi na sinusundan nila tayo..” sagot ni Storm. “Tama si Ezekiel at Storm, hindi tayo pwede tumigil ngayon kundi mababali wala ang ginawa ni Flame..” tumayo na si Demitri. Bumuntong hininga ako. “Sige pumapayag na ako, Damon ikaw naman ang mag hanap ngayon, sumama kana Ezekiel at Azi..” utos ko sa kanila. Tumango naman ang tatlo nag pasalamat naman ako kay Drake. Nanatili muna ito sa underground dahil wala naman itong ginagawa. DRAKE MONTELIVANO Napa buntong hininga na lang ako, bakit kasi hindi na lang detetsuhin para makuha agad ng mga ito ang punto ni Flame. Binura ko ang text message sakin upang walang maka basa nito. “Aalis na ako..” paalam ko at lumabas na ako ng Underground ng DCN. Bumalik na lang ako sa bahay ko upang makausap ang magulang ko. Kung buhay ang magulang ko? Oo buhay sila ng huling laban hindi na lang ako palagi umuuwi dito. Dahil puro naman away ang sasalubong sa akin dito. HINDI NAG TAGAL NAKARATING NA AKO hindi naman ito ganun kalayo sa DCN UG. Pag pasok ko pa lang bumungad agad si Kuya Dylan. “Nakakuha kami ng balita na nawawala si Flame?” Tanong nito. He use to kind noon alam ko ‘yun pero nag iba matapos ang huling sagupaan nila noon kila Flame sa maling paniniwala nila. “Oo, but knowing Flame. Hindi sya mawawala ng wala lang..” malamig kong sagot at nag tungo ako sa kwarto ko upang kumuha ng damit. Hindi na ako nakaka tagal sa bahay na ito dahil napaka bigat ng pakiramdam ko sa sarili kong pamilya. Matagal na akong mag isa kailan lang naman ako nagkaroon ng pamilya kaya para sa akin hangin nalang sila o disenyo kumbaga sa pagkatao ko. Bumaba ako ng mag salita si Dad. “Sana hindi na bumalik ang hayop na babae na ‘yan! Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sakin!” Galit na wika nito. Natawa naman ako at hinarap ang ama ko. “Bakit galit na galit ka? Diba dati ka naman din tuta ng mga Lavistre kayo ni Lolo? Anong kina gagalit mo, dahil ba sa hindi ka na nakaka lakad? Sino ba kasi may gawa at may kasalanan?” Tanong ko dito. Ngumisi ako at tumalikod na ako, nag lakad na ako palabas at sumakay ako sa sasakyan ko. Mabilis akong umalis sa lugar na ito at nag tungo ako sa Underground ng Dark Organization. THIRD PERSON POV “Patuloy niyo lang silang sundan, kapag nahanap natin si Flame hulihin niyo siya kung kailan mag panggap kayo. Gawin niyo, gusto ko makuha siya ng buhay dahil siya ang gagamitin ko laban sa mga kapatid niya..” utos ng Leader ng Los Trados. “Masusunod po boss..” sagot ng mga tauhan nito. Ngumisi naman ang binata at sumin-sim ng alak. ANDREA TINONGKO Paglabas ko ng room nakita ko agad si Ate Flame na naka abang sa gilid ng malaking puno. Pinag titingnan siya ng mga tao siguro dahil bago lang siyang nakita dito. “Sino siya Andeng? Sabi kasi sa labas ikaw daw at kuya mo ang hinihintay niya..” tanong ng kaklase kong si Marry Grace. “Kilala ko siya, sa bahay namin siya nakatira. Tingin ko nga naligaw ‘yan siya tapos na aksidente, nabagok ang ulo ayun nabura ang ala-ala niya..” pag ku-kwento ko habang pababa kami ng hagdan. “Grabe ang puti niya at ang buhok niya ang ganda tingnan bumagay sa kanya..” papuri ng kaibigan kong bakla na si John Christian. “Tara pakilala ko kayo!” Agad ko silang hinila. Nakita ko na tayo pa rin si Ate Flame at tila may sinisilip ito sa itaas ng puno. “Ate Flaaaaame!!” Malakas kong tawag dito na kina lingon nito sa akin. “Ay ang lamig niyang tumingin, tao pa ba ‘yan?!” Tano ni JC sakin. Natawa naman ako at lumapit na kami. “Mga bestfriend ko po. Si JC po bading po siya at si Grace po. Marry Grace..” pakilala ko sa mga kaibigan ko. “Hi, Flame..” pakilala nito at nakipag kamay ito pero nag taka kami, dahil hindi namin ‘yan ginagawa. “Sorry..” paghingi nito ng paumanhin. “Mukhang formal siyang tao before siya mawalan ng memory..” bulong ni JC sa akin na kina tango namin ni Grace. “Hintayin natin ang kuya mo bago tayo umuwi, may pinapabili din ang nanay mo na pagkain ng manok at kung ano ba ang tawag dito..” wika ni Ate Flame at pinakita sa akin ang piraso ng papel. “Ay okay po alam ko po ito ako na lang bibili..” sagot ko at kinuha ko ang papel na listahan bago ni Ate inabot sa akin nito ang pera. Nag tatawanan lang kami magkaibigan hanggang dumating si Kuya at lumabas na kami patungo sa maliit na palengke. “Doon kami sa inyo, wala naman pasok bukas eh!” Wika ng kaibigan kong si Grace. “Oo naman wala naman problema don..” sagot ko at si kuya naman ay nagkibit balikat lang. Nilingon ko si Ate Flame tahimik lang itong naglalakad sa likod namin. Kahit pag lalakad nito ang tahimik, ni walang ingay ang suot niyang tsinelas. Lagi din itong naka pamulsa kahit nag lalakad ito. “Siya yung kinu-kwento mo na walang kahirap hirap na tinabas lahat ng mais at kahoy niyo?” Tanong na pabulong sa akin ni JC. “Oo..” sagot ko kaya napa lingon din silang dalawa sa likod. “Ang payat niya pero nagawa niya ‘yun??” Tanong ni Grace. “Para nga siyang bihasa sa mga patalim at kahit saan kahit hindi siya madaling hingalin..” kwento ko pa. Tumango ang dalawa kahit mag lakad lang hindi ko pa siya nakitang nag reklamo na mainit at hiningal. “May patuka ng manok hindi ka ba dito bibili?” Tanong ni Ate Flame sa akin. “Hindi po ate, doon po tayo kay Uncle..” sagot ko kaya tumango ito at muling nag lakad. Narinig kong tumawa ng mahina si Grace bago mag salita. “Ang cute niya..” bulong nito na kina ngiti ko lang. HINDI NAG TAGAL NAKARATING NA KAMI habang ako bumibili. Napa lingon ako kay JC at tinuro nito si Ate Flame na.. “Anong ginagawa niya?” Tanong ko. “Pinapasok niya yung isang daliri niya sa kulungan para maabot ang kuneho..” natatawang sagot ni JC kaya natawa ako. “Magkano ito?” Tanong ni ate Flame. Agad akong lumapit dito. “May pera ka po ba?” Tanong ko dito. Tumango ito at pinakita sakin ang wallet niya. Doon ako napa nganga dahil napakaraming cold cash niya. “Magkano po ba itong rabbit? Gusto ko po sana bilhin..” tanong ni ate Flame. Paano siya nagkaroon ng pera ng hindi naman siya umaalis sa amin? At puro isang libo ang pera niya! “Ay ineng hindi yan bini-benta, pinaparami lang namin saka ibebenta..” sagot ni Uncle Ferdinand. Tumango na lang si ate at nag lakad muli ito palayo. Napa kamot ako ng ulo, “Napaka dali niya kausap..” natatawang wika ni Kuya Jun. “Tara na gutom na ako!” Aya ko at sumunod lang kami kay ate Flame. Si kuya naman Hirap na hirap buhatin ang bigas dahil sampung kilo ito. “Ako na bubuhat..” kinuha ni ate ang dalawang bayong at binuhat ito ng walang kahirap hirap. “Hindi ka po nabibigatan?” Tanong ni kuya Jun dito, umiling si Ate Flame at tumawid na kami. Saka kami bumaba ng hagdan patungo sa bahay namin. “Kainis hindi man lang siya nabibigatan doon ang bigat kaya nun!” Asik ni kuya Jun. “Hahaha natalo ka pa kuya ng babae..” natatawang pang aasar ni Grace kay kuya. Nag tawanan kami pababa. Si Ate naman ay naka baba na ito at nakita ko naman itong naka upo hanang pinapanood ang mga manok na kumakain. “Hindi ba siya palaging nagsasalita?” Tanong ni JC. Umiling ako at nag salita. “Hindi, kung nagsasalita man siya napaka ikli lang nito.” Sagot ko. Yung nangyari ng isang gabi ay naging usapan sa buong Barrio pero ngayon hindi na dahil may bago na naman na pag uusapan ang mga kapitbahay. Pero kapag nakikita nila si Ate Flame napapa-tingin sa kanya. Dahil nakilala din siya ng iba mas lalo ng talunin niya si Kuya Totong, kinakatakutan ko lang balikan siya nun basagulero din kasi ‘yun. Sabagay sa mga pinakita ni Ate Flame hindi ko alam kung matatakot pa ako na hindi niya kaya ipagtanggol ang sarili niya. - Don’t put your weapon away just because your enemy smiled..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD