CHAPTER 53

2795 Words
THUNDER LAVISTRE TATLONG ARAW PA LANG LUMIPAS nakatanggap kami kahapon ng pag imbita kay Flame sa senado na kina-katakot ko. Pero kung ang kapatid ko hindi natatakot bakit ako natatakot? “Flame. Mag iingat ka umuwi ka dito ng ligtas..” paalala ko dito. Tumango lang ito at lumabas na ng mansion hindi niya hinayaan na nakikita ng mga bata mas lalo ng mga anak niya na kinukuha siya ng mga police. May ilang sundalo din na kasama. Pero ang kapatid ko nanatiling tahimik, sumakay ito sa kanyang sasakyan at isa isa na silang umalis ng hindi lumilingon kahit sa asawa man lang nito. Binilinan kami nito na maging matalas ang paningin at pakiramdam sa lahat at huwag maging kampante. Alam ko ‘yun dahil ang mga kalaban sa oras na wala si Flame sa tabi namin alam ko na ang tingin sa amin ay mahina. Pero mali sila dito.. Nilingon ko si Blake alam ko nag aalala ito sa asawa niya sino bang hindi? Kahit ako na kapatid sobra ang pag aalala ko ni hindi ako naka tulog ng maayos ilang gabi na. “Magiging maayos din ang lahat. Kaya ikaw ang mga anak niyo dagdagan mo ng security..” utos ko dito. Tumango ito hanggang dumating si Ava.. “Boss.. magandang umaga kahit alam kong walang maganda sa umaga.” Bati nito at yumuko ito. “Bakit ka nandito?” Tanong ko dito. “Ako po ang inatasan ni Boss Flame na personal na mag bantay sa kanyang asawa at mga anak pati sa ibang bata. Kasama po ang mga tauhan ko..” paliwanag nito. Tumango ako at nag lakad na ako palabas ng bahay ng mag asawa. “Huwag mo aalisin ang mata mo sa mga bata. Sundin ninyo ang utos ni Flame na mag home school muna ang mga bata dahil sigurado na madadamay talaga sila dito..” utos ko at tuluyan ko na silang iniwan. BLAKE SHIN DELA VEGA “Maraming salamat, Ava.” Pasasalamat ko sa bagong tauhan ng asawa ko. “Wala po ‘yun trabaho ko po ito.. pero boss Blake..” sagot nito at tawag nito sa akin. Tiningnan ko lang ito ng hindi ito kinikibo. “Napag alaman namin na mananatili si Boss Flame hawak siya ng mga Secret Agent. Yung ilan sa mga nakasama na ni boss..” wika nito. “Kasama dito si Agent Shantel, Freyah at ang asawa nitong si Trevor..” dagdag nito. Umiling na lang ako at inayos ko ang mesa. “Hindi naman ako nagulat tungkol d’yan, natural na kukuha sila ng tulong sa alam nilang pwede maka tapat sa asawa ko pag dating sa labanan. Hindi ito bago sa akin, takot silang maubos kaya kailangan nila ng tulong mga Agents..” sagot ko dito at nag handa ako ng plato. Nag luto pa ang asawa ko ng agahan ng mga bata ngunit ang magkapatid na Storm at Thunder ay hindi na kakain dito. Dahil may kailangan itong asikasuhin. Tumango ito at hindi na muling nag salita pa. FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA HABANG NASA DAAN KAMI PATUNGO sa mga Agent daw, sabi ng isang sundalo kanina. Napansin ko na dumadami ang escort na kasama ko. Ngumisi ako, “Praning na kayo..” bulong ko, ng kumanan ang police mobile sa harapan ko sumunod na ako. Hanggang tumigil kami sa Batasan. Pumasok kami sa loob at pinarada ko ang sasakyan ko sa gilid at bumaba na ako. “Kapkapan niyo siya..” utos ng lalaking sundalo sa kapwa nito sundalong babae. “Clear po..” sagot nito kaya pinapasok na ako nila. May sumalubong sa amin na pulis at may hawak itong posas. “Po-posasan niyo ako imbita lang ito diba at hindi arrest? Wala kayong warrant of arrest at kasong isinampa sa akin para lagyan niyo ako ng ganyan..” matapang kong wika at tanong dito. Umatras ito sa takot nilingon ko ang sundalo sa likod ko at nag salita. “Subukan niyo lumampas sa tungkulin niyo wala akong pakialam kung dumanak ang dugo niyo dito..” banta ko at nag lakad na ako habang naka pamulsa ako. “Kailangan mo mag suot ng bullet pr——” hindi nito natuloy ang sasabihin ng babaeng pulis ng salubungin ko ito ng salita ko. “Anong magagawa ng bullet proof vest kung pwede ka naman barilin na lang sa ulo ng diretso? I don’t need that mas malakas pa pakiramdam ko at reflexes ko kesa sainyo..” pang iinsulto ko at tinulak ko ang pinto at pumasok na ako sa loob. Doon ko nakita na maraming media dito at ang mga senador ay nandito pati na rin ang presidente nila. Pumasok ako sa loob at nag lakad ako dahil nakita ko ang apelyido ko bilang Lavistre.. Inatras ko ang upuan at umupo na ako. “Umpisahan niyo na..” utos ko sa mic. “Show some respect..” wika ng babae hindi ko alam kung sino ito. Ngumisi ako at sumagot. “Respect my.. ass.” Umiiling kong sagot at sumandal ako ng maayos. Komportable ako sa upuan ko kaya ayos lang kung isang oras ako uupo dito o mahigit pa. Nakita ko ang pagka pikon ng mga senador sa ginawa ko pero wala parin akong pakialam. “Okay, sana sagutin mo ng totoo ang mga tanong namin..” wika ng presidente nila dito. “Sana maniwala kayo sa sagot ko, ibig kong sabihin. May ugali kayo na kapag sinagot kayo hindi kayo naniniwala and then ipipilit niyo pa ang pinaniniwalaan niyo. So, para saan pa ang pag sagot kung hindi nito ito kayang tanggapin?” Tanong ko na kina tahimik ng mga tao sa loob. Ngumisi ako at pinatong ko ang dalawang siko ko sa arm rest at pinag siklop ko ang kamay ko. Nang tumikhim ang isa pang matabang babae na senadora nag salita na ito. “Totoo bang ikaw ay talagang si Flame Morjiana Dianna Valencia Alstreim Tindall - Lavistre? Age of 26 years old?” Tanong nito sa akin at ngumisi ako. “Oo..” maikli ko lang na sagot. Ang Tindall ay last name ng yumao kong ina at Alstreim ay sa mga lola at lolo ko na siyang magulang ni Lolo. Ganun din ang Valencia. Lahat kami ay dala ang apelyido ng bawat miyembro ng pamilya hindi lang ito na me-mention pero kasama ito sa mga birth certificate namin. “Pero naka kuha kami ng kopya ng birth certificates mo ay may mukha mo ng bata ka pa, ikaw dito diba? Naka address ito sa ibang lugar..” pinakita nila sa akin ang litrato. “Oo ako nga ito. Ang pangalan ko dito ay Flame Morjiana Dianna Kasunod ito sa pangalan ng nanay kong si Dianna. Anong punto niyo ibang tao ako?” Tanong ko sa kanila. “Oh baka gusto niyo pa ikwento ko pa paano nawala ang Dianna sa pangalan ko at ang ibang apelyido ng pamilya ko. Tingin niyo sa haba ng pangalan ko gugustuhin ko pa ilagay?” Pambabara kong tanong sa kanila. “Umayos ka! Hindi mo dapat kami bina-bastos dito!” Wika ng isang lalaki. “And so? Nakaka bobo kasi tanong niyo.. can you skip that part? Pareho lang ang pangalan ko dinagdagan lang ‘yan ng mapunta ako sa puder ng lolo ko! Ano ikwento ko pa talambuhay ko dito?” Balasubas kong tanong sa mga ito. “Anong ibig mong sabihin na napunta ka sa puder ng lolo mo?” Mahinahon na tanong ng payat na babae na mahaba ang buhok na mukhang bata pa ito. Umirap lang ako at umiling. “Okay fine, hindi ako mahilig sa mahabang paliwanagan pero pag bibigyan ko kayo..” inis kong sagot. “Bago ako maging mafia, isa lang akong ordinaryong batang babae na nakatira sa isang tagong probinsya. Dahil ito ang gusto ng yumao kong ama, dahil pinag babantaan ni lolo ang buhay ko sa tyan pa lang ako ng aking ina. Upang protektahan ako at si Mama nag desisyon sila na mag tago. Nang ipanganak ako at ‘yang hawak niyong birth certificate ko, dyan ako anak tira at pinanganak noon..” putol ko at tinuro ko pa ang papel na binigay sa akin ng babae sa likod ko. “Kaya ako napunta sa puder ng lolo ko dahil, namatay na ang magulang ko, hindi ko pa alam noon na ang mismong lolo ko ang nag utos na ipapatay sila para makuha ako. Ako ang ginawang gamit ng lolo ko para gantihan ang papa ko sa pag suway nito sa utos niya. Baka yung galit pa ng lolo ko sa papa ko ipa-kwento niyo pa? Ano huhukayin niyo na talaga ang baho ng pamilya ko? Ang baho ang trip niyo..” inis kong paliwanag. Ni isang beses ayoko na ulit maalala ang mga bagay na ‘yun dahil tapos na ito. Matagal na.. Dalawang minutong nag bulungan sila hanggang mag salita ang isang lalaking mataba. “Kung ganun nakuha na namin ang sagot na kailangan namin. Pero ito na lang para saan at bakit palagi kayong nasasangkot sa gulo at pinapatay ninyo ang mga tauhan ng gobyerno?” Seryosong tanong nito. Ngumisi ako at umayos ako ng upo at para akong batang nilagay ko ang braso ko sa mesa at tinapat ko ang mic sa bibig ko. “Good question. Simple lang dahil mafia kami, ang pakialamanan ang gawain namin ay may dalawang bagay lang kami sinusunod o pinag babasehan..” putol ko. “Una..” nag sign pa ako ng isang daliri. “Kapag alam namin na wala kayong laban sa amin, hindi namin kayo papatayin at idadamay sa gulong nilikha namin o nilikha ng kaaway namin..” “Pangalawa..” inulit ko lang ang ginawa ko kanina sa daliri ko. “Kapag nag matigas kayo at kayo pa mismo ang nag umpisa..” tiningnan ko sila ng malamig. “Tatapusin ko kayong lahat wala akong ititira kahit isa..” matapang kong sagot at sumandal ako ulit. Napa hikab pa ako dahil ang lakas ng aircon at nilalamig ako dahil rin sa aircon inaantok ako. Katahimikan na naman ang namumutawi sa buong paligid na kina ngisi ko lang. “Sino-sino ang mga kasamahan mo sa gawaing ito? Alam mo na labag sa batas ang pagpatay hindi ba?” tanong ng babae. “Bakit ko sasabihin kung sino sila? Wala kayong pakialam sa gawain ng mafia dahil hindi namin kayo pinakikialamanan kahit alam namin ang ginagawa ng iba sa inyo dito..” balik kong tanong dito. “Oo sa batas niyo at sa batas ng d’yos niyo hindi tama ang pumatay. Pero hindi sa batas namin? Alam niyo na ang sagot..” dagdag kong sagot. “Alam mo na pwede ka makulong sa mga ginagawa mo hindi ba? Mas lalo sa pag patay ninyo na kung minsan ay mala m******e pa..” tanong nito. Ngumisi ako at lumapit ako sa mic. “So? Wala akong pakialam doon, dahil kung ikukulong ninyo ang ilan sa amin make sure na wala kaming kasama at paki tibayan ang bawat kanto ng kulungan. Sa daling sirain hindi kami tatagal ng isang oras sa loob baka malaman niyo nasa labas kami ulit..” naka ngisi kong pang iinsulto dito. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong nito. “Nakaka bastos na ang babaeng ito! Ano tingin mo dito laro patawa tawa ka pa at pangisi-ngisi?!” Galit na tanong ng lalaki may salamin sa mata. Tinapunan ko ito ng malamig na tingin at inalis ko ang ngisi sa labi ko. “Bakit nag lalaro ba tayo? Hindi naman diba? Nag tanong kayo sumagot ako, ito naman ang kailangan niyo kaya tayo nandito diba?” Tanong ko sa kanila. “Tapusin niyo na itong tanungan na ito, dahil nakaka boring umupo lang dito. Busy akong tao marami akong trabaho..” utos ko sa kanila. “Ano pa?” Tanong ko sa kanila. “Ikaw ba ang pumatay sa dating pangulo? Pinakulong ka niya at pinarada sa Maynila hindi ba?” Tanong ng isa pang naka salamin na babae. “Nope, hindi ako ang pumatay sa kanya, isa sa leader ng organization ang pumatay sa kanya. Tatlo ang hawak kong organization ako ang leader ng isa na siyang kilala niyo, at ang dalawa naman ay may kanya kanya ng leader isa sa dalawang ‘yun..” paliwanag kong sagot. Nagulat pa ako ng may pumalo sa mesa at sinugod ako ng bise presidente. Bago pa ito maka lapit mabilis kong binunot ang baril ng guwardyang pulis at tinutok ko sa mukha nito nanatili parin akong naka upo at hindi man lang tumatayo. “Subukan mo o ng kahit sino sainyo ang lumapit sa akin hindi ako magdadalawang isip na ubusin kayo dito..” malamig kong banta dito. Nakita ko na nag atrasan ang mga bantay kahit ang mga katabi ko ay tumayo at lumayo sa akin. “Kung gusto ninyo ako kausapin, papayag ako pero kung ganito ang gagawin niyo sa akin na may gipitan? Mag isip kayo dahil kaya kong tumapos ng higit isang libong buhay ng mag isa lang ako..” muli kong pag babanta. Binaba ko ang kamay ko at pinag kakalas ko ang baril na hawak ko saka ko ito hinagis sa sahig hindi ko kailangan tumayo, napaka lapit lang naman sakin ng taong ito pati ang armas na nakuha ko.. “Mamatay tao! Dapat sayo ibitay! Walang puso!” Sigaw ng bise presidente. Ngumisi ako. “Wala kang ibang dapat sisihin kundi ang nakaka bata mong kapatid na dating pangulo. Stepsister ka niya diba? Malayong kapatid ka niya sa ibang babae tama ba? Tingin mo hindi kita makukuhaan ng information? Ito ang trabaho ng organization ang hukayin ang info ng bawat tao na kakalaban sa amin, and we will use that information kahit pa gaano ka pribado! Ang pasukin at pakialamanan ang gawain namin ay isang malaking kahangalan para sa iba, dahil kapag nalaman namin ‘yan ako na ang magsasabi, kahit patay na huhukayin parin namin ito..” mahabang paliwanag ko dito na kina tahimik nito. “Isa pa pala, hindi naman totoong pinsan mo ang dating pangulo tulad ng pinalabas mo…” wika ko at tinapunan ko ito ng malamig na tingin. Lumayo na ito sa akin at sa mga pumipigil dito. Nakatingin lang ako ng diretso dito. “Siya ang sisihin mo, binigyan ko siya ng maraming babala na huwag makisali sa amin, pero pilit pa rin siyang sumasali..” sagot ko dito. “Hindi ko kasalanan na ang ilan sa mga tauhan at leader ng organization ko ay pinatay na siya sa pikon sa kanya. Hindi ko madidiktahan ang gusto nila,” huling sagot ko at tumayo na ako. “Bukas na natin ituloy ito, sana wala ang pang gulo na ‘yan..” tinuro ko ang bise presidente. Palakad na ako ng may naalala ako. “Oo nga pala, para sa inyong lahat? Iwasan niyo na mag tanong ng may kinalaman sa personal na buhay ko at sa pamilya ko mas lalo na kung hindi naman kasama sa usapan dahil baka mailabas ko ang bawat baho ng bawat isa sa inyo..” pagbibigay ko ng huling babala bago ako eskorta palabas ng kwartong ito. “Kami ang kukuha sayo para ikulong ka muna sa agency..” wika ni Agent Freyah. May connection naman ako sa kanya pero bilang inaanak nila ng kanyang asawa ang kambal kong anak. “Okay..” sagot ko at sumunod na lang ako sa kanila. Sumakay pa rin ako sa sasakyan ko at kinabit ko sa tainga ko ang transparent and clear earpiece ko. Hindi ito nadedetect ng kahit ano. “Patuloy lang kayo mag bigay ng info sa akin..” utos ko kina Mika. “Opo boss..” sagot nito sa akin. HINDI NAG TAGAL PUMASOK KAMI sa isang headquarters ng malaking building ito. Bumaba ako at hawak ko ang folder na kailangan ko hindi ko ito dala kanin nasa loob ito ng sasakyan ko. Sumama ako hanggang sa loob nila at doon ko nakita ang ibang klaseng gamit. “Gusto ka muna itest kung gaano kalakas ang katawan mo at kamao pati ang suntok mo..” utos ni Agent Shantel sakin. Tumango ako ng tahimik at binaba ko ang hawak ko. Tinimbang muna ako doon. Hindi ko nakikita ito sila sila lang ang nakaka basa ng timbang ko, hanggang inutusan nila ako suntukin ang bilog na may kasamang glass at metal na suporta. Magaan lang na suntok ang ginawa ko, kaso doon sila nag ka-problema dahil nabasag at umuusok na ang bagay na ito hindi ko alam kung ano ito, bago ito sa paningin ko. “Kung ako sa inyo huwag na..” sagot ko at kinuha ko ang jacket ko na pinang takip ko sa folder. - I don’t take orders from anyone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD