CHAPTER 26

2738 Words
JUN-REY TINANGKO SINAMA KO SI Ate Flame sa school ulit namin dahil foundation day. Kaya pwede din mga outsiders, “Ayos ka lang ba ate?” Tanong ko dito. Napansin ko kasing nakatingin ito sa loob ng classroom namin. “Bakit ganyan ang upuan niyo?” Tanong nito na kina gulat ko. Bakit ngayon lang ba siya naka kita ng ganitong upuan? “Ah kasi ate luma na po ‘yan, iba po sira na rin kaya minsan nag dadala ang ibang mga student ng upuan nila..” sagot ko dito. “Hirap kayo sa gamit sa school? Hindi ba nag po-provide ang lokal na pamahalaan?” Tanong nito. Bakit marami siyang alam sa ganito, ang alam ko kapag may amnesia ang isang tao ultimo maliit na bagay nakakalimutan ng meron nito. Pero bakit sa isang katulad ni ate Flame? Parang wala naman itong amnesia? “Wala daw po kasing budget saka po iba po d’yan dino-nate lang po..” sagot ko dito. Tumango lang ito hindi na umimik, “Bakit mo po natanong?” Tanong ko ulit dito.. “Nothing..” sagot nito at tumalikod ito sa classroom namin at tinanaw ang crowed na nagsasaya ang mga estudyante din. “Anong year na kayo o grade?” Tanong ni Ate Flame. Ngumiti ako at tumabi ako dito. “Ako po Grade 10 at si Andrea po Grade 9 po..” sagot ko dito. Tumango ito, “Sama-sama ba kayo dito? Ibig kong sabihin mula elementarya hanggang Senior High?” Tanong ulit ni Ate Flame. “Opo, maliit lang naman po ang paaralan namin..” sagot ko. “Ilan kaya tingin mo ang student bawat klase? At ilang room sa bawat grade. Mukha kasi wala akong nakikitang pang umaga at pang hapon, whole day kayo tama?” Tanong nito. Ito na ata ang pinaka maraming tanong ni ate na ginawa sa loob ng limang araw na kasama namin siya. “Sa isang room po bawat grade ay may 30 student po tapos may tig-dalawang room..” sagot ko dito. Tumango ito at hindi na talaga siya ulit nag tanong. “Oy Jun! Tara laro tayo basketball!” Aya ng kaibigan ko Jonathan. “Ate sunod ka po sa court ha?” Paalam ko dito. “Okay, hanapin ko lang si Andrea..” sagot nito at tumalikod na ito agad. “Ang cool niya,” wika ng kaibigan ko. Natawa naman ako at inaya na itong mag lakad patungo sa court. “Nagtataka nga ako kasi, marami siyang tinatanong sa limang araw kasi namin na kasama siya, ilang beses lang naman siya nag tanong..” kwento ko habang nag di-dribble ng bola. “Baka kasi nahihiya siya mag tanong dahil kwento mo nga diba na nawalan siya ng memory?” Tanong nito at sagot naman sa akin. Nag kibit balikat ako bago sumagot. “Pero pinag tataka ko, simula ng dumating siya sa amin mas lalo ng hindi kinuha ng buyer namin ‘yung mais namin na inani, kinaumagahan may malaking kumpanya ang kumuha..” kwento ko. “Ano ibig mong sabihin may connection siya? Paano eh wala nga kayong natagpuan na cellphone diba, oh paano siya makakahanap ng contact saka nawalan siya ng ala-ala sin diba?” kwento naman ni Jonathan sa akin. “Doon na nga rin ako nagtataka, sabi nga ni Andrea baka daw hindi talaga siya nawalan ng ala-ala ayaw lang nito talaga ipaalam kung sino siya.” Sagot ko naman. “Masyadong maraming tinatago ang taong kasama niyo..” sagot nito habang nagkakamot ng ulo. “Saka may mga bagay kasi siyang ginagawa na ngayon ko lang nakita. Biro mo ba naman ang dami niyang sugat may tama pa siya ng bala ng baril, pero nagawa niyang mag buhat at mag ani ng mais ng mag isa ng hindi iniinda ang mga natamo niya? Saka kung nakita lang ninyo, may tattoo siyang bungo at maraming dagger at iba’t ibang klase ng baril. Ganda pero walang kahit anong nabasa ako sa marka na ‘yun..” mahabang kwento ko ulit. Umupo muna kami dahil may nag lalaro pa. “Bungo? Nakakatakot naman ‘yun.. saka mga baril? Luh? Anong klase ba siyang tao?” Tanong sa akin nito. “Meron nga kami nakitang article tungkol sa kamukha niya. Yung sikat na Mafia Boss sa Maynila? Parang siya kasi ‘yun pareho silang may pula sa buhok..” kwento ko sa kaibigan ko at kababata ko din. Nanlaki ang mata nito. “Uy delikado ‘yan huwag mo ipag sasabi ‘yan kung totoo ang sinasabi mo? Mapapahamak kayo kasi kapag nalaman ng mga tao dito tungkol d’yan. Baka sugurin kayo.” Paalala nito at bulong nito. Bago pa ako maka sagot nakita ko ang principal namin na naglalakad na may ngiti sa labi. Inabot sa kanya ang microphone. “May ibabalita ata..” wika ni Jonathan. Tumango lang ako at nakita kong parating sila ate Flame at Andrea. Tumabi sila sa amin at may inabot sa akin si ate na Mais na may butter at powdered cheese. “Salamat po..” pasasalamat ni Jonathan kasi meron din pala siya na hawak ni ate Flame. Ang kay ate Flame naman ay yung isang hawak ni Andrea. “Magandang umaga mga mag aaral, may maganda akong balita sa inyo!” Masayang panimula ng principal namin. “Ano kaya ‘yun?” Tanong ng ibang mga nasa court. Si ate Flame napansin kong umupo ito habang kumakain, kahit nakaupo lang siya naka diretso parin ang likod niya. Kaya siguro kahit babae siya may pagka lalaki din ang katawan niya pero halata naman din na maganda ang hubog ni Ate, natatago lang ito sa mga damit na suot niya. “Si Miss Flame, nag donate siya ng million of worth ng school supplies at mga upuan at mesa para sa ating maliit na paaralan. Mapapa ayos na din ang ating paaralan!” Pamamalita nito. Napa nganga ako at sabay sabay kaming tatlo nila Andrea at Jonathan napa lingon kay ate Flame. “Sino yung Flame na ‘yun?!” Tanong ng mga nasa court. “Ate?” Tawag ni Andrea dito. Tumingin ito saglit bago mag salita. “Tinatamad na ako mag bilang..” sagot nito at kumain lang ito. “Grabe worth of million ng gamit sa school? Sino kaya ‘yun?” Tanong ng isang teacher. “Nasa audience siya, halika dali kasi sobra akong masaya dahil sa ginawa mo..” wika ng principal at agad itong lumapit kay ate Flame. “Tss, sabi ko ayoko eh..” narinig kong bulong ni Ate Flame. Nang nasa harap na namin si Principal Arouello. “Halika na wag kana mahiya..” naka ngiting hila ni Principal kay ate Flame. Wala itong nagawa kundi sumama na lang. “Ako lang ba o talagang? May something dito? Saan siya kukuha ng ganun kalaking pera?!” Tanong ni Andrea.. “Hindi ko alam!” Sagot ko dito. Sino ba talaga siya? Bakit nagagawa niya ang maglabas ng ganung pera at ano ba talaga ang estado niya sa buhay?? THUNDER LAVISTRE Marahas ako napa lingon kay Mika ng sabihin nito sa amin na may kumuha ng worth of 100 million pesos sa account mismo ni Flame. Ito ang dahilan bakit kami nag puntahan ng gabi matapos ang trabaho. “Hindi ba si Blake? Si Blake at tayo lang naman may access sa account ni Flame..” tanong ni Vladimir. “Hindi po nanggaling mismo ang withdrawal kay Boss Flame po mismo. Identified po ang signature niya..” pinakita sa amin nito ang signature. “Hindi ako ang kumuha sa asawa ko ng ganyan kalaki. Saka wala naman akong pag gagamitan ng hindi alam ng asawa ko..” sagot ni Blake. Napa tingin ako sa information, “Wala din info ng location kung saan siya nag withdraw..” wika ni Damon. “Mukhang may ginagawa si Flame na ayaw niyang ipaalam sa atin..” wika ni Azi. Napa kamot na ako sa ulo ko. “Itong asawa mo Blake nakaka frustrate!” Asik ko na kina tawa nila. “Wala naman bago kay Flame kapag may gusto ‘yan gagawin talaga niya ‘yan..” tumatawa na sagot ng asawa ng kapatid ko. Napa buntong hininga ako at umiling na lang. “Ibig sabihin ligtas siya..” wika ni Demitri. Tumango ako. “Tama ka, ligtas siya ayaw lang nito mag pakita pa..” sagot ko. BLAKE SHIN DELA VEGA Napa ngiti na lang ako dahil sa ginagawa ng asawa ko. Alam ko na alam niyang aware kami sa mga ginagawa niya, pero nanatili talaga itong walang pakialam. Habang pauwi ako ng mansion para samahan ang mga anak ko at kwentuhan sila ng kanilang favorite book. Nakatanggap ako ng tawag mula sa earpiece ko. Agad kong sinagot ito. “Boss Blake! May sumusunod sa inyong assassin tingin ko mga Yakuza din sila..” wika ni Mika. “Okay ako na ang bahala,” sagot ko at nakita ko mula sa side mirror ang pag sunod ng isang motor na Honda. Big bike ito actually, kapwa naka itim ang dalawang sakay nito at ang isa naman ay nag labas ng baril. Agad kong siniguro na wala akong idadamay sa gagawin ko, lumingon ako sa likod mabuti at malayo ang isang sasakyan, kaya agad kong tinapakan ang break. “Anong gagawin mo Blake?” Tanong ni Storm sakin. “Basta..” sagot ko at agad kong inagaw ang kabilang lane doon ako pumasok at mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko. Binangga ko ang harapan ng motor ng nasa likod gamitin ang likod ng sasakyan ko. At lalo kong binilisan para hindi sila maka kawala sa akin. Nang magawa kong itulak ang dalawang mag kasama sa motor, umatras ako ng pagmamaneho, hanggang magka salubong ng likuran ng sasakyan ko ang 10 wheeler truck na patungo sa pwesto ko ngayon kaya binilisan ko pa ang pag artras, hanggang mawala na talaga sila sa control sa motor ng bitawan ko ang motor nila gamit ang likuran ng sasakyan ko. Unang nabudol ang motor nila ng parating na truck sa kaliwa ko na paahon, at ang sunod naman ay ang nasa kanang truck na may dalang semento at buhangin, mabilis ang pag bulusok nito. Na naging dahilan para madurog ang mga sumusunod sa akin. Mabilis akong kumabig papuntang kaliwa at umalis na ako sa area. “Grabe ‘yun! Brutal non! Hindi sila bubuhayin ng ginawa mo!” Wika ni Damon halata naman na may laman ang bibig nito. Ngumisi lang ako at hindi na umimik pa. DAMON VALENCIA LAVISTRE Naibuga ko ang pagkain na kinakain ko ng mag salita si Thunder. “May rumors na naging pa-walk si Britney sa France ah! Yung naging model ito doon pero hindi sumikat dahil sa pagiging kabit nito at pagiging bayaran niya..” kwento nito. “Ang baboy mo naman Damon!” Asik ni Azi sakin. “Nagulat ako eh! Saka paano mo nalaman ‘yan? Oy baka type mo ‘yun ah! Please lang baka suntukin ko mukha nun!” Sagot ko at tanong ko. Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang tissue. Sinamaan ako ng tingin nito at pinakita sa amin video na nakuha ata nila. “Yan yung news tungkol doon, kaya nag decide na lang itong bumalik sa bansa. Pero ang magulang ni Clinton still missing..” sagot ni Thunder. “Missing? Akala ko ba kasama niya?” Tanong ni Earl dito. “Yun ang pinag tataka namin,” sagot ni Storm. “Kung ganun possible kaya na kinidnap sila?” Tanong ni Demitri. “Posible..” sagot naman ni Thunder. “May nakuha po kaming information, naka tanggap si Boss Flame ng email mula kay Mrs. Clemenza na minamaltrato sila ni Britney, pero nasa apat na buwan na lumipas yung email..” kwento ni Alice at pinakita sa amin ang exact email. May mga litrato din ito, “Hindi kaya?” Wika ko at agad kong binalikan ang mga nangyari at ang pagkawala ni Flame.. “Hindi kaya guys, teka baka plano ni Flame alamin o iligtas ang mga Clemenza?” Tanong ko at tumayo ako. “Paano?” Tanong ni Vlad sa akin. “Kasi ganito, nalaman ni Flame ang ginagawa ni Britney, dahil si Britney may pagka lahing maligno. Baka tinago niya ang mga Clemenza? Diba wala sila sa bahay nila? Tapos na sa Pilipinas na sila. So asan sila??” Tanong ko sa kanila at paliwanag ko. “Malaki din ang posibilidad na hawak ni Clinton ang nanay niya para hindi maka hingi ng tulong at makapag sumbong tapos kinulong niya..”dagdag ko. “Posible ‘yan, mas lalo baka alam na rin ni Clinton na matagal ng kilala ni Mrs Clemenza si Flame at kasabwat pa sila..” pag sang ayon ni Earl sa akin. “Hmm..” narinig kong reaksyon ni Thunder, nag iisip naman ito. “Kung tama si Damon, kailangan natin alamin kung totoo na posible itong mangyari..” suhestiyon ni Vladimir kay Thunder. “Yun ay kung tama ako ha? Kasi naisip ko lang parang binigyan tayo ng mensahe ni Flame sa mga kilos niya..” wika ko na kina lingon nila sa akin. “Pansin niyo din ba?” Tanong ko sa kanila. “Oo napapansin ko, kasi sa bawat may tanong tayo naka handa na ang sagot agad. Parang tinuturo na tayo ni Flame saan tayo pupunta. Kung ayaw kasi malaman ni Flame ang ginagawa niya bakit hindi niya binura ang email na ito?” Tanong ni Azi at paliwanag. “See, sang ayon siya sakin.” Sagot ko. Tumango naman si Vlad at Thunder. “Sige pag aralan namin lahat ng sinabi niyo at ang mga nangyayari.” Wika ni Vlad kaya tumango na ako at nanahimik na lang ulit. Umupo ako at kinagat ko ang binili kong pande-regla. Bigla ako natawa sa pangalan nitong tinapay na ‘to. “Huy anong tinatawa mo d’yan? Baliw ka?!” Tanong ni Storm sakin. Nilingon ko sila. “Sinasabi ko sayo Damon! Umayos ka nababaliw kana bigla ka na lang tuma-tawa!” Asik ni Azi. “Gago ka! Natawa kasi ako sa pangalan ng tinapay na to!” Asik ko dito. “Bakit ano ba tawag?” Tanong ni Demitri sakin. Ngumiti ako ng malawak. “Pade-Regla!” Proud kong sagot na kina tawa naman ni Azi at Storm kasi alam nila ito. “Oh anong nakakatawa doon?” Tanong ni Vlad sakin. “Tang*na mo naman para kang hindi tao!” Umiiling kong sagot dito. Agad kong tumayo at kinuha ko ang tinapay ko ng babatuhin ako ni Vlad. “Ano ba kasing nakakatawa sa pangalan niyan?” Tanong na naman ni Thunder. Si Azi at Storm naman tumatawa lang. “Yung regla kasi ‘yun yung dalaw ng mga babae! Diba Mika?!” Tanong ko kay Mika at tumakbo na ako palayo sa kanila. “Gago! Napaka manyak mo! Wag kang bumalik dito ah!” Banta ni Thunder sakin. “Tawang tawa kayo?! Oo hindi talaga dito na lang ako kakain!” Sigaw ko na sagot kay Thunder. Umupo ako sa may pinto at kumain ako ng tahimik doon. Actually, kwento ko lang hindi ako nasasarapan binili ko lang siya kasi sa pangalan niya. Bitin nga palaman niya. Hindi naman umabot sa loob yung red na palaman sa loob. “Pero, dahil sayang ang pera at tinapay? Kailangan ko ito ubusin sayang..” bulong ko habang naka ngiti. Kumain ulit ako hanggang makita ko ang ilan sa tauhan namin binigay ko sa kanila ang binili ko. Marami kasi akong binili akala ko kasi masasarapan ako. Napalingon ako ng marinig kong kumakanta si Storm. “Tang*na mo! Pag bumagyo ngayon at binaha buong Maynila ikaw sasabihin ko may kagagawan! Pare, hindi maganda boses mo! Naliligaw pa yung tono mo!” Sigaw ko dito. Napuno ng tawanan ang buong underground sa sinabi ko. “Tang*na mo din! Manlalait kana lang mumurahin mo pa ako!” Sagot nito na lalong kina tawa ko. Tumayo ako at pumasok. “Kala mo kasi ganda ng boses! Mahihiya sayo yung kanta, tol..” natatawa kong sagot dito. Nakita ko nag iiyak na yung mga babae katatawa. “Ayoko na! Tama na! Hahaha!” Pagmamakaawa ni Alice na kina tawa namin. “Ang saya niya..” wika ko na lalong kina tawa nito. Natawa na rin ako kasi para siyang halimaw tumawa.. - If anyone can have it I don’t want it..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD